Nagbuga ng hangin si Rosette habang nasa dibdib niya ang isang kamay. Nakalimutan niyang huminga ng sandaling 'yon. Naimbyerna siya sa ina ni Elliot. Grabe! Tila evil stepmother ni Cinderella kung umaasta. Wala naman siyang ginagawa ng masama pero kung makatitig sa kanya ay para siyang kakainin ng buhay. Gayunpaman, pamilyar sa kanya ang mukha ng bruha. Parang nakita niya ito sa isang event na pinuntahan niya noon kasama ang ama niya. Di maaari, paano kung makilala siya nito? No! Kailangan niyang magdasal na walang makakilala sa kanya. Taong bahay siya at opisina lang ang palagi niyang pinupuntahan maliban kung may mga party na ini-invite siya. Narinig niya ang pagbayo ng dibdib niya. Kinakabahan siya sa di malamang dahilan. Nandito siya para akitin si Elliot para sa kaligtasan ng kompanya niya. Hindi siya pwedeng matakot. Nagsisimula pa lang siya at hindi siya pwedeng mabagsak. She should only care about her mission, nothing else. Saka nauubusan na siya ng oras. Bumalik siya
Maingay ang yapak ni Elliot nang pumasok siya sa grand hall ng kanilang mansyon. Ang bahay na kinalakihan niya. Naamoy niya kaagad ang mabango at masarap na pagkain mula sa kusina. Pinagagaan nito ang tensiyon sa loob niya. Ayaw niya sanang dumalo sa buwanan nilang hapunan kaso napilitan siya nang pumunta ang ina niya kanina sa opisina. Nang pumasok siya sa dining room, inangat agad ni Edmund ang ulo. Ang tatay niyang hindi mabasa ang ekspresyon gaya ng dati. Nakaupo ito sa uluhan ng lamesa. Nasa kanan nito ang ina niya Magarbo ang suot nitong bestida. Katabi nito ang kapatid niyang babae na si Euphemia na nasa cellphone ang atensyon sa harap nito ang kakambal na si Efraime na nababagot. Iniwanan ng mga ito ang dalawang bakanteng pwesto malapit sa ama niya. Umupo siya at kinuha ang table napkin na parang walang nakita. Tumikhim ang ina niya. Napansin nito na hindi niya sinama si Juliette. Sumingkit ang mga mata ni Margaery. Kumislap ang ilang strand ng buhok nito mula sa liwanag
Bumagsak ang panga ni Rosette nang maabutan niya ang boss na dinudumog si Johannes. Lasing na lasing si Elliot, halos nakasandal na sa kaibigan nito na mukhang matutumba sa bigat. Tumatawa ito na tila sira ulo, winawagayway nito ang mga kamay habang sinusubukang yakapin si Johannes at tinangka pang hahalikan ito. Tinutulak ito ni Johannes pero hindi makawala sa kanyang mapanganib na kilos hanggang nagtagumpay itong halikan sa pisngi."Sir Elliot!"nanlalaking mga mata niyang tawag habang nagmamadaling lumapit sa mga 'to. Inawat niya agad ang boses kahit hindi siyan nito pinansin.Pumiglas ito kaya nabitawan niya at halos mapaupo siya sa couch. Bumalik ito kay Johannes. Nagtangkang halikan ulit ito. Parang nalulunod sa kumunoy ang kaibigan nito, namumula ang mukha at pawisan, pilit iniiwasan ito. Hindi magawang tignan siya sa mata ng lalaking kausap niya kanina sa coffee shop sa sobrang embarassment nito.Ito ang unang beses na nakakita siya ng lasing na humahalik sa kung sinong madiski
