Sobrang nakakaakit ang alok ni Kenneth. Subalit hindi mapigilan ni Camila ang sariling natural na mag-alangan sa lalaki.Siguro dahil iniisip niya na matalik na kaibigan ng lalaki si Juancho, na pakiramdam niya palagi ay nasa iisang bangka lamang ang dalawa.Bahagyang inihilig ni Camila ang kaniyang ulo sa gilid at malalim na tiningnan si Kenneth, "Juancho and I are getting divorced, alam mo ba 'yon?"Halatang natigilan si Kenneth nang ilang sandali, pagkatapos ay kalmadong ibinuka ang mga kamay sa magkabilang gilid, "Well, napag-alaman ko ang tungkol diyan nito lang mga nakaraang araw. Pero 'wag kang mag-alala, lagi naman akong propesyonal pagdating sa pambubliko at pribadong mga usapin, at hindi ko dadalhin ang tungkol sa mga bagay na 'to sa trabaho. Hindi lang din naman ako ang mag-isang nagdesisyon sa pag-imbita kay Miss Sunshine, desisyon ito ng buong design team. Iyon nga lang sa nabalitaan ko na... kamamatay lang ng asawa niya. Ayoko naman na bigla na lang siyang abalahin ng te
Silang dalawa ay tatlong taon ng kasal at sa loob ng mga taon na 'yon, ginawa lahat ni Camila ang makakaya niya.Nagpatingin na siya sa ospital noon, at ang tanging sinabi lamang ng doktor sa kanya ay may problema lamang ito sa follicle development. Ilang ulit na rin siyang nag-take ng ovulation-stimulating injections, kaya wala ng dahilan pa upang hindi siya mabuntis. Natigilan ito, tila bigla na lang may napagtanto."Hindi ba't dapat ay alam mo na kung kaya ko o hindi?" Dumilim ang mukha ni Juancho.Umangat ang kilay ni Camila. "Kung alam ko, edi sana sa loob ng tatlong taon nalaman ko na ang rason kung bakit hindi pa rin ako nabubuntis.""Iyan na lang ba talaga ang palaging laman ng utak mo?" Agresibong gumalaw ang panga ni Juancho dahil sa nagngingingit na ngipin, na nagsasabing galit na ito.Sa isip niya, mukhang gustong-gusto talaga ni Camila ang magkaroon ng anak. Pero ngayon, dahil hindi siya mabuntis, gusto na niya ng divorce. Pakiramdam ni Juancho, para kay Camila, isa laman
Tinawagan ni Camila si Leila para ipaalam na mauuna na siyang umuwi, gayunpaman, tinanong din niya ang kaibigan kung gusto ba nitong sumabay na sa kanya sa pag-uwi.Mukhang distracted naman si Leila na nasa kabilang linya."Sige, mauna ka nang umuwi. Magiging abala pa ako nang ilang sandali— Oh! You're so annoying!" Sumagot naman si Leila ngunit hindi masyadong maintindihan ang mga sinasabi nito.Natahimik si Camila nang napagtanto niyang baka nakatagpo ang kaibigan ng isang guwapong lalaki at hindi na siya makaalis dahil doon.Si Leila ay kahanga-hanga sa kahit ano mang paraan, ngunit kahinaan niya ang mga taong may magandang hitsura, lalo na ang mga guwapong lalaki, at mukhang wala na siyang pag-asa pang makaahon sa kahinaang iyon.Bumuntonghininga si Camila, "Sige, mauuna na akong umuwi at iiwan ko na lang ang driver para sa'yo.""Noted." Mabilis na ibinaba ni Leila ang tawag.Umalis na si Camila nang makaramdam ng pagiging kampante sa usapan nila ng kaibigan.Sa sumunod na umaga,
