Share

Chapter 2

"What?"

Naiiritang bulyaw ni Elliot Jon Mallary sa secretary niya. Kumunot ang noo niya. Tinitigan ng may pagkalito ang babae sa harap niya. "Magre-resign ka na? Kaka-hired ko lang sa'yo last week. I found you reliable and diligent. Sayang naman kung aalis ka. Kung alam mo lang kung gaano kahirap maghanap ng mga employee na mapagkatiwalaan."

Yumuko ito. "Sorry po talaga Sir. Sinabi kasi ng asawa ko na mag-stay na lang po sa bahay para maalagan ko ng mabuti mga anak namin. Maraming salamat po kahit short stay lang ako,"kalmado nitong paliwanag.

"Hay! Sayang,"sinapo niya ang noo. "Fine. I dismiss you. Thank you also for everything. I hope I can find another one like you."

Sumandal siya sa swivel chair. Nanghina siya sa desisyon ng secretary niya. Mawawalan naman siya ng isa pang trustworthy na manggagawa.

"Maraming salamat po ulit, Sir,"nakangiting sambit nito bago lumabas ng opisina niya.

Bumuga siya sa hangin. Sumikip ang dibdib sa tumatambak na frustration sa loob ng dibdib niya. Tumingala siya sa kisame at nagzo-zone out na naman.

Isa siyang bilyonaryong CEO, ang chairman ng Mallary Group. Mayaman siya. Maraming pera. Mabibili lahat ng gusto pero malaki ang responsabilidad niya. Akala ng lahat kapag nakahiga sa bed of roses ay walang mga tinik. Nagkakamali siya dahil araw-araw patong-patong ang mga problema at gawain. Halos hindi na siya makahinga at limitado ang oras para makipag-gimmick sa mga kaibigan. Umuuwi siyang pagod at diretsong matulog.

It's been 7 years since he became the CEO of this corporation. Sa edad na 27 marami na siyang nagawa para mailago ang negosyo.

Born to a wealthy family, Elliot is the eldest of three siblings. His father, a powerful businessman, has always had grand expectations for him, including an arranged marriage to Juliette to merge their families' wealth.

Kahit na tutul siya sa desisyon ng mga magulang, sinunod niya pa rin para sa ikakabuti ng kompanya.

Juliette Mortez, she is her childhood friend, and he never had a love interest with her. Alam niyang may gusto ito sa isa pa niyang kababata, si Magnus Eldrich. Simula high school hanggang ngayon hinahabol pa rin ito ni Juliette kahit isa na itong international fashion model. He felt sorry for her. And he is aware that she loathed him so much. For the sake of their families, both of them will suffer that loveless marriage.

Ngunit nag-iisip siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila. Gagamitin niya si Magnus. Sisikapin niyang ma-inlove din ito kay Juliette.

Napangiti siya sa sarili sa naisipang ideya. Tinukod niya ang siko sa desk at kinuha ang cellphone. Nagsimulang mag-dial saka nilagay sa tenga.

"Raffy, magsimula ka ulit maghanap ng secretary,"utos niya sa HR manager.

"No need, Sir! Nalaman naming aalis si Gretchen kaya dali-dali kaming humanap ng pampalit sa kanya. At may na hired na kami. She will begin tomorrow,"masayang balita ni Raffy sa kabilang linya.

Sinundot ng galak ang puso niya. "Well done, Raff. I will surely increase your salary."

"Oh! Thank you, sir!"

Pagkatugon non ay pinatay niya ang cellphone. Tumayo. Kinuha ang black coat niya. At humakbang palabas ng opisina habang sinusuot yon.

He's getting late for his business meeting to the new client.

As he hurried through the rows of vehicles, Elliot fumbled with his keys, his mind racing with thoughts of the agenda he needed to discuss.

Finally spotting his car, a black sedan parked at the far end. He dashed towards it, weaving in and out of the other parked cars. He quickly unlocked it, tossed his bag into the passenger seat, and slid into the driver's seat with barely a moment to catch his breath.

Pinaadar niya ang engine sabay sulyap ng oras sa wristwatch niya. 15 minutes na lang ay magsisimula na ang meeting. Mabuti malapit ang company nito sa company niya. Sana hindi siya ma-block sa traffic.

Nakaramdam siya ng ginhawa dahil maayos ang daloy ng traffic. Huminto siya nang pumula ang traffic light. Kinuha niya ang cellphone habang hinihintay matapos ang ilang sigundong palugit sa mga taong dadaan sa pedestrian lane.

Tinawagan niya ang secretary ni Johannes Romangoli para ipaalam na parating na siya. Actually, isa sa mga kaibigan niya si Johannes. Isa itong CEO sa isang kompanya na pangalawa sa companya niya. Ilang beses niya itong inaluk maging business partner. Ngunit lagi itong tumatanggi. Siguro na gipit kaya pumayag makipag-resbakan ngayon sa kanya.

