Share

CHAPTER 6

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2023-11-17 07:37:40

"Talaga bang kailangan kong gawin 'yon? Hindi ba puwedeng simpleng thank you na lang?" Nakabusangot ang mukha ni Yolly. Hindi niya talaga kaya kasi na yayain na kumain sa labas si Andy bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya.

"Ano ka ba? Hindi ka na nahiya kung ganoon lang ang gagawin mo? Syempre hindi basta-basta 'yung pagtatanggol niya sa 'yo kaya dapat hindi rin basta-basta sana ang pagpapasalamat mo sa kanya," giit ni Cristine sa idea nito.

Napaisip naman si Yolly. Sabagay tama talaga ang pinsan niya. Nga lang ay ngayon pa lang ay nahihiya na talaga siya sa binata.

Take note, hindi 'yun basta-basta binata lang. Heartthrob 'yun rito sa school kaya parang ang kapal naman ng panget niyang mukha kung yayayain niya itong kumain.

Katatapos lang ng kanyang issue. Gagawa na naman ba siya ng panibago na kanyang ikaka-bully?

"Humanda ka na. Dadaan na sila. Patapos na ang miryenda nila," excited na sabi sa kanya ni Cristine habang nakatingin sa pambisig nitong relo.

"Cristine, hindi ko talaga kaya, eh." Pakiramdam niya ay matatae na siya.

"Lakasan mo ang loob mo. Huwag kang ganyan. May dahilan naman bakit mo siya yayayaing kumain kaya okay lang 'yun. Saka ayaw mo ba niyon masosolo mo ang pinakaguwapong lalaki rito sa campus?"

"Hindi ko naman siya crush tulad niyo, eh, kaya okay lang kahit hindi ko siya masolo," pagdadahilan niya.

Binatukan siya ng pinsan. "Tumigil ka nga! Kahit sinong babae ay crush siya kaya huwag mong sasabihin 'yan! Sige, lagot ka na naman kung may makarinig sa 'yo."

Napahawak siya sa ulo, sa may binatukan ng pinsan. "Eh, sa hindi naman talaga. Oo mas humanga na ako sa kanya simula kahapon dahil ang bait pala niya pero iyon lang, hindi na hihigit pa."

"Iyon na nga. Kaya nga idol siya at hinahangaan kasi guwapo na, eh, mabait pa. Very humble siya kahit suplado siya minsan."

Napalabi siya. Wala na siya masabi.

"At dahil sa mabait siya ay siguradong hindi ka niya tatanggihan. Magtiwala ka lang."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko nga kaya."

"Heh!"

Mayamaya pa'y nakarinig na sila ng tiliin ng mga estudyanteng babae sa di-kalayaun. Siguradong palabas na ng school café sina Andy kasama ang mga barkada nito.

"Ano? Kaya mo na?"

Sunod-sunod na iling pa rin ang ginawa niya.

"Ano ka ba naman?"

"Hindi ko nga kaya. Nakakahiya sa kanya."

Palapit na ang tilian.

"Kaya mo 'yan. Basta relax ka lang."

"Cristine, naman, eh!"

"Huwag ka ngang maarte dahil wala kang karapatan. Mga magaganda lang ang dapat nag-iinarte."

Hindi na siya nakaangal pa dahil natatanawan na nila sina Andy. Nasa unahan si Andy dahil ito ang pinaka-leader ng barkada. Maangas ang hitsura ng mga ito pero mga mababait naman. Hindi sila nangunguna sa gulo. Kabaliktaran sa mga barkadang iba na maangas na'y akala mo'y mga sino pa. Sina Andy ay hindi, mga nagpapapogi lang sila. Mga pa-cute lang.

"Hi, Andy," sabay-sabay na bati ng mga kinikilig na girls sa binatang sikat dahil sa taglay na kaguwapuhan.

"Hello. Kumain na kayo?" Iba ang sumagot sa mga girls dahil sadyang suplado si Andy. Hindi namamansin pero hindi naman mayabang. Sadyang tahimik lang itong lalaki, silent heartthrob kumbaga. Parang walang pakialam sa mundo kaya naman napagkakamalan na suplado.

"Makita pa lang namin kayo busog na kami," sagot ng mga girls sunod ang tilian.

Tipid na ngiti si Andy. Iyon pa lang na gesture nito ay halos mahimatay na ang mga girls sa hiyawan at kilig.

