Share

Chapter 1

Author: Madam Ursula
last update Last Updated: 2024-04-27 19:33:13

Nagkakagulo sa buong hacienda ng mga San Esteban. Darating kase sa araw na ito si Don Manolo at ang apo nitong si Terrence na sa Hawaii nanirahan ng matagal. Inilayo kase ito sa ina dahil sa nagkaroon ng iba ang mother nito at pilit kinukuha noon si Terrence at hindi iyong pinayagan ni Don Manolo.

Punong abala si Aling Perla ang ang tiyahin ni Ikay. Eto ang Mayordoma ng mga Esteban. Nanunungkulan na ito doon mula pa lamang ng dalaga ito. Hindi na ito nakapagasawa pa. Si Ikay na pamangkin nito sa pinsan ay inampon nito ng iwan ng pamiya sa kamalig nila noon isang gabing maulan.

Ang akala ng lahat ay anak niya si Ikay sa pagkadalaga. Hindi naman na tinama ni aling Perla ang haka haka dahil wala siyang pakialam at paraan na rin iyon para walang maghanap kay Ikay at hindi bawiin sa kanya dahil napamahal na siya sa bata.

"Ikay, ilabas mo na nga dine yung malagkit na biko at yun daw ang paborito ng apo ni Senyor"

Sigaw ni Aling Perla kay Ikay na non ay nagpupunas ng mga baso.

Madaming darating na bisita sa mansion ng mga Esteban. Ganito talaga ang pamilya Esteban masyadong sikat. Matagal na nawala ang apong bunso ng matandang Esteban kaya ipagdiriwang ang pagdating nito. Ayun sa bulong bulungan ay mananatili na ang apo ni Don Manolo sa hacienda at dito na din magpapatuloy ng pagaaral.

Nagpapahinga naman ang dalagitang si Ikay sa ilalim ng puno ng bayabas habang nakasandal, sinisipa sipa ang nakausling ugat doon. Natapos na niya ang lahat ng iniuutos ng kanyang Tiya Perla.Sa ngayon ay hinihintay na lang nilang dumating ang sasakyan ni Don Manolo traffic daw sa Maynila sabi ng kanyang tiya.

Ewan niya kung bakit excited ang lahat sa pagdating ng bunsong apo ng mga Esteban . No big deal naman yun apo din yun tulad ng mga demonyong apo na nandito. Hindi excited si Ikay sa pagdating ng isa pang apo. Para kase sa kanya lahat ng apo ng mga Esteban ay mayayabang At mga matapobre.

"Naku! maisip ko laang na magkakaroon ng isang pang Ahron ay rine ay akoy nasusuka na eh, o kaya naman ay isa pang Benedict ay diyos ko, akoy magmemenopouse ng ala sa oras eh"

Sa isip isip ni Ikay.

"Subukan ga natin ereng sungay ng bagong apong darating. Tingnan ga natin ang pangil ng darating na ire" sabi ni Ikay sabay sipa sa nakausling ugay ng puno ng bayabas.

"ARAY PESTENG UGAT IRE ARAY KO PO KASAKIT EH ....NAKU NAMAN !" reklamo ni Ikay. Ang hindi alam ng dalaga may isang bulto na nakamasid sa kanya at nakasingamangot ito.

"WILL YOU MOVE FROM THAT TREE, THAT'S MY SAFE HAVEN" malakas ang boses na utos ng isang binatilyong isang metro ang layo kay Ikay. Kunot ang noo ng dalagita. Sinisimo ang intruder ng pananahimik niya.

"Pa englis englis pa ereng patayot na ere"

sa isip ni Ikay.

"ALIN GA? IRENG PUNO ERE AY IYO? BAKIT SAYO GA ITO? MAY PANGALAN MO BA TO ALA NAMAN EH?

sarkastikong tanong ni Ikay.

"Yes that tree belongs to me and the next tree beside it too and the next one ..and the next one"

sagot ng binatilyo na namewang pa.

"Ay susme! ki yabang naman neri, hoy paano naging iyo ito eh nandito ito sa loob ng Hacienda. Kow kayabang mo eh" sabi ni Ikay.

