Silang dalawa ay tatlong taon ng kasal at sa loob ng mga taon na 'yon, ginawa lahat ni Camila ang makakaya niya.Nagpatingin na siya sa ospital noon, at ang tanging sinabi lamang ng doktor sa kanya ay may problema lamang ito sa follicle development. Ilang ulit na rin siyang nag-take ng ovulation-stimulating injections, kaya wala ng dahilan pa upang hindi siya mabuntis. Natigilan ito, tila bigla na lang may napagtanto."Hindi ba't dapat ay alam mo na kung kaya ko o hindi?" Dumilim ang mukha ni Juancho.Umangat ang kilay ni Camila. "Kung alam ko, edi sana sa loob ng tatlong taon nalaman ko na ang rason kung bakit hindi pa rin ako nabubuntis.""Iyan na lang ba talaga ang palaging laman ng utak mo?" Agresibong gumalaw ang panga ni Juancho dahil sa nagngingingit na ngipin, na nagsasabing galit na ito.Sa isip niya, mukhang gustong-gusto talaga ni Camila ang magkaroon ng anak. Pero ngayon, dahil hindi siya mabuntis, gusto na niya ng divorce. Pakiramdam ni Juancho, para kay Camila, isa laman
Tinawagan ni Camila si Leila para ipaalam na mauuna na siyang umuwi, gayunpaman, tinanong din niya ang kaibigan kung gusto ba nitong sumabay na sa kanya sa pag-uwi.Mukhang distracted naman si Leila na nasa kabilang linya."Sige, mauna ka nang umuwi. Magiging abala pa ako nang ilang sandali— Oh! You're so annoying!" Sumagot naman si Leila ngunit hindi masyadong maintindihan ang mga sinasabi nito.Natahimik si Camila nang napagtanto niyang baka nakatagpo ang kaibigan ng isang guwapong lalaki at hindi na siya makaalis dahil doon.Si Leila ay kahanga-hanga sa kahit ano mang paraan, ngunit kahinaan niya ang mga taong may magandang hitsura, lalo na ang mga guwapong lalaki, at mukhang wala na siyang pag-asa pang makaahon sa kahinaang iyon.Bumuntonghininga si Camila, "Sige, mauuna na akong umuwi at iiwan ko na lang ang driver para sa'yo.""Noted." Mabilis na ibinaba ni Leila ang tawag.Umalis na si Camila nang makaramdam ng pagiging kampante sa usapan nila ng kaibigan.Sa sumunod na umaga,
Ang matandang babaeng Villarazon, noon pa man ay sa nayon na nananatili, inaalagaan ang asawang si Bernardo. At kahit kailanman ay hindi pa bumibisita rito sa lungsod.Kaya paano niya posibleng nahanap ang daan patungo rito?Nanikip ang dibdib ni Camila dahil sa labis na pag-aalala para sa kaniyang Lola. Ikinatatakot niya na baka kung anong mangyaring masama sa matandang babae kapag naiwan itong mag-isa sa estasyon ng bus."Lola, puwede mo po bang ibigay ang cellphone sa driver? May sasabihin lang po ako," mabilis niyang pakiusap."Oh, sige!" Mabilis namang ibinigay ng matandang Villarazon ang cellphone sa driver."Ano ka ba naman? Paano mo nagagawang hayaan ang matandang gumala nang mag-isa? Hindi man lang niya alam kung saan siya pupunta. Hindi ba't parang nang-aabala na rin kayo ng hanapbubay ng ibang tao?" Ang driver ay naiinip na pinagsabihan si Camila."Sir, pasensiya na po sa abala. Makikiusap sana ako sa inyo na ihatid niyo na lang ang lola ko sa Pasig..." Humingi ng paumanhin
Saktong pagkababa ni Camila sa taxi, dumating, din ang isa pang sasakyan sakay ang kaniyang Lola Celestina.Tuluyan niyang pinakawalan ang matinding pag-aalalang naramdaman sa buong biyahe kanina nang makita ang lola na ligtas habang bumababa sa sasakyan."Lola naman, kung gusto niyo pong bumisita sa akin, dapat tinawagan niyo ho muna ako para ako ang sumundo sa inyo. Kung hindi, mag-aalala talaga ako ng sobra kapag bumiyahe kayo nang mag-isa tapos sa malayong lugar pa, kagaya ngayon."Tinanong ni Camila kung magkano ang orihinal na pamasahe dapat ng matanda. Nang sinagot ito ng driver ay agad naman niyang ibinigay ang bayad, triple ng orihinal na pamasahe katulad sa ipinangako niya kanina. Pagkatapos ay nilapitan niya ang kaniyang lola para tulungan itong buhatin ang bag na dala."Tara na po, lola. Pumasok na muna tayo sa loob ng bahay. Dahan-dahan lang po kayo sa paglalakad," magalang na turan ni Camila.Ngunit ang matandang Villarazon ay nanatiling matatag na nakatayo. "Sandali lan
