Pagkatapos maligo at magbihis ni Camila, kumuha siya ng makapal na kumot at agad itong inilatag sa malaking sofa sa kuwarto. Nang masigurong maayos na ay agad na itong humiga, handa nang matulog.Hindi pa man tuluyang nakakahiga ng maayos ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto.Agad na bumangon si Camila at umupo, tinapunan nito ng tingin si Juancho na nakahiga na rin sa kanilang kama. "Ni-lock mo ang pinto?" mahinang tanong nito sa kanya.Hindi siya sinagot ng lalaki, bagkus ay binalingan nito ang nakasarang pinto at malakas na nagsalita, "What's the matter?""Uh... Sir Juancho ako ito," ani Manang Jacinta sa labas ng kuwarto. "Ihahatid ko lamang sana itong inihandang Leche Flan ni Senyora Zonya para kay Miss Camila. Kung hindi pa kayo natutulog, papasok po sana ako para ihatid ito at ipatikim sa asawa niyo."With a soft "click" the door lock opened.Halos mapatalon si Camila sa matinding gulat. Bago pa man tuluyang makapasok si Manang Jacinta sa kanilang silid ay mabilis nitong hin
Sa loob ng kuwarto.Nang makita ni Camila na tuluyan nang nakalabas si Manang Jacinta, nagmadali siya upang makaalis na sa kama, ngunit bago pa man ito makagalaw, bigla siyang itinulak pahiga ni Juancho sa kama at dinaganan ito.Parang may sariling buhay ang mga kamay nito at agad na lumapat sa dibdib ng lalaki, bahagya niya itong itinulak upang hindi sila tuluyang magdikit ng sobra."What the hell are you doing? Wala ng ibang taong nakakakita sa atin." Camila uttered in a defensive tone.Juancho's gaze turned intense as he looked down at her eyes, "Didn't you grab me for this just a moment ago?" aniya sa mababa at namamaos na boses.Napakurapkurap si Camila sa pagkalito, "What?" Hindi makapaniwalang singhal nito. "I was just trying to remind you not to let Manang Jacinta come near me! Are you horny? You think everything is all about... that?"But Juancho only smirked, kinuha nito ang isang kamay ng babae at inilapat sa matigas na parte sa kaniyang pang-ibabang katawan.Nang mapagtanto
Cold.Heart-piercing coldness.Isinandal ni Camila ang kaniyang likod sa dulong bahagi ng bathtub. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano siya tuluyang nakatulog sa naramdamang pinagsamang init at lamig.Ibinabad niya ang sarili sa malamig na tubig sa bathtub buong magdamag. At kinaumagahan, nagising na lamang siya na nahihilo at nanghihina.Habang naglalakad ay nakasalubong niya si Manang Jacinta sa living room. Huminto siya upang kausapin ang kasambahay."Manang, maagang umalis si Juancho kagabi at hindi pa umuuwi hanggang ngayon. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Hindi ko na siya hihintayin, Manang. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho, I'll go now," paalam niya.Wala naman talaga siyang pakialam kung saan pumunta o kung saan natulog si Juancho kagabi. Wala na rin sana siyang balak pang banggitin ang bagay na ito kay Manang Jacinta ngunit mas minabuti na rin niyang sabihin upang makarating ang impormasyong iyon sa matandang babaeng Buenvenidez.Na hindi naman sila natulog n