"THAT'S REALLY MINE, I HAVE MAY NAME ON IT "

lumakad ang lalaki palapit sa kanya at itinuro ang nakaukit na pangalan doon. Ang kaso halos hindi naman ito na mabasa. Parang sulat ng batang hindi pa marunong magsulat.

"Sus kagaling mong mag imbento eh wala namang pangalan dine , gatla laang ng puno yan eh" reklamo ni Ikay.

"Hoy lalaking butiki. Kung ibig mo tumambay dine aya mgsabi ka laang , hindi ung kung ano anong ini embento mo riyan sus kagaling eh"

sabi ni Ikay.

"I'M NOT MAKING IMBENTO, THAT TREE IS REALLY MINE" giit ng binatilyo.

"Nakuw akoy napipikon na sa iyo eh, ikaw gay lumayas nga dine at wag mong istorbuhin ang pagmumuni Muni ko. Nakuw kasura eh"

sabi ni Ikay na naiinis na sa mayabang na butiking payatot na kausap.

Hndi ito tuminag bagkos ay tumabi sa kanya at sumandal sa puno ng bayabas at dahil manipis lang naman ang katawan ng puno ay naitulak ng lalaki ang dalagita at nawalan ng puwesto.

"At abay kabastos nering lalaking ere, eh sino ka ga at ki yabang mo?"

"Makikikain ka laang naman rine eh. Umalis ka na ga at kapag akoy hindi nakapag pigil sa iyo ay sus ginoo ikay malilintikan sa akin"

babala ni Ikay.Hindi man lang tuminag ang lalaki at ngumisi lang sabay dila sa kanya.

"WHAT WILL YOU DO THEN?" tila nagiinis na sabi ng binatilyo.

"ABAY NAPAYABANG TALAGA NERING TAONG ERE, KALINTIK EH , TAGALNG PINAPAG INIT ERE ULO EH"

Sabi ni Ikay saka mabilis na naputol ni ikay ang isang manipis na sangang bayabas at walang babalang inihampas iyon sa binti ng binata.

Mabuti na lamang at nakamaong itong pantalon. Halos lumuksong tinik ang binatilyo kakaiwas sa hampas ni Ikay.

"WAIT! ENOUGH MASAKIT YAN, STOP!"

Sabi ng binatilyo.

"AY SIYA TALAGANG MASAKIT ERE KAGALING MO EH HALA SIYA SIGE GANYAN NGA IKAY MAGTINIKLING... AYAN KAGANDANG TINGNAN EH .. SIYA KA SIGE" pangiinis pa ni Ikay at patuloy na hinabol ng hampas ang mayabang na kausap.

"TEKA SABI! MASAKIT NA HA TAMA NA. I SAID STOP!" malakas na sigaw ni Terrence.

Pakiramdam niya latay latay na ang binti niya. garbe ang babaeng ito ibang klase.

"Marunong ka naman palang managalog eh,ay sya. Kung gusto mong tumambay din rine ay doon ka sa kabilang puno ng ikay hindi nakakistorbo sa iba kasura tong butiking ere"

sabi ni ikay. May sasabihin pa sana si Ikay ng marinig niyang hinahanap na siya ng kanyng tiya Perla.

"Ay pagminamalas eh,oh ayan iyo na ereng puwesto magsawa ka riyan pasalamaaat ka at akoy hinahanap na ng aking tiyang malamang baka nariyan na ang apo ni Don Manolo"

sabi ng dalagita sabay hagis ng sanga ng bayabas sa harapan ng binatilyo at inirapan din ito.

Tumakbo nga si Ikang mula sa bayabasan hanggang sa bukana ng mansion. Hingal pa ang dalagita dahil sa lawak ng hacienda.

