Nang tiningnan ni Camila ang screen ng kaniyang cellphone, nakita niyang ang Lola Celestina niya ang tumatawag.Maingat niyang sinulyapan si Juancho.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, ang nahihiya at umaasam niyang ekspresyon ay kitang-kita ng buo ng lalaki.Gusto sana ni Camila na himukin ang lalaki na magsalita, ngunit matapos ibuka ang mga labi, walang ni isang salita ang lumabas mula rito. Itinikom na lang muli niya ang bibig at pasimpleng tumalikod para makalabas na."Lola..." aniya pagkatapos sagutin ang tawag at kasabay nito ay sinarado niya ang pinto ng opisina na nasa kaniyang likuran."Lala, kumusta? Nahanap mo ba si Juancho? Kasama mo na ba siya ngayon?" tanong ng matandang babae sa kabilang linya.Nang mapagtanto na mas lalo nang lumalamim ang gabi, alam ni Camila na oras na sumindi na ang mga ilaw sa bahay, mas lalong masisilaw at masasaktan ang mga mata ng kaniyang lola. Ayaw ng matanda na malaman ni Camila ang tungkol sa kondisyon ng kaniyang mga mata, sapagkat natat
"Alam ko naman na abala kayo sa mga trabaho ninyo, kaya't ayoko na rin istorbohin pa kayo. At saka isa pa, alam ko naman ang pumunta rito kahit na mag-isa lang," sambit ng matandang Villarazon, habang marahang tinatapik tapik ang kamay ni Juancho. Isang masayang ngiti ang nakaukit sa kaniyang mukha."Hindi 'yon istorbo, lola. Sa sinasabi niyong 'yan, ano po ba ang tingin niyo sa akin? Manugang niyo sa apo o ibang tao na labas sa pamilya?" Bahagyang bumigat ang tono ng pananalita ni Juancho, halata ang pagiging seryoso.Mabilis na iwinagayway ni Mrs. Villarazon ang kaniyang mga kamay, senyales sa hindi pagsang-ayon. "Hindi, hindi, hindi! Paano magiging ganoon? Syempre apo rin kita, nag-aalala lang ako na busy ka at ako—"Pinutol ni Juancho sa sinasabi ang matanda. "Kahit na gaano pa po ako ka-busy, kahit kailanman hindi iyon magiging importante kaysa sa inyo. Ni minsan hindi po kayo naging abala, lola," aniya sa matatag na boses.Tumango ang matandang Villarazon at ngumiti ng malawak, a
"Nandito si lola Celestina?"Mabilis na napagtagpi tagpi ni Leila ang buong sitwasyon. Noong una ay nagulat pa siya ngunit kalaunan ay napanguso na lang."Hindi ka naman siguro palagi at patuloy na magpapanggap ng ganito, tama ba? Alam nating lahat na hindi tanga si lola," dagdag pa nitong tanong sa kaibigan.Tumango si Camila, walang tutol. "Sa ngayon nga ay iyan muna ang plano. Hindi maganda ang lagay ng kalusugulan ni lola kamakailan lamang. Marami na ring nabawas sa timbang niya at ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito ay para makita niya kung maayos ba ang pagsasama naming dalawa ni Juancho. Kung sasabihin ko sa kanya na magdi-divorce na kami, paniguradong hindi niya ito kakayaning tanggapin. Ayokong mas lalo pang sumama ang pakiramdam niya dahil dito. Gusko ko pa siyang mabuhay at makasama nang mas marami pang mga taon."Tinapik tapik ni Leila ang kaniyang baba habang nag-iisip. Well, kung ganyan nga'y kailangan mong paalalahan si Juancho na layuan muna si Dominique. Kung na