Ang matandang babaeng Villarazon, noon pa man ay sa nayon na nananatili, inaalagaan ang asawang si Bernardo. At kahit kailanman ay hindi pa bumibisita rito sa lungsod.Kaya paano niya posibleng nahanap ang daan patungo rito?Nanikip ang dibdib ni Camila dahil sa labis na pag-aalala para sa kaniyang Lola. Ikinatatakot niya na baka kung anong mangyaring masama sa matandang babae kapag naiwan itong mag-isa sa estasyon ng bus."Lola, puwede mo po bang ibigay ang cellphone sa driver? May sasabihin lang po ako," mabilis niyang pakiusap."Oh, sige!" Mabilis namang ibinigay ng matandang Villarazon ang cellphone sa driver."Ano ka ba naman? Paano mo nagagawang hayaan ang matandang gumala nang mag-isa? Hindi man lang niya alam kung saan siya pupunta. Hindi ba't parang nang-aabala na rin kayo ng hanapbubay ng ibang tao?" Ang driver ay naiinip na pinagsabihan si Camila."Sir, pasensiya na po sa abala. Makikiusap sana ako sa inyo na ihatid niyo na lang ang lola ko sa Pasig..." Humingi ng paumanhin
Saktong pagkababa ni Camila sa taxi, dumating, din ang isa pang sasakyan sakay ang kaniyang Lola Celestina.Tuluyan niyang pinakawalan ang matinding pag-aalalang naramdaman sa buong biyahe kanina nang makita ang lola na ligtas habang bumababa sa sasakyan."Lola naman, kung gusto niyo pong bumisita sa akin, dapat tinawagan niyo ho muna ako para ako ang sumundo sa inyo. Kung hindi, mag-aalala talaga ako ng sobra kapag bumiyahe kayo nang mag-isa tapos sa malayong lugar pa, kagaya ngayon."Tinanong ni Camila kung magkano ang orihinal na pamasahe dapat ng matanda. Nang sinagot ito ng driver ay agad naman niyang ibinigay ang bayad, triple ng orihinal na pamasahe katulad sa ipinangako niya kanina. Pagkatapos ay nilapitan niya ang kaniyang lola para tulungan itong buhatin ang bag na dala."Tara na po, lola. Pumasok na muna tayo sa loob ng bahay. Dahan-dahan lang po kayo sa paglalakad," magalang na turan ni Camila.Ngunit ang matandang Villarazon ay nanatiling matatag na nakatayo. "Sandali lan
Nang sumapit na ang gabi, ang matandang babaeng Villarazon ay naghanda na ng kanilang kakaining hapunan sa hapag at nagpakulo na rin siya ng Acasia flower herbal tea, ngunit hindi pa sila nagsimulang kumain. Patuloy lamang ang matanda sa pagsulyap sulyap sa may bandang pintuan at bumubulong bulong sa sarili na naririnig naman ni Camila. "Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Juancho? Ang tagal naman niyang umuwi."Sumulyap si Camila sa kaniyang lola at muling inalala kung ano ang ipinaalam ng kaniyang Kuya Clyde kanina. Pakiramdam niya ay parang mayroong bukol na namuo sa kaniyang lalamunan.Hindi niya lubos na maunawaan kung paanong ang matandang babae, na halos hindi na makaaninag at mayroon lamang kakarampot na karanasan sa labas ng kaniyang bayang kinalakhan, ay matagumpay na nakabiyahe patungo sa ganitong hindi pamilyar na lungsod para sa kanya. May bitbit na maraming kung anu-anong mga bagay.Iniisip ba niya na malapit na ang katapusan ng kaniyang buhay at gusto niyang
Nang tiningnan ni Camila ang screen ng kaniyang cellphone, nakita niyang ang Lola Celestina niya ang tumatawag.Maingat niyang sinulyapan si Juancho.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, ang nahihiya at umaasam niyang ekspresyon ay kitang-kita ng buo ng lalaki.Gusto sana ni Camila na himukin ang lalaki na magsalita, ngunit matapos ibuka ang mga labi, walang ni isang salita ang lumabas mula rito. Itinikom na lang muli niya ang bibig at pasimpleng tumalikod para makalabas na."Lola..." aniya pagkatapos sagutin ang tawag at kasabay nito ay sinarado niya ang pinto ng opisina na nasa kaniyang likuran."Lala, kumusta? Nahanap mo ba si Juancho? Kasama mo na ba siya ngayon?" tanong ng matandang babae sa kabilang linya.Nang mapagtanto na mas lalo nang lumalamim ang gabi, alam ni Camila na oras na sumindi na ang mga ilaw sa bahay, mas lalong masisilaw at masasaktan ang mga mata ng kaniyang lola. Ayaw ng matanda na malaman ni Camila ang tungkol sa kondisyon ng kaniyang mga mata, sapagkat natat
