"Anak, kumusta ka na diyan? Hindi ba umuulan dyan? Kumusta mga pinsan mo?"sabi ni Gabriele sa kabilang linya ng cellphone.Hindi inaasahan ni Rosette na tatawag ang ama niya. Nasa opisina pa siya. Mag-a-alas siete na at hindi pa rin tapos sa pagme-meeting ang boss niya. Yumukod siya. Hawak-hawak niya ang cellphone gamit ang dalawang kamay. Nakasalpok ang kilay at ninerboyos na binalik-balik ang tingin sa pinto ng opisina ng boss."Pa, okay naman po ako. At mas okay pa sila sa akin. Inikot na po namin ang buong bukidnon. Sa ngayon, ako ang nagaalaga ng mga kabayo sa rancho,"aniya, halos matawa pa sa pagsisinungaling."It's good to hear anak. Kung hindi lang sana ako busy. Pupunta rin ako diyan,"wika nito sa masayang boses. Ini-imagine niya ang maliwanag nitong mukha at ang pagsingkit ng mga mata nito tuwing nakangiti.Bigla siyang nag-alala. Hindi pwedeng malaman ng ama niya ang totoo. Ayaw niyang mabuliyaso at ma-bankcrupt ang business nila. Si Juliette Mortez, anak ng mayaman na pam
Huling Na-update : 2024-10-29 Magbasa pa