Sweet Summer With Mr. Millionaire

Sweet Summer With Mr. Millionaire

last updateLast Updated : 2024-10-09
By:  Madam Ursula  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
9 ratings. 9 reviews
42Chapters
2.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa batang puso ni Nikka ay minahal na niya ang kanyang senyorito ngunit ang kanilang katayuan sa buhay ay hadlang sa sumisibol niyang damdamin. Sa patagong paraan ay inalagaan niya ang pagtangi sa amo niyang hindi niya malaman kung pinaglalaruan ba siya o may pagtingin din sa kanya. Ang lahat ng pangarap at pagasa ni Nikka ay naglaho dahil sa isang kasinungalingan at isang katotohanang kailangan niyang harapin. Sa kanyang pagbabalik ng Hacienda makalipas ang ilang taon, muling sumariwa ang pait at sugat ng una niyang pagibig at pagkabigo. Ngunit muli rin naman nabuhay ang apoy ng pagmamahal niya ng muling makita ang amo at kababatang hindi niya malaman kung bakit namumuhi na sa kanya ngayon.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

"Ikay.... Ikay... nasan ka? Wag mo ko iwan dito Ikay.....Ikay may gagamba Ikay tulungan mo ako"Sigaw ni Terrence."Senyorito Terrence nasan ga kayo, e kadilim dine. ala ey hindi ko po kayo makita eh"sigaw ni Ikay."Bakit po ba kayo narine sa kamalig?"pasigaw na tanong din ni Ikay na panay pa rin ang kapa at hanap kay Terrence gamit ang maliit na gasera."Ikay nasan ka Ikay, bilisan mo IKay" sigaw ulit ni Terrence na tila malapit ng umiyak ang boses."Ere na nga po Senyorito heto nga at akoy nabilis na nga, ay sus wag kang matakot diyan at akong pariyan na" sigaw naman ng nag aalalang si Ikay."Diyos ko naman kase ereng lalaki ere ay ginoo ko kalaking tao eh kaduwag naman ay sya ako'y nagkanda dapa narine kakamadali eh. kadilim pa naman gawa ng ireng gasera koy aandap andap na eh" bubulong bulong na sabi ni Ikay.Sa wakas ay natanglawan ng malamlam niyang gasera ang binata na nakasuksok sa isang sulok malapit sa tambak ng palay. Agad niyang nilapitan ang kababata."Senyorito Terrence

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
E-wan Usero
waiting ikay.
2024-06-14 22:23:18
0
user avatar
ana luna cuevas
sweet moment kaka abang ng next
2024-06-14 07:26:32
0
user avatar
Nelia Arguelles
yes attorney ...
2024-06-10 18:23:52
0
user avatar
rebecca usero
Terence exciting move
2024-06-07 16:55:10
0
user avatar
hell
"habang tumatagal ang story na to mas lalong gumaganda.."
2024-06-03 21:56:26
0
user avatar
girlevil
"ang ganda ng story..."
2024-05-22 13:19:12
1
user avatar
girlevil
captivating
2024-05-22 13:16:22
1
user avatar
E-wan Usero
nako may bagong member pla si madam, kaabang abang
2024-05-18 11:11:43
1
user avatar
Yham
"interesting.."
2024-05-13 03:18:11
1
42 Chapters