"Alam ko naman na abala kayo sa mga trabaho ninyo, kaya't ayoko na rin istorbohin pa kayo. At saka isa pa, alam ko naman ang pumunta rito kahit na mag-isa lang," sambit ng matandang Villarazon, habang marahang tinatapik tapik ang kamay ni Juancho. Isang masayang ngiti ang nakaukit sa kaniyang mukha."Hindi 'yon istorbo, lola. Sa sinasabi niyong 'yan, ano po ba ang tingin niyo sa akin? Manugang niyo sa apo o ibang tao na labas sa pamilya?" Bahagyang bumigat ang tono ng pananalita ni Juancho, halata ang pagiging seryoso.Mabilis na iwinagayway ni Mrs. Villarazon ang kaniyang mga kamay, senyales sa hindi pagsang-ayon. "Hindi, hindi, hindi! Paano magiging ganoon? Syempre apo rin kita, nag-aalala lang ako na busy ka at ako—"Pinutol ni Juancho sa sinasabi ang matanda. "Kahit na gaano pa po ako ka-busy, kahit kailanman hindi iyon magiging importante kaysa sa inyo. Ni minsan hindi po kayo naging abala, lola," aniya sa matatag na boses.Tumango ang matandang Villarazon at ngumiti ng malawak, a
Tahimik na nakaupo ang dalawa sa kama habang kaharap ang isa't-isa.Pinagmasdan ni Juancho ang mga marka ng ngipin ni Camila sa kaniyang palapulsuhan. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.Nakaramdam ng alon ng karaingan si Camila na pumintog sa kaniyang dibdib. Wala siyang ibang mapagkatiwalaan at wala rin siyang ibang masisisi.Bago siya pumayag na pakasalan si Juancho, kailanman ay hindi pumasok sa imahinasyon niya na magiging ganito ang kalalabasan ng pag-aasawa niya—isang arrangement na kung saan walang inaasahang pagmamahal at kapaitan lamang ang tanging lulunukin ng tahimik.Pagkalipas ng ilang minuto ng katahimikan ay walang imik na humiga si Camila sa kama. Umusog siya palayo kay Juancho at saka niya ito tinalikuran.Agresibong gumalaw ang panga ni Juancho dahil sa nagngangalit nitong mga ngipin. Umiling-iling siya at humiga na rin sa kabilang gilid ng kama.Maya-maya pa ay bumaling siya sa banda ni Camila at napansin niyang hindi ito gumagalaw, pero alam niyang gising pa an
Walang pakialam na nagsalita si Lola Zonya, "Okay, okay. Ang alam ko lang ay Castañeda ang apelyido ng doktor, hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. Tungkol naman sa contact information, siguro ay nakalagay iyon sa pakete ng gamot na pinadala ko kay Camila. Kunin mo iyon at doon mo i-check.""Lola naman! Hinayaan mo si Camila na mag-undergo ng acupuncture nang hindi mo man lang alam maski buong pangalan lang ng doktor?"Ang boses ni Juancho ay punong-puno ng galit. Hindi na niya hinintay pa ang tugon ng kaniyang lola at bigla na lang niyang binaba ang tawag.Bumalik si Juancho sa loob ng silid. Kaagad niyang hinanap ang bag ni Camila at inisa-isang tingnan ang mga laman nito.Wala ang gamot na sinasabi ng kaniyang lola. Ang tanging laman lamang ng bag ay isang tablet, na ginagamit sa trabaho, ID ni Camila at mga susi.Mas lalong naging malamig ang ekspresyon ni Juancho. Umupo siya sa tabi ni Camila at muling tinawagan ang kaniyang lola."Lola, anong pangalan ng parmasya?" mahinaho