Hanggang sa marating na nila ang kinatatayuan nina Yolly at Cristine. Si Andy ay nakikipagbiruan kay Patrick. Tatawa-tawa ito kaya naman umibabaw lalo ang kaguwapuhan ng binata.

Pakiramdam ni Yolly habang nakatingin siya kay Andy ay napapalibutan siya ng yelo sa sobrang nerbyos. Nanlalamig ang buong katawan niya, lalo na nang magtapat sila ng binata.

"Oy!" Nang bigla ay itinulak siya ni Cristine kaya napaurong siya paharap.

Doon siya napansin ni Andy. Napatingin ito sa kanya. Ang dibdib niya'y kumabog nang husto. Wah!

Pero ay tinuloy ulit ng magbabarkada ang lakad. Saglit na saglit lang na binigyan siya ng pansin ni Andy. Dedma ulit. Gayunman ay ikinahinga niya iyon nang maluwag.

Napasinghap sa hangin si Cristine. "Ano ka ba naman, Insan? Hindi ka man lang nakapagsalita. Sinayang mo ang pagkakataon."

Kamot-ulo siya. "Eh, kasi naman—"

"Alam ko na. Sunod tayo sa kanila dali!" Hinila siya ni Cristine.

"Huwag na kasi!"

"Ay naku, huwag ka ngang maarte. Sabing hindi bagay sa 'yo."

Eh, di wow! Napapalabi siyang nagpapahila.

Hanggang sa may parking lot ay buntot-buntot sila sa mga binata.

"Geh, ingat!" Kaway nina Patrick sa mga barkada nang maghiwa-hiwalay ang mga ito.

Lihim na napansin naman ulit ni Andy ang dalawang dalaga na nakatayo sa malapit. Parang may mga sasabihin ang mga ito sa kanya.

"Paano, Dude, kita-kits na lang bukas. May date pa ako," paalam Patrick.

"Okay," pagpayag naman ni Andy. Nagpaalaman sila ni Patrick sa sign nilang magbabarkada. Magfi-fist bump tapos bahagyang bungguan ang mga balikat nila.

"Ingat sila sa 'yo, Dude," birong sabi pa ni Patrick bago tuluyang pinaarangkada ang motor nito paalis.

Naiwan si Andy roon pero kumilos din siya agad. Tinungo na rin niya ang malaking kulay itim na big bike din niya. Sumakay at isinuot ang makapal na jacket niyang itim rin ang kulay.

Papaharurotin na dapat niya ang motor pero nahagip kasi ulit ng tingin niya ang dalawang dalaga kaya hindi niya muna ginawa. Nakita niyang itinutulak ni Cristine si Yolly. Mukhang gusto ni Cristine na lumapit sa kanya si Yolly pero ayaw ni Yolly.

Napabuntong-hininga siya. Huwag nilang sabihing pati ang mga pangit na dalaga ay magpapansin na rin o magpapa-cute sa kanya?

Tsk, akala pa naman niya ay iba si Yolly dahil simula't sapol ay dinidedma siya ng dalaga. Ito lang yata ang babaeng hindi nagpapa-cute sa kanya, pero ngayon ay parang kasama na ito sa mga babaeng papansin. Parang gusto na niyang magsisi na pinagtanggol niya ito.

Napailing siya. Akmang isusuot na niya ang kanyang helmet.

"Andy?!" pero malakas na tawag na sa kanya ni Cristine.

Tumingin ulit siya sa dalawang dalaga. Nakita niyang hinila ni Cristine si Yolly palapit sa kanya.

"Uhm, may sasabihin kasi si Yolly sa 'yo. Okay lang ba?" sabi ni Cristine sa kanya nang makalapit ang mga ito.

Yukong-yuko ang ulo ni Yolly. Hiyang-hiya.

Ilang segundo rin siyang napatitig kay Yolly bago tumango. Pagkuwa'y ibinaba na niya muna ang helmet niya para pagbigyan ang mga ito. Wala naman mawawala sa kanya kapag makikipag-usap siya saglit.

Maluwang ang naging ngiti si Cristine. At ayun na naman, itinulak na naman nito si Yolly na mas lumapit sa kanya.

"Ayoko nga," sabi ni Yolly.

"Sige na," giit ni Cristine. Tapos ay iniwan na sila.

Napahakukipkip siyang naghintay hanggang sa mas lumapit na nga sa kanya ang dalaga. Ngunit hindi naman nagsasalita ito. Titingin lang sa kanya tapos ay yuyuko ng ulo. Paulit-ulit na gano'n.