Nang magising si Camila ay nasa ospital na siya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Unang bumungad sa paningin ng babae ang napakalapit na guwapong mukha ng isang lalaki na bahagya niyang ikinagulat kaya naman mabilis niyang naipikit muli ang mga mata.Nang muling magmulat, parehong mukha pa rin ang sumalubong sa kanya, ang pinagkaiba lamang, ngayon ay mayroon na itong suot na ngiti sa labi. One that seemed less reserved. Ang makakapal nitong mga kilay, peach blossom na mga mata at nakasisilaw na puting balat ay mas lalong nagpahalata sa dalawang maitim na bilog na nasa ilalim ng kaniyang mga mata."Finally, you're awake." Malalim na bumuntonghininga si Kenneth, nakaramdam ng kaginhawaan. He watched how Camila's amber pupils changed from hazy to clear. Gumalaw ito at tuluyang umatras ng kaunti sa hinihigaan ng babae.Nahirapan namang bumangon si Camila. Sumandal siya sa headrest ng kamang hinihigaan bago iginala ang mga mata sa apat na sulok ng silid. Bukod sa kanya, si
Sa murang edad pa lamang, bumukod na si Leila sa kaniyang pamilya. Matagal na siyang hindi nakikipag-usap sa kanila kaya wala na rin siyang masyadong alam na balita patungkol sa kanila. Kung hindi lang dahil sa emergency at matinding pag-aalala kay Camila at kung may iba lang sana siyang naiisip na maaaring asahan, hindi naman talaga niya dapat kakausapin ang Kuya Lukas niya.Ang hindi niya inaasahan ay ang agarang pagsang-ayon ng nakatatandang kapatid sa pakiusap niya, kahit pa once in a blue moon lamang kung makita siya nito.Sa inis ay napairap na lamang si Leila. Kinuha nito ang kaniyang cellphone at mabilis na nag-send ng voice message sa kapatid, pinagalitan niya ito at sinabihan ng kung anu-ano na mas malala pa sa mga baboy at mga aso ngunit hindi naman niya ito minura o sinabihan ng maruming salita. Pagkatapos noon ay bl-in-ock na niya ang numero nito.Tahimik namang pinagmasdan ni Camila ang kaibigan."Don't feel bad for me. I was adopted by rheir family and we're not that clo
Pagkatapos bitawan ang mga katagang iyon, nakita ni Kenneth kung paano sumiklab ang apoy sa mga mata ni Juancho. Kasing talim ng kutsilyo ang ipinukol nitong titig sa kanya. Dahil sa nakitang ekspresyon ng kaibigan, mabilis niyang inilapag ang isang invitation card at nagmadaling naghanda para makaalis na sa opisina.Bago tuluyang umalis, muli siyang humarap sa kaibigan. "By the way, I already closed the deal with Sunshine. Nakapag-sign na kami ng kontrata. 'Di ba gustong-gusto mong um-order ng mga designs niya? Dapat pumunta ka!" aniya sabay turo sa iniwang invitation card.Hindi na siya makapaghintay pa na makita kung ano ang magiging reaksiyon ni Juancho kapag natuklasan na nito ang katotohanang si Sunshine ay walang iba kundi ang asawa niyang si Camila."Get lost, brother," Juancho said coldly."Okay!" Mabilis na lumabas si Kenneth sa opisina ng kaibigan. Samantalang si Juancho naman, pinagpatuloy nito ang pagbabasa sa mga kontrata. Ngunit hindi niya mapigilan ang mga matang sulyap
Ayaw nang pag-usapan pa ni Camila ang tungkol sa nangyari kagabi, kaya mabilis niyang pinutol ang pagtatanong ng lalaki."It has nothing to do with you."Bago pa man makapagsalita si Juancho, natigilan na ito dahil sa binitawang sagot ng babae, biglang naramdaman niya ang pagkirot ng dibdib sa parang kutsilyo na mga salita ni Camila na walang pasabing tumama sa puso niya.Wala akong kinalaman sa kung anong nangyayari sa kanya?Bahagyang napalitan ng lamig ang kaniyang ekspresyon."Then who does it have to do with? Si Kenneth ba?" Natigilan si Camila.Ano daw? Ano naman ang kinalaman ni Kenneth dito at bigla bigla na lang siyang binabanggit ng lalaking 'to?Sa nakikitang katahimikan ng babae, mas lalong naging sarkastiko ang tono sa boses ni Juancho, "Ang galing mo rin naman talaga, Camila. 'Yong kagabi... nagawa mo pa rin akong akitin kahit na kakasabi mo pa lang noong mga nakaraang araw na gusto mong mag-divorce na tayo. Tapos ngayon naman, nakikipaglandian ka na kaagad kay Kenneth? A
