Ayaw nang pag-usapan pa ni Camila ang tungkol sa nangyari kagabi, kaya mabilis niyang pinutol ang pagtatanong ng lalaki."It has nothing to do with you."Bago pa man makapagsalita si Juancho, natigilan na ito dahil sa binitawang sagot ng babae, biglang naramdaman niya ang pagkirot ng dibdib sa parang kutsilyo na mga salita ni Camila na walang pasabing tumama sa puso niya.Wala akong kinalaman sa kung anong nangyayari sa kanya?Bahagyang napalitan ng lamig ang kaniyang ekspresyon."Then who does it have to do with? Si Kenneth ba?" Natigilan si Camila.Ano daw? Ano naman ang kinalaman ni Kenneth dito at bigla bigla na lang siyang binabanggit ng lalaking 'to?Sa nakikitang katahimikan ng babae, mas lalong naging sarkastiko ang tono sa boses ni Juancho, "Ang galing mo rin naman talaga, Camila. 'Yong kagabi... nagawa mo pa rin akong akitin kahit na kakasabi mo pa lang noong mga nakaraang araw na gusto mong mag-divorce na tayo. Tapos ngayon naman, nakikipaglandian ka na kaagad kay Kenneth? A
"Okay. Stop talking about these nonsense things. Mayroon na lamang ilang araw na natitira bago ang party. Bilisan na natin ang pagtratrabaho. Walang higit na mas mabuti pa sa paggawa ng pera."Iniyakap ni Camila ang suot na coat sa kaniyang katawan at masiglang umupo sa mesa.Sinulyapan ni Leila ang workaholic niyang kaibigan at huminga ng malalim."Oo nga, ang dami nating trinabaho nitong mga nakaraang linggo. The dresses still haven't been delivered to your "gods", and after that, there'll be revisions. Hindi na talaga tayo dapat pang magsayang ng oras."Katulad ng inaasahan ni Leila, maingay at abala ang lahat sa V&L House of Fashion para sa nalalapit na party. Hindi na muling nagparamdam pa si Juancho, at masyado namang abala si Camila para pagtuunan pa ito ng pansin.It wasn’t until the two of them stood at the entrance of the Tala manor, where the fashion dinner was to be held, that they finally felt a sense of relief.Ang dalawampung milyon ay sadya nga naman talagang napakahira
Napatigagal ang babae sa narinig na binigay na presyo ni Dominique.Totoo naman talagang mahal ang mga damit na tinatahi mismo ni Sunshine. Pero hindi inaasahan ng babae na ganito kataas ang presyo! Mabilis na namula ang buong mukha nito sa kahihiyan.Hindi ugali ni Camila ang makisali o pumagitna sa usapan ng ibang tao, pero kung may kinalaman sa reputasyon ni Sunshine, hindi niya na mapigilan ang hindi tumayo mula sa kaniyang upuan at maglakad patungo sa dalawang babaeng nagtatalo."Miss Castañeda, sobrang daming tao ngayon dito sa party na maaaring makakita ng mantsa sa dress mo. Bakit hindi mo muna tanggapin ang alok niya at magbihis bago kayo mag-usap ng masinsinan?"Wala siyang naaalala na lumikha siya ng disenyo para lang kay Dominique, ngunit nakilala niya ang suot na dress ng isang babae bilang isa sa mga nilikha niya. Naglaan siya ng maraming oras at pagod para sa detalyeng paruparo sa bandang skirt nito, subalit naibenta lamang niya ito sa halagang three hundred thousand.At
Hinawakan ng security guard ang braso ni Camila at akmang hihilain na ito palabas. Pagkatapos hindi maniwala sa sinabi ng babae, mas lalo itong nakumbinsi na nag gate-crash lamang talaga ito.Ang babaeng nakatapon naman ng wine sa dress ni Dominique ay bahagyang naging balisa."Guard, Sir, sandali lang po! Hindi naman dapat siya kasali dito..." pigil ng niya sa guard."Miss Castañeda, magbabayad ako! Babayaran ko ang dress mong nasira ko, 'wag mo lang idamay ang ibang tao, please!"Nataranta ang babae. Halos mangiyak na ito sa pagmamakaawa kay Dominique na prenteng nakatayo lamang at nakataas ang kilay, mukhang nasisiyahan sa nangyayari.Binalingan nito si Camila at ang guard na napahinto rin sa paglalakad dahil sa biglaang pagmamakaawa ng babae kay Dominique para hindi siya mapalabas.Bahagya niyang hinila ang braso ni Camila, inilapit ang mukha malapit sa tainga nito at mahinang bumulong, "You don’t need to get kicked out because of this. I worked hard for this opportunity, and if I