"What is it?" siya na tuloy ang unang nagsalita.

Tumingin sa kanya si Yolly at kitang-kita niya na namumula ang mga pisngi nito. Nagba-blush.

Lumingon muna si Yolly kay Cristine na nasa di-kalayuan bago nagsalita ito.

"Ano... uhm, gusto ko sanang magpasalamat sa 'yo, Andy." Nanginginig ang boses ni Yolly nang sumagot. Ibang-iba noong nakasabay niya sa payong nito na magiliw itong makipag-usap sa kanya.

"Para saan?"

"Para sa pagtatanggol mo sa 'kin kahapon. Salamat."

"Iyon ba? Okay lang 'yon."

"Salamat talaga kasi tinantanan na ako ng mga kaklase natin."

"Dapat lang 'yon dahil wala ka namang kasalanan. Makikitid lang ang nga utak nila," sabi niya kay Yolly.

SA DI-KALAYUAN ay makikita ang security guard na si Leandro na nakatingin sa kanila at kuyom nito ang mga kamao. Sa isip-isip nito ay anong pinag-uusapan nina Yolly at Andy? Kailan pa sila naging close?

Mas gumaan naman ang loob ni Yolly sa binatang guwapo. Totoong mabait nga pala talaga si Andy. Dati kasi ay takot siyang pansinin ito dahil parang suplado talaga pero hindi naman pala masyado. Noong araw nga na niyaya niya itong sumukob sa payong niya ay napilitan lang siya dahil naawa lang siya rito.

"G-gusto mong kumain? Treat kita?" parang sasabog ang dibdib niya nang sinabi niya iyon. At lalong namula ang mukha niya nang makita niyang napakunot-noo ang binata. "Ano ililibre lang sana kita. H—huwag mong isiping date ang niyaya ko sa 'yo. Hindi date. Paraan ko lang sana ng pasasalamat sa 'yo kung okay lang?"

Kumurap-kurap si Andy. Natitig siya saglit sa mukha ni Yolly pagkatapos ay isinuot na niya ang helmet at pinaandar na niya ang motor. "I would like to, but I need to go home early. Huwag mo na lang 'yong isipin. Okay lang 'yon."

"Ganoon ba. Sige okay lang." Napakagat-labi si Yolly saka napayuko ng ulo. Kasalanan ito ni Cristine. Lamunin na lang sana siya ng lupa sa sobrang kahihiyan. Kaloka.

"Pero malay mo next time papalibre ako sa 'yo," pero pampalubag-loob naman ni Andy na sabi sa kanya bago nito pinaharurot ang motor paalis.

Naiwan si Yolly na unti-unting sumilay ang ngiti niya sa labi. Hindi siya makapaniwala.

"Sigeeeee!" saglit ay sigaw niya kahit alam niyang hindi na narinig pa iyon ni Andy. In fairness, kinilig siya ulit do'n.

"Anong nangyari?" dismayadong tanong ni Cristine nang makalapit ito sa kanya.

"Wala. Ikaw kasi kung anu-anong naiisip mo. Umuwi na nga tayo."

Natampal ni Cristine ang sariling noo. "Hay, ang hina mo talagang dumiskarte."

"Eh, di wow. Try mo rin kaya." Iningusan niya ang pinsan.

Inirapan rin siya ng pinsan. Ayaw talagang patalo ang bruha.

"Pero alam mo tama ka, Insan. Kahit sikat siya, kahit hinahabol siya ng mga girls, kahit ang guwapo-guwapo niya ay mabait nga talaga siya. Mukha lang siyang suplado pero 'pag kakausapin mo ay mabait naman pala talaga," mayamaya ay sabi niya. Ngumiti siya nang matamis.

"Talaga? Bakit anong sabi niya sa 'yo?" Kinilig na rin si Cristine.

"Secret," pilyang aniya.

“Ang daya mo!”

Nagtatawa siya nang malutong.

ANG HINDI NILA ALAM, hindi pa man nakakalayo ay tumigil si Andy dahil nagba-vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Kinapa niya iyon at sinagot muna ang tawag dahil kapag nasa highway na siya ay hindi na niya masasagot. Baka emergency.

"Hello, 'Ya? Bakit?"

"Pauwi ka na ba?"

"Opo."

