Umismid si Elliot nang makitang nilalasap ni Ranier ang kape. Nawala ito sa saril habang abala siya sa pag-uusap tungkol sa proposal nito na mag-open ng bagong resort sa Palawan at isang theme park sa Bohol.He felt disgusted. Mukhang manyak kasi ito habang umiinom. Naalala niyang si Rose ang nagtimpla non.Hinapas niya ang hawak na papel sa lamesa. Naiirita siyang niluwagan ang necktie."Dude, sino ang nagtimpla ng kape mo? Parang pamilyar,"tanong ni Ranier sa namamanghan eskpresyon."Syempre si Rose. Ang secretary ko! Bakit may balak ka bang agawin siya akin?"sabi niya sa naniningkit na mga mata.Nakakunot noo itong tinaas ang dalawang kamay. "Hindi ako magkakainteres sa taong hindi ko kilala. Nagtatanong lang kung sino ang nagtimpla. Pamilyar kasi parang timpla ng fiance ko,"paliwanag nito."Oo nga pala, hindi mo pa pinapakilala ang fiance mo. Halos isang taon na kayo diba?"singit ni Sirius. Nalalayo na ata sila sa usapang business nila. Ngunit nagka-interesado siya. Na-curious s
Huminga ng maluwag si Rosette nang mapadpad sa harap ng convenience store. Muntikan na siyang mahuli ni Ranier. Mabuti gumana ang instict niya at binalalaan siyang h'wag tumawid sa danger zone. Gaya ng dati, napaka-unpredictable ng fiance niya. Susulpot ito na walang sinasabi. Sinulyapan niya ang cellphone. Mag-aalas sais na. Hindi niya namalayan na matagal niyang inikot ang ciudad. Kasi lahat ng mall na nakatirik dito ay napuntahan na niya yata. Nagkasalungat ang kilay niya na binalik ang tingin sa pangalan ng store. Tumunog bigla ang tyan niya. Nagwawala na ang mga alaga niya sa kanyang bituka. Sa sobrang takot niya kanina'y hindi siya nakakain ng lunch. Siguro naman, oras na para i-treat niya ang sarili. Kinibot niya ang labi at malumanay na pumasok sa convenience store. Ginala niya ang paningin. Mabuti may paninda silang meryenda na pwede pang lunch plus pang-dinner pa. Kumuha agad siya ng sandwich, noodles, at salad. At may vanilla ice cream pa na pang dessert niya. Umupo siya
"Sorry,"bulong ni Elliot habang nilipat sa ibang direksyon ang tingin niya. He just trying to mask his embarassment.Hindi niya maiwasang mapahiya sa inasal niya matapos makita ang nagdurugong hintuturo ni Rosè. Awtomatiko niya yong sinipsip. Nang matauhan ay binitawan niya kaagad ito. Napansin niyang namula ang pisngi ng dalaga. Bumayo ang puso niya na wala sa oras.Tumakbo sa gripo si Rosè para hugasan ang daliri. Nataranta siyang hinalughog ang mga drawer para kumuha ng band aid. Nagkatagpo silang dalawa ng bumalik sila sa dating pwesto. Hindi nila maiwasang magtagpo ang kanilang mga mata. Naghari ang katahimikan ng ilang sandali. Narinig niya ang malakas na tibok ng puso niya o malamang ng puso nito. Sa sobrang lakas hindi niya alam kung kanino.Ngayon niya lamang napansin ang kagandahang taglay ng sekretarya niya. Mayroon itong nakakaakit na caramel brown at maalon na buhok. Mapupungay na mga mata at mahabang pilik mata. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na sumakto lang sa oval
Nagbuga ng hangin si Rosette habang nasa dibdib niya ang isang kamay. Nakalimutan niyang huminga ng sandaling 'yon. Naimbyerna siya sa ina ni Elliot. Grabe! Tila evil stepmother ni Cinderella kung umaasta. Wala naman siyang ginagawa ng masama pero kung makatitig sa kanya ay para siyang kakainin ng buhay. Gayunpaman, pamilyar sa kanya ang mukha ng bruha. Parang nakita niya ito sa isang event na pinuntahan niya noon kasama ang ama niya. Di maaari, paano kung makilala siya nito? No! Kailangan niyang magdasal na walang makakilala sa kanya. Taong bahay siya at opisina lang ang palagi niyang pinupuntahan maliban kung may mga party na ini-invite siya. Narinig niya ang pagbayo ng dibdib niya. Kinakabahan siya sa di malamang dahilan. Nandito siya para akitin si Elliot para sa kaligtasan ng kompanya niya. Hindi siya pwedeng matakot. Nagsisimula pa lang siya at hindi siya pwedeng mabagsak. She should only care about her mission, nothing else. Saka nauubusan na siya ng oras. Bumalik siya