Nang sumapit na ang gabi, ang matandang babaeng Villarazon ay naghanda na ng kanilang kakaining hapunan sa hapag at nagpakulo na rin siya ng Acasia flower herbal tea, ngunit hindi pa sila nagsimulang kumain. Patuloy lamang ang matanda sa pagsulyap sulyap sa may bandang pintuan at bumubulong bulong sa sarili na naririnig naman ni Camila. "Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Juancho? Ang tagal naman niyang umuwi."Sumulyap si Camila sa kaniyang lola at muling inalala kung ano ang ipinaalam ng kaniyang Kuya Clyde kanina. Pakiramdam niya ay parang mayroong bukol na namuo sa kaniyang lalamunan.Hindi niya lubos na maunawaan kung paanong ang matandang babae, na halos hindi na makaaninag at mayroon lamang kakarampot na karanasan sa labas ng kaniyang bayang kinalakhan, ay matagumpay na nakabiyahe patungo sa ganitong hindi pamilyar na lungsod para sa kanya. May bitbit na maraming kung anu-anong mga bagay.Iniisip ba niya na malapit na ang katapusan ng kaniyang buhay at gusto niyang
Nang tiningnan ni Camila ang screen ng kaniyang cellphone, nakita niyang ang Lola Celestina niya ang tumatawag.Maingat niyang sinulyapan si Juancho.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, ang nahihiya at umaasam niyang ekspresyon ay kitang-kita ng buo ng lalaki.Gusto sana ni Camila na himukin ang lalaki na magsalita, ngunit matapos ibuka ang mga labi, walang ni isang salita ang lumabas mula rito. Itinikom na lang muli niya ang bibig at pasimpleng tumalikod para makalabas na."Lola..." aniya pagkatapos sagutin ang tawag at kasabay nito ay sinarado niya ang pinto ng opisina na nasa kaniyang likuran."Lala, kumusta? Nahanap mo ba si Juancho? Kasama mo na ba siya ngayon?" tanong ng matandang babae sa kabilang linya.Nang mapagtanto na mas lalo nang lumalamim ang gabi, alam ni Camila na oras na sumindi na ang mga ilaw sa bahay, mas lalong masisilaw at masasaktan ang mga mata ng kaniyang lola. Ayaw ng matanda na malaman ni Camila ang tungkol sa kondisyon ng kaniyang mga mata, sapagkat natat
"Alam ko naman na abala kayo sa mga trabaho ninyo, kaya't ayoko na rin istorbohin pa kayo. At saka isa pa, alam ko naman ang pumunta rito kahit na mag-isa lang," sambit ng matandang Villarazon, habang marahang tinatapik tapik ang kamay ni Juancho. Isang masayang ngiti ang nakaukit sa kaniyang mukha."Hindi 'yon istorbo, lola. Sa sinasabi niyong 'yan, ano po ba ang tingin niyo sa akin? Manugang niyo sa apo o ibang tao na labas sa pamilya?" Bahagyang bumigat ang tono ng pananalita ni Juancho, halata ang pagiging seryoso.Mabilis na iwinagayway ni Mrs. Villarazon ang kaniyang mga kamay, senyales sa hindi pagsang-ayon. "Hindi, hindi, hindi! Paano magiging ganoon? Syempre apo rin kita, nag-aalala lang ako na busy ka at ako—"Pinutol ni Juancho sa sinasabi ang matanda. "Kahit na gaano pa po ako ka-busy, kahit kailanman hindi iyon magiging importante kaysa sa inyo. Ni minsan hindi po kayo naging abala, lola," aniya sa matatag na boses.Tumango ang matandang Villarazon at ngumiti ng malawak, a