Magulo ang isip ngayon ni Elliot habang nakaupo siya sa kanyang makintab na working desk. Maaliwalas ang panahon na nagbibigay liwanag sa kanyang opisina ngunit hindi kasim liwanag ng kanyang isipan. Pilit niyang ina-absorb ang nangyari sa kanya kagabi habang tulalang nakatitig sa nakakalat na papel sa harap niya.Hindi mawala sa isip niya ang mayuming ganda ni Rose Mendoza. Bigla siyang naadik nang inoserbahan niya ang mukha nito habang natutulog. Sinapo niya ang ulo. Umungol siya sa inis na binaling ang atensyon sa bintana. Pinakalma niya ang sarili.Urgh! Bakit wala siyang maalala kagabi? Nahihiya pa siyang harapin si Johannes. Siguradong tutudyuin siya nito sa pinangagawa niya kagabi. Kaya iniiwasan niyang uminom ng sobrang alak. Lalabas ang pagiging manyak niya. Hindi rin siya sigurado kung hindi niya pinagsamantalahan si Rose kagabi.Ginulo siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya agad sa bulsa. Sumalpok ang kilay niya nang mabasa ang pangalan ng nanay niya sa
"How to solve your master's problem," malakas na basa ni Rosette nang ma-curious sa titlo ng libro na dinanan niya. Nasa mall siya ngayon. Tutal day-off niya. Gagala muna siya sandali at magpalamig. Namiss niya ang pagmo-mold ng mga paso. Kapag wala siyang trabaho ay tutungo siya sa likod ng bahay nila para humulma ng ilang paso. Kapag matapos na itong misyon. Gagawin niya muli 'yon. Binuklat niya ang libro matapos basahin ang teaser. Binasa niya ang ilang lines. Tumaas ang kilay niya na nagkataong rated-18 yong eksena. Mabilis niyang sinara ang libro at binalik sa bookselves. Masyado siyang inosente sa mga ganoon bagay. Kahit na 25 years old na siya, never pa siyang nagka-boyfriend. Saka ang ganoon bagay ay ginagawa lang matapos ng kasal. Maka-tradisyonal pa kasi siya hindi gaya ng mga kabataan ngayon mahilig sa adventures. Tinungo niya ang jewellery shop. Na-miss niyang bumili ng bagong alahas. Kung hindi lang nalulugi ang kompanya ng tatay niya, malamang buwanan siyang bib
"Come on,"sabi ni Elliot sa mahin pero mapanuksong boses. "I need a favor from you today." Kinaladkad niya patungo sa department store ang sekretarya niyang si Rose. Nagkataong ginulo siya nito sa pagbabasa ng newspaper. Kahit na may pagdududa siya. Hinayaan niya ang sarili na huwag nang mahimasok sa buhay nito. Ang mahalaga ang pagiging professional nito. Mahigpit niyang hinahawakan ang kamay nito. Kumislot ang dalaga kaya nabalik siya sa hwesyo. Nilingon niya ito. Nakapaskil sa mukha nito ang pagkalito. "This is your favor to me,"aniya na pinipigilan ang ngiti nang huminto sila sa harap ng kanilang destinasyon. Saka nilibot ang paningin sa naka-display na mga damit. Namilog ang mga mata nito."po?"tanong nito. Binitawan niya ang kamay nito. "I need you to help me pick out a suit for the company gala,"kaswal niyang paliwanag, sinalubong niyang maitim niyang mga mata sa mga mata nito. Tumango kaagad ito. Tinutop pa ang dibdib. Nahahalata niyang kinaabahan ito bagama't pinanatil
Nakaupo si kama si Rosette. Nagugulumihan. Hawak niya ang kanyang cellphone at kanina pang gustong tawagan ang kanyang fiance. Kakauwi niya lamang mula sa mall. Salamat kay Elliot, ang boss niyang kuripot pero gentleman naman. Binilhan na nga siya ng bagong damit, may palibreng sakay pa siya.Malaki ang problema niya ngayon. Hindi niya magawa-gawang tuldukan ang naguguluhan niyang feelings para sa boss niya. Ano 'to? Bakit siya humihina sa tuwing magsalubong ang kanilang mga mata. Minsan parang nabibitin siya kapag tinatapos agad nito ang pag-uusap nila. Bigla-bigla niya itong nami-miss. Pinapaniginipan niya palagi. Bulong niya palagi ang pangalan nito. Tuwing maririnig niya naman ay para siyang matatalon sa kilig. Hoy! Umiinit naman itong pisngi niya. Kumakabog ng malakas ang puso niya. Nangigil siya. Gusto niya palaging kasama si Elliot. Para siyang maloloka. "Bumalik ka nga sa katinuan,Rosette!"binatukan niya ang sarili. "Misyon mong paibigin at sakat si Elliot. Hindi ang main-lo