Ang boses ng babaeng nakasuot ng velvet dress ay sobrang malumanay, na kaya nitong pakalmahin agad ang mga taong makaririnig sa kanya. Naramdaman ni Camila ang kabutihan ng kaniyang puso kaya't bahagya siyang napangiti."Don't mention it, you look really very beautiful tonight," puri ni Camila sa kanya.Namula naman ang mukha ng babae at nahihiyang nagpasalamat kay Camila. Pagkatapos noon ay nauna na muli siyang naglakad at iginiya ang iba pang mga kasamang babae sa kung nasaan ang kaniyang dressing room. Kahit na mabilis ang kaniyang lakad suot ang mahabang skirt, ang kilos nito ay marangal pa ring tingnan.Nang makarating na sa dressing room ang mga babae ay tahimik silang pumasok, samantalang ang babaeng nakatapon naman ng wine ay mabilis na inilabas at inilapag sa kaniyang sofa ang bago at malinis na dress na sinasabi niya kanina. Pinasadahan ng tingin ni Camila ang dress na nasa ibabaw ng malaking sofa, at nadiskubre niyang ito ay isa sa mga dress na siya mismo ang nag-design."It
Nang pumasok ang dalawang babae sa hall ay saktong magsisimula na rin ang sayawan.Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Leila ang kaibigan na magtamad tamaran at agad na itong hinila patungo sa dancefloor kung saan nandoon na rin ang maraming tao na masayang sinasabayan ang tunog ng musika.Habang binabago ang disenyo ng dress ni Dominique kanina, ang mga balahibong disenyo sa skirt ni Camila ay halos natanggal lahat ni Leila, na siyang dahilan para makita ang masalimuot na itim na patterns sa ilalim nito, na mas lalong nagpa misteriyoso sa hitsura ng babae.She was originally beautiful and had a curvy figure, especially her thin and boneless waist, which no one could match.Nang makatapak na sa dancefloor, nakuha agad nito ang atensyon ng halos lahat ng taong nandoon."Hi, Miss, may I have this dance?" Isang lalaki na may western accent ang masuyong lumapit kay Camila, at magalang itong inayang sumayaw."Uh... I'm sorry, but no," tanggi naman nito agad, ngunit nang masulyapan ang ma
Sobrang nakakaakit ang alok ni Kenneth. Subalit hindi mapigilan ni Camila ang sariling natural na mag-alangan sa lalaki.Siguro dahil iniisip niya na matalik na kaibigan ng lalaki si Juancho, na pakiramdam niya palagi ay nasa iisang bangka lamang ang dalawa.Bahagyang inihilig ni Camila ang kaniyang ulo sa gilid at malalim na tiningnan si Kenneth, "Juancho and I are getting divorced, alam mo ba 'yon?"Halatang natigilan si Kenneth nang ilang sandali, pagkatapos ay kalmadong ibinuka ang mga kamay sa magkabilang gilid, "Well, napag-alaman ko ang tungkol diyan nito lang mga nakaraang araw. Pero 'wag kang mag-alala, lagi naman akong propesyonal pagdating sa pambubliko at pribadong mga usapin, at hindi ko dadalhin ang tungkol sa mga bagay na 'to sa trabaho. Hindi lang din naman ako ang mag-isang nagdesisyon sa pag-imbita kay Miss Sunshine, desisyon ito ng buong design team. Iyon nga lang sa nabalitaan ko na... kamamatay lang ng asawa niya. Ayoko naman na bigla na lang siyang abalahin ng te
