Labis ang kagalakan na naramdaman ni Camila Villarazon sa kaniyang puso nang sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataong maging asawa ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal, si Juancho Buenvenidez. Nasa rurok ng kaniyang buhay, piniling iwan ni Camila ang lahat para lamang makasama ang lalaking minamahal. But the thing is, Juancho didn't want her at all. Nilihim nilang dalawa ang ugnayan sa isa't-isa ayon sa kagustuhan ng lalaki sa loob ng tatlong taon. Nang bumalik sa eksena ang unang babaeng minahal ni Juancho, walang ibang nagawa si Camila kundi ang umalis na lang, tila ba ito rin ang gumising sa kaniyang katangahan, gustuhin man nitong magsisi ay huli na ang lahat. She filed a divorce agreement. Who would have thought that after the divorce, she would reach the peak of her life more? She is well-known in her field as the top designer named, Sunshine. Ngunit sa kabila ng kaniyang tagumpay, tila ba pinaglalaruan pa rin ito ng tadhana dahil sa palaging pagtatagpo ng mga landas nila ng dating kabiyak. Her ex-husband loves teasing her even after they've separated. Tuluyan nga kayang mabura ang pag-ibig ni Camila para kay Juancho o mas lalo pa itong titindi dahil sa mapaglarong tadhana?
view more"Nandito si lola Celestina?"Mabilis na napagtagpi tagpi ni Leila ang buong sitwasyon. Noong una ay nagulat pa siya ngunit kalaunan ay napanguso na lang."Hindi ka naman siguro palagi at patuloy na magpapanggap ng ganito, tama ba? Alam nating lahat na hindi tanga si lola," dagdag pa nitong tanong sa kaibigan.Tumango si Camila, walang tutol. "Sa ngayon nga ay iyan muna ang plano. Hindi maganda ang lagay ng kalusugulan ni lola kamakailan lamang. Marami na ring nabawas sa timbang niya at ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito ay para makita niya kung maayos ba ang pagsasama naming dalawa ni Juancho. Kung sasabihin ko sa kanya na magdi-divorce na kami, paniguradong hindi niya ito kakayaning tanggapin. Ayokong mas lalo pang sumama ang pakiramdam niya dahil dito. Gusko ko pa siyang mabuhay at makasama nang mas marami pang mga taon."Tinapik tapik ni Leila ang kaniyang baba habang nag-iisip. Well, kung ganyan nga'y kailangan mong paalalahan si Juancho na layuan muna si Dominique. Kung na
"Alam ko naman na abala kayo sa mga trabaho ninyo, kaya't ayoko na rin istorbohin pa kayo. At saka isa pa, alam ko naman ang pumunta rito kahit na mag-isa lang," sambit ng matandang Villarazon, habang marahang tinatapik tapik ang kamay ni Juancho. Isang masayang ngiti ang nakaukit sa kaniyang mukha."Hindi 'yon istorbo, lola. Sa sinasabi niyong 'yan, ano po ba ang tingin niyo sa akin? Manugang niyo sa apo o ibang tao na labas sa pamilya?" Bahagyang bumigat ang tono ng pananalita ni Juancho, halata ang pagiging seryoso.Mabilis na iwinagayway ni Mrs. Villarazon ang kaniyang mga kamay, senyales sa hindi pagsang-ayon. "Hindi, hindi, hindi! Paano magiging ganoon? Syempre apo rin kita, nag-aalala lang ako na busy ka at ako—"Pinutol ni Juancho sa sinasabi ang matanda. "Kahit na gaano pa po ako ka-busy, kahit kailanman hindi iyon magiging importante kaysa sa inyo. Ni minsan hindi po kayo naging abala, lola," aniya sa matatag na boses.Tumango ang matandang Villarazon at ngumiti ng malawak, a
Nang tiningnan ni Camila ang screen ng kaniyang cellphone, nakita niyang ang Lola Celestina niya ang tumatawag.Maingat niyang sinulyapan si Juancho.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, ang nahihiya at umaasam niyang ekspresyon ay kitang-kita ng buo ng lalaki.Gusto sana ni Camila na himukin ang lalaki na magsalita, ngunit matapos ibuka ang mga labi, walang ni isang salita ang lumabas mula rito. Itinikom na lang muli niya ang bibig at pasimpleng tumalikod para makalabas na."Lola..." aniya pagkatapos sagutin ang tawag at kasabay nito ay sinarado niya ang pinto ng opisina na nasa kaniyang likuran."Lala, kumusta? Nahanap mo ba si Juancho? Kasama mo na ba siya ngayon?" tanong ng matandang babae sa kabilang linya.Nang mapagtanto na mas lalo nang lumalamim ang gabi, alam ni Camila na oras na sumindi na ang mga ilaw sa bahay, mas lalong masisilaw at masasaktan ang mga mata ng kaniyang lola. Ayaw ng matanda na malaman ni Camila ang tungkol sa kondisyon ng kaniyang mga mata, sapagkat natat