Tumatagos ang malalambot na liwanag ng papalubog na araw sa malalaking bintana ng penthouse ni Elliot. Nagbibigay iyon ng mainit na kulay sa modyernong kasangkapan. Katatapos lang niya maligo, lumabas siya sa shower room na umuusbong pa ang usok. At ilang sandali rin nanatili sa ere. Sinabit niya ang puting tuwalya sa kanyang beywang. Amoy niya ang sariling pabango na humahalo sa bagong lagay na aftershave. Lumilipad ang kanyang isipan habang pinupunasan ang tubig na tumutulo sa kanyang basang buhok.Humakbang siya palapit sa walk-in closet. Natigilan siya. Muling sumagi sa kanyang isipan ang matamis na ngiti ni Rosè. Kahit na pumikit siya'y nakikita pa rin ito. Nanginginig ang puso niya sa bawat eksenang kasama ito. Aakma siya kukunin ang damit niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Binasag nito ang tahimik niyang mundo.Nakasalpok ang kilay niyang kinuha 'yon sa mesita. Naka-flash ang pangalan ni Juliette."Juliette, "sagot niya na may kaunting kuriosidad. "Elliot, I didn't int
Kinabukasan, tahimik siyang naglalakad patungong hospital room ng kanyang asawa. Naghahabulan ang kanyang pulso sa magkahalong sa saya at kaba. Hindi pa rin makapaniwala na isa na siyang ama. Ang CEO ng Mallary Group of Companies ay isa ng ama. Sa edad na bente-otso ay may kambal na siyang anak. "Elliot,"nakangiting bungad sa kanya ni Rosette nang pumasok siya sa silid nito. Nakaupo ito sa kama. Bagama't mabibigat pa rin ang mga mata sa kahaba-haba ng panganganak nito, naging maliwanag iyon nang makita siya. "You did it,"tugon niya. Nanakit ang lalamunan niy, sumikip ang dibdib niya at di niya namalayang dumadaloy na ang kanyang mga luha. Inabot ni Rosette ang dalawang kamay para salubungin siya ng yakap. "Come here,"anang nito. Dali-dali niyang nilapitan ito. Mainit na niyakap at h******n sa noo. "I can't believe you did." "No,we did it!"giit nito. Naupo siya sa tabi nito, ginagap ang kamay at ilang beses na hinalikan. "Hindi talaga ako makapaniwala na nandito sila kasama natin
"Elliot, I think..."Bumalikwas si Elliot nang maramdaman niya ang malamig at nanginginig na kamay ng asawa. Mabibigat ang kanyang talukap habang minumulat ang mga mata. Ano'ng oras na ba? Madilim pa sa labas. Parang may bato na nakapatong sa ulo niya sa sobrang bigat."I-I thinks it's time. Manganganak na ko,Elliot!"halinghing nito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinuklaban siya ng panic. "What? Now?" Tumatakbo ang isip niya habang sinasabi 'yon. Mas nataranta siya sa asawa.Dali-dali siyang bumangon at binaba ang tingin sa kama,basang-basa ang kumot nila. Pumutok na pala ang palatubigan nito.Tumango ito, nanliit ang mga mata nang tinamaan ulit ng "Kita mo sumabog na ang palatubigan ko! Bilisan mo, ahh! Hindi ko na kaya!""Oh God,Rosette!"dagli niya. Mabilis pa sa kidlat na tumalon sa kama na halos bumalentong pa. Nawala sa isang iglap ang kanyang antok. Mabilis niyang kinuha ang bag na mag-iisang linggo na nilang hinda kung sakaling darating ang araw na 'to. Nanginginig ang
