"Are you serious?" Juancho suppressed his anger and squeeze out a few words.
Tinapunan nito nang masamang tingin ang divorce agreement at ilang mga cards na nasa kaniyang kamay, punong-puno ng iritasyon ang mga mata.
Buong akala niya ay isa lamang ito sa mga tantrums ni Camila, ngunit nagkamali siya. Talagang tinotoo niya!
Mataray na itinaas ni Camila ang isa niyang kilay, "It's easier than steaming cakes, sign it, and go to complete the formalities when you have time another day." She crossed her arms against her chest.
Ibinuhos ni Juancho ang buong atensyon sa asawa na nasa kaniyang harap. Tinitigan niya ito.
In the three years of their marriage, she has always been a very quualified Mrs. Buenvenidez. Siya ay tahimik, masunurin at napakabait lalong-lalo na sa kaniyang buong pamilya. Camila is even more attentive when it comes to him.
Pero ngayon, para itong ibang tao, parang hindi na ito ang Camila na nakilala niya noon.
Looking at her fair and rosy face, she is filled with impatience that is completely different from before. At ang mga salitang lumalabas galing sa kaniyang malambot at mapulang mga labi ay parang yelo sa lamig, at para bang hindi na ito makapaghintay na tuluyang iwananan ang lalaki.
Biglang naramdaman ni Juancho na kumirot ang kaniyang puso, tila ba may isang napakatalim na bagay ang walang sabi sabing sumaksak dito. Mabilis nitong tinanggal ang pagtitig kay Camila at tuluyan nang naglakad patungo sa living room.
"No need to change the date. See you at the entrance of the Civil Affairs Bureau at nine o'clock tomorrow morning," ani Juancho gamit ang malamig na boses.
Akala ni Camila ay handa na siya, ngunit ngayong dumating na ang oras na gusto niya, natagpuan na lamang niya ang pusong labis ang kirot na nararamdaman, tila ba may libo-libong karayom na tumutusok dito, kalahati ng kaniyang katawan ay namamanhid na at hindi niya alam kung paano pa ito mawawala.
Wala sa sariling umuwi si Camila sa kanilang shop, humiga ito sa kaniyang kama nang maramdaman ang biglaang pagkahilo. Naramdaman niya na lang ang matinding sakit at pag-ikot sa kaniyang tiyan.
Gamit ang mga kamay ay tinakpan niya ang kaniyang bibig at mabilis na tumakbo papasok sa banyo, isinuka nito ang lahat-lahat ng pagkain at inumin na kinain at ininom niya nang gabi ring iyon. Ang sakit sa kaniyang tiyan ay hindi man lang nabawasan. Bagkus, mas lalo pa itong sumilab.
Mayroon talagang problema sa kaniyang tiyan si Camila. At sa tuwing sumasakit ito, ay sobrang sama talaga sa kaniyang pakiramdam. Ngunit sobrang tagal na noong huling sumakit ang kaniyang tiyan, nakalimutan na niya kung gaano ito kasakit simula noong gumaling ang kaniyang sugat. Noong lumipat siya ng tinitirahan, hindi na niya dinala ang gamot para sa sakit sa tiyan.
Nang lumabas ito galing sa banyo ay mabilis muling nagtungo sa kama. Halos maligo na ito sa sariling pawis dahil sa dami ng malamig na pawis na namuo sa kaniyang likod. Pinilit pa rin nitong indain ang sakit na nararamdaman habang tinatawagan ang kaibigang si Leila.
Sa kabilang banda, lunod na lunod naman sa himbing ng tulog si Leila, na kahit anong ingay ng telepono ay hindi ito nagigising.
Sa takot ni Camila na baka ikamatay niya ang sakit na nararamdaman sa gabing iyon, kahit na nagdadalawang isip ng paulit-ulit, bandang huli ay tinawagan pa rin nito si Juancho.
Sa unang tawag, wala itong natanggap na sagot. Sa ikalawang tawag, pagkatapos ng dalawang rings ay may sumagot na rin sa kabilang linya.