Nang sumapit na ang gabi, ang matandang babaeng Villarazon ay naghanda na ng kanilang kakaining hapunan sa hapag at nagpakulo na rin siya ng Acasia flower herbal tea, ngunit hindi pa sila nagsimulang kumain. Patuloy lamang ang matanda sa pagsulyap sulyap sa may bandang pintuan at bumubulong bulong sa sarili na naririnig naman ni Camila. "Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Juancho? Ang tagal naman niyang umuwi."Sumulyap si Camila sa kaniyang lola at muling inalala kung ano ang ipinaalam ng kaniyang Kuya Clyde kanina. Pakiramdam niya ay parang mayroong bukol na namuo sa kaniyang lalamunan.Hindi niya lubos na maunawaan kung paanong ang matandang babae, na halos hindi na makaaninag at mayroon lamang kakarampot na karanasan sa labas ng kaniyang bayang kinalakhan, ay matagumpay na nakabiyahe patungo sa ganitong hindi pamilyar na lungsod para sa kanya. May bitbit na maraming kung anu-anong mga bagay.Iniisip ba niya na malapit na ang katapusan ng kaniyang buhay at gusto niyang
Saktong pagkababa ni Camila sa taxi, dumating, din ang isa pang sasakyan sakay ang kaniyang Lola Celestina.Tuluyan niyang pinakawalan ang matinding pag-aalalang naramdaman sa buong biyahe kanina nang makita ang lola na ligtas habang bumababa sa sasakyan."Lola naman, kung gusto niyo pong bumisita sa akin, dapat tinawagan niyo ho muna ako para ako ang sumundo sa inyo. Kung hindi, mag-aalala talaga ako ng sobra kapag bumiyahe kayo nang mag-isa tapos sa malayong lugar pa, kagaya ngayon."Tinanong ni Camila kung magkano ang orihinal na pamasahe dapat ng matanda. Nang sinagot ito ng driver ay agad naman niyang ibinigay ang bayad, triple ng orihinal na pamasahe katulad sa ipinangako niya kanina. Pagkatapos ay nilapitan niya ang kaniyang lola para tulungan itong buhatin ang bag na dala."Tara na po, lola. Pumasok na muna tayo sa loob ng bahay. Dahan-dahan lang po kayo sa paglalakad," magalang na turan ni Camila.Ngunit ang matandang Villarazon ay nanatiling matatag na nakatayo. "Sandali lan
Ang matandang babaeng Villarazon, noon pa man ay sa nayon na nananatili, inaalagaan ang asawang si Bernardo. At kahit kailanman ay hindi pa bumibisita rito sa lungsod.Kaya paano niya posibleng nahanap ang daan patungo rito?Nanikip ang dibdib ni Camila dahil sa labis na pag-aalala para sa kaniyang Lola. Ikinatatakot niya na baka kung anong mangyaring masama sa matandang babae kapag naiwan itong mag-isa sa estasyon ng bus."Lola, puwede mo po bang ibigay ang cellphone sa driver? May sasabihin lang po ako," mabilis niyang pakiusap."Oh, sige!" Mabilis namang ibinigay ng matandang Villarazon ang cellphone sa driver."Ano ka ba naman? Paano mo nagagawang hayaan ang matandang gumala nang mag-isa? Hindi man lang niya alam kung saan siya pupunta. Hindi ba't parang nang-aabala na rin kayo ng hanapbubay ng ibang tao?" Ang driver ay naiinip na pinagsabihan si Camila."Sir, pasensiya na po sa abala. Makikiusap sana ako sa inyo na ihatid niyo na lang ang lola ko sa Pasig..." Humingi ng paumanhin