Maaliwalas ang panahon nang dumating si Elliot kasama ang kanyang asawa sa public cemetery ng Batangas—ang bayan nito. Nandito sila upang dalawin ang puntod ng Mama nito. Hindi nila nagawa kaagad noon pagkatapos ng kasal dahil tinambakan sila ng maraming gawain. Ngayon na nakahinga, pumunta kaagad sila rito bago pa may kumulit sa kanila. Tahamik silang nakatindig sa harap ng marmol na puntod ni Hazel Valentino. Maaga pala itong lumisan. 44 years old. Sampung taon pa lamang si Rosette. Nagkaroon ito ng luekemia matapo nitong ipanganak si Rosario.Humihip ang sariwang hangin sa hapong ito na naghahatid ng kapayapaan sa kanilang damdamin. Hawak-hawak niya ang isang tangkay ng puting lilies—binanggit ni Rosette na paborito ito ng ina. Marahan siyang lumuhod para ilapag ang bulaklak sa harap ng puntod nito. Nalanghap niya ang halimuyak nitong dala.Nasa kanyang likuran si Rosette. Hinimas-himas nito ang malaking tyan na ngayon pitong buwan nang buntis. Masakit sa loob niyang makita itong
Tila huminto ang pintig ng puso ni Elliot nang makitang natutumba ang asawa."Rose!"Tawag niya. Sa sobrang panic niya hindi niya namalayan na lumukso siya papunta rito at mabuti mabilis niyang nasalo. Ang masayang pagkikwentuhan ng lahat ay nahinto matapos masaksihan ang nangyari.Putlang-putla at walang malay si Rosette na humantong sa kanyang mga braso. Malakas ang tibok ng puso niya ng buhatin ito at tinakbo sa kotse. Binalewala ang mga sigawan ng mga tao sa likod nila. Hindi niya ito pwedeng mawala Sumama sa kanila sina Magnus at Juliette.Nakasiklop ang mga kamay niya na nakatukod sa kama ni Rosette. Nagdadarasal na sana walang nangyaring masama sa asawa. Sinisi niya ang sarili sa pagiging mabait dito kahit alam niyang inaabuso nito ang katawan sa tambak na trabaho."Bae,"bulong ni Rose sa paos na boses. Hinipo nito ang pisngi niya.Nabunutan siya nang tinik nang magising ito. Mamasa-masa ang kanyang mga mata nang ginagapp nito ang mga kamay. Yumukod siya para idampi ang mga la
"So, ano'ng nangyari sa inyo ni Auguste?"Naalimpungatan si Rosette nang marinig ang malamanyang boses na puno ng intriga ni Juliette. Nasa potluck party sila ni Priscilla. Nagtipon-tipon lahat ng kabarkada ni Elliot kasama ang mga asawa't girlfriend ng mga ito. Masaya siyang nalaman na may girlfriend na si Ranier kaso hindi nito dinala. Nakatulog siya sa gitna ng pagtsitsimisan nila. Gaya ng grupo ng asawa na nasa isang tabi at nag-iinuman, meron din siyang grupo. Lahat ng babae ay nasa iisang grupo rin. Nagpa-potluck party si Priscilla dahil engage na ito kay Auguste. Bilang pasasalamat na rin sa kanila. Aso't pusa ang dalawa noon kaya hindi niya inaasahan na maging endgame mga nito ang isa't isa.Humikab siya sabay kusot ng mga mata. Nawala siya sa konsentrayson sa pag-uusap ng dalawa. Nakatingin sa kanya si Ariadne—ang artistang fiance ni Siruis na down to earth at alagang-alaga siya. "Are you alright,Rosette? Napapansin ko kanina ka pa pagod o baka may lagnat ka?" Puna ng pag
"Elliot,"humihingal na pangdidisturbo ni Rosette sa asawa. Simula nang dumating sila ng mansion, hindi na sila huminto sa paghahalikan na nauwi sa pag-init ng kanilang katawan. Humantong sila sa sahig ng sala. Dinungisan agad nila ang makintab na marble floors. Hindi makapaghintay si Elliot na magkaanak kaya hayun, naka-five rounds na sila. Hapding-hapdi na ang hita niya. Nagugutom na rin siya. Malay niyang gagawin siyang agahan at tanghalian nito. Natanaw niya mula sa bintanang salamin ang pagkulimlim ng panahon.Tinulak niya ang pawisang dibdib ng asawa nang di mapaawat sa paghalik sa pisngi niya. Kumaibabaw ito sa kanya, mahigpit na hinahawakan ang dalawang kamay niya at pareho silang habulan ng hininga."Elliot Jan Mallary, bilisan mo. Nagugutom na 'ko,"inosente niyang reklamo. Napaliyad siya nang binaon nito ang alaga sa ibaba niya.Nakakaloko itong ngumiti. "Spread your legs well, so I'll grant your wish,"masuyo nitong bulong sa tainga niya bago nito kinagat-kagat at ilang beses