"Naku naman ikang eh saan ka ga nanggaling eh kanina pa kita hinahanap gawa ng nagkakagulo na kami rine"

Related chapters

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 2

    "ALA EY BAKIT HO BA?" kakamot kamot na tanong ni Ikay."Dumating na ang Don kanina pa kasama ang apo nitong bunso" balita ng tiya niya."Naku pag nakita mo si Terrence ngayon eh ki guwapong bata eh, laang eh payat, noon umalis yan dito eh 5yrs old laang eh, ngayon eh 17 na ata eh ewan hindi ko laan ang kanyang tamang edad" magiliw na kuwento ng kanyang tiya Perla.Hindi interesado si Ikay sa kuwento ng tiyahin dahi lpara sa kanya wala namang especial doon at saka naiisip niyang hindi maganda ang isa uling asal demonyo na dumating.Naging abala sa pagtulong at pagaasikaso sa mga bisita si Ikay halos buong gabi pero ni anino o kahit dulong buhok ng apo ni Don Manolo ay hindi naman niya nakita."Ano gang hitsura ng apo ni Don Manolo? Sabi ng tiyang eh ki guwapo raw nga laang eh payat daw ito. Siguro ay nagpakita na ito sa mga tao kanina hindi nga laang niya nakita gawa ng siya ay nasa halaman" isip isip ni Ikay.Naalaa niya ang bisitang nakausap kanina at nabuwisit ang dalagita sa ugali

    Last Updated : 2024-04-27
  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 3

    "Sen......yorito Bernard? May kailangan po kayo?" tanong na lamang ng nagulat na si Ikay."Ang sabi ko, why are you still sitting there and still awake it's almost 12pm" sabi ni Terrence amuse sa reaksiyon ng babae sa harap niya. So, maid pala namin sa mansion ang masungit but cute na babaeng ito."Eh, senyorito bilin ga po ng akin tiya eh, hanggat gising ang bunsong apo eh at hindi pa tumataginting ang bell ay ako po ay hindi pa ako maaaring matulog eh gawa ng posible daw po kaseng magutos pa ang bunso ala eh mahilig daw po iyon kumain sa hating gabi eh" Mahabang paliwanang ni Ikay sa inaakalang si Bernanrd. Takot siya dito tipikal naasungit ito at strikto. Hindi nga ito tulad ni Ahron na bastos pero kung tumingin ito ay nanguuri ng tao ito ang tipo ng taong sa tingin pa lang sayo ay para bang sinasabing alila ka namin dito."I will not ask for anything now so, go to sleep now. it's already midnight for God sake" Sabi ni Terrence na naaawa na sa kausap."Naku eh hindi pwede senyor

    Last Updated : 2024-04-27
  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 4

    Pagbalik niya sa silid nito ay tahimik itong nanonood ng isang horror movie. Pinaypay siya nito at sumenyas na sa harap nito ilagay ang pagkain.hinatak siya nito paupo sa tabi niya. Dumampot ito ng sandwich." Uhm ang sarap ikaw ang gumawa nito?" sabi nito"Ala eh wala namang iba senyorito ako na laang ang gising eh at saka ikaw" sabi ni Ikay gusto na sanang singhalan ang amo."Nice i like it, lagi mo ako igagawa nito ah! these are my favorites" sabi ng binata. Tumayo si Ikay at magpapaalam na sana pero muli siyang hinatak ng amo paupo sa tabi nito."You eat this, this is for you that is why i ask you to make more" sabay abot sa kanya ng tinapay tinanggap naman niya ito total nakakaguton din ang amoy ng ginawa niya.Nagsimula itong magkuwento at magtanong tungkol sa pelikula. Tagalog ito at luma na. Matagal na itong ipinalabas pero mukhang ngayon lang nito napapanood. "Tiktik the Aswang chronicles" ang pamagat ng pinanonod nito. Nagtatanong ito ng ilang bagay tulad ng ano ang tiktik a

    Last Updated : 2024-04-27
  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 5

    "Oh, Jesus I can't believe this" nailing na sabi ni Terrence. Kumunot ang noo ng binata sa sitwasyun."So okay, I will keep my mouth shut for now. But you have to do me a favor, well actually this is for you, to protect you" sabi ni Terrence."Ano ho ba iyon" nagaalalang tanong nin Ikay baka kakaiba naman Ang favor na hingiin nito."From now on, every afternoon you will meet me at the bayabas tree, let's tambay there and I will show you my guitar skills. Then you will come to me in my room at night maybe around 8 after your work and join me in watching movies and playing videos so that when Kuya Ahron comes home and look for you are with me busy taking care of me diba"Medyo naguluhan si Ikay sa sinabi ng amo pero mas ok na yun. Parang mas safe siya dun nang mga sumunod ngang araw. Bukod sa lakwatsa sa hapon ay tumatambay sila ni Terence sa puno ng bayabas kuwentuhan lang sila doon. Kapag napagod na ang binata ay deretso na ito sa sild nito at dadalhan naman niya ng juice doon.Sa gab