Silang dalawa ay tatlong taon ng kasal at sa loob ng mga taon na 'yon, ginawa lahat ni Camila ang makakaya niya.Nagpatingin na siya sa ospital noon, at ang tanging sinabi lamang ng doktor sa kanya ay may problema lamang ito sa follicle development. Ilang ulit na rin siyang nag-take ng ovulation-stimulating injections, kaya wala ng dahilan pa upang hindi siya mabuntis. Natigilan ito, tila bigla na lang may napagtanto."Hindi ba't dapat ay alam mo na kung kaya ko o hindi?" Dumilim ang mukha ni Juancho.Umangat ang kilay ni Camila. "Kung alam ko, edi sana sa loob ng tatlong taon nalaman ko na ang rason kung bakit hindi pa rin ako nabubuntis.""Iyan na lang ba talaga ang palaging laman ng utak mo?" Agresibong gumalaw ang panga ni Juancho dahil sa nagngingingit na ngipin, na nagsasabing galit na ito.Sa isip niya, mukhang gustong-gusto talaga ni Camila ang magkaroon ng anak. Pero ngayon, dahil hindi siya mabuntis, gusto na niya ng divorce. Pakiramdam ni Juancho, para kay Camila, isa laman
Habang nakaupo sa loob ng store si Camila, pinanood niya ang lalaki na lumitaw mula sa lilim ng puno hanggang sa ito ay dahan-dahan nang naglakad palayo roon.Mayroon siyang balak na tumawag ng pulis, kaya naman nagmasid masid pa siya sa buong paligid ng store, pinakiramdaman ang bawat sulok sa isang mahabang sandali upang masiguro kung nakaalis na ba talaga iyong lalaki. At saka lamang siya nakahinga nang maluwag kahit papaano noong sa tingin niya'y wala na nga ito sa paligid.Subalit, kahit ganoon man ay hindi pa rin siya nangahas na mag-isang bumalik sa hotel kung saan siya tutuloy.Kasi paano kung doon pala nag-aabang iyong lalaki sa kanya?Wala siyang ideya kung ano ang mga intensyon nito.Magsasarado na ang embroidery studio, at hindi siya maaaring manatili rito habambuhay.Nilabas niya ang kaniyang cellphone para tumawag na sa pulis. Ni-report niya ang kasalukuyan niyang sitwasyon at pagkatapos ay naghintay siya sa may bandang bukana ng store para sa kanilang pagdating.“Dapat
"I will give her the biggest compensation for this matter," sagot ni Juancho.“Juancho, ganito ka ba talagi palagi? Hindi mo nauunawaan 'yong pakiramdam na mapalitan ng ibang bagay na hindi mo naman gusto ang isang bagay na pinakamamahal at iniingatan mo. Sarili mo lang iniisip mo at wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba,” saad ng lalaki, ang boses nito ay nababahiran ng pang-uuyam.“Kung ganoon ibabalik ko rin sa'yo ang parehong tanong, ganito rin ba talaga palagi si Dominique?“ buwelta ni Juancho.“Anong ibig mong sabihin?“ Ang tono ng lalaki ay biglang napuno ng iritasyon.“You know exactly what I mean.“ Kasing lamig na ngayon ng yelo ang boses ni Juancho. “Bakit hanggang ngayon ayaw niya pa ring humingi ng paumanhin para sa gulong idinulot niya sa show noon?““Kasalanan niya ba 'yon?“ tutol ng lalaki. "You knew very well that my sister liked you, yet you still deliberately created hype as a loveteam with another woman in that show. You didn’t ignore her post on hersocial media
"Just say whatever you want to say."Nag-angat ng kilay si Juancho nang tinapunan niya ulit ng tingin si Alvin dahil hindi ito umiimik.Pinagsalikop ni Alvin ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang puson. “Uh, Sir... Hindi po ba't mas maganda nga ito ngayon kaysa noon? Ang ibig ko pong sabihin ay mas mukha na kayong tunay na mag-asawa ni Madame ngayon...“ maingat niyang tugon.Mabilis na naglaho ang galit na nararamdaman ni Juancho dahil sa sinabi ni Alvin. Pinigilan niyang umangat ang sulok ng kaniyang labi at nagtanong, “Why do you think that?““Kasi po nakikipagtalo na siya sa inyo ngayon, hindi po ba?“ maingat na tanong ni Alvin.Bago pa man mahulog si Juancho sa malalim na pag-iisip ay sinenyasan niya ang kaniyang assistant na magpatuloy sa mga sinasabi nito.“Kapag palagi po kasing nagtatalo ang isang magkasintahan o mag-asawa, ibig sabihin no'n ay mayroon silang malalim na relasyon. Uh, noon po kasi ay hindi nakikipagtalo sa inyo ang asawa niyo—marahil iyon ay dahil medyo.