Nang makauwi na sa apartment, nadatnan nilang abala si lola Celestina sa kusina.Naghugas ng mga kamay si Camila bago naglakad patungo sa matanda."Lola, ako na po r'yan," alok niya.Sinubukang magprotesta ng matanda, ngunit nang makita niya si Juancho na hinuhubad ang kaniyang coat at naglalakad papit, ngumiti siya agad."Okay, okay! Kayong mga bata pa ay mayroong mas malakas na panlasa, kaya't kayo na ang gumawa."Nang umupo si Camila sa tabi ng kaniyang lola, isang piraso ng isda ang biglang dumagdag sa kaniyang pinggan. Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung sino ang naglagay at nakita niyang mula ito kay Juancho.Mabilis siyang matamis na ngumiti pabalik, ngunit sa kaloob looban niya, nagmamaktol na siya.Hmm, hindi naman ako kumakain ng isda, e!Ito na ba ang paraan ng lalaki para makaganti sa kanya dahil sa pagsira niya nang sana'y dinner date nila ni Dominique?Sa inis, sumandok si Camila ng maraming karne-at pa-inosenteng inilagay sa pinggan ni Juancho, na may kasama pang
Sumulyap si Juancho sa direksiyon ng babae, bahagyang itinitikom nito ang maninipis na labi. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nagsalita siya."Nakita ko ang dalawa pang mga kumot sa kuwarto ni lola. Siguro sobrang nilalamig siya. Bakit hindi ka pumunta roon at kunin mo?" aniya.Saglit na napaisip si Camila bago sumagot, "Hindi na."Kung totoong nilalamig nga ang kaniyang lola ay hindi na niya ito kukunin pa. At saka, baka kung pumunta siya sa silid ng matanda para kuhanin ang kumot ay mag-isip pa ito ng kung ano at magduda. At isa pa, mas nag-aalala siya kung paano makakatulog ng matiwasay ngayong gabi.Bahagyang gumalaw si Juancho at humiga sa kabilang gilid ng kama, gumagawa ng espasyo sa kabilang bahagi."Sige na, matulog ka na," aniya. Tinapunan ang babae ng makahulugang tingin.Nagdalawang-isip si Camila nang ilang sandali, tapos ay naglakad na ito patungo sa kabilang gilid ng kama suot ang blankong ekspresyon. Hinila ang natirang parte ng kumot at itinabon sa kaniyang
"Ano pa ba dapat ang hingiin ko?"Biglang nagising si Camila, nakaramdam siya ng pinaghalong kahihiyan at alibadbad. Sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakahawak ng lalaki."Bakit mo ako hinahawakan habang natutulog ka, huh?"Ang mas lalong nagpabahala sa kanya ay ang hindi mapakaling isipan—nakasanayan na ba talaga niyang manghawak ng ibang tao sa kaniyang pagtulog? At ang ibang taong 'yon ay malamang hindi siya.Napahinto si Juancho, ang titig niya ay nakapirmi lamang habang tinitingnan ang babaeng nasa ilalim niya."Hindi ba't ito ang gusto mo?"Napakurap-kurap si Camila sa kalituhan, nananatiling hilo mula sa pagkatulog."Ano ang gusto ko?""Napakaraming pambatang bagay na narito sa bahay, at mga paintings na nakalagay sa pader nitong kuwarto, pati iyang picture frame sa mesa. May mga damit panlalaki sa kabinet at mayroon ding panlalaking tsinelas sa may pintuan. Huwag mong sabihin sa akin na para kay Kenneth ang lahat ng 'yon?"Ang boses ni Juancho ay mabagal at banayad habang
"Okay, then it's settled. I’ll have someone contact you about the contract," ani Kenneth, sobrang nasisiyahan. "Welcome to The Great Designer! I won't let you down."Ilang sandaling nag-alinlangan si Camila."Salamat, pero... mayroon lang sana akong maliit na kahilingan," sambit niya."Ano 'yon?" tugon ni Kenneth, ang boses niya ay mas tumaas para mahigitan ang ingay na nasa kaniyang paligid. Pinalakasan din niya ang volume ng kaniyang cellphone para makasiguro na wala siyang makakaligtaan na kahit ano sa mga sasabihin ng babae sa kabilang linya.Huminga ng malalim si Camila, "Ayaw ko sana na malaman ni Juancho ang tungkol dito."Ayaw niya na ang komplikasyon sa relasyon nila ni Juancho ay makaapekto maging sa shop man o sa programa. Kung magkakaroon ito ng kaalaman, maaring masira ang lahat lahat.Ilang sandaling natahimik si Kenneth bago tuluyang makasagot."Sige... as long as he doesn't find out, I don't see why it matters."Pagkatapos ibaba ang tawag, naglakad si Kenneth patungo s
