"Nandito si lola Celestina?"Mabilis na napagtagpi tagpi ni Leila ang buong sitwasyon. Noong una ay nagulat pa siya ngunit kalaunan ay napanguso na lang."Hindi ka naman siguro palagi at patuloy na magpapanggap ng ganito, tama ba? Alam nating lahat na hindi tanga si lola," dagdag pa nitong tanong sa kaibigan.Tumango si Camila, walang tutol. "Sa ngayon nga ay iyan muna ang plano. Hindi maganda ang lagay ng kalusugulan ni lola kamakailan lamang. Marami na ring nabawas sa timbang niya at ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito ay para makita niya kung maayos ba ang pagsasama naming dalawa ni Juancho. Kung sasabihin ko sa kanya na magdi-divorce na kami, paniguradong hindi niya ito kakayaning tanggapin. Ayokong mas lalo pang sumama ang pakiramdam niya dahil dito. Gusko ko pa siyang mabuhay at makasama nang mas marami pang mga taon."Tinapik tapik ni Leila ang kaniyang baba habang nag-iisip. Well, kung ganyan nga'y kailangan mong paalalahan si Juancho na layuan muna si Dominique. Kung na
Nang makauwi na sa apartment, nadatnan nilang abala si lola Celestina sa kusina.Naghugas ng mga kamay si Camila bago naglakad patungo sa matanda."Lola, ako na po r'yan," alok niya.Sinubukang magprotesta ng matanda, ngunit nang makita niya si Juancho na hinuhubad ang kaniyang coat at naglalakad papit, ngumiti siya agad."Okay, okay! Kayong mga bata pa ay mayroong mas malakas na panlasa, kaya't kayo na ang gumawa."Nang umupo si Camila sa tabi ng kaniyang lola, isang piraso ng isda ang biglang dumagdag sa kaniyang pinggan. Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung sino ang naglagay at nakita niyang mula ito kay Juancho.Mabilis siyang matamis na ngumiti pabalik, ngunit sa kaloob looban niya, nagmamaktol na siya.Hmm, hindi naman ako kumakain ng isda, e!Ito na ba ang paraan ng lalaki para makaganti sa kanya dahil sa pagsira niya nang sana'y dinner date nila ni Dominique?Sa inis, sumandok si Camila ng maraming karne-at pa-inosenteng inilagay sa pinggan ni Juancho, na may kasama pang
Sumulyap si Juancho sa direksiyon ng babae, bahagyang itinitikom nito ang maninipis na labi. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nagsalita siya."Nakita ko ang dalawa pang mga kumot sa kuwarto ni lola. Siguro sobrang nilalamig siya. Bakit hindi ka pumunta roon at kunin mo?" aniya.Saglit na napaisip si Camila bago sumagot, "Hindi na."Kung totoong nilalamig nga ang kaniyang lola ay hindi na niya ito kukunin pa. At saka, baka kung pumunta siya sa silid ng matanda para kuhanin ang kumot ay mag-isip pa ito ng kung ano at magduda. At isa pa, mas nag-aalala siya kung paano makakatulog ng matiwasay ngayong gabi.Bahagyang gumalaw si Juancho at humiga sa kabilang gilid ng kama, gumagawa ng espasyo sa kabilang bahagi."Sige na, matulog ka na," aniya. Tinapunan ang babae ng makahulugang tingin.Nagdalawang-isip si Camila nang ilang sandali, tapos ay naglakad na ito patungo sa kabilang gilid ng kama suot ang blankong ekspresyon. Hinila ang natirang parte ng kumot at itinabon sa kaniyang