    Last Updated : 2024-04-27
  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 6

    Sa totoo lang sa sobrang kampante niya sa binata at sa sobrang close na nila minsan natatawag na niya itong Terrence lang at nawawala na ang salitang senyorito kaya madalas ay pinagagalitan ni Ikay ang sarili."Wag ka ga masyadong kampante riyan babae ka, pakatandaan mong amo mo yan ikaw eh isa laang alila dini sa mansiyon magkaiba kayo ng likaw ng bituka aba yan eh pakatandaan mo hane" sigaw ng isipan ng dalaga. Isang gabi ay lasing na naman na umuwi si Ahron, at nagsisisigaw ito sa sala at hinahanap si Ikay. Lumabas ang ilang katulong pati na din si Tiya Perla niya para asikasuhin ang kanilang amo pero si Ikay ang gustong makita ng binata.Natatakot man, nanginginig man ang dalaga sa posible na manang kahantungan ng kalasingang iyon ng amo ay walang choose si Ikay kung hindi ang lumabas ng silid ng bunsong amo at puntahan ang nakakatandang amo"Stay here IKay" pigil niTerrence.Hindi nagugstuhan ng binata ang tono ng pagtawag ng kuya Ahron niya."Senyorito pasensya na ga eh hindi la

    Last Updated : 2024-05-10
  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 7

    Tumigil na nga ito pero hindi binibitawan ang kamay niya nakayuko ito at humugot ng malalim na hininga."Why? why Ikay..? Bakit kay kuya Ahron hindi ka sumisigaw ng ganyan? bakot si kuya hindi mo sinampal ng ganito iKay mas magaling ba siya? mas gusto mo ba talaga si kuya ? why IKay why? Tanong nito pero hind na nakasigaw.Napupuot siya kay Ahron hayop ang tingin niya dito pero hindi kay Terrence.Nagkaroon ng bahagi sa puso niya ang binatilyo kaya mas masakit kapag ito ang gagawa noon. "Si Senyorito Ahron lango sa alak Terrence, at gawain na niya iyon dahil likas siyang ganun eh. Hindi ko iyon gusto, nagkataon lang na sa leeg laang ang kiliti ko" paliwanang ni Ikay."Nasusuklam ako sa pagiging bastos ng kuya mo at nakabaon yun dine sa dibdib ko. Wala aking magawa dahil ako'y hamak na alila laang .Walang boses at wala rin gang karapatang dine at kahit man lalang ang pagsabihan ang nagpapakain sa akin"dagdag pa ni Ikay "Kung ikaw ga halimbawa ang gagawa rin noon sa akin, ala eh sa to

    Last Updated : 2024-05-10
  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 8

    Kasalukuyang nanginginain ang binata ng hinog na saging ng makita niya ang dalawang malaking itim na gagamba na gumagapang patungo sa kanya. Bata pa lamang si Terrence ay may takot na ito sa gagamba, lalo na sa malaki at itim na gagamba.Nagsimula ito noong iwan siya nang nanay niya sa murang edad. Pinipilit siyang ihiwalay sa nanay niya noon kaya nagtago siya sa ilalim ng lababo na nagkataong may malaking gagamba.Ginapangan si Terrence ng gagamba at dahil sa takot napatakbo si Terrence sa labas at gumulong gulong sa lupa para maalis ang nakakapit na gagamba.Muling bumalik ang takot ni Terrence sa gagamba ng sandaling iyon.Tumayo ang binata para sana umalis sa lugar na iyon pero bigla naman namatay ang ilaw sa loob ng kamalig. Binalot ng kadiliman angbuong paligid kaya lalong dumoble ang takot ni Terrence.Nakita ni Ikay si Terence ng lumabas ito ng bahay kanina. Busy siya sa pagliligpit sa lababo. Nakita niyang tinititigan siya ng binata na parang gusto siyang lapitan pero nagaala

    Last Updated : 2024-05-11
  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 9