"Hello? Sino 'to?" Ang malambot na boses ng isang babae ang sumalubong kay Camila. Alam na agad nito kung sino ang sumagot ng tawag, malamang si Dominique ito.
Nang lisanin ni Camila ang condo unit ni Juancho kanikanina lamang ay mag-isa lamang doon ang lalaki. Tapos ngayon? Magkasama na agad sila ni Dominique!
Anong katangahan na naman ba ang pumasok sa utak ni Camila at naisipan niyang humingi ng tulong sa lalaking iyon. Nababaliw na ba talaga siya?
Siguro ay napansin ng babae sa kabilang linya na hindi na ito sumasagot kaya muli itong nagsalita, "Is this Camila Villarazon? Are you looking for my love?"
Halos mapairap si Camila sa narinig.
Ayaw nang marinig pa ni Camila ang walang kuwentang impormasyon na naliligo si Juancho kaya walang sabi sabi nitong pinatay ang tawag.
Dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman kanina pa ay hindi na ito nakaakyat pa sa kaniyang kama. Namaluktot na lang itong humiga sa sahig, sumimangot at mabilis na nilagay sa kaniyang blacklist ang lahat ng contact informations ni Juancho.
Pagkatapos ibaba ang telepono, ang mga mata nito ay tuluyan nang nagdilim hanggang siya ay mawalan na ng malay.
***
"Camila!"
Nang sumunod na araw, nagising si Camila sa nag-aalang boses ni Leila.
Dahan-dahang iminulat ni Camila ang mga mata, bumungad sa kaniyang harapan ang nag-aalalang kaibigan, suot pa rin nito ang kaniyang pajamas, at halatang nagmadali lang ito na makapunta sa kanya rito sa shop, kaya't hindi na nito nagawa pang magpalit ng damit pantulog.
"Did you have a stomachache again? Sorry! Kasalanan ko. Ang lalim ng tulog ko kagabi, hindi ko narinig ang tawag mo." Halata sa boses nito ang labis na pagsisisi.
Umiling si Camila at nginitian ang kaibigan. Bumangon ito, ngunit unti-unting nanlaki ang mga mata nang bigla itong may maalala.
"Anong oras na?!" mabilis nitong tanong sa kaibigan.
"It's Nine o'clock," ani Leila sa nagtatakang tinig matapos tingnan ang wrist watch at muling tumingin kay Camila na mukhang problemado na ngayon.
Napasapo sa kaniyang noo si Camila.
It's over!
"I made an appointment with Juancho to go to the Civil Affairs Bureau to handle the divorce procedures at nine o'clock today."
Knowing Juancho, sa lahat ng pinaka-ayaw niya sa isang tao, iyon ay ang pagiging late nito sa usapan.
Pinulot ni Camila ang cellphone na nahulog na pala sa sahig at agad na tinawagan ang numero ni Juancho.
The phone rang once and hung up automatically. Kumunot ang noo ni Camila.
Juancho also blocked her!
Napakabilis ni Camila na i-block si Juancho kagabi, ngayon naman ay tila naduwag ito, kaya mabilis niyang inalis sa kaniyang blacklist ang contacts ng lalaki at mabilis na gumawa ng voice call.
Nang kumonekta ang tawag, magalang ngunit walang emosyon nitong sinabi, "Are you still at the Civil Affairs Bureau? Papunta na ako riyan ngayon."
"You mean, let me wait for you at the entrance of the Civil Affairs Bureau for half an hour?" Juancho's cold voice came through the receiver.
Alam ni Camila ang pagkakamali niya, at hindi na niya ipinaliwanag pa ang sarili. Habang nagbibihis at nag-aayos ng sarili, humingi ito ng paumanhin sa lalaki na nasa kabilang linya, "I'm sorry, I'll try to be quick. 20 minutes, okay?"
"Do you think my time is as worthless as yours?"
Bakas sa kaniyang malamig na pananalita ang galit.