"Ano pa ba dapat ang hingiin ko?"Biglang nagising si Camila, nakaramdam siya ng pinaghalong kahihiyan at alibadbad. Sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakahawak ng lalaki."Bakit mo ako hinahawakan habang natutulog ka, huh?"Ang mas lalong nagpabahala sa kanya ay ang hindi mapakaling isipan—nakasanayan na ba talaga niyang manghawak ng ibang tao sa kaniyang pagtulog? At ang ibang taong 'yon ay malamang hindi siya.Napahinto si Juancho, ang titig niya ay nakapirmi lamang habang tinitingnan ang babaeng nasa ilalim niya."Hindi ba't ito ang gusto mo?"Napakurap-kurap si Camila sa kalituhan, nananatiling hilo mula sa pagkatulog."Ano ang gusto ko?""Napakaraming pambatang bagay na narito sa bahay, at mga paintings na nakalagay sa pader nitong kuwarto, pati iyang picture frame sa mesa. May mga damit panlalaki sa kabinet at mayroon ding panlalaking tsinelas sa may pintuan. Huwag mong sabihin sa akin na para kay Kenneth ang lahat ng 'yon?"Ang boses ni Juancho ay mabagal at banayad habang
"Okay, then it's settled. I’ll have someone contact you about the contract," ani Kenneth, sobrang nasisiyahan. "Welcome to The Great Designer! I won't let you down."Ilang sandaling nag-alinlangan si Camila."Salamat, pero... mayroon lang sana akong maliit na kahilingan," sambit niya."Ano 'yon?" tugon ni Kenneth, ang boses niya ay mas tumaas para mahigitan ang ingay na nasa kaniyang paligid. Pinalakasan din niya ang volume ng kaniyang cellphone para makasiguro na wala siyang makakaligtaan na kahit ano sa mga sasabihin ng babae sa kabilang linya.Huminga ng malalim si Camila, "Ayaw ko sana na malaman ni Juancho ang tungkol dito."Ayaw niya na ang komplikasyon sa relasyon nila ni Juancho ay makaapekto maging sa shop man o sa programa. Kung magkakaroon ito ng kaalaman, maaring masira ang lahat lahat.Ilang sandaling natahimik si Kenneth bago tuluyang makasagot."Sige... as long as he doesn't find out, I don't see why it matters."Pagkatapos ibaba ang tawag, naglakad si Kenneth patungo s
"You can handle this kind of things as you see fit. Hindi mo na kailangan pang mag-report sa akin mamaya. Kung kailangan mo ng pera, si Alvin na lang ang diretso mong i-contact." Ang tono ni Juancho ay maigsi. "Basta't siguraduhin mo lang na ligtas si Dominique.""Opo, Sir," mabilis na tugon ni Malaya, bago ibinaba ang tawag. Ang ekspresyon niya ay komplikado pagkatingin kay Dominique, na kalahating nakasandal sa kaniyang kinauupuan, nilalaro ang suot na bracelet."Ano ang sinabi niya?" Itinikom ni Dominique ang kaniyang labi bago ngumiti, ang mga mata nito ay punong puno ng mga inaasahan."Pumayag siya. Maaaring pumunta na lang ako sa Tala para direktang gumawa ng koneksyon."Si Juancho at si Kenneth ay matalik na magkaibigan, kaya syempre, ibibigay ni Juancho ang pabor na ito.Gano'n pa man, hindi maalis sa pakiramdam ni Malaya na ang naging tono ng pananalita ni Juancho sa cellphone ay medyo walang interes, bagaman hindi niya masabi kung ito lamang ba ay kaniyang sariling impresyon
Nang makita ni Dominique na ipinasok ni Malaya ang kahon ng relo sa loob ng kaniyang bag ay kumalma ang itsura niya, ngunit sa loob niya, kumikirot pa rin ang kaniyang puso.Pagkatapos ng lahat, ang relo na ibinigay niya sa bago niyang agent ay ang relo na binili niya lamang para sa kaniyang sarili at hindi tunay na regalo sa kanya ni Juancho, at simula noong nabili niya ito hanggang ngayon ay nagdaramdam pa rin siya sa sakit dahil sa napakataas na presyo nito.Ngunit tuwing iniisip niya ang tungkol sa kung paano siya magiging sikat sa hinaharap, parang natural lang naman kung gagastos siya ng kahit kaunti lang."At saka nga pala, mayroon pa akong ilang mga larawan dito. Tingnan mo kung maaari mo silang magamit."Sw-in-ipe ni Dominique ang kaniyang album, namimili ng ilang mga imahe. Lumapit naman si Malaya sa kanya at bahagyang dumungaw para makita ang mga larawan na sinasabi ng babae. Ang mga larawan ay pinapakita si Dominique kasama si Juancho, ngunit ang mukha ng lalaki sa mga lar