"You can handle this kind of things as you see fit. Hindi mo na kailangan pang mag-report sa akin mamaya. Kung kailangan mo ng pera, si Alvin na lang ang diretso mong i-contact." Ang tono ni Juancho ay maigsi. "Basta't siguraduhin mo lang na ligtas si Dominique.""Opo, Sir," mabilis na tugon ni Malaya, bago ibinaba ang tawag. Ang ekspresyon niya ay komplikado pagkatingin kay Dominique, na kalahating nakasandal sa kaniyang kinauupuan, nilalaro ang suot na bracelet."Ano ang sinabi niya?" Itinikom ni Dominique ang kaniyang labi bago ngumiti, ang mga mata nito ay punong puno ng mga inaasahan."Pumayag siya. Maaaring pumunta na lang ako sa Tala para direktang gumawa ng koneksyon."Si Juancho at si Kenneth ay matalik na magkaibigan, kaya syempre, ibibigay ni Juancho ang pabor na ito.Gano'n pa man, hindi maalis sa pakiramdam ni Malaya na ang naging tono ng pananalita ni Juancho sa cellphone ay medyo walang interes, bagaman hindi niya masabi kung ito lamang ba ay kaniyang sariling impresyon
Sa kaniyang pag-aasawa, si Camila lamang ang nagdala ng bigat ng kaduwagan.Sina Juancho at Dominique ay hindi mapaghihiwalay. Ang isang tawag lamang ay sapat na upang mapapunta ni Dominique si Juancho sa kaniyang tabi, samantalang si Camila ay patuloy na naglalakad ng maingat, binabantayan ang kaniyang mga salita at mga ikinikilos sa loob ng programa para lamang sa kapakanan ng lalaki.Namuo ang pagkadismaya sa dibdib ni Camila habang mahigpit niyang ikinukuyom ang kaniyang mga kamay na nasa magkabila niyang gilid. Nang makabalik na siya sa kuwarto ni Leila ay naging malamig ang kaniyang ekspresyon. Tahimik siyang umupo sa harap ng workbench at walang imik na itinuon ang buong atensyon sa kaniyang mga gawain.Si Leila na abala sa pamamahala ng mga affairs sa kanilang shop sa tablet ay napansin ang pagbabago sa kilos ni Camila.Nag-angat siya ng tingin at tinanong ang kaniyang kaibigan, "Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit parang pang biyernes santo ang mukha mo riyan."Naghahanda na si
"Ano ngayon kung ganoon nga?" Ini-adjust ni Camila ang bag ng camera na nakasabit sa kaniyang balikat at nagbaba ng tingin. "At dahil palihim ka naman na nag-oobserba, siguro naman dapat alam mo na ngayon na ang nagdulot sa insidente ay si Dominique."Tahimik na pinagmasdan ni Juancho si Camila, ang kaniyang ekspresyon ay hindi mabasa.Wala ng pagnanais si Camila na pag-usapan pa ang bagay na ito. Ang mga kaganapan na nakapalibot sa loob ng programa ay matagal nang nag-iwan sa kanya ng pagkadismaya at kawalan ng paniniwala."Kahit pa ito ay dahil kay Dominique, hindi isang tao na katulad ng lalaki na iyon ang dapat na mag-provoke sa kanya," magaan na sinabi ni Juancho"Iyon naman pala!" Nagpakawala ng mapanuksong tawa si Camila. "Kung sana noong umpisa pa lang ay nilinaw mo na na ang palabas na ito ay personal na palabas pala ni Dominique, edi sana malamang ay hindi na kami pumayag ni Miss Lopez na makilahok sa programang ito. Naniniwala naman ako na susuportahan siya ng lahat kung sa