Mula sa set, nagmamadaling umuwi si Dominique sa bahay niya dahil sa frustration, nang nakarating sa kanya ang balita na binawi raw ni Juancho ang wedding dress na dinisenyo ng V&L.“M-ma'am, ang sinabi naman po ni Sir Juancho ay ibibilhan na lang niya kayo ng panibago, na nagkakahalaga ng sampung milyon,” natatarantang paliwanag ng kasambay nang nakita niya ang galit na galit na mukha ng babae.Dumilim ang ekspresyon ni Dominique, ang mga mata nito ay punong-puno ng nag-uumapaw na galit.“Hindi mo man lang ba tinanong kung bakit niya kinuha ang wedding dress?““M-ma'am... si Sir Juancho na po kasi iyon. S-sino lang po ba ako para question-in ang desisyon niya p-po...“Napayuko ang kasambahay sa takot. Maingat siyang umatras ng kaunti.“Boba!“Tinulak pagilid ni Dominique ang kasambahay at saka siya nanggigigil na nagmartsa patungo sa cloakroom.Nang makita niya na ang napakagandang wedding dress ay talagang wala na sa kinalalagyan nito, ay kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil
“I never liked her, Camila,” Juancho emphasize.“Tinanong kita noon kung bakit 7.18 million ang binigay kong presyo sa wedding dress na iyon, pero hindi mo alam. Ni hindi man lang sumagi sa isipan mo ang tungkol sa mga numerong iyon.“ Diretso ang tingin ni Camila sa mga mata ni Juancho, ang ngiti sa kaniyang labi ay lalong pumapait. “Wedding anniversary natin iyon, Juancho. At 'yong wedding dress? That was the wedding dress I told you about. Pero dahil nagustuhan ni Dominique, sinabi mo sa shop na ibenta ito para sa kanya.“Marahas na nanginig ang mga mata ni Juancho.Iniwas ni Camila ang kaniyang tingin. “Sa sandaling nabenta ang wedding dress, isinuko ko na rin ang nakaraan at niyakap ang panibago kong buhay,” patuloy niya pa kahit naninikip na ang kaniyang lalamunan.“Bakit... bakit hindi mo sinabi sa akin?“ Matigas ang boses ni Juancho.Kumurba ang labi ni Camila para sa isang sarkastikong ngiti. "Do you think it would have made a difference? Marriage is a matter between a man and
Mabilis na nahulog sa pagkakatulog si Juancho dahil sa maaliwas na simoy ng sariwang hangin.Lumapit si Lola Celestina sa kinaroroonan niya para sana mangumusta ngunit naabutan niya itong tulog. Nilapitan niya pa ito lalo at maingat na inayos ang unan na medyo nahuhulog na. Malumanay siyang napanbuntonghininga nang pinagmasdan niya ang mukha nito at nakitang tila mayroong nakaukit na kalungkutan sa mga kilay niya.Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Camila.Pagkaraan ng ilan pang sandali ay bumalik siya sa kusina upang hanguin ang nilutong biko. Tapos na rin siyang nagluto ng adobo. Kaya naman nagpasya siyang i-video call ang apo.Kaagad namang komunekta ang tawag sa kabilang linya.“Lola...“Punong-puno ng pagmamahal ang mukha ni Lola Celestina nang tiningnan niya si Camila sa screen.“Kumusta ka na, apo? Kumusta ka sa trabaho mo?“Dahil hindi inaasahan ang tawag, pinaghinalaan ni Camila na ito ay mayroong kinalaman kay Juancho.“