This was somewhat insulting.Itinaas ni Camila ang kaniyang mga kilay.May oras siya para i-meet si Dominique. May oras siya para samahan ang babae niyang maghanap at magsukat ng wedding dress. Tapos dalawampung minuto lang na paghihintay sa kanya, hirap na hirap pa siyang gawin para sa divorce?Camila would willingly step aside to give them face. Fine!Humugot ito ng isang malalim na buntonghininga, bigla nitong narinig ang katok mula sa pintuan sa kabilang linya."Juancho, you didn't go to the Civil Affairs Bureau at all, did you?" pag-iiba nito sa usapan. Bakas sa boses ng babae ang bahagyang panghuhusga."Sa tingin mo ba lahat ng tao ay kagaya mo, hindi marunong tumupad sa usapan?" nanunuyang sagot pabalik ni Juancho.Sa pagkakataong ito, sigurado na si Camila na hindi nga pumunta si Juancho sa nasabing lugar. "Take a picture of the door of the Civil Affairs Bureau for me, then..." hamon nito sa lalaki.Bago pa nito maipagpatuloy ang iba pang sasabihin, bigla na lang siyang binabaa
"Magkano naman kaya ang sasakyang 'yan?"Leila Lopez could not keep her eyes off the blue and flashy sports car stuck under the back of the Volkswagen in the rearview mirror, and asked her friend bitterly, "Can we afford the loss if we sell it?"Napakurapkurap si Camila sa narinig, "Akala ko sinadya mo talagang gawin 'yon kasi ayaw mo sa mga taong nang-aagaw ng parking space ng iba?""Oo, ayaw ko nga sa mga gano'ng klaseng tao pero hindi naman ako tanga para sadyaing banggain 'yan 'no! Nag-panic ako, hindi ko sinadya!" Nalukot sa sakit ang mukha ni Leila, iniisip pa lamang nito ang malaking halagang posible niyang ibayad sa may-ari ng sasakyan.Napangiwi si Camila, gumalaw ito palapit sa manibela upang tulungan ang kaibigan na iliko ang gears, hinila nito ang handbrake bago itinulak pabukas ang pinto sa kaniyang gilid. "I'll go, and check it," aniya.Nang makababa na sa sasakyan si Camila ay ang sakto ring pagbaba ng may-ari noong nabanggang sasakyan. Ang may-ari ng sasakyan ay isang g
MSumunod din naman sina Camila at Leila sa babae papasok sa elevator, ngiting-ngiti na ngayon si Leila, tila nakabawi na sa pagka-ilang na naramdaman kanina.Nang makarating sa tamang palapag kung nasaan ang opisina ng presidente ay nakasunod lamang muli ang mga ito sa babae hanggang sila ay makarating sa tapat ng isang pinto. Kumatok muna ang babae bago nito buksan ng maluwag ang pinto at pumasok."Is it Sunshine?" Dinig nilang kaswal na tanong ng boses sa loob ng silid.Maya-maya pa ay narinig nila ang mga yapak ng mga taong patungo sa may pintuan. Ngumiti muli ang receptionist sa kanila bago ito tuluyang umalis.Tila naging bato naman sina Camila at Leila sa kanilang kinatatayuan nang biglang lumitaw sa kanilang harapan si Kenneth Fortaleza na may suot na malawak na ngiti sa labi para sana batiin sila sa kanilang pagdating.Unang nakabawi mula sa pagkaka-estatwa si Leila, tumikhim ito upang mapunta sa kanya ang atensyon ng lalaki."H-hello, Mr. Fortaleza! I am Sunshine, and I am al