Prologue

"Ikay.... Ikay... nasan ka? Wag mo ko iwan dito Ikay.....Ikay may gagamba Ikay tulungan mo ako"Sigaw ni Terrence."Senyorito Terrence nasan ga kayo, e kadilim dine. ala ey hindi ko po kayo makita eh"sigaw ni Ikay."Bakit po ba kayo narine sa kamalig?"pasigaw na tanong din ni Ikay na panay pa rin ang kapa at hanap kay Terrence gamit ang maliit na gasera."Ikay nasan ka Ikay, bilisan mo IKay" sigaw ulit ni Terrence na tila malapit ng umiyak ang boses."Ere na nga po Senyorito heto nga at akoy nabilis na nga, ay sus wag kang matakot diyan at akong pariyan na" sigaw naman ng nag aalalang si Ikay."Diyos ko naman kase ereng lalaki ere ay ginoo ko kalaking tao eh kaduwag naman ay sya ako'y nagkanda dapa narine kakamadali eh. kadilim pa naman gawa ng ireng gasera koy aandap andap na eh" bubulong bulong na sabi ni Ikay.Sa wakas ay natanglawan ng malamlam niyang gasera ang binata na nakasuksok sa isang sulok malapit sa tambak ng palay. Agad niyang nilapitan ang kababata."Senyorito Terrence
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 1

Nagkakagulo sa buong hacienda ng mga San Esteban. Darating kase sa araw na ito si Don Manolo at ang apo nitong si Terrence na sa Hawaii nanirahan ng matagal. Inilayo kase ito sa ina dahil sa nagkaroon ng iba ang mother nito at pilit kinukuha noon si Terrence at hindi iyong pinayagan ni Don Manolo.Punong abala si Aling Perla ang ang tiyahin ni Ikay. Eto ang Mayordoma ng mga Esteban. Nanunungkulan na ito doon mula pa lamang ng dalaga ito. Hindi na ito nakapagasawa pa. Si Ikay na pamangkin nito sa pinsan ay inampon nito ng iwan ng pamiya sa kamalig nila noon isang gabing maulan.Ang akala ng lahat ay anak niya si Ikay sa pagkadalaga. Hindi naman na tinama ni aling Perla ang haka haka dahil wala siyang pakialam at paraan na rin iyon para walang maghanap kay Ikay at hindi bawiin sa kanya dahil napamahal na siya sa bata."Ikay, ilabas mo na nga dine yung malagkit na biko at yun daw ang paborito ng apo ni Senyor"Sigaw ni Aling Perla kay Ikay na non ay nagpupunas ng mga baso. Madaming dara
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

"ALA EY BAKIT HO BA?" kakamot kamot na tanong ni Ikay."Dumating na ang Don kanina pa kasama ang apo nitong bunso" balita ng tiya niya."Naku pag nakita mo si Terrence ngayon eh ki guwapong bata eh, laang eh payat, noon umalis yan dito eh 5yrs old laang eh, ngayon eh 17 na ata eh ewan hindi ko laan ang kanyang tamang edad" magiliw na kuwento ng kanyang tiya Perla.Hindi interesado si Ikay sa kuwento ng tiyahin dahi lpara sa kanya wala namang especial doon at saka naiisip niyang hindi maganda ang isa uling asal demonyo na dumating.Naging abala sa pagtulong at pagaasikaso sa mga bisita si Ikay halos buong gabi pero ni anino o kahit dulong buhok ng apo ni Don Manolo ay hindi naman niya nakita."Ano gang hitsura ng apo ni Don Manolo? Sabi ng tiyang eh ki guwapo raw nga laang eh payat daw ito. Siguro ay nagpakita na ito sa mga tao kanina hindi nga laang niya nakita gawa ng siya ay nasa halaman" isip isip ni Ikay.Naalaa niya ang bisitang nakausap kanina at nabuwisit ang dalagita sa ugali
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

"Sen......yorito Bernard? May kailangan po kayo?" tanong na lamang ng nagulat na si Ikay."Ang sabi ko, why are you still sitting there and still awake it's almost 12pm" sabi ni Terrence amuse sa reaksiyon ng babae sa harap niya. So, maid pala namin sa mansion ang masungit but cute na babaeng ito."Eh, senyorito bilin ga po ng akin tiya eh, hanggat gising ang bunsong apo eh at hindi pa tumataginting ang bell ay ako po ay hindi pa ako maaaring matulog eh gawa ng posible daw po kaseng magutos pa ang bunso ala eh mahilig daw po iyon kumain sa hating gabi eh" Mahabang paliwanang ni Ikay sa inaakalang si Bernanrd. Takot siya dito tipikal naasungit ito at strikto. Hindi nga ito tulad ni Ahron na bastos pero kung tumingin ito ay nanguuri ng tao ito ang tipo ng taong sa tingin pa lang sayo ay para bang sinasabing alila ka namin dito."I will not ask for anything now so, go to sleep now. it's already midnight for God sake" Sabi ni Terrence na naaawa na sa kausap."Naku eh hindi pwede senyor
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