Sinabi ng assistant ni Juancho na si Alvin na mag-ingat ang lahat at iwasan na gumawa ng kung anumang kalokohan o maglaro ng mga tricks sa loob ng programa. Nagsilbing babala sa lahat ang mga binitawan niyang salita.Pagkaalis niya ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid."Puwede na ba nating ituloy ang pagsusukat nitong pattern sa iyo?" biglang basag ni Camila sa katahimikan. Nanatili siyang mahinahon, na para bang walang nangyari habang hawak-hawak ang clothing pattern na ipinapakita niya kay Dominique.Gamit ang hindi mabasang ekspresyon ay tinapunan siya ng tingin ni Dominique."Mukha ka talagang hindi apektado 'no?" mariin niyang saad.Ang pagpapakita ni Camila ng walang takot kay Juancho ay ang siyang nagpalito kay Dominique. Habang ang ibang mga tao na nakapaligid sa lalaki ay halos magkumahog na sa takot kapag nakakaharap nila ito, si Camila naman ay hindi man lang nag-aabala na magpakita ng magalang at maayos na pakikitungo rito."Hindi ako nagsinungaling. B
"Hindi nagsisinungaling si Miss Castañeda, Mr. Buenvenidez. Narinig ng lahat ng mga taong nandito ang sinabi ni Justin na ginagamit lang daw ni Miss Castañeda ang pagkakakilala niyo upang i-hype ang kaniyang sarili, at na ang iyong atensyon ay nakatuon lamang daw kay Assistant Villarazon, na wala ka raw pagmamalasakit para kay Miss Castañeda," kaagad na dinagdagan ni Monica ang mga salita ni Juancho.Hindi man lang sinulyapan ni Juancho si Monica kahit isang segundo, ang kaniyang buong atensyon ay na kay Camila lamang."Sumagot ka," aniya kay Camila.Tinitigan ni Camila ang mga mata ng lalaki, ang kaniyang boses ay magalang ngunit mariin."Hindi sinasadya ni Justin ang kaniyang mga naging pahayag. Mahalaga kang personalidad sa programa na ito, Mr. Buenvenidez. Bakit ka pa mababahala sa isang modelo?""Ang mga modelong nagpapakalat ng alitan ay hindi na dapat pang manatiling bahagi ng programa na ito." Ang tono ni Juancho ay magaan, ngunit ang kaniyang mga salita ay matalim.Naglakad s
Hindi namalayan ni Camila na napatingin siya kay Justin, pakiramdam niya ay gumagawa ang lalaki ng isang bundok mula sa isang mowlhil.Mahinahon niyang binawi ang kaniyang braso at magalang na sinabi, "Salamat, pero mukhang hindi naman madulas ang sahig."Kinuha ni Justin ang basket ng prutas mula sa kaniyang kamay ng may nakabakas na ekspresyon na walang magawa sa kaniyang mukha."May tumutulong tubig mula sa basket, ang sahig ay gawa sa marmol at ang iyong paa ay injured. Kung pagsasama-samahin mo silang tatlo, madali lang itong magdulot ng problema. Sige na, kunin mo na lang ang plato at ako na ang magbubuhat nitong basket para sa iyo."Nag-hum si Camila bilang tugon at hindi na tumanggi pa.Si Juancho, na nakatayo sa malapit ay nanliliit ang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa na magkasunod na umalis. Ang kaniyang mukha ay malupit, na para bang anumang oras ay mayroong malaking apoy na sisiklab sa kaniyang katawan.Inilapag ni Justin ang basket ng prutas sa ibabaw ng bakal na
Mabilis na nakumbinsi si Camila sa mungkahi ni Leila, kaya't tumigil na siya sa pag-iisip pa lalo tungkol dito.Kinaumagahan ay tapos na niyang gawin ang pattern at nagpasya siya na dalhin ito kay Dominique. Pagkatapos ng lahat, si Dominique ang opisyal na modelo ng kanilang grupo at kailangan siya ni Camila upang i-tsek ang fit ng pattern.Pagkatapos ng tanghalian, nagtungo si Camila sa kuwarto ni Dominique upang hanapin ito habang dala-dala niya ang pattern.Nang makarating na siya sa kuwarto ni Dominique ay napag-alaman niya na wala roon ang babae. Pagkatapos niyang magtanong-tanong sa mga tao sa paligid ay nalaman niya na nasa hardin pala sa ibaba si Dominique kasama ang grupo ng mga designers at mga modelo.Tinahak ni Camila ang daan patungo sa hardin na bitbit pa rin ang pattern.Pagkakita sa kanya ni Dominique ay agad siyang nginitian nito at binati, "Assistant Villarazon, ano ang ginagawa mo rito? Anong kailangan mo?""Nandito ako ngayon, Miss Castañeda upang kausapin ka dahil