Dahil na rin siguro sa pagod, hindi na namalayan ni Camila at nakatulog na pala siya sa passenger seat. Wala itong narinig sa ano mang sinabi ng kaibigan kanina.Nang magising, napansin nito na ang sasakyan ni Leila ay hindi nakahinto sa harapan ng kanilang shop, kung hindi ay nakahinto ito sa harapan ng isang bagong gawang apartment complex. Suot ang nalilitong ekspresyon, sinulyapan niya ang kaibigan na si Leila na abala sa paglalaro sa kaniyang cellphone sa may driver's seat. "Mayroon pa ba tayong ibang kliyente na imi-meet ngayon?" takang tanong nito.Nang nalaman ni Leila na nagising na ang kaibigan ay binalingan niya agad ito ng tingin. Ipinakita nito ang susi na nasa kaniyang kamay at masaya itong iwinagayway, "Na-uh! Of course, I'll take you to see the world!"Nang tuluyan nang makababa sa sasakyan si Camila, doon niya lamang napagtanto na wala nga silang imi-meet na customer. Dahil ang apartment na nasa kanilang harapao n ay ang apartment na sekretong binili ni Leila para sa k
"Come home to the mansion with me tonight. Gusto kang makita ni lolo."Ang baritono at kalmadong boses ni Juancho ang bumungad kay Camila nang sagutin ang tawag.Sa nakikita ni Camila na tambak ng bayarin sa kaniyang harapan, di na niya maiwasang makaramdam ng galit. At pagkatapos marinig ang sinabi ni Juancho ay mas lumala pa lalo ang galit nito."Sa tingin ko'y hindi na magandang tingnan kung uuwi pa ako sa mansiyon," sagot nito gamit ang malamig na tinig.Natahimik naman ng ilang segundo si Juancho sa kabilan linya. "Baka nakakalimutan mo, hindi pa tayo divorced, Camila. Hindi ikaw ang magpapasiya kung pupunta ka ba o hindi," matigas at may autoridad nitong tugon.Ang tinutukoy nilang mansiyon ay ang tahanan ng mag-asawang matandang Buenvenidez, lolo at lola ni Juancho. Sa hindi nasabing dahilan, ang mag-asawang matandang Buenvenidez ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya, kaya naman labis ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Juancho sa mga ito. Kaya rin noong sinabi ng dalawang matanda
Alonzo Buenvenidez has always been an upright man, and he couldn't bear hearing his wife's harsh words.Camila really wanted to have a child, but surely it was something she should be able to decide for herself, and not pressured by anyone else.Kahit pa bahagyang naramdaman ni Camila na hindi siya komportable, tipid pa rin itong ngumiti at magalang na sumagot sa matandang babae, "Okay po..."Hindi na napigilan ng matandang lalaking Buenvenidez ang malukot ang mukha dahil sa narinig, at marahan ngunit may diin na pinagalitan ang asawa."Zonya, ngayon na nga lang muling nakabisita ang mga apo natin dito sa mansiyon, tapos ay tungkol na naman diyan sa pagbubuntis ni Camila ang sinasabi mo. Stop pressuring her all the time," naiiling na sermon nito.Agad namang pumakli ang matandang babae sa sermon ng asawa. "Ano naman ang masama sa sinasabi ko, Alonzo? Bakit ayaw mo pa bang masilayan at mahawakan ang magiging apo mo sa tuhod?" balik na sermon nito sa asawa.Inismiran na lamang ni Alonzo
Pagkatapos maligo at magbihis ni Camila, kumuha siya ng makapal na kumot at agad itong inilatag sa malaking sofa sa kuwarto. Nang masigurong maayos na ay agad na itong humiga, handa nang matulog.Hindi pa man tuluyang nakakahiga ng maayos ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto.Agad na bumangon si Camila at umupo, tinapunan nito ng tingin si Juancho na nakahiga na rin sa kanilang kama. "Ni-lock mo ang pinto?" mahinang tanong nito sa kanya.Hindi siya sinagot ng lalaki, bagkus ay binalingan nito ang nakasarang pinto at malakas na nagsalita, "What's the matter?""Uh... Sir Juancho ako ito," ani Manang Jacinta sa labas ng kuwarto. "Ihahatid ko lamang sana itong inihandang Leche Flan ni Senyora Zonya para kay Miss Camila. Kung hindi pa kayo natutulog, papasok po sana ako para ihatid ito at ipatikim sa asawa niyo."With a soft "click" the door lock opened.Halos mapatalon si Camila sa matinding gulat. Bago pa man tuluyang makapasok si Manang Jacinta sa kanilang silid ay mabilis nitong hin
