Lahat ng Kabanata ng Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]: Kabanata 11 - Kabanata 20

34 Kabanata

Chapter 10

"Sorry,"bulong ni Elliot habang nilipat sa ibang direksyon ang tingin niya. He just trying to mask his embarassment.Hindi niya maiwasang mapahiya sa inasal niya matapos makita ang nagdurugong hintuturo ni Rosè. Awtomatiko niya yong sinipsip. Nang matauhan ay binitawan niya kaagad ito. Napansin niyang namula ang pisngi ng dalaga. Bumayo ang puso niya na wala sa oras.Tumakbo sa gripo si Rosè para hugasan ang daliri. Nataranta siyang hinalughog ang mga drawer para kumuha ng band aid. Nagkatagpo silang dalawa ng bumalik sila sa dating pwesto. Hindi nila maiwasang magtagpo ang kanilang mga mata. Naghari ang katahimikan ng ilang sandali. Narinig niya ang malakas na tibok ng puso niya o malamang ng puso nito. Sa sobrang lakas hindi niya alam kung kanino.Ngayon niya lamang napansin ang kagandahang taglay ng sekretarya niya. Mayroon itong nakakaakit na caramel brown at maalon na buhok. Mapupungay na mga mata at mahabang pilik mata. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na sumakto lang sa oval
Magbasa pa

Chapter 11

Nagbuga ng hangin si Rosette habang nasa dibdib niya ang isang kamay. Nakalimutan niyang huminga ng sandaling 'yon. Naimbyerna siya sa ina ni Elliot. Grabe! Tila evil stepmother ni Cinderella kung umaasta. Wala naman siyang ginagawa ng masama pero kung makatitig sa kanya ay para siyang kakainin ng buhay. Gayunpaman, pamilyar sa kanya ang mukha ng bruha. Parang nakita niya ito sa isang event na pinuntahan niya noon kasama ang ama niya. Di maaari, paano kung makilala siya nito? No! Kailangan niyang magdasal na walang makakilala sa kanya. Taong bahay siya at opisina lang ang palagi niyang pinupuntahan maliban kung may mga party na ini-invite siya. Narinig niya ang pagbayo ng dibdib niya. Kinakabahan siya sa di malamang dahilan. Nandito siya para akitin si Elliot para sa kaligtasan ng kompanya niya. Hindi siya pwedeng matakot. Nagsisimula pa lang siya at hindi siya pwedeng mabagsak. She should only care about her mission, nothing else. Saka nauubusan na siya ng oras. Bumalik siya
Magbasa pa

Chapter 12

Maingay ang yapak ni Elliot nang pumasok siya sa grand hall ng kanilang mansyon. Ang bahay na kinalakihan niya. Naamoy niya kaagad ang mabango at masarap na pagkain mula sa kusina. Pinagagaan nito ang tensiyon sa loob niya. Ayaw niya sanang dumalo sa buwanan nilang hapunan kaso napilitan siya nang pumunta ang ina niya kanina sa opisina. Nang pumasok siya sa dining room, inangat agad ni Edmund ang ulo. Ang tatay niyang hindi mabasa ang ekspresyon gaya ng dati. Nakaupo ito sa uluhan ng lamesa. Nasa kanan nito ang ina niya Magarbo ang suot nitong bestida. Katabi nito ang kapatid niyang babae na si Euphemia na nasa cellphone ang atensyon sa harap nito ang kakambal na si Efraime na nababagot. Iniwanan ng mga ito ang dalawang bakanteng pwesto malapit sa ama niya. Umupo siya at kinuha ang table napkin na parang walang nakita. Tumikhim ang ina niya. Napansin nito na hindi niya sinama si Juliette. Sumingkit ang mga mata ni Margaery. Kumislap ang ilang strand ng buhok nito mula sa liwanag
Magbasa pa