Sa sumunod na araw, nang magising si Camila, natagpuan niya na ang taong nasa tabi niya ay nakaalis na nang hindi man lang niya namamalayan."Lala apo, gising ka na pala."Pagkarinig sa tunog ng pagbubukas ng pinto mula sa kuwarto, tumayo si Lola Celestina mula sa sofa at nagsimulang maglakad patungo sa kusina upang magpainit ng almusal para sa kaniyang apo."Nasaan po si Juancho, Lola?" Kinamot ni Camila ang magulo niyang buhok. Napansin niya na ang leather na sapatos sa may bukana ng pintuan ay wala na."Maagang bumangon si Juancho upang bumili ng almusal at pagkatapos ay umalis na. Bago siya umalis, sinabi niya sa akin na paalalahanan kita na 'wag mong kalimutang kumain pagkagising mo."Dinalhan ni Lola Celestina si Camila ng masarap na masarap na sandwich mula sa kusina na may kasama pang tasa ng mainit na gatas, pagkatapos ay tiningnan niya ang apo na parang may inaasahan."Hmm... Kumusta naman kayong dalawa ni Juancho?"Hindi alam ni Camila kung ano ang isasagot niya.The sun ri
Humakbang si Juancho patungo sa tabi ni Camila at hinawakan ang kamay nito. “Dahil ayaw niyo sa kanya, hindi na po ako uuwi rito sa susunod. Kung miss na miss niyo na talaga ako, sa kompanya niyo na lang ako bisitahin,” baling niya sa kaniyang lola.“Juancho... Lola mo ako...“ sambit ni Lola Zonya sa nanginginig na boses. Mabilis niyang nilapitan si Juancho at hinila ang kamay nito.“Hindi ko po sinabing hindi ko kayo Lola, pero lagi na lang po kasi kayong nakikipagtalo ng ganito. Nakakapagod na rin para sa ating lahat. Higit kalahati ng taon siyang hindi umuwi. Ngayon na nga lang siya nakauwi ulit tapos ginagawa ninyong mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya,” mariing saad ni Juancho.“I won't divorce Camila,” dagdag pa niya.Wala na siyang pakialam kahit hindi pa matuloy ang dinner na ito.Umismid si Lolo Alonzo.“Ayaw mong makipag-divorce? Hindi ba't hindi ka naman satisfied sa marriage na ito? Hindi rin gusto ng Lola mo si Camila. Mas mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng i
“Juancho, halika,” tawag ni Lolo Alonzo sa kaniyang apo.Sinenyasan niya ito na lumabas muna silang dalawa sa kusina. Lumapit naman si Juancho ngunit kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan. Nangangamba kasi siya na baka kung iiwan ang dalawang babae sa kusina ay mag-aaway na naman ang mga ito.“Hayaan mo muna sila. Kailangan din nilang mapag-usapan ang tungkol sa mga hindi nila napagkakasunduang bagay. Hindi maganda para sa Lola mo na palaging nagagalit,” ani Lolo Alonzo habang naglalakad sila patungo sa sala.“,Sa bagay...“Walang magawa si Juancho kundi umupo na lang.Sa loob ng kusina, binalingan ni Lola Zonya si Camila. “May mga gulay pang hindi nahugasan. Hugasan mo ng mabuti ang lahat. Kung hindi ka marunong magluto, tuturuan kita,” saad niya“Opo.“Tumayo si Camila at naglakad patungo sa lababo, bitbit ang mga gulay. Binuhay niya ang faucet at dahan-dahang sinimulan ang paghuhugas sa mga ito.“Anong petsa pa tayo matatapos dito kung ganyan ka kabagal kumilos?“ med