Sa loob ng kuwarto.Nang makita ni Camila na tuluyan nang nakalabas si Manang Jacinta, nagmadali siya upang makaalis na sa kama, ngunit bago pa man ito makagalaw, bigla siyang itinulak pahiga ni Juancho sa kama at dinaganan ito.Parang may sariling buhay ang mga kamay nito at agad na lumapat sa dibdib ng lalaki, bahagya niya itong itinulak upang hindi sila tuluyang magdikit ng sobra."What the hell are you doing? Wala ng ibang taong nakakakita sa atin." Camila uttered in a defensive tone.Juancho's gaze turned intense as he looked down at her eyes, "Didn't you grab me for this just a moment ago?" aniya sa mababa at namamaos na boses.Napakurapkurap si Camila sa pagkalito, "What?" Hindi makapaniwalang singhal nito. "I was just trying to remind you not to let Manang Jacinta come near me! Are you horny? You think everything is all about... that?"But Juancho only smirked, kinuha nito ang isang kamay ng babae at inilapat sa matigas na parte sa kaniyang pang-ibabang katawan.Nang mapagtanto
Naputol ang live broadcast."Do we really have to go this far?" tanong ni Juancho.Ang tanong niyang iyon ay idinirekta niya kay Camila.Inilipat ni Camila ang kaniyang tingin sa iba pang mga taong kasama nila sa loob ng kuwarto."What are you all standing here for? Get out!" biglang saad ni Kenneth sa mga staff at team ng live broadcast na nananatili pa ring nanonood sa eksena.Agad naman silang kumaripas lahat palabas dala ang mga camera at iba pang mga kagamitan sa pagla-live."Dominique, Monica, please..." dagdag pa niya at inilahad ang kaniyang kamay sa gawi ng pintuan.Tinulungan ni Monica si Dominique na tumayo at pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kuwarto. Ngunit bago iyon ay tinapunan muna ng nagmamakaawang tingin ni Dominique si Juancho, pero nabigo lamang siya dahil hindi pa rin naaalis ang tingin ni Juancho kay Camila kaya wala na siyang nagawa kundi umalis doon kasama si Monica.Napabusangot si Leila, mukhang hindi natuwa sa ginawa ni Kenneth."Miss Lopez, please...
Tinapunan muna ng tingin ni Juancho si Camila bago niya nilingon si Dominique na nakatayo sa kaniyang likuran. "Speak for yourself," aniya.Humakbang si Dominique paalis sa likuran ni Juancho at tuluyan nang nagpakita sa kanila. Tiningnan niya si Camila at pagkatapos ay si Leila."Miss Lopez, I'm really sorry. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa ni Miss Sales. Noong binanggit ko sa kanya ang tungkol sa bag, nakita ko na sobrang gustong-gusto niya talaga ito, kaya ibinenta ko na lang sa kanya sa mas mababang presyo. Pero hindi ko akalain na ibebenta niya rin pala ito sa iba, gamit pa ang orihinal na presyo..." paliwanag niya.Kinagat ni Monica ang kaniyang pang-ibabang labi at nanatiling tahimik.Sa hula ni Camila, kaya nananatiling walang angal si Monica ay dahil baka sinusubukan niyang akuin ang lahat ng kasalanan.Nag-angat ng kilay si Leila at dumapo ang kaniyang paningin sa relo. "Gusto ko rin ang relo sa iyong palapulsuhan, ibebenta mo rin ba sa akin 'yan sa mababang presyo