Maingay ang yapak ni Elliot nang pumasok siya sa grand hall ng kanilang mansyon. Ang bahay na kinalakihan niya. Naamoy niya kaagad ang mabango at masarap na pagkain mula sa kusina. Pinagagaan nito ang tensiyon sa loob niya. Ayaw niya sanang dumalo sa buwanan nilang hapunan kaso napilitan siya nang pumunta ang ina niya kanina sa opisina. Nang pumasok siya sa dining room, inangat agad ni Edmund ang ulo. Ang tatay niyang hindi mabasa ang ekspresyon gaya ng dati. Nakaupo ito sa uluhan ng lamesa. Nasa kanan nito ang ina niya Magarbo ang suot nitong bestida. Katabi nito ang kapatid niyang babae na si Euphemia na nasa cellphone ang atensyon sa harap nito ang kakambal na si Efraime na nababagot. Iniwanan ng mga ito ang dalawang bakanteng pwesto malapit sa ama niya. Umupo siya at kinuha ang table napkin na parang walang nakita. Tumikhim ang ina niya. Napansin nito na hindi niya sinama si Juliette. Sumingkit ang mga mata ni Margaery. Kumislap ang ilang strand ng buhok nito mula sa liwanag
Bumagsak ang panga ni Rosette nang maabutan niya ang boss na dinudumog si Johannes. Lasing na lasing si Elliot, halos nakasandal na sa kaibigan nito na mukhang matutumba sa bigat. Tumatawa ito na tila sira ulo, winawagayway nito ang mga kamay habang sinusubukang yakapin si Johannes at tinangka pang hahalikan ito. Tinutulak ito ni Johannes pero hindi makawala sa kanyang mapanganib na kilos hanggang nagtagumpay itong halikan sa pisngi."Sir Elliot!"nanlalaking mga mata niyang tawag habang nagmamadaling lumapit sa mga 'to. Inawat niya agad ang boses kahit hindi siyan nito pinansin.Pumiglas ito kaya nabitawan niya at halos mapaupo siya sa couch. Bumalik ito kay Johannes. Nagtangkang halikan ulit ito. Parang nalulunod sa kumunoy ang kaibigan nito, namumula ang mukha at pawisan, pilit iniiwasan ito. Hindi magawang tignan siya sa mata ng lalaking kausap niya kanina sa coffee shop sa sobrang embarassment nito.Ito ang unang beses na nakakita siya ng lasing na humahalik sa kung sinong madiski
Magulo ang isip ngayon ni Elliot habang nakaupo siya sa kanyang makintab na working desk. Maaliwalas ang panahon na nagbibigay liwanag sa kanyang opisina ngunit hindi kasim liwanag ng kanyang isipan. Pilit niyang ina-absorb ang nangyari sa kanya kagabi habang tulalang nakatitig sa nakakalat na papel sa harap niya.Hindi mawala sa isip niya ang mayuming ganda ni Rose Mendoza. Bigla siyang naadik nang inoserbahan niya ang mukha nito habang natutulog. Sinapo niya ang ulo. Umungol siya sa inis na binaling ang atensyon sa bintana. Pinakalma niya ang sarili.Urgh! Bakit wala siyang maalala kagabi? Nahihiya pa siyang harapin si Johannes. Siguradong tutudyuin siya nito sa pinangagawa niya kagabi. Kaya iniiwasan niyang uminom ng sobrang alak. Lalabas ang pagiging manyak niya. Hindi rin siya sigurado kung hindi niya pinagsamantalahan si Rose kagabi.Ginulo siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya agad sa bulsa. Sumalpok ang kilay niya nang mabasa ang pangalan ng nanay niya sa
"How to solve your master's problem," malakas na basa ni Rosette nang ma-curious sa titlo ng libro na dinanan niya. Nasa mall siya ngayon. Tutal day-off niya. Gagala muna siya sandali at magpalamig. Namiss niya ang pagmo-mold ng mga paso. Kapag wala siyang trabaho ay tutungo siya sa likod ng bahay nila para humulma ng ilang paso. Kapag matapos na itong misyon. Gagawin niya muli 'yon. Binuklat niya ang libro matapos basahin ang teaser. Binasa niya ang ilang lines. Tumaas ang kilay niya na nagkataong rated-18 yong eksena. Mabilis niyang sinara ang libro at binalik sa bookselves. Masyado siyang inosente sa mga ganoon bagay. Kahit na 25 years old na siya, never pa siyang nagka-boyfriend. Saka ang ganoon bagay ay ginagawa lang matapos ng kasal. Maka-tradisyonal pa kasi siya hindi gaya ng mga kabataan ngayon mahilig sa adventures. Tinungo niya ang jewellery shop. Na-miss niyang bumili ng bagong alahas. Kung hindi lang nalulugi ang kompanya ng tatay niya, malamang buwanan siyang bib