Pagbalik niya sa silid nito ay tahimik itong nanonood ng isang horror movie. Pinaypay siya nito at sumenyas na sa harap nito ilagay ang pagkain.hinatak siya nito paupo sa tabi niya. Dumampot ito ng sandwich." Uhm ang sarap ikaw ang gumawa nito?" sabi nito"Ala eh wala namang iba senyorito ako na laang ang gising eh at saka ikaw" sabi ni Ikay gusto na sanang singhalan ang amo."Nice i like it, lagi mo ako igagawa nito ah! these are my favorites" sabi ng binata. Tumayo si Ikay at magpapaalam na sana pero muli siyang hinatak ng amo paupo sa tabi nito."You eat this, this is for you that is why i ask you to make more" sabay abot sa kanya ng tinapay tinanggap naman niya ito total nakakaguton din ang amoy ng ginawa niya.Nagsimula itong magkuwento at magtanong tungkol sa pelikula. Tagalog ito at luma na. Matagal na itong ipinalabas pero mukhang ngayon lang nito napapanood. "Tiktik the Aswang chronicles" ang pamagat ng pinanonod nito. Nagtatanong ito ng ilang bagay tulad ng ano ang tiktik a
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

"Oh, Jesus I can't believe this" nailing na sabi ni Terrence. Kumunot ang noo ng binata sa sitwasyun."So okay, I will keep my mouth shut for now. But you have to do me a favor, well actually this is for you, to protect you" sabi ni Terrence."Ano ho ba iyon" nagaalalang tanong nin Ikay baka kakaiba naman Ang favor na hingiin nito."From now on, every afternoon you will meet me at the bayabas tree, let's tambay there and I will show you my guitar skills. Then you will come to me in my room at night maybe around 8 after your work and join me in watching movies and playing videos so that when Kuya Ahron comes home and look for you are with me busy taking care of me diba"Medyo naguluhan si Ikay sa sinabi ng amo pero mas ok na yun. Parang mas safe siya dun nang mga sumunod ngang araw. Bukod sa lakwatsa sa hapon ay tumatambay sila ni Terence sa puno ng bayabas kuwentuhan lang sila doon. Kapag napagod na ang binata ay deretso na ito sa sild nito at dadalhan naman niya ng juice doon.Sa gab
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

Sa totoo lang sa sobrang kampante niya sa binata at sa sobrang close na nila minsan natatawag na niya itong Terrence lang at nawawala na ang salitang senyorito kaya madalas ay pinagagalitan ni Ikay ang sarili."Wag ka ga masyadong kampante riyan babae ka, pakatandaan mong amo mo yan ikaw eh isa laang alila dini sa mansiyon magkaiba kayo ng likaw ng bituka aba yan eh pakatandaan mo hane" sigaw ng isipan ng dalaga. Isang gabi ay lasing na naman na umuwi si Ahron, at nagsisisigaw ito sa sala at hinahanap si Ikay. Lumabas ang ilang katulong pati na din si Tiya Perla niya para asikasuhin ang kanilang amo pero si Ikay ang gustong makita ng binata.Natatakot man, nanginginig man ang dalaga sa posible na manang kahantungan ng kalasingang iyon ng amo ay walang choose si Ikay kung hindi ang lumabas ng silid ng bunsong amo at puntahan ang nakakatandang amo"Stay here IKay" pigil niTerrence.Hindi nagugstuhan ng binata ang tono ng pagtawag ng kuya Ahron niya."Senyorito pasensya na ga eh hindi la
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