[Dapat ay mag-disenyo si Sunshine ng live upang patunayan ang kaniyang mga kakayahan, nang sa gayon ay makumbinsi niya ang mga manonood na nagdududa na sa kanya. Kung hindi, talagang hindi siya karapat-dapat para sa premyo!]Iyan ang komento ng isang netizen na nakakuha ng maraming reaksiyon mula sa iba pang mga manonood. Karamihan ay sumasang-ayon sa kaniyang komento.Nakita ng direktor na patuloy pa rin ang pagdagsa ng reaksiyon ng mga netizens, kaya't humingi na siya ng payo kay Kenneth."Hayaan mo lang silang gumawa ng ingay. Ang fashion show ay tuloy pa rin mamayang alas dos. Sa ngayon, mag-enjoy ka na lang munang kumain ng pananghalian at pagkatapos ay sabihan mo ang mga modelo na simulan na ang paghahanda. Bilisan ang pagmi-make up. Hindi puwedeng ma-delay ang umpisa ng show," simpleng sagot ni Kenneth pagkatapos niyang marinig ang hinaing ng direktor.Abala siya sa pagsuri at pagsukat sa laki ng isang pares ng pambabaeng sapatos sa mga sandaling iyon.Sinulyapan ng direktor an
Masama ang timpla ni Camila nang makarating siya sa kuwarto ni Leila. Pagkabukas niya sa pinto ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang kaniyangkaibigan na tahimik na nakaupo sa sofa, tila malalim ang iniisip kaya hindi siya napansin.Pagkarinig ni Leila na sumaradong pinto ay para siyang biglang natauhan at bumalik sa realidad. Agad siyang tumingin kay Camila. "Anong sabi ni Juancho?"Bumuntonghininga si Camila."Sinabi niya na kakausapin niya raw si Dominique para humingi ng tawad at na kailangan daw ay siya pa rin ang magiging modelo natin. Pero ayaw ko na talaga, Lei," sagot niya sabay tamad na umupo sa tabi ni Leila.Malamig ang malasalamin niyang mga mata.Itinuon ni Leila ang kaniyang buong atensyon kay Camila."Anong binabalak mo? Kakalabanin mo si Dominique? Hindi naman kaya sa V&L ibuhos ni Juancho ang galit niya dahil diyan?""Lei, hindi mo ba naiisip? Na kaya hinahayaan lang natin na kontrolin tayo nina Juancho at Dominique ay dahil sa takot natin na maungkat ang
Napansin ni Juancho ang pagbabago sa mga mata ni Camila. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Kenneth na baka hindi siya nito mahal kaya lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo."Kung hindi siya hihingi ng tawad sa harap ng publiko, mas mabuti pang kalimutan mo na lang na magdidisenyo pa kami para lang sa kanya. Dahil maniwala ka man o hindi—kayang-kaya kong gupit-gupitin ang bawat piraso ng mga kasuotan na gawa na."Ang malamig na tingin ni Camila ay napalitan at naging walang interes."You're that determined to oppose her?" Matigas ang tono ni Juancho. "Fine, I'll—""I don't want to hear it!" mabilis na putol sa kanya ni Camila, na tumataas ang boses. "Matagumpay ang V&L ngayon dahil sa magandang reputasyon na binuo ni Sunshine. Ang ginawa ni Dominique ngayong araw ay hindi lamang isang simpleng personal na pag-atake, pananabotahe rin iyon ng karera! Ang paninira sa kabuhayan ng isang tao ay para na ring pagpatay sa tao mismo. Naiintindihan mo man lang ba iyon, huh?!""Tungkol ba 'to
"Sina Miss Castañeda at Miss Sales ang nagmungkahi na magsabawatan kami upang mapatalsik sa programa si Miss Lopez at ang assistant niyang si Miss Villarazon," mariing saad ni Helena sabay sulyap kay Justin.Ang binitiwan niyang pahayag ay nagbigay-linaw sa kaniyang posisyon kina Camila at Leila."Anong masasabi mo tungkol dito?" Lumipat ang tingin ni Juancho kay Leila.Nag-angat ng kilay si Leila at lakas-loob na sinalubong ang mga mata ni Juancho."Anong masasabi ko? Simple lang. Peke ang video, edited. Alam kong kaya ninyong i-verify 'yon. At Mr. Buenvenidez, ipapaalala ko lang sa inyo, baka kasi nakalimutan niyo na, e. Kayo ang may gustong nandito kami ngayon sa programang ito. Alam kong alam mo na ayaw naming sumali rito noong una pero pinilit ninyo kami. Sa pagkakaalala ko sa naging usapan sa kasunduan ay magiging maayos ang lahat at hindi ninyo kami ipapahiya. Pero ano 'tong mga nangyayari ngayon? Pinalampas ko noong una ang ginawang paninira sa pangalan at reputasyon ko pati n