Chapter 13

Bumagsak ang panga ni Rosette nang maabutan niya ang boss na dinudumog si Johannes. Lasing na lasing si Elliot, halos nakasandal na sa kaibigan nito na mukhang matutumba sa bigat. Tumatawa ito na tila sira ulo, winawagayway nito ang mga kamay habang sinusubukang yakapin si Johannes at tinangka pang hahalikan ito. Tinutulak ito ni Johannes pero hindi makawala sa kanyang mapanganib na kilos hanggang nagtagumpay itong halikan sa pisngi."Sir Elliot!"nanlalaking mga mata niyang tawag habang nagmamadaling lumapit sa mga 'to. Inawat niya agad ang boses kahit hindi siyan nito pinansin.Pumiglas ito kaya nabitawan niya at halos mapaupo siya sa couch. Bumalik ito kay Johannes. Nagtangkang halikan ulit ito. Parang nalulunod sa kumunoy ang kaibigan nito, namumula ang mukha at pawisan, pilit iniiwasan ito. Hindi magawang tignan siya sa mata ng lalaking kausap niya kanina sa coffee shop sa sobrang embarassment nito.Ito ang unang beses na nakakita siya ng lasing na humahalik sa kung sinong madiski
Magbasa pa

Chapter 14

Magulo ang isip ngayon ni Elliot habang nakaupo siya sa kanyang makintab na working desk. Maaliwalas ang panahon na nagbibigay liwanag sa kanyang opisina ngunit hindi kasim liwanag ng kanyang isipan. Pilit niyang ina-absorb ang nangyari sa kanya kagabi habang tulalang nakatitig sa nakakalat na papel sa harap niya.Hindi mawala sa isip niya ang mayuming ganda ni Rose Mendoza. Bigla siyang naadik nang inoserbahan niya ang mukha nito habang natutulog. Sinapo niya ang ulo. Umungol siya sa inis na binaling ang atensyon sa bintana. Pinakalma niya ang sarili.Urgh! Bakit wala siyang maalala kagabi? Nahihiya pa siyang harapin si Johannes. Siguradong tutudyuin siya nito sa pinangagawa niya kagabi. Kaya iniiwasan niyang uminom ng sobrang alak. Lalabas ang pagiging manyak niya. Hindi rin siya sigurado kung hindi niya pinagsamantalahan si Rose kagabi.Ginulo siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya agad sa bulsa. Sumalpok ang kilay niya nang mabasa ang pangalan ng nanay niya sa
Magbasa pa

Chapter 15

"How to solve your master's problem," malakas na basa ni Rosette nang ma-curious sa titlo ng libro na dinanan niya. Nasa mall siya ngayon. Tutal day-off niya. Gagala muna siya sandali at magpalamig. Namiss niya ang pagmo-mold ng mga paso. Kapag wala siyang trabaho ay tutungo siya sa likod ng bahay nila para humulma ng ilang paso. Kapag matapos na itong misyon. Gagawin niya muli 'yon. Binuklat niya ang libro matapos basahin ang teaser. Binasa niya ang ilang lines. Tumaas ang kilay niya na nagkataong rated-18 yong eksena. Mabilis niyang sinara ang libro at binalik sa bookselves. Masyado siyang inosente sa mga ganoon bagay. Kahit na 25 years old na siya, never pa siyang nagka-boyfriend. Saka ang ganoon bagay ay ginagawa lang matapos ng kasal. Maka-tradisyonal pa kasi siya hindi gaya ng mga kabataan ngayon mahilig sa adventures. Tinungo niya ang jewellery shop. Na-miss niyang bumili ng bagong alahas. Kung hindi lang nalulugi ang kompanya ng tatay niya, malamang buwanan siyang bib
Magbasa pa

Chapter 16

"Come on,"sabi ni Elliot sa mahin pero mapanuksong boses. "I need a favor from you today." Kinaladkad niya patungo sa department store ang sekretarya niyang si Rose. Nagkataong ginulo siya nito sa pagbabasa ng newspaper. Kahit na may pagdududa siya. Hinayaan niya ang sarili na huwag nang mahimasok sa buhay nito. Ang mahalaga ang pagiging professional nito. Mahigpit niyang hinahawakan ang kamay nito. Kumislot ang dalaga kaya nabalik siya sa hwesyo. Nilingon niya ito. Nakapaskil sa mukha nito ang pagkalito. "This is your favor to me,"aniya na pinipigilan ang ngiti nang huminto sila sa harap ng kanilang destinasyon. Saka nilibot ang paningin sa naka-display na mga damit. Namilog ang mga mata nito."po?"tanong nito. Binitawan niya ang kamay nito. "I need you to help me pick out a suit for the company gala,"kaswal niyang paliwanag, sinalubong niyang maitim niyang mga mata sa mga mata nito. Tumango kaagad ito. Tinutop pa ang dibdib. Nahahalata niyang kinaabahan ito bagama't pinanatil
Magbasa pa