    Magmula ng mangyari ang lahat sa kamalig ng gabing iyon ay parang nagkaroon ng secret affair sina Ikay at Terrence, excited ang dalaga hatiran ng juice si Terrence tuwing gabi ang binatilyo naman ay nagtatago sa likod ng pinto at bubulagain ang dalagita pag pasok ng kuwarto nito yayakapin at hahalikan na parang nakagawian na mas dumalas silang magtungo sa bukid atms madalas nakakatulog na si Terrence sa kandungan niya.Hinahayaan na ito ni Ikay total naman para na silang may relasyun ni Terrence lihim nga lang. Nag dumating mula sa Vietnam si Don Manolo ay dumalang ang pamamasyal nil ani Terrence. Madalas kase itong kasama ng lolo niya sa gabi naman ay sa silid ng matandang Don niya ito dinadalhan ng juice. Ang kunsuwelo na lamang ni Ikay ay pasimple siyang kinikindatan ng binatilyo sa tuwing aaktyat ng silid.Abala si Terrence ng mga sumunod na gabi may pinababasa sa kanya ang kanyang lolo madalas itong magusap sa library at inaabot ng gabi. Kung bibilangin ay halos dalawang lingo n

    Last Updated : 2024-05-13

Latest chapter

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 45

    Napabalikwas bigla si Ikay at kadiliman ang nabungaran niya. Pagkatapos ay inikot niya ang kanyang paninginay saka lamang niya na napag alaman na naroon pala siya sa tindaha. Kung ganun ay panaginip lang pala ang lahat pero parang totoo, parang naroon siya pangyayari. Kapag naaalala ni Ikay ay nahawakan niya ang kanyang dibdib na napakalakas ang kabog na halos nahihirapan siyang huminga. Tumayo si Ikay at nagpunta sa maliit na lamesitang nasa may bandang gilid ng tindahanat pagkatapos ay nagsalin ng tubig.Kinakailangan niyang uminom ng maraming tubig dahil hindi talaga siya makahinga bagamat nalamang panaginip lang ang lahat ay hindi naman ito naalis sa isipan ni Ikay kaya halos matapos magising ay hindi na muling nakakatulog pa ang dalaga. Iniisip nya na panahon na ba para umuwi sya at bumalik at humingi ng tawad sa kanyang ama. Marahil ay panahon na nga para tanggapin niya ang kanyang kapalaran ganun din ay bumalik sa piling ng kanyang ama. Natatakot si Ikay na baka totoo an

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 41

    Wala na ngang nagawa si Ikay kundi ang magpabuhat kay Levi para lamang makatawid sa bahaging lugar nila na madyo lagpas bukong bukong ang kapal ng putik. Nagulat si Ikay dahil sa laki ng karawan ng Binatang bumubuhat sa kanya. Hindi ito mukhang isang ordinaryong trabador lang. Sa tigas ng likod at balikat nito para itong nagtrain ng matagal sa pagka sundalo o parang bodyguard sa mga pelikula. Ganun ang datingan ni Levi. Salamat sa tiyaga ng lalaki at nadala siya sa center. Bagamat wala ngang doctor pero naroon naman ang midwife at health worker kaya naturukan siyan ng anti tetanus na para sa mga buntis. Tulad ng naging kalbaryo ay muling sinuong ni Levi ang maputik na daan. Ayaw na sana niyang magpabuhat ngunit hindi pumayag si Levi kahit ilang uliit pa siyang nakipag bargain dito. Sa maghapon iyong ay magkatuwang nilang inasikaso ang tindahan. Si Levi na ang nagvolunter na gumawa ng pamamanglengke at ibang gawaing bahay dahil baka daw makasama sa pinagdadalabg tao niya. Kung t

