Hindi pa rin uma-absorb sa utak ni Rosette ang nangyari sa kanila ni Elliot noong nakaraang gabi. Dala ng matinding pagnanasa niya, naibigay niya ang sarili kahit hindi siya sigurado kung sila nga hanggang sa huli. Bahala na. Minsan lang siya magmahal kaya lubos-lubusin na niya."Dumating ka na pala,Miss Rosette,"bungad sa kanya ni Tia–tinatali nito ang buhok habang papalabas ng bahay.Kakarating niya mula sa Palawan ngayong tanghali. Matapos ang tatlong araw na pagsasalo nila ni Elliot, natapos ang kanyang pantasya. Naging precious memories na lamang ang mga iyon. Ang kauna-unahang business trip na hindi siya napagod dahil sa trabaho kundi sa walang hintong pag-iikot. Buong Palawan inikot nila, mga bagay na hindi niya nanarasan noon ay doon niya nanarasan–nag-kayak, nag–snorkeling, mag-island hopping lulan ng helicopter at kumain ng native delicacies."Yeah, kakapagod nga eh,"she remarked. Hinawi ang nakalugay niyang buhok. Hinila niya ang luggage para pumasok subalit inirapan siya
Huling Na-update : 2024-10-29 Magbasa pa