Tinawagan ni Camila si Leila para ipaalam na mauuna na siyang umuwi, gayunpaman, tinanong din niya ang kaibigan kung gusto ba nitong sumabay na sa kanya sa pag-uwi.Mukhang distracted naman si Leila na nasa kabilang linya."Sige, mauna ka nang umuwi. Magiging abala pa ako nang ilang sandali— Oh! You're so annoying!" Sumagot naman si Leila ngunit hindi masyadong maintindihan ang mga sinasabi nito.Natahimik si Camila nang napagtanto niyang baka nakatagpo ang kaibigan ng isang guwapong lalaki at hindi na siya makaalis dahil doon.Si Leila ay kahanga-hanga sa kahit ano mang paraan, ngunit kahinaan niya ang mga taong may magandang hitsura, lalo na ang mga guwapong lalaki, at mukhang wala na siyang pag-asa pang makaahon sa kahinaang iyon.Bumuntonghininga si Camila, "Sige, mauuna na akong umuwi at iiwan ko na lang ang driver para sa'yo.""Noted." Mabilis na ibinaba ni Leila ang tawag.Umalis na si Camila nang makaramdam ng pagiging kampante sa usapan nila ng kaibigan.Sa sumunod na umaga,
Silang dalawa ay tatlong taon ng kasal at sa loob ng mga taon na 'yon, ginawa lahat ni Camila ang makakaya niya.Nagpatingin na siya sa ospital noon, at ang tanging sinabi lamang ng doktor sa kanya ay may problema lamang ito sa follicle development. Ilang ulit na rin siyang nag-take ng ovulation-stimulating injections, kaya wala ng dahilan pa upang hindi siya mabuntis. Natigilan ito, tila bigla na lang may napagtanto."Hindi ba't dapat ay alam mo na kung kaya ko o hindi?" Dumilim ang mukha ni Juancho.Umangat ang kilay ni Camila. "Kung alam ko, edi sana sa loob ng tatlong taon nalaman ko na ang rason kung bakit hindi pa rin ako nabubuntis.""Iyan na lang ba talaga ang palaging laman ng utak mo?" Agresibong gumalaw ang panga ni Juancho dahil sa nagngingingit na ngipin, na nagsasabing galit na ito.Sa isip niya, mukhang gustong-gusto talaga ni Camila ang magkaroon ng anak. Pero ngayon, dahil hindi siya mabuntis, gusto na niya ng divorce. Pakiramdam ni Juancho, para kay Camila, isa laman
Sobrang nakakaakit ang alok ni Kenneth. Subalit hindi mapigilan ni Camila ang sariling natural na mag-alangan sa lalaki.Siguro dahil iniisip niya na matalik na kaibigan ng lalaki si Juancho, na pakiramdam niya palagi ay nasa iisang bangka lamang ang dalawa.Bahagyang inihilig ni Camila ang kaniyang ulo sa gilid at malalim na tiningnan si Kenneth, "Juancho and I are getting divorced, alam mo ba 'yon?"Halatang natigilan si Kenneth nang ilang sandali, pagkatapos ay kalmadong ibinuka ang mga kamay sa magkabilang gilid, "Well, napag-alaman ko ang tungkol diyan nito lang mga nakaraang araw. Pero 'wag kang mag-alala, lagi naman akong propesyonal pagdating sa pambubliko at pribadong mga usapin, at hindi ko dadalhin ang tungkol sa mga bagay na 'to sa trabaho. Hindi lang din naman ako ang mag-isang nagdesisyon sa pag-imbita kay Miss Sunshine, desisyon ito ng buong design team. Iyon nga lang sa nabalitaan ko na... kamamatay lang ng asawa niya. Ayoko naman na bigla na lang siyang abalahin ng te
"Your husband is cheating on you!"Kasalukuyang nakahilig sa bench sa isang outpatient clinic si Camila habang iniinda ang sakit na dulot ng tusok ng karayom sa kanyang tiyan nang matanggap ang mensaheng ito mula sa kaniyang matalik na kaibigan na si Leila.She had just finished taking an egg-stimulating injection.Camila had black hair, fair skin and an oval face without a trace of blood, but the impact of her gorgeous appearance was not weakened at all. Nakukuha pa rin nito ang atensyon ng mga taong dumadaan sa clinic na iyon na bawat sandali’y napapatingin sa kanya.Malalim na bumuntonghininga si Camila at sa nanginginig na mga kamay ay binuksan niya ang larawang naka-attach kasama ng mensaheng natanggap mula sa kaibigan.It was Juancho Buenvenidez, her dear husband in the photo, holding a woman in a pink haute couture princess dress. Ang kuha sa litrato ay papalabas ang dalawa mula sa loob ng isang hotel.The man's originally cold and hard outline became extremely gentle the moment
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments