"Pakihintay na lamang ako sa baba, mag hahanda lang ako sandali, susunod ako."
Malumanay na sinagot ni Camila ang assistant na naghihintay sa kaniyang pintuan.
Pagkatapos niya itong makausap ay mabilis na itong naglagay ng katamtamang kolorete sa kaniyang mukha upang matakpan ang mga itim na bilog na namuo sa ilalim ng kaniyang mga mata. Suot ang malinis na commuter suit at pares ng sapin sa paa na may mataas na takong ay tuluyan na nga rin nitong nilisan ang silid at nagtungo sa ibaba ng kanilang estudyo.
Malawak ang ngiti ni Camila habang naglalakad patungo sa kung nasaan ang nasabing kliyente.
Sa malayo pa lamang ay bumungad na sa kanya ang pigura ng dalawang taong pamilyar sa kanya. Komportableng nakaupo at magkatabi ang dalawang panauhin sa kanilang malambot na sofa sa kanilang tanggapan.
Ang suot na malawak na ngiti ni Camila ay unti-unting naglaho nang makumpirma kung sino nga ang mga ito. Gustuhin man nitong umatras at hindi na tumuloy pa ngunit huli na ang lahat para gawin pa ito. Nakita na rin siya ng mga ito.
Nang tumama ang malamig na titig ni Juancho sa kaniyang mga mata ay napatigil ito.
"Do you really have to stalk me here, Camila? Damn it! Hindi ka na ba talaga makapagpigil?!" mahina ngunit mariing singhal sa kanya ni Juancho. Bakas ang galit sa boses nito at halatang kinokontrol lamang ang sarili.
Nang magtama ang kanilang mga mata kanina ay agad na tumayo si Juancho at mabilis na nagtungo sa harapan niya, marahas at palihim nitong hinila sa braso si Camila at dinala sa gilid kung saan hindi sila tanaw ng isa pang babaeng kasama.
Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito!
Imbes na itama pa ang maling bintang ng lalaki sa kanya ay mas pinili na lamang ni Camila na itikom ang kaniyang bibig at bahagyang sumimangot. Hindi na niya kailangang magpaliwanag pa tutal ay maghihiwalay na rin naman na silang dalawa bilang mag-asawa.
"Mr. Buenvenidez, as you can see I'm currently at work, so if you may, please excuse yourself." Magalang na ngumiti si Camila at kasabay nito ay binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak ng lalaki.
Bahagyang kumunot ang noo ni Juancho, "Gipit ka na ba? Wala ka na bang pera at nakuha mo pa talagang lumabas para maghanap-buhay? Pagsilbihan ang mga tao ng kape at tubig na gusto nilang inumin?" sarkastiko at iritadong wika ni Juancho.
Sarkastiko ring humalakhak si Camila.
Hindi sinabi ni Camila kay Juancho ang tungkol sa trabaho niyang ito ngunit kahit kailan man ay hindi niya rin ito nilihim sa lalaki. Kung talagang may pakialam sa kanya ang asawa, sa ilang taon nilang pagsasama dapat ay natuklasan man lang nito ang mga blueprints na madalas niyang ginuguhit noon pa man.
Hindi niya lang talaga mahal si Camila, ganoon 'yon. Dahil sa kawalan ng pagmamahal nito sa babae ay hindi man lang niya ito sinubukang bigyan ng pansin, hindi man lang nito inalam kung ano ang mga nakahiligang gawain ni Camila. Bagkus, mas inisip pa nito na matapos niyang makipag-hiwalay at iwan ang lalaki ay wala na siyang kwenta at tanging pagsisilbi na lamang ng kape at tubig sa mga tao ang kaya niyang gawin.
"Huwag kang mag-alala, hindi mo naman kasalanan kung paghahanda ng tubig at kape sa mga tao ang pinagkaka-abalahan ko, Juancho. Divorced naman na tayo. At saka hindi ka ba natatakot na baka mali ang isipin ni Miss Castañeda sa ating dalawa?"
Ang relasyon nilang dalawa ay sekreto lamang sa loob ng tatlong taon. Kaya sa tingin ni Camila ay walang kamalay-malay si Dominique na may Camila Villarazon palang nabubuhay sa mundo.
"What nonsense are you talking about? Anong divorce?" ani Juancho sa malamig na boses. Tila ang salitang divorce lamang ang kumuha ng kaniyang atensyon sa lahat ng sinabi ng babae.
With her clear eyes, Camila shot a glance on him.
Sobrang abala nito kay Dominique noong gabing 'yon kaya hindi niya siguro narinig ang sinabi ni Camila noon tungkol dito. Malamang ay hindi niya rin nakita ang iniwang divorce agreement ni Camila sa coffee table dahil hindi naman madalas umuwi ang lalaki sa kanilang "tahanan".
Sa huli, naisip na lang ni Camila na siya ang naging pabaya sa bagay na ito.
"Oh, it's nothing. Bukas ipapadala ko sa opisina mo ang mga papeles. Huwag mong kalimutang pirmahan ang mga ito."
Nagpumiglas muli si Camila at sinubukan muling bawiin ang braso na hawak pa rin ni Juancho at pinilit pakalmahin ang sarili. Binitawan din naman siya nito kalaunan.
Sasagot pa sana si Juancho kung hindi lang nito nasulyapan ang paglapit sa kinaroroonan nila si Dominique na dahan-dahang naglalakad nang patingkayad.
"Is anything wrong, sweetheart?" Juancho changed the topic immediately.
"There's nothing wrong, sweetheart. Bakit ka nandito?" Agad na lumingkis ang mga braso ng babae sa makisig na braso ni Juancho na parang ahas. At malanding umakto. Bahagya ring mas lumambot ang pananalita nito na parang bata. "Napansin kong ang tagal mong bumalik kaya sinundan na kita rito. Kilala mo ba ang...serbidorang ito?" sabay tingin kay Camila.
Tiningnan ni Juancho si Camila ng may distansya sa mga mga mata at gamit ang malamig na boses ay nagsalita ito.
"No," hindi interesadong baling nito kay Dominique. "I just mistook her of someone."
Sumilay ang mapanuksong ngisi sa labi ni Camila. Talaga? Nakuha pa nitong umasta na parang hindi sila magkakilala. Tatlong taon din silang kasal! The audacity of this asshole! He can’t even tell her that they were as good as strangers.
Pagod na si Camila na makipagtalo pa kay Juancho kaya gusto niya na lang umalis sa kanilang harapan.
"Hi! Pasensya na kung sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkakilala, hayaan mo at susuportahan ko ang inyong negosyo."
Aalis na sana si Camila nang bigla na lang siyang kausapin ni Dominique, humarang pa ito sa kaniyang daraanan.
"Puwede mo bang ipakita sa amin ang wedding dress na gawa mismo ni Sunshine?"
Biglang nanigas si Camila, tila naging bato na ito sa kaniyang kinatatayuan. Lahat ng tumakbo sa isip kanina ay naglaho na.
Natigilan talaga si Camila sa binanggit ng babae.
Hindi na ba talaga kayang magpigil ni Juancho? Hindi pa nga nito napipirmahan ang kanilang divorce agreement ay magpapakasal na agad siya kay Dominique?!
Ang tinutukoy ni Dominique na wedding dress ay ang nag-iisang idinisenyo ni Sunshine nitong mga nagdaang mga taon.
This very gorgeous wedding dress is still hanging in the most conspiuous position at V&L House of Fashion. Ang presyo nito ay sadyang napakataas. Gayunpaman, kahit hindi sabihin alam na ng karamihan na ang obrang ito ay hindi ipinagbibili sa pribado man o publiko.
Si Camila mismo ang bumuo sa wedding dress na ito. Siya lahat ang nagdisenyo at nanahi rito para lang sa pangako na wala namang balak pang tuparin ni Juancho.
Malalim na bumuntonghininga si Camila makalipas ang ilang sandali. Nag-alinlangan man ay iginiya pa rin nito ang dalawa kung saan nakalagay ang trahe de boda.
Bahagyang dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Camila nang makita kung paano sumilay ang tuwa at pagkamangha sa hitsura ni Dominique nang masilayan nito sa wakas ang wedding dress. Humakbang si Camila paatras kaunti.
Masayang itinuro ni Dominique ang wedding dress na nasa malinis nitong lagayan, "I want that one!"
Tumango si Juancho, blangko ang kaniyang ekspresyon. "Alright, give that one a try," aniya.
"P-pero Sir... Hindi po kasi namin binibenta ang wedding dress na iyan sa publiko..." maingat na paalala ng isang tauhan sa shop, hindi na napigilan ang sariling sumabat.
Bago pa man madugtungan ng assistan ang kaniyang sasabihin ay pinutol na ito ni Camila, "It's for sale, the price is a bit high though, 7.18 million," tuloy-tuloy nitong pahayag.
Halata sa mukha ni Dominique ang pag-aalangan at pagkadismaya matapos marinig ang halaga ng nagugustuhang wedding dress.