Hindi magawang paniwalaan ni Camila ang kaniyang narinig. Para sa isang sikat na artista na katulad ni Miko Fuentes, kahit isang simpleng post niya lamang sa kaniyang social media account, ay paniguradong maraming manifacturers ng mga down jacket ang dadagsa at kusang magpapadala sa kanya.“Sige, pero kasi kahit tatlong araw pa ang off natin, masyadong late na,” sagot ni Camila."Matagal tayong mawawala. Buwan ng Nobyembre ang panahon na umuulan ng malakas na nyebe doon. I can still wear other down jackets. Would half a month be okay?" magiliw na tanong ni Miko.Tumango si Camila."Maaari kitang bigyan ng tatlong piraso sa kalahating buwan.""Tatlong piraso? Si Sunshine ba ang nagdisenyo nito ng personal?" tanong muli ni Miko, na may bahid ng pananabik ang boses.Hindi namalayan ni Camila na nagsisimula na pala siyang makaramdam ng mas komplikadong pakiramdam."Kung personal na idinisenyo ni Sunshine ang mga ito, ang presyo ay kakalkulahin nang hiwalay, at hindi hihigit sa isang piras
Bago pa man tuluyang tanggalin ng production team si Erah sa ginagawang palabas, ilang mga bagong aktres ang dumating para mag-audition.Sa huli, isang hindi tanyag ngunit kilalang aktres ang napili. Ang sabi ay hindi raw gano'n kalakihan ang halaga ng bayad sa kanya. Ang kabuuang sahod niya para sa paggawa ng pelikula ay mas mababa pa sa 500,000 pesos.Ang aktres na ito ay mayroong malinis na facial features, hindi tulad ni Erah na mabigat na nakaasa sa isang top-tier na makeup artist para lamang ma-achieve ang napakagandang epekto. Ang bagong aktres na ito ay isang daang porsiyentong sinusunod ang mga pinipiling styling ni Camila, at maging ang isang malaking salansan ng mga materyales patungkol sa kasaysayang ng China na may kaugnayan sa ginagawang drama na binigay ni Prpfessor Chen ay taos-puso niyang tinanggap.Binigyan siya ni Direk Zaldy ng isang linggo upang basahin at aralin ang script at ang mga librong pangkasaysayan.Naglakad si Camila patungo sa pintuan ng dressing room,
Mabilis na naglakad si Linda patungo kay Erah at hinila ito sa gilid. Tumingin siya sa mga tao sa paligid at ngumiti nang pilit. “Pasensiya na po kayong lahat... Hindi kasi nakatulog nang maayos si Erah kagabi dahil isinaulo niya ang kaniyang script, kaya't pati ang init ng kaniyang ulo ay hindi niya makontrol...“Subalit, pagkatapos na pagkatapos pa lamang niyang sabihin ang naisip na palusot ay humiyaw bigla si Erah.Ang malakas niyang paghiyaw ay ang siyang dahilan kung bakit natahimik ang lahat.“Ugh! Sobrang nakakairita ang makeup na 'to! Gusto kong magpalit ng ayos ng makeup! Direk Zaldy, wala ka man lang bang magawa para baguhin ito? Alam mo bang dahil sa makeup na 'to, hindi pa ako nakakakain o nakakainom ng maayos simula noong nag-umpisa ang filming!“ sigaw niya pa habang ang kaniyang mga mata ay pulang-pula at ang mukha ay puno ng pagdaramdam.Sa sandaling iyon, biglang tumayo si Miko. Marahas niyang ibinagsak ang hawak na bote sa lapag.“Kung hindi mo kayang umarte, umalis
Tinapunan ng tingin ni Marco si Camila at bigla niyang naramdaman na parang ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na nakilala niya ang babae.Pagkaraan ng ilang sandali ay humalakhak siya.“Ikaw nga talaga... ang Camila Villarazon na humamon kay Mr. Buenvenidez sa show ng Tala. Halika pumunta tayo sa lugar ko at doon tayo mag-usap.“Mayroon siyang sariling nakahiwalay na kuwarto, kung saan medyo mas ligtas.Walang anumang mababakas na emosyon sa mga mata ni Camila nang pumasok siya sa loob ng silid.“Mayroon akong hawak dito na puwedeng gamitin para mapaalis si Erah sa crew. Noong una, hirap na hirap talaga akong mag-isip sa kung ano ang maaari kong gawin, pero ngayon na sinama mo si Professor Chen dito ay nagkaroon ako ng direksiyon.“Pagkatapos magsalita, kinuha niya ang kaniyang cellphone at binuksan ang isang file ng recording.Pinakinggan ni Marco ang recording, kung saan maririnig ang matinis at hindi nasisiyahang boses ni Erah habang ipinapahayag nito ang kaniyang pagkadi