"Nandito si lola Celestina?"Mabilis na napagtagpi tagpi ni Leila ang buong sitwasyon. Noong una ay nagulat pa siya ngunit kalaunan ay napanguso na lang."Hindi ka naman siguro palagi at patuloy na magpapanggap ng ganito, tama ba? Alam nating lahat na hindi tanga si lola," dagdag pa nitong tanong sa kaibigan.Tumango si Camila, walang tutol. "Sa ngayon nga ay iyan muna ang plano. Hindi maganda ang lagay ng kalusugulan ni lola kamakailan lamang. Marami na ring nabawas sa timbang niya at ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito ay para makita niya kung maayos ba ang pagsasama naming dalawa ni Juancho. Kung sasabihin ko sa kanya na magdi-divorce na kami, paniguradong hindi niya ito kakayaning tanggapin. Ayokong mas lalo pang sumama ang pakiramdam niya dahil dito. Gusko ko pa siyang mabuhay at makasama nang mas marami pang mga taon."Tinapik tapik ni Leila ang kaniyang baba habang nag-iisip. Well, kung ganyan nga'y kailangan mong paalalahan si Juancho na layuan muna si Dominique. Kung na
Habang nakaupo sa loob ng store si Camila, pinanood niya ang lalaki na lumitaw mula sa lilim ng puno hanggang sa ito ay dahan-dahan nang naglakad palayo roon.Mayroon siyang balak na tumawag ng pulis, kaya naman nagmasid masid pa siya sa buong paligid ng store, pinakiramdaman ang bawat sulok sa isang mahabang sandali upang masiguro kung nakaalis na ba talaga iyong lalaki. At saka lamang siya nakahinga nang maluwag kahit papaano noong sa tingin niya'y wala na nga ito sa paligid.Subalit, kahit ganoon man ay hindi pa rin siya nangahas na mag-isang bumalik sa hotel kung saan siya tutuloy.Kasi paano kung doon pala nag-aabang iyong lalaki sa kanya?Wala siyang ideya kung ano ang mga intensyon nito.Magsasarado na ang embroidery studio, at hindi siya maaaring manatili rito habambuhay.Nilabas niya ang kaniyang cellphone para tumawag na sa pulis. Ni-report niya ang kasalukuyan niyang sitwasyon at pagkatapos ay naghintay siya sa may bandang bukana ng store para sa kanilang pagdating.“Dapat
"I will give her the biggest compensation for this matter," sagot ni Juancho.“Juancho, ganito ka ba talagi palagi? Hindi mo nauunawaan 'yong pakiramdam na mapalitan ng ibang bagay na hindi mo naman gusto ang isang bagay na pinakamamahal at iniingatan mo. Sarili mo lang iniisip mo at wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba,” saad ng lalaki, ang boses nito ay nababahiran ng pang-uuyam.“Kung ganoon ibabalik ko rin sa'yo ang parehong tanong, ganito rin ba talaga palagi si Dominique?“ buwelta ni Juancho.“Anong ibig mong sabihin?“ Ang tono ng lalaki ay biglang napuno ng iritasyon.“You know exactly what I mean.“ Kasing lamig na ngayon ng yelo ang boses ni Juancho. “Bakit hanggang ngayon ayaw niya pa ring humingi ng paumanhin para sa gulong idinulot niya sa show noon?““Kasalanan niya ba 'yon?“ tutol ng lalaki. "You knew very well that my sister liked you, yet you still deliberately created hype as a loveteam with another woman in that show. You didn’t ignore her post on hersocial media
"Just say whatever you want to say."Nag-angat ng kilay si Juancho nang tinapunan niya ulit ng tingin si Alvin dahil hindi ito umiimik.Pinagsalikop ni Alvin ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang puson. “Uh, Sir... Hindi po ba't mas maganda nga ito ngayon kaysa noon? Ang ibig ko pong sabihin ay mas mukha na kayong tunay na mag-asawa ni Madame ngayon...“ maingat niyang tugon.Mabilis na naglaho ang galit na nararamdaman ni Juancho dahil sa sinabi ni Alvin. Pinigilan niyang umangat ang sulok ng kaniyang labi at nagtanong, “Why do you think that?““Kasi po nakikipagtalo na siya sa inyo ngayon, hindi po ba?“ maingat na tanong ni Alvin.Bago pa man mahulog si Juancho sa malalim na pag-iisip ay sinenyasan niya ang kaniyang assistant na magpatuloy sa mga sinasabi nito.“Kapag palagi po kasing nagtatalo ang isang magkasintahan o mag-asawa, ibig sabihin no'n ay mayroon silang malalim na relasyon. Uh, noon po kasi ay hindi nakikipagtalo sa inyo ang asawa niyo—marahil iyon ay dahil medyo.