Binaba niya ang cellphone matapos makitang nakasindi ang verdeng ilaw sa traffic light, sinasaad na kailangan niyang umusad. Sumulyap siya sa sidewalk, dini-distract siya ng magulong pedestrian. Maraming taong umaabang para makatawid sa sandaling ito. Hindi niya maanigan ang mga mukha nito dahil nagmamadali siya.

Pero isang babae, nangibabaw sa lahat. Tila kabayo na may pakpak ang wala sa sariling tinawid ang kalsada kahit na naka-green light na. Nanangis ang ekspresyon nito habang marahas na lumilipad sa hangin ang itim at mahaba nitong buhok.

Nasaksihan niya itong sumalpok sa sasakyan niya. Panic surged in his veins as he slammed the brakes. Heart racing, he jumped out of the car, his mind racing with disbelief and horror.

Mabuti kunti lang ang mga sasakyan na nakasunod sa kanya. Natagpuan niya ang magandang babae na nakahandusay sa semento. Nakaukit sa mukha nito ang gulat habang hinahabol ang hininga.

The world around him faded into a silent film; the honking cars, the shouting pedestrians-none of it reached him as he knelt beside her, his heart thudding in his chest.

"Are you okay? Please, can you hear me? What were you thinking, running like that?!" he stammered, unsure of what to do, the gravity of the situation crashing over him like relentless waves.

Kinindat nito ang isang mata saka sinubukang umupo.

"Hindi ko po nakita ang sasakyan. Saka mahuhuli na ako sa meeting,"paliwanag nito.

"Late for your-or my meeting, you mean? Do you realize what you've done? I can't afford to be delayed right now!" Sabi niya na parang bubugahan ito ng apoy. Pero bigla siyang nakosensiya. Naisipan niyang dalhin ito sa hospital.

"Alam ko. Pero gusto ko lang tumawid, pero ang naging green light at..."

"It doesn't matter! You could've really hurt yourself!" Putol nito.

"Please. Pasensiya na po. Hindi ko sinasadya. I'm running to save my job."

Natigilan siya at napaisip.

"You're that same girl I met last time. " pinag-aralan niya ang mukha nito.

"You who stole my strawberry short cake!" Sigaw nito na hinihipo ang balakang.

Umiling siya. Kinuha ang cellphone para tawagin ang paramedics.

"I never stole it. I bought it and it is mine,"naiinis niyang saad sabay sulyap sa wrist watch niya. "Oh sucks! I can't believe this. I was supposed to be at a meeting in fifteen minutes."

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "It's all your fault! Ang laki-laki ng traffic light na ya . Hindi mo man lang nakita na naka-green na?" Sinermonan niya ito. Umuusok sa galit ang tenga niya.

"Pasensiya na ho kayo mister. Sadyang tanga lang po ako. I'm sorry... I didn't mean to disrupt your life," sabi nito, mabigat ang paghinga matapos humingi ng tawad sa kanya.

Lumambot ang ekspresyon niya. "Well, now we're both disrupted,"malamig niyang tugon at nilagay sa beywang ang dalawang kamay.

Mayamaya'y dumating ang ambulansiya.

"Anong nangyari rito?"tanong ng paramedic.

"She ran into the street..."

"I wasn't paying attention,"putol nito sa kanya.

"I can sue her. This is all her fault,"binalik niya ang tignin dito. Hindi ito umimik. Nakatitig ito sa kanya na tila asong gala na nagpapaawa. Suminghal siya. "You're lucky, good mood ako ngayon. I will spare you, Miss."

He stepped back. Sinugod ito ng mga paramedics para tulungan iangat. Kumulo ang frustration sa kanya habang pinapanood ang naturang eksena.

Sa sumunod na araw, nasa office ulit si Elliot. He rescheduled the appointment with Johannes. Nasa harap siya nang kanyang laptop. Abala sa pagta-type ng response sa nakatambak na email sa inbox niya. Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto.

Niluwa ang bagong secretary niya kasama si Raffy.

Nalaglag ang panga ni Elliot nang matukoy ang babae sa harap niya. Ito ang bagong secretary niya-The troublemaker. Binalik niya ang tingin sa resume nito para basahin ang pangalan nito.

Parang walang salitang gustong lumabas sa bibig niya.

Nakangiti ang babae. Mapungay ang bilugin nitong mga mata. Naka-pony tail ang buhok at minimalist ang style ng suot nitong corporate attire. White and silky long sleeve at over the knee lavender pastel color skirt. Bagay yon sa balingkinitan nitong katawan. Her innocent look suddenly fluttered his cold heart.

Bumuntong hininga na lamang siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status