7.18 Million.Ang presyong sinambit ni Camila ay maari na ring ikumpara sa presyo ng gawa ng mga international designers. Totoong mas mataas ang binigay nitong presyo kumpara sa totoong halaga ng wedding dress, ngunit pagdating sa disenyo nito ay talaga namang nakakasabay din ito sa mga may malaking pangalan sa larangang iyon.Tatlong taon na ang trahe de bodang ito mula nang mabuo subalit walang kupas pa rin ang ganda at tingkad nito."It's okay, Dom, If you really like it, we will get that one for you." Tinapunan ng tingin ni Juancho si Camila. Walang emosyong mababakas sa mukha nito. Ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa. Ilang sandali pa ay kaswal nitong inabot ang credit card kay Camila, "That has no password, just swipe it.""Oh my God! Thank you very much, my love! Mahal na mahal kita!" Masayang niyakap ni Dominique ang lalaki. Ang mga braso nito'y agad na pumulupot sa leeg ng lalaki at mas hinigpitan pa ang pagkakalingkis nito.1. Ibinaling ni Camila ang tingin sa iba. Hindi
Nagsalubong ang itim at makapal na mga kilay ni Juancho nang lumabas na rin mula sa fitting room si Camila. Tinapanunan niya ito ng tingin.Hindi lubusang maintindihan ng lalaki kung ano ba itong ginagawa ni Camila. Bakit pa siya nandoon sa lugar na iyon at nagpapakahirap magtrabaho.Higit na malayong mas maganda at maginhawa ang buhay na tinatamasa niya sa puder ng Pamilya Buenvenidez kaysa sa buhay na mayro'n ito ngayon, nagtratrabaho sa ganitong klase ng mababang uri ng trabaho at hinahayaan ang mga taong maliitin lamang siya."Kung hindi mo naman pala kayang pagsilbihan ng maayos ang mga kliyente niyo, mas mabuti pang itigil mo na lang at 'wag nang magpanggap na alam mo ang ginagawa mo." Hindi na napigilan ni Juancho ang sarili na tuyain ang babae.Biglang sumakit ang damdamin ni Camila dahil dito.Ang mga taong 'to, bagay na bagay nga silang dalawa! Para silang pinaghalong mga kulay na puti at itim. Parehong magagaspang ang ugali!Umangat ang sulok ng mga labi ni Camila, "Oh siya
"Your husband is cheating on you!"Kasalukuyang nakahilig sa bench sa isang outpatient clinic si Camila habang iniinda ang sakit na dulot ng tusok ng karayom sa kanyang tiyan nang matanggap ang mensaheng ito mula sa kaniyang matalik na kaibigan na si Leila.She had just finished taking an egg-stimulating injection.Camila had black hair, fair skin and an oval face without a trace of blood, but the impact of her gorgeous appearance was not weakened at all. Nakukuha pa rin nito ang atensyon ng mga taong dumadaan sa clinic na iyon na bawat sandali’y napapatingin sa kanya.Malalim na bumuntonghininga si Camila at sa nanginginig na mga kamay ay binuksan niya ang larawang naka-attach kasama ng mensaheng natanggap mula sa kaibigan.It was Juancho Buenvenidez, her dear husband in the photo, holding a woman in a pink haute couture princess dress. Ang kuha sa litrato ay papalabas ang dalawa mula sa loob ng isang hotel.The man's originally cold and hard outline became extremely gentle the momen
Determinadong ipinukol ni Camila ang mga mata kay Juancho at gamit ang malamig na boses ay binitawan niya ang limang salitang iyon.Saktong pagkatapos magsalita ni Camila ay parehong naagaw ang atensyon nilang dalawa sa biglaang pag-iingay ng telepono ng lalaki.Hinugot ni Juancho mula sa bulsa ang kaniyang telepono. Kumunot ang noo nito nang masulyapan kung sino ang tumatawag."What's the problem?" aniya pagkatapos sagutin ang tawag.Hindi naririnig ni Camila kung ano ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya ngunit kung ano man iyon ay mas pinadilim lang nito ang ekspresyong nakapaloob sa mukha ng lalaki."Pupunta na agad ako ngayon," dagdag pa nito sa malalim na boses.Naglakad si Juancho patungo sa pintuan at agad na nilisan ang kanilang silid. Hindi man lamang nito muling tinapunan ng tingin si Camila.Napairap na lamang ito sa kawalan at wala ng sinabi pa.Napagdesisyunan niyang huwag nang matulog pa at mukhang hindi na rin naman siya dadalawin ng antok.Tumayo ito, nag-impake n