Share

Chapter 1

"Can I ask for a vacation for 3 months?" Lakas loob niyang paghihingi ng permission sa kanyang Ama.

Awtomatiko itong inangat ang tingin sa kanya. Nasa study room sila ngayon. Sumasakit ang ulo niya sa tuwing makikita ang nakakalat na libro at papeles sa sahig at mga kahon na papapatong sa isang angolo. Nangnganib na kasing malugi ang family business nila.

Sinara ni Gabriele ang laptop nito. Lumukot ang haggard nitong mukha saka tinanggal ang salamin. Nasa 50 pa lamang ang edad ng ama niya pero mabilis itong tumanda. Puti na ang ilang strand ng buhok nito at halos makalbo na.

"Why 3 months?" Tanong nito.

"I'm exhausted, Pa. I want to take a rest." Daing niya sa childish na tono. Umaasta naman siyang bata sa harap nito.

Inikot-ikot niya ang ilang strand ng caramel color at wavy niyang hanggang beywang na buhok. May lahi kasi silang Italian kaya nakuha niya ang kulay ng buhok sa ama niya.

"Saan ka naman pupunta? At bakit ba for 3 months?" Madiin nitong tanong.

Inikot niya ang paningin, "Gusto kong pumunta sa probinsya doon sa Bukidnon sa maternal house ni Mama." Pagsisinungaling niya.

Sana magtagumpay siya sa pinaplano niya. Mabuti nasa Batangas ang bahay nila kaya hindi halata na luluwas siya ng Manila. Kukuha kunwari siya ng plane ticket para ma-convice ito.

Tumahimik ang ama niya.

"Saka iiwan ko kay Cristina ang company. Siya muna magma-manage. I-mo-monitor ko na lang every now and then habang ako nagpapahinga,"masiglang paliwanag niya.

Si Cristina Vera, ang VP ng company. Her bestfriend. May tiwala naman siya dito. Saka tinapat niya ang totoo kay Cristina. Game din ito sa binabalak niya.

Bumuntong hininga lang ang ama niya.

"Whatever your decision is, I respect it. But your fiancé, did he already know about your plan?" Sang-ayon nito.

Tila ba nabunutan siya ng tinik sa puso. Binahiran ng saya ang mukha niya.

"Sasabihin ko pa lang kay Ranier. At sasabihan ko rin na wag niya na akong sundan. I want a total peace of mind,"madrama niyang sambit na sinapo pa ang noo.

Sumakit yata ang ulo niya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan si Ranier. Wala namang pakialam ang milyonaryong CEO na yon sa kanya. Naging magkasintahan lang sila dahil pinagkasunduan silang ipakasal. Hindi sana siya papayag pero ayaw niyang saktan ang ama niya at malugi ang family business nila. Isa kasi sa investor ang pamilya nito. She didn't like Ranier. Arogante, suplado at nonchalant. Hindi kasi sila magkasundo kasi magkaiba mga ideya at strategy nila pagdating sa business at walang hilig din na magkaparehas sila. She likes tennis but he hate sports.

"It's all my fault, Anak. Pinapa-stress kita ng husto lalo na ngayon na nalulugi tayo," anas nito nasa boses ang pagkadismaya at lungkot.

Mabilis niyang nilapitan ang Ama. "Pa,"niyakap niya ito sa leeg.

"Don't worry. I already brought you the money, and we already invested it in Mallary Group. Nasa ilalim na tayo ng makapangyarihang pamilya at hindi na tayo malulugi pa,"bulong niya sa malambing na boses sabay himas sa balikat nito hanggag sa menasahe niya na.

"Thank you, anak. Marami ka nang nagawa sa akin. Hindi ko alam kung paano kita babayaran. Matapos mawala ang ina niyo, kayo na lang ni Rosario ang lakas ko,"punong puno ng emosyon nitong pahayag.

Tumaba ang puso niya. Matapos kasi mamatay ang mama niya sa brain tumor 2 years ago, ginugol ng ama niya ang oras nito sa kompanya at sa kanilang magkapatid. Binuhos niya rin ang pagmamahal sa ama niya para hindi ito makaramdam ng pangungulila sa ina niya.

Dalawa silang magkapatid siya ang panganay, 25 anyos at si Rosario, lalaki at bunsong kapatid niya, 24 anyos. Ang buhay ng pamilya Valentino ay ordinaryo at normal lang. Hindi man sila gaano kayaman pero sapat na yon para mabuhay sila sa magulong mundo na ito.

Bawat isa sa kanila ay may small business. Ang ama niya ay nagpapatakbo ng isang food chain, siya naman ay clothing retailing business at si Rosario, may mga restaurants at café. Paborito niya ang isang café nito sa Manila na palagi niyang dinadayo tuwing weekend. She loves bubble tea so much kaya kahit malayo pupunta pa rin siya doon.

Humugot ng malalim na hininga si Rosè bago iniwan ang ama niya. Tinungo niya ang kwarto upang tapusin ang pagliligpit ng mga gagamot na dadalhin niya bukas. Pansamantala siyang titira sa bahay ng Tia Razon- isa sa dating kasambahay nila. She will make an excuse na tatambay muna siya sa Manila para mag-undercover para sa mahalagang misyon para sa business niya. Kilala niya si Tia, mabalis iyong maniwala sa mga kalokohan niya.