Mula sa set, nagmamadaling umuwi si Dominique sa bahay niya dahil sa frustration, nang nakarating sa kanya ang balita na binawi raw ni Juancho ang wedding dress na dinisenyo ng V&L.“M-ma'am, ang sinabi naman po ni Sir Juancho ay ibibilhan na lang niya kayo ng panibago, na nagkakahalaga ng sampung milyon,” natatarantang paliwanag ng kasambay nang nakita niya ang galit na galit na mukha ng babae.Dumilim ang ekspresyon ni Dominique, ang mga mata nito ay punong-puno ng nag-uumapaw na galit.“Hindi mo man lang ba tinanong kung bakit niya kinuha ang wedding dress?““M-ma'am... si Sir Juancho na po kasi iyon. S-sino lang po ba ako para question-in ang desisyon niya p-po...“Napayuko ang kasambahay sa takot. Maingat siyang umatras ng kaunti.“Boba!“Tinulak pagilid ni Dominique ang kasambahay at saka siya nanggigigil na nagmartsa patungo sa cloakroom.Nang makita niya na ang napakagandang wedding dress ay talagang wala na sa kinalalagyan nito, ay kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil
“I never liked her, Camila,” Juancho emphasize.“Tinanong kita noon kung bakit 7.18 million ang binigay kong presyo sa wedding dress na iyon, pero hindi mo alam. Ni hindi man lang sumagi sa isipan mo ang tungkol sa mga numerong iyon.“ Diretso ang tingin ni Camila sa mga mata ni Juancho, ang ngiti sa kaniyang labi ay lalong pumapait. “Wedding anniversary natin iyon, Juancho. At 'yong wedding dress? That was the wedding dress I told you about. Pero dahil nagustuhan ni Dominique, sinabi mo sa shop na ibenta ito para sa kanya.“Marahas na nanginig ang mga mata ni Juancho.Iniwas ni Camila ang kaniyang tingin. “Sa sandaling nabenta ang wedding dress, isinuko ko na rin ang nakaraan at niyakap ang panibago kong buhay,” patuloy niya pa kahit naninikip na ang kaniyang lalamunan.“Bakit... bakit hindi mo sinabi sa akin?“ Matigas ang boses ni Juancho.Kumurba ang labi ni Camila para sa isang sarkastikong ngiti. "Do you think it would have made a difference? Marriage is a matter between a man and
Mabilis na nahulog sa pagkakatulog si Juancho dahil sa maaliwas na simoy ng sariwang hangin.Lumapit si Lola Celestina sa kinaroroonan niya para sana mangumusta ngunit naabutan niya itong tulog. Nilapitan niya pa ito lalo at maingat na inayos ang unan na medyo nahuhulog na. Malumanay siyang napanbuntonghininga nang pinagmasdan niya ang mukha nito at nakitang tila mayroong nakaukit na kalungkutan sa mga kilay niya.Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Camila.Pagkaraan ng ilan pang sandali ay bumalik siya sa kusina upang hanguin ang nilutong biko. Tapos na rin siyang nagluto ng adobo. Kaya naman nagpasya siyang i-video call ang apo.Kaagad namang komunekta ang tawag sa kabilang linya.“Lola...“Punong-puno ng pagmamahal ang mukha ni Lola Celestina nang tiningnan niya si Camila sa screen.“Kumusta ka na, apo? Kumusta ka sa trabaho mo?“Dahil hindi inaasahan ang tawag, pinaghinalaan ni Camila na ito ay mayroong kinalaman kay Juancho.“