Tinutop ni Rosette ang kanang kamay sa dibdib. Nakanganga siya. Ninerbyos habang pinagmamasdan ang mala-kristal na pinaghalong asul at verdeng karagatan sa ibaba. Malinaw na alam ni Elliot na takot siya sa hieghts pero dinadala pa rin siya. Sa halip na mapapakalma siya ng makapigil hininga na view lalo siyang sinuklaban ng takot.Sa muli, nasa Palawan sila matapos ang anim na buwan na kinasal sila ni Elliot. Lulan siya ngayon ng helicopter.Sinipat niya ang asawa, seryoso itong ginigiya ang sinasakyan nila. Kumapit siya sa armrest, namumutla na ang kamao. Napinuno ng ingay ng elisi ng helicopter ang tainga niya at nagwawala sa kaba ang kanyang puso."Gaya ng sinabi ko noon,dapat ka'ng masanay sa ganito,"tukso ng asawa."Ang dali naman sabihin,bae. Pero ipagtatapat ko ang totoo, takot ako sa matataas lalo na sa helicopter. Wala ba'ng ibang means of transportation para marating ang islang iyon?"maagap niyang reklamo. Nangingisay siya sa nerbyos.Bumungisngis ito. Na-amuse pa sa reaksyon
Panay ang paghinga ng malalim ni Elliot. Kinukurap ang namamasa pa ring mga mata. Hindi siya makapaniwala—as if he is still living on his dreams. He’s standing in front of the girl he will spend the rest of his life with. Kakatapos lang nila mag- I Do at ngayon nasa venue na sila. Natanaw niya ang mga magulang, mga kaibigan at ibang kamag-anak at kailala na nakatayo sa dulo, nagpalakpakan nang umapak sila sa red carpet. Malamig ang simoy ng hangin sa hapong 'to na dumapi sa kanyang balat.Subalit habang umuusad siya hindi niya mapigilan ibuhos ang mga luha. Matatamis na mga luha at ubod ng galak. He was overwhelmed by the weight of that moment, plus the love he felt for Rose and all the emotions that he had. Mahigpit na kumakapit ang asawa sa kanyang braso, nagpanggap itong ngumiti pero mas higit pa sa kanyang ang iyak.Nang makarating sila sa gitna ng hardin, isa-isa silang binati ng lahat. Umeksena si Magnus, ang kanyang bestman. Ang lapad ng ngiti nito. "Finally! The man of the hou
Bumuntong hininga si Rosette habang tinitignan ang sariling repliksyon sa salamin. Tila isang panaginip na nakasuot siya ng wedding gown sa mismong araw ng kasal niya sa taong hindi niya inaasahang ma-in love, niliko at minahal ulit. Namasa ang mga mata niya. Ngumti at pinigilan ang sariling humikbi. Sayang ang make-up niya saka ayaw niyang magalit si Bibi. Mananagot talaga siya sa baklang friend. "Ready ka na,Rosette?" Tanong ni Bibi, napa-beautiful eyes pa nang sinuri ng maigi ang kanyang mukha. Tumango siya. Nabara ang lalamunan sa magkahalo-halong emosyon. Umismid ang kaibigan nang mapansin nito ang namamasa niyang mga mata. "Hey! Bawal ang umiyak ngayon. Please lang, don't ruin my masterpiece." "Argh! Sorry. Sorry, I'll try not to cry."Maingat niyang pinunasan ang tubig sa gilid ng mga mata. Winakli ni Bibi ang kamay niya. "Don't touch it!"Saway nito. Ngumiti siya, hindi inaanda ang malakas na pintig ng puso. Ilang sandali, pumasok si Rosario. Tumayo siya para salubun