Habang nakikipag-usap siya sa kanyang Yaya Chadeng ay may mga estudyanteng ngumingiti sa kanya na dumadaan. Tinatanguan naman niya ang mga ito.

"Nandito na naman si Cindy. Inaantay ka at kasama ang mommy niya."

"Anong ginagawa nila d’yan?"

"Ewan ko, pero kausap ng mommy mo ang mommy niya. Alam mo naman mag-amiga."

Napangiwi siya. Kapag ganoon ay alam niyang magtatagal ang mag-ina sa kanilang bahay. Gawain na iyon ng mag-ina na kunwa'y bibisita sa kanyang mommy pero alam niyang pakana 'yun ni Cindy para habang nag-uusap ang mommy nila ay uutusan din siya ng mommy niya na i-entertain ang dalaga. At nakakabagot 'yun para sa kanya. Kahit konti ay wala kasi siyang gusto kay Cindy.

"'Ya, pakisabi na next year ako ulit uuwi."

"Ay, bata ka."

"Sige na po. Bye." And he ended the call. Pagkuwa’y napabuntong-hininga siya nang malalim. Pero saan naman siya pupunta ngayon nito?

Si Patrick ay hindi naman na niya iyon naasahan sa mga lakaran o gimik mula noong nagkasyota na ang loko.

Ano? Magpapaikot-ikot na naman siya sa buong Maynila? Buong gabi hanggang mag-umaga? Naku naman!

Nang may maalala siya. Napalingon siya sa likuran. He remembered Yolly. Bakit nga ba hindi? Kaysa magyaya siya ng sinu-sino, eh, mas magandang si Yolly na lang.

Pinaandar niya ang motor at nag-u-turn.

Laking tuwa niya nang naabutan niya pa si Yolly. Binusinaan niya't itinigil sa tapat nito ang kanyang magarang motor.

Takang-taka si Yolly na lumingon sa kanya. Ang cute ng ekspresyon ng mukha. Ang inosente.

Nag-alis siya ng helmet. "Let's go," at saka anyaya niya.

"Huh?" Napamaang si Yolly.

“You said you would treat me, didn't you? Sige, tara."

"Weh? Seryoso?" Namilog na talaga ang mga mata ni Yolly. Hindi talaga makapaniwala.

"Oo kaya isuot mo ito," aniya sabay abot ng kanyang helmet kay Yolly.

Related chapters

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 7

    "Hop in."Umiling si Yolly. Ayaw niyang sumakay sa motor ni Andy."Bakit?"Napangiwi siya at tiningnan niya ang palda niyang suot. Iyon ang dahilan kaya hindi siya puwedeng sumakay sa motor. Isa pa ay takot siya na baka mahulog siya. Ngayon lang kasi siya makakasakay ng single na motor kung sakali.Napakamot-ulo si Andy. "That's okay. Pa-side ka na lang umupo.""Ayoko," giit niyang nahihiya."Sige na.""Ayaw ko talaga. Mag-taxi na lang ako ta's sunod ka. Saan mo ba gusto kumain?""Are you sure?""Oo at baka kasi may makakita sa 'tin. Ayoko nang matsismis ulit."Napalabi si Andy. "Sabagay," pagkuwa'y anito.Nag-abang na nga ng taxi si Yolly. Sakto ang kinatatayuan niya, may mga taxi roon na dumadaan para sa mga sosyaling mga estudyante."Saan ba tayo?" at tanong niya kay Andy nang makapara siya. Hawak na niya ang bukasan ng pinto ng taxi.Nakatingin lang sa kanya ang binata. Nakahawak sa baba nito. Nag-iisip siguro."Anong sasabihin ko sa driver na pupuntahan natin?" ulit niyang tanong

    Last Updated : 2023-11-18
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 8

    "Dito ba talaga ang bahay niyo?" naninigurong tanong ni Andy habang akay-akay si Yolly.Susuray-suray ang dalawa na bumaba sa taxi na kanilang sinakyan."Oo. Dito na nga pero gusto ko pang uminom. Balik tayo ro'n," mapupungay ang mga matang sagot ni Yolly. Kanina pa niyon ikinukulit. Kanina nga'y ayaw nitong umalis ng disco bar. Ayaw magpauwi. Hirap na hirap si Andy na hinila ito."You're already wasted. Next time na lang ulit," mahaba ang pasensya na sabi ni Andy kasabay nang pagkatok niya sa gate ng bahay nina Yolly."Ayoko pang umuwi. Inom pa tayo. Ang sarap n'on, eh. Parang juice.” At nagtatawa ang dalaga.Natawa na rin si Andy. Kasalanan niya 'to. Lagot!"Oops!" Nang muntik nang matumba si Yolly ay buti na lang nasalo niya ito. "Aisst, ang likot mo kasi, eh. "Nagtatawa ulit si Yolly."Tingnan mo hindi mo na nga kaya," sermon niya rito."Hi-hi, kaya ko pa. Tara na balik tayo ro'n." Hinila siya nito."Huwag na nga. Ang kulit mo," angal niya pero natatawa na ulit siya. Ang lakas na