"Malandi? Nang-akit sa lalaki na pag-aari mo? Talaga ba? Sino ka ba sa inaakala mo para akusahan mo ako ng ganyan? Ano ka ba niya?"Sinuklian ni Camila ng kalmadong tingin ang tingin na ipinukol sa kanya ni Dominique.Medyo natakot si Dominique sa nakababahalang presensya ni Camila. Alam nito ang katotohanan na may asawa na si Juancho, at kung lalala pa ang sitwasyon, paniguradong pati siya ay mahihila pababa ng lalaki.Inikot ni Dominique ang kaniyang mga mata at agad na nagpakita ng agrabyadong ekspresyon na tila ba siya pa ang na-misunderstand nila."Assistant Villarazon, ginagawa ko lang naman ito para sa ikabubuti ng reputasyon ni Miss Lopez. Hindi ko nakita mismo si Juancho na lumabas sa kuwarto mo bandang alas kuwatro ng madaling araw, pero dahil may ibang tao na nagsasabi na nakita niya ito, hindi naman siguro siya magsisinungaling 'di ba?""Miss Sales, bakit hindi ka direktang magtanong kay Mr. Buenvenidez? Kung iyan ang sinasabi mo, hindi kita masasagot dahil hindi ko naman
Ang mga mata ng lahat ay napunta kay Justin de Mesa.Sinulyapan ni Justin si Camila, pagkatapos ay inilipat niya ang kaniyang tingin kay Dominique."If you misunderstood that Mr. Buenvenidez helped her into the room last night, I’m also involved," saad ni Justin, na may bahid ng kalituhan sa kaniyang tono."Anong oras mo nakita na tinulungan siya ni Mr. Buenvenidez papunta sa kaniyang kuwarto?" kaagad na matalas na tanong ni Monica.Binalingan ng tingin ni Justin si Monica at saka nagkibit ng balikat."Mas weird nga na nag-post ka sa instagram ng bandang alas kuwatro ng madaling araw kanina. Tinatanong mo pa talaga sa akin ang oras ngayon? Intensyonal ba 'yan?"Kaagad namang umismid si Monica. "Sinasabi mo ba na nag-post ako sa instragam bandang alas kuwatro ng madaling araw upang sadyain na siraan siya?"Nanatiling walang malasakit si Justin. "Hindi ko alam. Sino ba ang hindi natutulog ng alas kuwatro ng madaling araw? Malamang sa mga oras na iyon ay natutulog pa rin si Mr. Buenvenid
Wala ng iba pang sinabi si Juancho, ngunit minasahe niya pa sa mahabang sandali ang paa ni Camila bago siya tuluyang tumayo at naghanda para umalis.Hindi napansin ni Camila kung gaano kalamig at kalungkot ang pakiramdam sa kuwarto pagkatapos umalis ng lalaki. Sa katunayan, pagkatapos nilang dalawa na magsalo ng maiinit na mga sandali sa isang kama ng hindi mabilang na beses, ang pakiramdam ay palaging ganito, kagaya sa araw na ito—tahimik at walang init.Tahimik na nilisan ni Juancho ang kuwarto ni Camila, marahan niyang sinarado ang pinto nito at pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa sarili niyang kuwarto.Pagkapasok na pagkapasok ng lalaki sa loob ng kaniyang kuwarto, isang pinto naman ang bumukas. Isang babaeng designer na may hawak na garbage bag ang nakatayo sa pintuan, sumusulyap at nakapako ang tingin sa pinto ng kuwarto ni Juancho ng may kislap sa kaniyang mga mata.Hindi gaanong nakatulog si Camila, ngunit pagkatapos ng kaninang panggugulo ni Juancho ay nagawa niyang mak