Tumigil na nga ito pero hindi binibitawan ang kamay niya nakayuko ito at humugot ng malalim na hininga."Why? why Ikay..? Bakit kay kuya Ahron hindi ka sumisigaw ng ganyan? bakot si kuya hindi mo sinampal ng ganito iKay mas magaling ba siya? mas gusto mo ba talaga si kuya ? why IKay why? Tanong nito pero hind na nakasigaw.Napupuot siya kay Ahron hayop ang tingin niya dito pero hindi kay Terrence.Nagkaroon ng bahagi sa puso niya ang binatilyo kaya mas masakit kapag ito ang gagawa noon. "Si Senyorito Ahron lango sa alak Terrence, at gawain na niya iyon dahil likas siyang ganun eh. Hindi ko iyon gusto, nagkataon lang na sa leeg laang ang kiliti ko" paliwanang ni Ikay."Nasusuklam ako sa pagiging bastos ng kuya mo at nakabaon yun dine sa dibdib ko. Wala aking magawa dahil ako'y hamak na alila laang .Walang boses at wala rin gang karapatang dine at kahit man lalang ang pagsabihan ang nagpapakain sa akin"dagdag pa ni Ikay "Kung ikaw ga halimbawa ang gagawa rin noon sa akin, ala eh sa to
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

Kasalukuyang nanginginain ang binata ng hinog na saging ng makita niya ang dalawang malaking itim na gagamba na gumagapang patungo sa kanya. Bata pa lamang si Terrence ay may takot na ito sa gagamba, lalo na sa malaki at itim na gagamba.Nagsimula ito noong iwan siya nang nanay niya sa murang edad. Pinipilit siyang ihiwalay sa nanay niya noon kaya nagtago siya sa ilalim ng lababo na nagkataong may malaking gagamba.Ginapangan si Terrence ng gagamba at dahil sa takot napatakbo si Terrence sa labas at gumulong gulong sa lupa para maalis ang nakakapit na gagamba.Muling bumalik ang takot ni Terrence sa gagamba ng sandaling iyon.Tumayo ang binata para sana umalis sa lugar na iyon pero bigla naman namatay ang ilaw sa loob ng kamalig. Binalot ng kadiliman angbuong paligid kaya lalong dumoble ang takot ni Terrence.Nakita ni Ikay si Terence ng lumabas ito ng bahay kanina. Busy siya sa pagliligpit sa lababo. Nakita niyang tinititigan siya ng binata na parang gusto siyang lapitan pero nagaala
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

Magmula ng mangyari ang lahat sa kamalig ng gabing iyon ay parang nagkaroon ng secret affair sina Ikay at Terrence, excited ang dalaga hatiran ng juice si Terrence tuwing gabi ang binatilyo naman ay nagtatago sa likod ng pinto at bubulagain ang dalagita pag pasok ng kuwarto nito yayakapin at hahalikan na parang nakagawian na mas dumalas silang magtungo sa bukid atms madalas nakakatulog na si Terrence sa kandungan niya.Hinahayaan na ito ni Ikay total naman para na silang may relasyun ni Terrence lihim nga lang. Nag dumating mula sa Vietnam si Don Manolo ay dumalang ang pamamasyal nil ani Terrence. Madalas kase itong kasama ng lolo niya sa gabi naman ay sa silid ng matandang Don niya ito dinadalhan ng juice. Ang kunsuwelo na lamang ni Ikay ay pasimple siyang kinikindatan ng binatilyo sa tuwing aaktyat ng silid.Abala si Terrence ng mga sumunod na gabi may pinababasa sa kanya ang kanyang lolo madalas itong magusap sa library at inaabot ng gabi. Kung bibilangin ay halos dalawang lingo n
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status