Ngumiti si Doctor Castañeda pagkatapos niyang makuhanan ng pulso si Camila at binalingan si Lola Zonya."It seems there’s nothing wrong with her body, Ma'am. Have you been to the hospital for a checkup?" magalang niyang tanong.Tumango si Lola Zonya at sinenyasan niya si Camila na magkuwento.Ngunit tila nasa ibang bagay ang laman ng isipan ni Camila, kinailangan pa siyang sikuhin ng matandang babae upang bumalik ito sa realidad."Ilang beses na po akong nagpatingin sa doktor at nagpa-inject na rin pero hindi gumana," sagot niya sa malumanay na boses."I see. Kung ganoon ay dapat mong subukan ang acupuncture. Reresetahan din kita ng ilang mga gamot para ma-regulate ang iyong katawan," mungkahi ni Dr. Castañeda sa mahinahong kilos."Ganito lang ba talaga ito ka simple, doc?" Ang tono ni Lola Zonya ay tinatraydor ang kaniyang pag-aalinlangan.Pinanatili ni Dr. Castañeda ang kaniyang mahinahon na ekspresyon. "I’ve reviewed the medical records you provided, Ma'am. There doesn’t appear to
Nag-init ang buong mukha ni Camila, pati rin ang kaniyang tainga ay sobrang pula na."Kung ayaw mong isuot, lumabas ka na lang na nakahubad..." sabi niya habang sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili.Lalabas na sana siya sa kuwarto nang bigla na lamang hinawakan ni Juancho ang kaniyang palapulsuhan at hinila palapit sa kanya.At dahil dito ay na out of balance si Camila, sa huli'y bumagsak siya sa mga bisig ni Juancho.Sa sobrang pagkataranta niya, hindi sinasadyang dumapo ang kaniyang kamay sa isang parte ng katawan ng lalaki na hindi niya dapat mahawakan.Mas lalong nag-init ang mukha ni Camila, ang kaniyang puso ay parang sasabog na. Kaagad niyang binawi ang kaniyang kamay na para bang napaso siya."A-anong ginagawa mo?! Tanghaling tapat, Juancho... Magbihis ka na n-nga!""You remember my size quite well," Juancho said as he lowered his eyes, staring at her.He was already in a terrible mood, but when he saw Camila preparing clothes for him at her place, his mood had su
Kahit na gaano pa kalakas ang mga kamay ni Juancho ay hindi pa rin niya magawang mahawakan ng maayos ang kaserola. At dahil sa ginawa ni Camila na pagbuhos ng tubig na may kasama pang bigas, mas lalo pa tuloy bumigat ang laman ng kaserola kaya mas lalo ring nahirapan si Juancho na kontrolin ang paghawak dito. Hanggang sa nabitawan niya ito nang tuluyan. Ang tubig, bigas, mga tulya at mga gulay ay tumapon sa gas stove.Namatay ang apoy, ngunit ang shirt, suit pants at ang mamahaling leather shoes ni Juancho ay namantsahan na rin ng tubig na may halong bagoong at mantika.Ang ibang mga sahog na tulya at ibang mga gulay ay gumulong sa counter at ang iba'y gumulong pagbagsak sa sahig, na siyang gumawa ng malakas na ingay sa buong paligid.Si Camila naman na hawak-hawak pa rin ang kaldero ay hinaplos ang batok at umatras, mayroong pinaghalo-halong inosente, kaba at takot na nakabakas sa kaniyang magandang mukha. Subalit sa mga sandaling iyon ay gustong-gusto na siyang lapitan ni Juancho pa
Pakiramdam ni Camila, hindi na siya kailangan.Samantala, lumawak ang ngiti ni Lola Celestina dahil sa nakikita niyang maayos na pagsasama ng dalawang mas batang magkasintahan. Sobrang nasisiyahan siya na makita ang apo na hindi pinahihirapan ng kaniyang asawa. Nakaramdam siya ng ginhawa."Sobrang busy ninyong dalawa. Tumatanda na rin kayong pareho. Kailan niyo ba balak na magkaroon ng anak?" biglang tanong ng matandang babae. Tiningnan niya pareho sina Juancho at Camila habang sila'y kumakain.Bahagyang natigilan si Camila. Alam niya kasi na hindi gusto ni Juancho na pini-pressure siya ng mga matatanda patungkol sa pagkakaroon nila ng anak at nag-aalala siya na baka ma-misunderstand nito ang sinabi ng kaniyang lola kaya't mabilis siyang tumugon sa matanda, "Pinag-iisipan ko pa po ang tungkol sa bagay na ito, Lola. Maaari pong hindi ganoon kaganda ang lagay ng kalusugan ko ngayon kaya hindi pa rin ako nabubuntis. Huwag po kayong mag-alala gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."Walang s