Sarkastikong ngumiti si Leila. Gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa isang napakalaking kalokohan na ito pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil baka hindi siya makapagtimpi at talagang makatikim na talaga sa kanya ang mga bruha."Talaga?" aniya sabay tapon ng malamig na tingin kay Dominique. "Bilang aking 'biggest fan', siniraan at pinagbintangan mo ako noong nakaraan na ginagamit ko ang assistant ko para makuha ang tema ng kompetisyon nang mas maaga. Tapos ngayon, pinipilit mo akong umamin sa plagiarism gamit ang dinoktor na video at audio recording? Wow ha. Tunay nga, ikaw ang aking pinaka masugid na taga-suporta."Ngumisi si Monica. “Well, perhaps the previous accusation wasn’t baseless. After all, you do have a rather ‘capable’ assistant.”Ang kaniyang makahulugang tingin ay tumuon kay Camila.Sinalubong ni Camila ang mga ni Monica ng may hindi nagpapasindak na ekspresyon. "Oh? Bakit hindi mo i-elaborate kung gaano ako ka 'capable' gaya ng sinasabi mo? Sapat ang kakayahan
Iniabot ni Alvin ang cellphone kay Juancho.Si Kenneth naman na nakatayo lamang sa malapit ay biglang sumimangot dahil sa iritasyon sa ginawa ni Alvin. Siya ang mas malapit kay Alvin pero mas pinili pa talaga nitong ibigay ang cellphone kay Juancho na mas malayo sa kanila. Wala ba siyang karapatan na tingnan kung tungkol saan ang sinasabi niyang video?Habang lumalapit si Alvin kay Juancho upang i-play ang video, dali-dali namang naglakad si Kenneth patungo roon at tumabi sa gilid niya habang dumudunghal para makita niya ng mas maganda at mas malinaw ang video.Ang titulo ng nasabing video ay sobrang pasabog.BREAKING NEWS!!![Shock! The Famous Designer Is Actually a Master of Plagiarism! Designs and Clothing Fabricated by Her Assistant!]Sa video, makikita si Camila na lumabas mula sa kuwarto ni Leila na may bitbit na kasuotan sa kaniyang mga bisig. Sunod na nakita sa footage ay ang pagbalik niya sa kuwarto ni Leila kinabukasan dala pa rin ang kasuotan ngunit sa pagkakataong ito, ang
Kenneth found Juancho's question odd. They were a married couple, yet his wife claimed her husband was dead.Hindi ba't ibig sabihin noon ay parang sinasabi na rin niya na ang kaniyang asawa ay walang silbi katulad ng isang patay?O sa madaling salita, ang kanilang relasyon ay katulad na rin sa pagkabalo.O tungkol kaya ito sa pagkakaugnay ni Juancho kay Dominique kaya gano'n ang sinasabi ng kaniyang asawa?Pinagmasdan nang mabuti ni Kenneth si Juancho nang ilang sandali. "Are you, by any chance, giving your 'public grain' to Dominique?" maingat niyang tanong."Are you sick?"Tinapunan siya ni Juancho ng isang malamig at matalim na tingin.Kaagad na umayos si Kenneth. "Ibig kong sabihin, iyong asawa mo kasi ay mukhang ang sama sama ng loob sa'yo. Hindi man lang nga niya ipinaalam sa'yo na siya pala ang tunay na Sunshine—isang mahusay at sikat na designer. Sa tingin mo ba ay pumalpak ka sa mga tungkulin mo bilang asawa niya?"Ang ekspresyon ni Juancho ay naging malamig habang umiigting