"Okay. Stop talking about these nonsense things. Mayroon na lamang ilang araw na natitira bago ang party. Bilisan na natin ang pagtratrabaho. Walang higit na mas mabuti pa sa paggawa ng pera."Iniyakap ni Camila ang suot na coat sa kaniyang katawan at masiglang umupo sa mesa.Sinulyapan ni Leila ang workaholic niyang kaibigan at huminga ng malalim."Oo nga, ang dami nating trinabaho nitong mga nakaraang linggo. The dresses still haven't been delivered to your "gods", and after that, there'll be revisions. Hindi na talaga tayo dapat pang magsayang ng oras."Katulad ng inaasahan ni Leila, maingay at abala ang lahat sa V&L House of Fashion para sa nalalapit na party. Hindi na muling nagparamdam pa si Juancho, at masyado namang abala si Camila para pagtuunan pa ito ng pansin.It wasn’t until the two of them stood at the entrance of the Tala manor, where the fashion dinner was to be held, that they finally felt a sense of relief.Ang dalawampung milyon ay sadya nga naman talagang napakahira
Sa unang eksena pa lamang, hindi na agad maipinta ang mukha ni Erah sa kadahilanang hindi siya natutuwa sa kaniyang kasuotan, kaya't paulit-ulit din siyang nagkamali sa pag-arte sa harap ng kamera. At dahil dito, hindi na napigilan ni Direk Zaldy ang sarili na makaramdam ng galit. Sa sobrang galit niya nga ay padarag niyang ibinagsak ang script na nasa kaniyang kamay.“Erah, anong klaseng acting 'yan?! Ang sinabi kong dapat mong maramdaman sa eksena ay galit at lumbay kasi nga ang ginagampanan mong karakter ay namatayan ng mga mahal sa buhay, pero anong ipinakita mo?! Galit lang! Nasaan doon iyong kalungkutan mo sa pagkawala ng iyong mahal sa buhay?! Hindi ko makita. Hindi ko maramdaman!“Dumagundong sa buong paligid ng set ang galit na galit na boses ni Direk Zaldy. Kitang-kita ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa matinding galit, pati halos pumutok na rin ang kaniyang mga ugat dahil sa ginawang pagsigaw.Namula ang mga mata ni Erah. Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi at
Napalingon bigla si Camila kay Marco, medyo nagulat. Ngunit mayamaya ay binawi niya ang kaniyang tingin at tumingin sa harapan.“Ah, ganoon ba. Wala, e. Wala akong alam sa kanila. At ano pa man ang mayroon sa kanilang dalawa ngayon ay wala na akong pakialam doon,” simpleng sagot niya.Kahit pa paulit-ulit na hinahagupit ng malalakas na bagyo ang kaniyang puso, alam niyang kalaunan ay titila rin ito at babalik sa kaniyang dating katahimikan at kapayapaan.Tinanggap na niya ng buong puso sa kaniyang sarili na hindi niya kayang basta-basta lang pakawalan ang malalim na pag-ibig na mayroon siya para kay Juancho sa loob ng tatlong taon o higit pa, sa isang tulugan lamang.Pagkatapos marinig ni Marco ang naging tugon ni Camila ay agad siyang nagpakita ng isang nasisiyahang mukha.“Siyang tunay.“Magmula noong unang araw na sumali si Camila sa crew ay naging sobrang abala na siya. Mula sa mga mutsatsa hanggang sa mga bidang lalaki at babae, at pati ang mga beteranong aktor ay kinailangan niy