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 40

    Sa tindahan ni Mrs Cheng siya dinala ni Levi. Iyon lamang kase ang pinaka secure na lugar at malapit pa. Hindi naman daw siya maaring dalhin nito sa tinutuluyan nito dahil malayo at kasalukuyang bumabagyo. Sinabi rin ni Levi na pansamantala ay sa storage muna siya nanunuluyan. Wala namang magagawa si Ikay sa sitwasyun. Nasa emegency case sila ni Levi alangan namang isipin pa niya ang hiya at ang kahihiyan at saka ano naman gagawin ni Levi sa kanya, pagnasaan pa ba siya eto eh bundat na nga siya."Pasensya ka na Levi ha naabala ka at nagkaroon ka pa tuloy ng alalahanin"sabi ni Ikay. "Naku ano ka ba Miss Grace, kahit naman kaninong babae lalo na kung buntis pa ay tutulong ako ano ba namang abala doon. Hindi ko naman kayang matulog sa bagyo habang may kubong inaanod diba" sabi ng binata na nagbobomba ng ilaw na gasera. Kerosine ito. Sanay na ng mga mamayan sa baryong iyon, sadya daw na daanan ng bagyo madalas ang kanilang lugar dahil malapit ito sa dagat. Hindi sana siya doon pup

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 39

    "Ikaw Grace, ikaw akin pansin ha. Akala mo siguro ikaw di ko masid" sita ng insik na amo ni Ikay sa kanya isang hapon. Grace ang ibinigay niyang pangalan ng mag apply siya dito. Hindi kase niya maaaring ibigay ang tunay niyang pangalan lalo pa ang kumuha ng kanyang record sa munisipyo. Alam niyang naipabago na ng lihim ng kanyang ama ang kanyang apelyido.May ilang buwan na. "Ano ho ba yun Mrs Cheng? May nagawa po ba akong Mali?"sabi ni Ikay. "Ikaw akin lihim. Ikaw hindi sabi totoo. Pero sige ikaw akin patawad. Ikaw trabaho habang kaya mo pa pero pag ikaw sakit na tiyan ikaw hindi pasok na ikaw tigil na. Ako ayaw pahamak ka at ako ayaw sakit ng ulo ha" sabi ng babaeng amo. "Salamat po Mrs. Cheng. Sorry po kong naglihim ako.Baka po kase hindi ako matanggp pag sinabi kong buntis ako. Paano ko po bubuhayain ang anak ko kung wala akong trabaho" sab niya. "Saan ba ama iyo anak? Siya ba iwan sayo . Siya ba masama ama" sabi pa nito. Sinabi na lamang niya na sumampa ng barko ang a

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 38

    Lumuluhang lumabas ng Villa si Ikay, hindi naman niya alam kung saan pupunta. Bugso lamang ng damdamin kaya siya nagalit sa ama. Hindi lamang kase talaga niya matanggap na pati ang anak nila bagamat anak sa pagkakasala ay madadamay sa hinagpis ng kapalaran niya.Naglakas ng loob si Ikay na bumiyahe magisa mula sa Bongabong ay sinubukan niyang tumawid at magpunta sa bayan ng Lemery. Kabilang isla na iyon kahit papaano ay hindi na siya mamomonitor ng ama. gamit ang naipon pera at allowance mula sa suweldo bilang abogado ng pamilya ay may maipon si Ikay at yun ang ginamit niyang para umupa ng maliit ngunit maayos na bahay para sa kanilang mag ina.Sa kabilang ng hirap sa paglilihi at pagiisa ay sinubukan ni Ikay na mamasukan lamang sa mga maliliit na establishment na hindi masyadongng naghahanap ng mga credentials. Hindi naman kase niyang pwedeng ipagmalaki na isa siyang abogado tapos nagaapplay siyang sales lady o kaya cashier sa maliit na grocery.Hindi rin naman kase siya makapag appl

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 37

    "Papa...? ano po ang ibig ninyong sabihin?" hindi makapaniwalang tanong ni Ikay . Hindi niya akaling ganun ang sasabihin ng ama. Sana ay nagkakamali lamang siya. "Tama ang narinig mo Iha, huwag kang mag alala iniiwasan lamang nating ang iskandalo. Bunga ng kasalanan ang bata at alam mo naman ang matatanda dito. basta yun ang dapat paniwalaan ng mga tao para na rin sa kalagayan mo" sabi ng matanda.Pero sa unang pagkakataon kinakitaan ng galit ni Don Manolo ang mukh ni Nikka.Sa unang pagkakataon nakita ni Don Manolo ang galit na mukha ng anak at lalo itong naging kamukha ng kanyang ina."Hindi ko inaasahang yan ang magiging solusyun nyo papa. Inaamin ko kasalanan ito sa batas ng tao at ng diyos" mat hinanakit sa tono ni Ikay."Inaamin ko na mali. Pero hindi namin alanm ang lahat Papa. Nangyari ito ng hindi namin alam ang aming pagkatao at kasalanan ninyo iyon" deretsong sagot ni Ikay sa ama."Sa kabila ng lahat at sa naging magulo kung pinagmulan, wala kayong narinig sa akin. Sa lahat