    Last Updated : 2023-11-19
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 9

    "Parang gusto ko pang matulog." Naghikab at nag-inat ng kamay niya si Yolly."Wow, ikaw na ang bida. Sinabayan mo na ngang matulog si Andy sa klase tapos sasabihin mo pang gusto mo pang matulog? Tindi mo, ah. Kakahiya ka na talaga." Kulang na lang ay batukan na naman siya ni Cristine."Hindi ko naman sinasadya na makatulog ako. Pero bakit kasi hindi niyo ako ginising? Lalo na ikaw?" Sumimangot siya at napangalumbaba ng dalawang kamay. Naroon sila sa canteen ng pinsan para kumain ng tanghalian at kanina ay nagulat na lang siya nang gisingin siya nito dahil tapos na ang subject nila."Nakakahiya naman kasi sa inyo ni Andy, ano? Baka puyat kayo," pasarkastikong sabi ni Cristine.Napalabi lang siya sa pinsan."Pero bakit ba kasi parang antok na antok kayong dalawa, ah? Umamin ka nga sa 'kin. Anong ginawa niyo?"Umaliwalas ang mukha niya. Naalala niya ang masaya nilang inuman ni Andy kagabi. Ngunit gustuhin man niyang ikuwento kay Cristine iyon, ay huwag na lang. Wala siyang tiwala sa pin

    Last Updated : 2023-11-20
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 10

    Ang sarap ng gising ni Yolly. Nakatulog kasi siya nang maayos kaya wala na ang masakit sa kanyang ulo. Wala na ang hangover niya. Idagdag pa na Sabado ngayon, ibig sabihin ay wala siyang pasok. Pero hindi pa siya bumangon. Mas niyakap pa nga niya ang kanyang bolster pillow. Mas pinili niyang munang namnamin ang ganda ng umaga.Ngingiti-ngiti siyang kukurap-kurap. Sana ang buhay ay laging ganito. Napaka-peaceful. Walang iniisip na problema, mapabahay man o mapa-school."'Nak, bumangon ka na r’yan. Mag-almusal ka na nang ako'y maglilinis na rito sa kuwarto mo."Tapos ay may nanay pa siyang sobrang bait at sipag. Saan pa siya?"Mamaya na, 'Nay. Wala namang pasok, eh," nakangiti pero nakapikit niyang sagot."Ay, bahala ka nga r'yan kung maalikabukan ka."Hindi na siya nagkomento. Dumapa siya nang higa. This is her life on Saturdays. Thank God it's Saturday."Ano ba 'tong mga papel dito? Itatapon na ba ang mga ito?"Hindi na niya talaga pinansin ang nanay niya. Ganito naman talaga ang nana

    Last Updated : 2023-11-21
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 11

    "Oh, bote mo." Pilyong abot ni Andy sa bote ng gatorade sa kanya."Jeez, nakakahiya talaga!" sa loob-loob naman ni Yolly kasabay nang pahablot na pagkuha niyon. Hindi na talaga mailarawan ang kanyang mukha. Para siyang nakakain ng kalamansi o para siyang natatae na ewan ang hitsura niya. Pinagpapawisan na kasi siya ng malapot. Hindi ba talaga bubuka ang lupa nang kainan na siya? Naman, eh!"Samahan mo ako," dikawasa'y parang wala lang kay Andy ang lahat na anito.Napalabi siya na nayakap sa kanyang dibdib ang bote ng gatorade. "Saan tayo pupunta?""Kahit saan basta 'yung tahimik na lugar. Gusto kong magpakalayo-layo." Mababakas na ang lungkot sa mukha ng binata."Bakit ano’ng nangyari sa 'yo?"Tumaas ang mga balikat ni Andy. "Basta I need your company now," pero ang sabi lang naman nito kasabay ng pagbaba rin ng mga balikat. "Let's go?"Tinaasan niya ito ng isang kilay. Hindi ba nito kita na nakapantulog pa lang siya? Saka wow! Kung magyaya ay parang close na close na sila, ah?"You'l