Mula sa kaniyang cellphone, nag-angat ng tingin si Marco kay Juancho."Matutuklasan ba talaga ito? Ang mga tao sa industriya ng entertainment ay masyadong masekreto patungkol sa kanikanilang mga trabaho. Sa katunayan, kung nagkataon na nagkamali sila, ang kanilang mga karera ay maaaring masira."Hindi naman sa hindi pa niya naisip ang pamamaraan na ito, ngunit noong nagtanong tanong siya sa mga kaugnay na propesyonal, sinabi nila sa kanya na kung si Erah nga ang may kagagawan nito, ang kompanya na nasa likod niya naman ang paniguradong nagtulak nito.Ang ganitong malaking kompanya ay tiyak na hindi mag-iwan ng kahit anong ebidensya at maghahanap ng isang tao na sisihin upang linisin ang sarili nito at si Erah.“Ang importante, alam natin na hindi nagbayad si Lala ng mga tao para mag-trend siya at para lang i-market ang kaniyang sarili.“Ang pag-uugali ni Juancho ay napakalayo sa kabaitan nang harapin niya si Marco.Tumango si Marco, nagbaba siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagmamani
Lumingon si Camila upang tingnan si Juancho. Nagulat siya, ngunit mayamaya ay kumalma rin.“Bakit ka nandito?“Diretsong naglakad si Juancho papasok sa loob ng pribadong silid. Huminto siya sa tabi ni Camila at marahang ipinatong ang kamay sa balikat nito. “Siyempre, nandito ako para tulungan ang pinsan ko na lutasin ang problema,” saad niya.Si Professor Chen, na nakaupo sa tabi ni Marco, ay ang siyang unang tumayo para bumati kay Juancho. “Mr. Buenvenidez,” aniya sabay lahad ng kamay, na kaagad din namang tinanggap ni Juancho upang makipagkamayan. "You young people should sit together and solve the mess on the Internet."Alam din ni Zaldy ang mga nagaganap na kaguluhan sa social media, ngunit maging siya ay walang paraan para harapin ang mga ganitong bagay.Umupo si Juancho sa tabi ni Camila at bumaling kay Marco. "Your crew is small and evil. Is it worth your actress targeting a little assistant like this?“ utas niya bigla.Si Zaldy ang sumagot para kay Marco. "Mr. Buenvenidez, It'
Nagpatuloy ang filming gaya ng dati.Bandang tanghali, habang kumakain si Camila ng kaniyang pananghalian, ang isa sa mga guwapong lalaking supporting actor ay umupo sa katapat niyang upuan sa mesa.“Puwede mo ba akong samahan kainin itong hita ng manok? Pataba na kasi ako nang pataba kamakailan,” turan nito nang nakangiti.Nag-angat ng tingin si Camila at tumingin sa lalaki. “Uh, wala ka bang assistant na puwede mong pagbigyan?“Kilala niya ang lalaking supporting actor na ito, na nagngangalang Alex, na may napakahusay na kasanayan sa pag-arte, ngunit ang kaniyang mga resources ay masyadong mapang-abuso, at ang kaniyang mga tagahanga ay madalas na naawa sa kanya.Lumapad ang ngiti ni Alex. “Mayro'n naman, kaso ang taba taba na no'n, dapat sa kanya mag-diet minsan. Ikaw masyado kang payat kaya dapat ay kumain ka pa ng mas madami.“Camila thought he was being overly insincere and hypocritical, criticizing others behind their backs. Isn't that just like a treacherous brother who betrays