"Sagutin mo," turan ni Juancho sa mababang boses.Bumuntonghininga siya pagkatapos magsalita. Ang kaniyang bawat paghinga ay medyo mabibigat, halatang iritado sa kung sinuman ang bigla-bigla na lang tumatawag sa oras na 'yon.Kaagad na kinuha ni Camila ang telepono na nasa ibabaw ng kaniyang tiyan at nang makita niyang pangalan ni Dominique ang nasa screen ay nag-alinlangan siya nang ilang sandali bago nagsalita, "Si Dominique ang tumatawag," malamig niyang sinambit.Mabilis na iminulat ni Juancho ang kaniyang mga mata at agad na kinuha mula sa kamay ni Camila ang telepono."Dom, bakit? May problema ba?" tanong niya pagkatapos pindutin ang answer button."Ang lakas ng ulan, Juancho. Kumukulog at kumikidlat pa. Sobrang natatakot ako..."Ang boses ni Dominique na humahagulgol sa iyak at tunog kaawa-awa ang bumungad mula sa kabilang linya.Sinulyapan ni Camila si Juancho."Wala ako sa hotel ngayon," sagot ni Juancho sa mababang boses. Kumpara kanina ay mukhang hindi na siya naiinip ngayo
Sa unang pagkakataon ay nagkumahog si Camila na tumakbo patungo sa kuwarto ni Juancho nang walang pakialam sa kahit anuman.Pagkarating niya sa kuwarto nito ay kaagad niyang binuksan ang pinto at pumasok. Ang kaniyang mga mata ay puno ng mga nagbabadyang luha.Nakuha niya agad ang atensyon ni Juancho, na kanina pa hindi natutuwa dahil sa problema tungkol kay Justin.Ngunit bago pa man makapagsalita si Camila ay malamig na siyang tinuya ni Juancho, "Sobrang natakot ka ba na paaalisin ko ang lalaking modelo mo, kaya't nagpunta ka rito at umiiyak sa'kin ngayon?""Si Lola Celestina, nahulog siya! Gusto ko lang humingi ng emergency leave para makauwi ako sa amin at makita ang kalagayan niya ngayon."Inignora ni Camila ang panunuya ng lalaki dahil ayaw na niyang makipagtalo pa. Ang tanging inaalala niya ngayon ay ang kondisyon ng kaniyang lola.Mabilis na naglaho ang sarkastikong ekspresyon sa mukha ni Juancho at kaagad siyang tumayo."Mauna ka na sa labas, susunod din ako," aniya sa seryos
"Magmula ba noong tinulungan ka niyang makakuha ng gamot na gusto mo hanggang sa ibibigay mo na sa akin ang gamot, nahiwalay na ba sa katawan mo ang cellphone mo?"Magsasalita pa lang sana si Kenneth nang maunahan siya ni Camila.Tahimik na nag-isip si Justin."Noong panahong sinusukatan ako ni Miss Helena, binigyan niya ako ng isang baso ng tubig. Pagkatapos kong inumin iyon, nakipagkuwentuhan siya sa akin hanggang sa makatulog ako nang ilang minuto..." biglang sinabi ni Justin pagkaraan ng ilang sandali.Pinasadahan ng dila ni Kenneth ang kaniyang labi bago nagsalita nang malalim. "Sino bang may alam kung ano talaga ang ginagawa mo sa loob ng kuwarto? Paniguradong hindi aaminin ng iyong designer na ginamit niya ang cellphone mo upang mag-send ng message para i-frame up ka pagkatapos mong mainom ang tubig na inalok niya."Huminto muna siya sandali sa pananalita bago muling nagtanong, "Pero ano nga bang benepisyo ang makukuha ni Helena sa pag-frame up sa'yo? Wala naman 'di ba?"Nag-ta