Nagtaas ng kilay si Juancho.“Jealous again?”“Para mo na rin sinabing nangarap ka nang gising.“Muntik nang paikutin ni Camila ang kaniyang mga mata habang nananatiling malamig ang ekspresyon.Mariin ang titig na ipinukol sa kanya ni Juancho. “It must have been exhausting for you to pretend to be a good wife for the past three years.”Sandaling nakaramdam ng hiya si Camila sa sinabi nito.Upang makamtan ang pagmamahal ni Juancho, tunay ngang umasta siyang birtuoso at mahinhin.Nang mapansin ni Juancho ang naging reaksiyon ni Camila ay napangisi siya dahil alam niyang tama siya. Camila's true personality was nothing like the facade she had maintained. Now, she was finally being herself.Isang waiter ang mabilis na lumapit sa kanilang mesa, at iniabot ni Camila ang menu.Pagkatapos sabihin ang order, tumahimik siya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang manood ng mga video, sinadya pa niyang i-full ang volume nito.Na-gets ni Juancho na kaya ito ginawa ni Camila ay dahil wala na siy
Sa kalagitnaan ng paglalakad ni Camila patungo sa puwesto ni Juancho ay bigla siyang napahinto dahil sa narinig. Imbes na lumapit, tumalikod siya at akmang lalabas na lang sa kuwarto.“Kasi naman, bakit hindi mo na lang ako tulungan na mamili ng isusuot ko? Magaling kang mag-match ng mga damit, 'di ba?“Sinundan pala siya ni Juancho upang pigilan sa pag-alis.Mariin siyang pumikit ng ilang sandali at pagkatapos ay saka siya nagmartsa pabalik sa harap ng maleta. Nag-squat siya at inilabas ang isang smoky gray na suit.“Kung sasama ka sa akin, magsuot ka ng mga may light na kulay. Ina-absorb kasi ng mga may dark na kulay ang init kaya magiging sobrang mainit kapag titingnan,” payo niya.“Okay,” sagot ni Juancho na puno ng ngiti ang mga mata sa oras na iyon.Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay sabay na silang bumaba ni Camila para mag-almusal. Habang kumakain, nakatanggap si Camila ng screenshot mula kay Leila. Ito ay isang post mula kay Dominique, na kung saan nilinaw nito sa mga ne
Hindi na nag-isip pa si Camila, kaagad niyang pinatay ang location sharing.Ilang sandali siyang nagpabalik-balik sa paglalakad habang iniisip kung tatawagan ba si Juancho o hindi, ngunit bago pa man siya makapagpasya, tumunog na ang kaniyang telepono dahil tumatawag na ang huli.Humugot siya ng malalim na buntonghininga tapos ay pinindot ang answer button at sinubukang maging tunog mahinahon. “What?““You knew that I'm gonna call you, right?“ Dinig na dinig sa tono ng pananalita ni Juancho ang inis.Halatang nagalit ito dahil pinatay ni Camila ang location sharing.“Uh... ano ba kasi 'yon? May problema ba?“ tanong ni Camila habang pinapanatili ang pagiging mahinahon.“Bakit mo pinatay ang location sharing? I-send mo sa akin ang address kung nasaan ka ngayon at hintayin mo ako riyan.““Anong ginagawa mo rito?“ Lalong na-frustrate si Camila at bumakas iyon sa kaniyang pananalita.Ayaw niyang makita si Juancho. Bakit ba narito ang lalaking iyon kung nasaan siya? Ang layo layo na nga ng
Camila truly didn't want to serve him anymore.Not only did she stop caring about his face, but she no longer took her grandmother's words to heart either.“Ang sinabi mo wala siyang ginagawa, pero bakit nasa business trip daw siya ngayon? May asawa siyang katulad mong sobrang yaman, ngunit pinipili pa niyang maghanap-buhay para lang kumita ng kakarampot na pera. Talaga nga namang laki sa bukid ang babaeng 'yan. Hindi na nakapagtataka kung bakit napakababaw lamang ng kaniyang pananaw sa buhay.“Umismid si Lola Zonya.Hindi naman talaga gusto ni Juancho si Camila noon at binabalewala niya lamang ang mga sinasabi ng kaniyang lola patungkol sa asawa. Gayon pa man, ngayon, pagkatapos niyang mas makinig pa nang maigi sa mga salitang binitiwan ng matanda, kung pagsasama-samahin niya ang lahat, para itong mga tinik na tumutusok sa kaniyang puso.“Lola, ganito mo ba lagi pagsalitaan si Camila?“ bigla niyang naitanong.“Ano naman ngayon, masama ba? Hindi ba totoo ang sinabi ko? Milyon milyon n