Nanlamig bigla si Camila. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan.Sa isang iglap, naalala niya ang pananakot sa kanya ni Juancho patungkol sa future ni Miko. Palagi na lang palihim kung saan siya nagpupunta sa tuwing nawawala siya, at nakikita rin ng lahat kung paano niya suportahan si Dominique. Kung gusto niya talagang itago ang isang bagay na dapat ay nakatago, ni isa ay walang makakatuklas nito.Para sa insidenteng ito, hindi matukoy ni Camila kung sinadya ba itong gawin ni Juancho.Nakaupo siya ngayon sa loob ng kaniyang opisina, malalim ang kunot sa noo habang nilalapag ang cellphone sa mesa. Ang nararamdamang pagkayamot kay Juancho ay umabot na sa sukdulan.Sa sandaling iyon, tumunog ang kaniyang cellphone para sa isang tawag.Pagkakita sa pangalan ni Juancho sa screen ay malamig niya itong tinitigan subalit wala siyang balak na sagutin ito.Namatay ang tawag. Ngunit hindi nagtagal ay nagsimula na namang umingay ang cellphone. Ilang bese
Mabilis na lumipas ang kalahating buwan, at ang production team ay nakapagsimula na sa kanilang mga paghahanda para sa pinakahuling shoot.Kamakailan naman ay nagkaroon ng medyo maraming libreng oras si Camila.Sumang-ayon si Miko na dalhin si Camila sa tahanan ng kaniyang lola sa loob ng isang linggo pagkatapos ng pinakahuling shoot upang sukatin nito ang size ng matanda.Sa araw na iyon, habang tinatamad na iginugugol ni Camila ang kaniyang oras kasama ang production team ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula kay Leila.“Girl, a big opportunity has come!“ Ang boses ni Leila ay punong-puno ng pananabik.Sandali namang natigilan si Camila, bahagyang nalito.“Huh? Bakit? Did you land a big order?““Kilala mo si Faye Czalanie?“ tanong ni Leila nang may bahid ng ngiti sa kaniyang boses.Siyempre, kilala ito ni Camila. Sino bang hindi nakakakilala sa kanya? Si Faye Czalanie ay isang sikat na artista na lumabas na sa mga films sa Hollywood at nanalo na nga rin ito ng mga awar
Pakiramdam ni Kenneth ay parang pinahihirapan lamang niya ang kaniyang sarili. Isa lang naman kasi siyang hamak na ordinaryong single na lalaki na walang alam sa mga ganitong away mag-asawa.“Paano ba kita matutulungan? Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong gawin ko,” aniya sa kaibigan.Detalyado namang nagpaliwanag si Juancho sa kanya.Kenneth listened intenly, and after a moment, he responded, “It's hard for me to comment on this matter. If I were Camila—”“I know it's my problem,” putol ni Juancho at seryosong tiningnan si Kenneth. “,That's why I'm asking for your advice.““Ang iniisip lang naman kasi ni Camila ay iyong tungkol kay Dominique—na first love mo. Isang tawag niya lang pupuntahan mo agad ng walang pagdadalawang-isip, kahit nasaan pa siyang lupalop ng mundo sa sandaling iyon. Puwede bang tigilan mo nang gawin 'yon, bro?“ prankang saad ni Kenneth.“Mag-isip ka pa ng iba,” turan ni Juancho.Kumunot ang noo ni Kenneth. Kitang-kita na ngayon sa mukha niya ang kalituh