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 36

    Bumalik lamang si Aling Perla sa mansion matapos lang ang isang taon ng malaman niyang pabalik na mula sa Amerika sina Don Manolo. At dahil maliit na bata si Ikay at kalbo pa rin kahit isang taon na ay madali niyang napapaniwala ang ibang katulong na anim na buwan pa lamang ang kanyang anak kahit isang taon na.Sinabi niyang umalis siya ng mansion na apat na buwan na siyang buntis sa isang tayong mangangalakal. Ipinagkalat ng Aling Perla na anak niya sa pagkadalaga si Ikay upang walang magungkat sa pagkawala ni Rosita. At yun ang pinaniwalaan ni Don Manolo ng bumalik itong magisa mula Amerika at biyudo na pala.Laking pagsisisis ni Don Manolo ng malaman kay Perla na anak nito si Ikay kay Rosita. Matapos ang mahabang kuwento ni Aling Perla sa mga nangyari noon. Halos lumuhod ang matandang Don sa labis na lungkot at pagsisis sa mga pagkakamali.Dapat pala ay hindi niya iniwan si Rosita kahit itinigil man niya ang relasyun nila ay dapat ay inihabilin man lamang niya o kaya ay mas tama

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 35

    Kinuha ito ni Don Manolo pero nasagi naman niya ang isang antigong lampara na madalas niyang gamitin noon sa pakikipagkita niya kay Rosita sa kamalig. mahalaga at marami silang pinangsamahan ng lamparang iyon kaya naman agad na ibinalik ni Don Manolo ang libro pati na ang papel na nahulog at agad na dinampot ang lampara.Mabuti na lang at makapal na klase ng salamin ang ginamit dit kaya hindi ito nabasag o nagkalamat man lamang. Ibinalik eto ni Don Manolo sa dating kinalalagyan ska naupo sa isang silya saka inalala ang nakaraan nila ni Rosita.Ang nakaraan........Malalim na ang gabi, mahimbing na ang mga tauhan sa mansiyon ganun din ay kalat na ang dilim sa labas at sa paligid ng hacienda. Dahan dahang kumilos ang isang aninon. nakasuot ito nang jacket na may hood at mabilis na lumabas ng silid. Halos hinid lumilikha ng ingay ang mga paa nitong pababa ng hagdan. Dahan dahan itong pumuslit hanggang makarating sa malapad na pinto ng kusina. Sa dahan dahang kilos ay lumabas ang an

  • Sweet Summer With Mr. Millionaire   Chapter 34

    Napasabunot sa buhok si Terrence sa nabasa. Napamura ang binata. Hindi siya makapaniwala sa nabasa kaya inulit pa niya iyon. Bakit ba sila pinaglalaruan ng tadhana ng ganito. Walang kasalanan sa kanya si Nikka at hindi man maitatangi na hindi na sila maaari lumigaya ng dalaga pero karapatan ni Nikka ang malinawan at obligasyun niyang humingi ng kapatawaran sa lahat ng nangyari. At hindi magkadugo si Nikka at Ahron kaya maaari silang ikasal na dalawa. Pero bakit pumayag si Nikka kung mahal ako ni Nikka? Naligo na lang si Terrence at hindi na itinuloy ang pag order na naman ng alak. Balak niyang magpunta sa hospital. Kailangan niyang makausap si Nikka. Asawa man ito ni Ahron ay kailangan niya pa ring humingi ng tawad sa mga naibintang niya sa dalaga. Palabas na ng pinto si Terrence ng tumunog ulit ang kanyang cellphone. Tawag ito mula sa kanyang lolo. Wala sana siyang balak sagutin ang tawag na iyon dahil naghihinanakit siya dito pero matapos sabihin ni Ahron ang totoo ay medyo nabawa

DMCA.com Protection Status