Tumayo si Camila hawak ang kaniyang pinagkainan at ang mukha ay malamig.“Paano mo malalaman? Juancho, sa loob ng nakalipas na tatlong taon na nagkasama tayo, ang dami dami ko nang sinabi sa'yo, pero kailanma'y hindi ka nagkaroon ng pakialam. Pagod na ako at ayaw ko nang magsabi pa. Gusto mong malaman ngayon, pero alam mo sa tingin ko wala na rin namang silbi pa.“Naglakad siya patungo sa loob ng kusina at sinimulang hugasan ang kaniyang pinagkainan, pati na rin ang mga iba pang nagamit sa pagluluto kanina.Patapos na siya sa ginagawa nang bigla niyang naramdaman na pumulupot ang mga braso ni Juancho sa kaniyang baywang at marahan siyang niyakap mula sa likuran.Masuyong hinalikan ni Juancho ang kaniyang tainga na bahagyang nagpakiliti sa kanya ngunit hindi niya pinahalata.“Camila, sabihin mo nga sa akin, sa nakalipas na tatlong taon—““Kung gusto mong makipag-sex, dalian mo na. Huwag mong i-delay ang pagtulog ko. Kailangan ko pang bumangon nang maaga bukas,” putol ni Camila gamit an
“Juancho, bro, bakit hindi mo na lang hayaan si Assistant Villarazon na sumakay sa sasakyan ni Mr. Santos? Bukod sa sila ang magti-treat sa atin, mas makakapag-usap din sila tungkol sa trabaho habang nasa biyahe.“Sa sandaling iyon, hindi na napigilan ni Kenneth ang magsalita.Tinapunan ni Juancho ng tingin ang kaniyang kaibigan at napansin niya ang desperado nitong tangkang pagbibigay ng senyas. Kalaunan ay binitiwan niya ang kamay ni Camila.Sinalubong ni Camila ang kalmado niyang tingin bago sinundan si Marco sa labas.Bahagyang napaawang ang bibig ni Kenneth sa nasaksihan. Hindi niya inaasahang ganoon na lang kabilis umalis si Camila para sumunod sa ibang lalaki. Nang tuluyan nang makalabas si Camila ay bumalik ang tingin niya kay Juancho.Ang mukha ni Juancho ay nanatiling walang nakabakas na emosyon, tila tinatago ang tunay na damdamin. At dahil dito, hindi maiwasan ni Kenneth ang makaramdam ng pagkabahala.“Juancho...“ mahinang tawag niya.“Sa sasakyan na lang tayo mag-usap,” m
Pagkatapos ibaba ni Camila ang tawag ay nginitian niya ang assistant na may hawak ng kaniyang cellphone sa oras na iyon. “Kapag tumawag ulit siya, 'wag mo nang sabihin sa akin. Ikaw na ang bahalang sumagot.“ Ibinalik niya ang cellphone sa assistant at saka siya bumalik sa loob ng opisina kung saan sila nag-uusap ni Marco, naantala lamang sandali dahil sa tumawag.Narinig ng assistant ang pag-uusap ni Camila at ng taong nasa kabilang linya kanina. Napailing-iling siya sa kawalan.“Wala pa namang asawa si Miss Villarazon. Bakit niya ito tinatawag na sister-in-law? Lakas ng trip,” bulung-bulong niya sa kaniyang sarili.Sumulyap siya kay Marco na nakikipagkuwentuhan kay Camila sa loob ng opisina at isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga mata.Bagaman ang show ay ginawang sikat na loveteam sina Camila at Juancho, ang assistant naman ay isang die-hard romantic. Mas gusto pa rin niya ang totoong pag-ibig, hindi iyong palabas lang. Iyong tungkol sa ginawa ni Juancho na binilihan niya pala ng