Nanlamig bigla si Camila. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan.Sa isang iglap, naalala niya ang pananakot sa kanya ni Juancho patungkol sa future ni Miko. Palagi na lang palihim kung saan siya nagpupunta sa tuwing nawawala siya, at nakikita rin ng lahat kung paano niya suportahan si Dominique. Kung gusto niya talagang itago ang isang bagay na dapat ay nakatago, ni isa ay walang makakatuklas nito.Para sa insidenteng ito, hindi matukoy ni Camila kung sinadya ba itong gawin ni Juancho.Nakaupo siya ngayon sa loob ng kaniyang opisina, malalim ang kunot sa noo habang nilalapag ang cellphone sa mesa. Ang nararamdamang pagkayamot kay Juancho ay umabot na sa sukdulan.Sa sandaling iyon, tumunog ang kaniyang cellphone para sa isang tawag.Pagkakita sa pangalan ni Juancho sa screen ay malamig niya itong tinitigan subalit wala siyang balak na sagutin ito.Namatay ang tawag. Ngunit hindi nagtagal ay nagsimula na namang umingay ang cellphone. Ilang bese
Mabilis na lumipas ang kalahating buwan, at ang production team ay nakapagsimula na sa kanilang mga paghahanda para sa pinakahuling shoot.Kamakailan naman ay nagkaroon ng medyo maraming libreng oras si Camila.Sumang-ayon si Miko na dalhin si Camila sa tahanan ng kaniyang lola sa loob ng isang linggo pagkatapos ng pinakahuling shoot upang sukatin nito ang size ng matanda.Sa araw na iyon, habang tinatamad na iginugugol ni Camila ang kaniyang oras kasama ang production team ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula kay Leila.“Girl, a big opportunity has come!“ Ang boses ni Leila ay punong-puno ng pananabik.Sandali namang natigilan si Camila, bahagyang nalito.“Huh? Bakit? Did you land a big order?““Kilala mo si Faye Czalanie?“ tanong ni Leila nang may bahid ng ngiti sa kaniyang boses.Siyempre, kilala ito ni Camila. Sino bang hindi nakakakilala sa kanya? Si Faye Czalanie ay isang sikat na artista na lumabas na sa mga films sa Hollywood at nanalo na nga rin ito ng mga awar
Pakiramdam ni Kenneth ay parang pinahihirapan lamang niya ang kaniyang sarili. Isa lang naman kasi siyang hamak na ordinaryong single na lalaki na walang alam sa mga ganitong away mag-asawa.“Paano ba kita matutulungan? Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong gawin ko,” aniya sa kaibigan.Detalyado namang nagpaliwanag si Juancho sa kanya.Kenneth listened intenly, and after a moment, he responded, “It's hard for me to comment on this matter. If I were Camila—”“I know it's my problem,” putol ni Juancho at seryosong tiningnan si Kenneth. “,That's why I'm asking for your advice.““Ang iniisip lang naman kasi ni Camila ay iyong tungkol kay Dominique—na first love mo. Isang tawag niya lang pupuntahan mo agad ng walang pagdadalawang-isip, kahit nasaan pa siyang lupalop ng mundo sa sandaling iyon. Puwede bang tigilan mo nang gawin 'yon, bro?“ prankang saad ni Kenneth.“Mag-isip ka pa ng iba,” turan ni Juancho.Kumunot ang noo ni Kenneth. Kitang-kita na ngayon sa mukha niya ang kalituh