Napasinghap siya. Pinunasan ang bumubutil na pawis sa noo. Sobrang init sa Manila. Malakas ang humidity at polluted ang hangin. Kasalukuyang naglalakad siya sa kahabaan ng sidewalk. Hila-hila ang malaking luggage niya. Hahanap siya ng taxi para pumunta sa bahay ni Tia doon sa Quezon City. Kagagaling niya sa airport. Hinintay niyang umalis ang ama niya bago sumibat kasi hindi naman totoo na pupunta siya ng Bukidnon.

Biglang tumunog ang paborito niyang ringtone ang polariod love- kanta ng paborito niyang kpop group na Enhypen. Huminto siya sa paglalakad. Hinagilap ang cellphone. Nataranta siyang sagutin yon kaya halos mabitawan niya ang cellphone.

"Rosè!"bulalas ng isang babae sa kabilang linya na nasa tono ang inis matapos niyang sagutin iyon. "What the heck are you doing? For three months, mawawala ka? Ano 'to prank? Bakit may sakit ka ba? Tapatin mo ko, Rosè."

Tinakpan niya ng isang daliri ang kabilang tenga saka nilayo niya ang cellphone sa tenga niya. Parang manok, nagtatatalak na naman si Cristina. Ang bestfriend na sobra pa sa nanay niyang sumermon.

"Ano ba Cristina? Wag ka nga'ng exaggerated dyan. Wala akong sakit at gusto ko lang magpahinga,"aniya na pinapakalma ito.

"May ginawa ba kaming mali? Pinahihirapan ka ba namin?"sabi nito sa tagak na boses. Halos maiyak na sa pagkabalisa.

"Don't worry. I will monitor you every now and then. Saka wala kayong ginawang mali at hindi kayo naging pabigat sa akin. Gusto ko lang magpahinga ng sandali. Please bear with me. I knew you had the capacity to handle everything,"tugon niya habang nililibot ang tingin sa paligid. Bumalik siya sa paglalakad.

"Rosè, nag-aalala ako sayo. Pero kung anuman ang desisyon mo, I respect it."

Bumuntong hininga siya.

"Saan ka ba ngayon, Rosè?"pakli nito nang hindi siya umimik.

"Dito sa Bukidnon. Naku! Lowbatt na ko Cris. Tatawagan na lang ulit kita okay?"pagsisinungaling niya at dali-daling pinatay ang cellphone.

May umagaw kasi sa atensyon niya. Huminto siya sa harap ng isang pastry shop. She like sweets especially the strawberry short cake. Hindi maalis ang tingin niya sa mga naka-display na dessert doon. Nagsimula siyang maglaway. Linunok niya iyon bago pumasok sa shop. Dumeretso agad siya sa naka-display na mga cake.

Oh, my strawberry short cake! Bulong niya sa sarili na nilagay pa sa gilid ng pisngi ang nakayapos niyang mga kamay. Kumikinang ang cake sa paningin.

"Miss kukunin ko itong stawberry short cake saka..."magsasalita na sana siya nang may umepal.

"Miss, give me that strawberry short cake please,"sabi ng lalaki na nasa likod niya sa ma-awtoridad pero attractive na boses.

Napalis ang kasiyahan niya at sinalubong ang kilay. Nangigil siya kasi kukunin nito ang gusto niyang cake.

"Hey you, babae! Get out of my way!" Paninita nito sa kanya.

Bumaling siya rito at tinapunan ng masamang tingin.

"Hey, you mister! That's my cake..."natigilan siya ng mapansin ang gwapo at mala-anghel nitong mukha. Natulala siya sa harap nito ng ilang sandali.

"Your drooling, Miss," malamig na sabi nito na may tono ng inis saka napangiwi.

Sinapo niya ang bibig. Wala namang tumulong laway. What the hell...he's an evil but angel in disguise, inis na sabi sa sarili. Saka walang asal.

"Excuse me,ha! Ako ang unang um-order ng cake kaya wala kang karapatan na agawin yon!" Mataray niyang salita.

"Talaga? Ako na rin ang unang nagbayad non kaya wala ka nang magagawa. Hanggang kailan mo ba balak tumayo sa harap ko? Don't block my way, miss. I'm not finish ordering yet." Hirit nito.

Kumulo ang dugo niya. Mga tao ngayon, dinadaan na pagiging awturidad dahil marami silang pera at madali lang mang-api ng ibang tao.

"Customer din po ako rito,"inikutan niya ito ng tingin bago ibalik ang tingin sa mga cake.

"Miss, can you give me that black forest cake,instead?"sabi niya sa sale girl. Tumango ito at kinuha ang cake na naka-display.

Sinikap niyang huwag pansinin ang lalaki sa likod niya. Naramdaman niyang kumilos iyon. Lumapit sa counter at kinuha ang cake. Nalaman niyang sumusunod na pala ang tingin niya dito. Bumaling ito sa kanya para bigyan siya ng matalim na tingin bago lumabas.

Napalunok siya. And she realizes that bastard is Elliot Jon Mallary.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status