    Last Updated : 2023-11-23
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 12

    "Oh, di ba ang sarap sa pakiramdam?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Yolly kay Andy. Ngiting-ngiti silang dalawa na lumabas sa simbahan. Patungo na sila kung saan nakaparada ang sasakyan ni Andy."Salamat, ha? I somehow feel better.""Okay lang 'yon. Basta kapag may problema ka o may gumugulo sa isip mo ay dito ka lang pumunta kasi ganito lagi ang ginagawa ko.""At ano naman ang mga problema mo sa buhay?"Napalabi si Yolly sa tanong na iyon ni Andy. Gusto niyang sabihin na love life niya ang problema niya sa buhay kaya lang ay naunahan siya ng hiya."Basta marami rin pero mga simpleng problema lang naman," kung kaya sabi na lang niya."Ah, buti ka pa," bulalas lang din ni Andy."Kuya, Ate, bili na kayo banana cue ko?" Isang batang naglalako ang nagpatigil sa kanila sa paglakad at pag-uusap.Nagkatinginan sila."Sige na po, Ate, Kuya, bili na po kayo para maubos na ito para makauwi na ako upang mapakain ko na rin po ang nanay ko," nakakaawang pilit sa kanila ng bata."Okay, pabili ako

    Last Updated : 2023-11-24
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 13

    Pinamaywangan ni Yolly si Andy. "Ano na naman? Anong magulong lugar na sinasabi mo?""Basta samahan mo na lang ako. Gusto kong magwala. Parang sasabog ako, eh. Baka makapatay ako ng tao nito.""Kumalma ka nga.""Tara na kasi?""Hindi ako puwede.""Bakit naman? I thought we were already friends?"Kamot-ulo si Yolly. Kinokonsensya pa talaga siya, ay naku."Anak, bakit hindi mo papasukin ang bisita mo?" Ang nanay niya."Tama. Mabuti pa ay pumasok ka muna."Yumukod si Andy kay Aling Yolanda. "Magandang hapon po.""Magandang hapon naman. Sige na doon na kayo ni Yolly mag-usap sa loob. Ang init dito sa labas, oh.”Tiningnan siya ni Andy. "Tara sa loob," kaya alok niya ulit dito."Huwag na. Aalis na tayo," ngunit ay bulong sa kanya nito.Napakagat-labi siya na tumingin sa nanay niya. Doon niya napansin na bihis ito. "’Nay, may pupuntahan ka?""Ay, oo." Nagpupulbo ang ginang. "Kaya ikaw muna ang bahala rito sa bahay. Baka madaling araw na akong makauwi. Huwag kang aalis ng bahay, ha?"Sinulya

    Last Updated : 2023-11-25
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 14

    Napahawak sa kanyang ulo si Yolly. Naramdaman agad niya paggising niya na masakit ang kanyang ulo. Para ba'y mabibiyak."Ano bang nangyari? Ba't ang sakit ng ulo ko?" paungol niyang sabi sabay bangon.Ngunit anong dilat ng kanyang mga mata nang maramdaman niyang may mabigat sa kanyang ibabaw. At bunbunan ng isang lalaki ang kanyang unang nasilayan.May nakadagan sa kanya!"Aaahhh!!" awtomatiko na malakas na sigaw niya kasabay nang buong lakas niyang pagtulak sa sinumang lalaki na iyon."Oy!" Biglang balikwas ng bangon ang lalaki na nakahiga sa kanyang ibabaw. Subalit hindi agad ito nakabangon dahil nagkatumba-tumba ito sa sobrang pagkataranta. Muntik pang nahulog ito sa kama."Eiiihhh!" tili ulit ni Yolly nang makitang wala sila parehas pang-itaas na saplot ng lalaki. Agad niyang itinakip sa kanyang hubad na katawan ang kanyang nakapang kumot.Takang-taka na nagkatinginan sila ng lalaki. Lalaki na si Andy pala! Holy sh*t!"A-Andy?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Tapos ay bumaba a

    Last Updated : 2023-11-27

Latest chapter

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 3

    "’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 2

    Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 1

    "Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   LAST CHAPTER

    May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 86

    "Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 85

    As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 84

    "Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 83

    "Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 82

    Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status