Chapter 17

Nakaupo si kama si Rosette. Nagugulumihan. Hawak niya ang kanyang cellphone at kanina pang gustong tawagan ang kanyang fiance. Kakauwi niya lamang mula sa mall. Salamat kay Elliot, ang boss niyang kuripot pero gentleman naman. Binilhan na nga siya ng bagong damit, may palibreng sakay pa siya.Malaki ang problema niya ngayon. Hindi niya magawa-gawang tuldukan ang naguguluhan niyang feelings para sa boss niya. Ano 'to? Bakit siya humihina sa tuwing magsalubong ang kanilang mga mata. Minsan parang nabibitin siya kapag tinatapos agad nito ang pag-uusap nila. Bigla-bigla niya itong nami-miss. Pinapaniginipan niya palagi. Bulong niya palagi ang pangalan nito. Tuwing maririnig niya naman ay para siyang matatalon sa kilig. Hoy! Umiinit naman itong pisngi niya. Kumakabog ng malakas ang puso niya. Nangigil siya. Gusto niya palaging kasama si Elliot. Para siyang maloloka. "Bumalik ka nga sa katinuan,Rosette!"binatukan niya ang sarili. "Misyon mong paibigin at sakat si Elliot. Hindi ang main-lo
Magbasa pa

Chapter 18

Tumatagos ang malalambot na liwanag ng papalubog na araw sa malalaking bintana ng penthouse ni Elliot. Nagbibigay iyon ng mainit na kulay sa modyernong kasangkapan. Katatapos lang niya maligo, lumabas siya sa shower room na umuusbong pa ang usok. At ilang sandali rin nanatili sa ere. Sinabit niya ang puting tuwalya sa kanyang beywang. Amoy niya ang sariling pabango na humahalo sa bagong lagay na aftershave. Lumilipad ang kanyang isipan habang pinupunasan ang tubig na tumutulo sa kanyang basang buhok.Humakbang siya palapit sa walk-in closet. Natigilan siya. Muling sumagi sa kanyang isipan ang matamis na ngiti ni Rosè. Kahit na pumikit siya'y nakikita pa rin ito. Nanginginig ang puso niya sa bawat eksenang kasama ito. Aakma siya kukunin ang damit niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Binasag nito ang tahimik niyang mundo.Nakasalpok ang kilay niyang kinuha 'yon sa mesita. Naka-flash ang pangalan ni Juliette."Juliette, "sagot niya na may kaunting kuriosidad. "Elliot, I didn't int
Magbasa pa

Chapter 19

What is this?Naitanong ni Rosette sa sarili. Laglag ang panga niya pinagmasdan ang engrandeng venue ng Mallay hotel. Binaha ng kumikinang na gowns at nagkikislapang maskara. May bahid ng karangyaan at impluwensya ang paligid. Kasama niyang pumasok si Elliot at Juliette. Iniisip niya na tila isa siyang third wheel. Kinukuha nila ang atensiyon ng mga tao sa bawat hakbang nila. Sinusundan sila ng tingin lalo na siya. She was draped in a red gown, hugging her figure like a second skin, the fabric rich and bold. Her mask, black with gold accents, framed her eyes in a way that made her both mysterious and vulnerable. To her right, Juliette glittered in a blue gown, her silver mask complementing her cold, calculated beauty. Elliot, ever the picture of control, wore a silver mask that contrasted his tailored black suit. His hand rested lightly on her lower back, but the weight of it felt like chains.Kaya siguro tinitignan sila kasi nakahawak ito sa kanya imbes ang fiancé nito.The air buz
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status