Sa sumunod na araw, nang magising si Camila, natagpuan niya na ang taong nasa tabi niya ay nakaalis na nang hindi man lang niya namamalayan."Lala apo, gising ka na pala."Pagkarinig sa tunog ng pagbubukas ng pinto mula sa kuwarto, tumayo si Lola Celestina mula sa sofa at nagsimulang maglakad patungo sa kusina upang magpainit ng almusal para sa kaniyang apo."Nasaan po si Juancho, Lola?" Kinamot ni Camila ang magulo niyang buhok. Napansin niya na ang leather na sapatos sa may bukana ng pintuan ay wala na."Maagang bumangon si Juancho upang bumili ng almusal at pagkatapos ay umalis na. Bago siya umalis, sinabi niya sa akin na paalalahanan kita na 'wag mong kalimutang kumain pagkagising mo."Dinalhan ni Lola Celestina si Camila ng masarap na masarap na sandwich mula sa kusina na may kasama pang tasa ng mainit na gatas, pagkatapos ay tiningnan niya ang apo na parang may inaasahan."Hmm... Kumusta naman kayong dalawa ni Juancho?"Hindi alam ni Camila kung ano ang isasagot niya.The sun ri
Habang padami nang padami ang mga taong nagkukomento, ang bilang ng mga followers sa personal na account ni Dominique ay patuloy ding tumataas. Ang mga fans ay nagiging kumbinsido na si Dominique ay ang future wife ni Juancho Buenvenidez.Kahit ang ilan sa mga hindi gaanong kilala na modelo mula sa Tala Entertainment, mga hindi sobrang sikat, ay nag-iwan ng komento ng pamumuri sa kaniyang X account. Ang mga komento ay mapaglalang ngunit punong puno ng well-wishes.Sa group photo, ang damit na suot-suot ni Juancho ay ang damit na tinanggalan niya ng butones kagabi.Nang napansin na mas lalong nagiging malamig ang ekspresyon ni Camila sa bawat segundo, mabilis na kinuha ni Leila ang cellphone mula sa kamay ng kaibigan. Pagkatapos lamang ng ilang mabilis na swipes, isang hindi mapangalanan na matinding galit ang gumulong mula sa talampakan ng kaniyang mga paa hanggang sa kaniyang mga kilay."May kinalaman din ba si Kenneth dito? Sinusubukan ba nila tayong gawing tanga? Ano? Nang-iinis ba
Lumitaw si Camila mula sa banyo pagkatapos mag-shower, tinutuyo niya ang kaniyang basang buhok gamit ang malinis na puting tuwalya. Nang patutuyuin na sana niya ang buhok gamit Ng blow dryer, ang mahinang boses ni Lola Celestina ay tumawag mula sa sala."Camila, gabi na. Bakit hindi pa rin umuuwi si Juancho? Masyado ba siyang maraming nainom sa isang social gathering at hindi na kayang umuwi?"Napatalon sa gulat si Camila. Mabilis niyang isinabit ang hair dryer sa lagayan nito at gumalaw para i-check ang oras sa orasan sa sala. 10:40 na ng gabi.Hindi niya inaasahan na iniisip pa rin pala ng kaniyang lola si Juancho."Lola, bakit hindi pa rin po kayo natutulog? Hindi ba't sinabi ko na po na sobrang abala ni Juancho kamakailan at baka hindi na muna makakauwi rito?" aniya, sinusuportahan ang kaniyang noo gamit ang isang kamay. Kalimitan, maaga pa lamang ay nasa kama na ang matandang ginang para matulog at iyon ang inaasahan ni Camila, pagkatapos niyang maligo, magpapahinga na rin sana s
"I will invest 200 million in the program. You find a reliable industry expert to handle the program's production quality."Nang akala ni Kenneth ay ibinaba na ni Juancho ang tawag, ang malinaw na boses nito ay muling narinig sa kabilang linya.Ang biglaang pagbabago ng pakikitungo ni Juancho ay muntikan nang isipin ni Kenneth na lasing na siya, hanggang sa mabanggit ang dalawang daang milyong piso na investment na nagpakislap ng matalas na liwang sa kaniyang mga mata."Okay, bro, Sisiguraduhin ko na ang lahat ay naayos ng mabuti," sagot niya.Pagkatapos ibaba ang tawag, ang mga kaibigan ni Kenneth ay muli siyang hinila pabalik sa kanilang ginagawang inuman. Alas tres na nang madaling araw noong tuluyang umalis sa grupo si Kenneth, halatang lasing na.Kinaumagahan, ginising ng maingay na tunog ng alarm clock si Kenneth. Nasa ilalim siya ng kumot, nahihilo. At mula roon ay gumalaw siya para pulutin ang kaniyang cellphone na nahulog na pala sa carpet. Mabilis niyang nahanap ang contact
"Sige, kung gano'n kunan mo ng magandang litrato 'tong suot kong damit," sabi ni Leila, nag-pose siya ng may kumpiyansa sa sarili. Inilabas niya ang kaniyang pulbos at dinampi ito sa kaniyang makeup, tinitiyak na hindi niya palalampasin ang anumang pagkakataon na ipakita ang kaniyang napakagandang damit.Ang photographer naman ay halatang iritado na, mayroong tatlong itim na linya na gumuhit sa kaniyang noo ngunit hindi na siya nangahas na magsalita pa. Pagkatapos ng lahat, ang dalawang ito ay mga VIP na espesyal na inutos mismo ng mga prodyuser.Pagkalipas ng kalahating oras, marahang tumigil ang business car sa harap ng isang mountain villa sa labas ng lungsod. Napansin ni Camila ang marami pang ibang mga sasakyan na naka-park na sa harap. Mukhang hindi siya at si Leila ang naunang nakarating dito.Naayos na ng grupo ng programa ang lahat sa lugar na paggaganapan ng film. Ang mga tamang posisyon ng mga camera ay maayos na rin, ang mga props ay nasa tamang lugar na at ang mga staff a
Maliwanag ang mga ilaw sa villa ng grupo ng programa.Pagkatapos ng hapunan, ang mga kalahok na bisita ay pinangunahan ng mga prodyuser patungo sa living area sa likod ng villa.Ayon sa alamat, ito ay orihinal na kastilyo na ipinasa sa mga henerasyon sa loob ng isang pamilya. Gayunpaman, dahil sa mahinang pamamahala at pagbaba ng pamilya, nakuha na ito ng iba. Pagkatapos ay inayos at pinalawak nila ang property, pinapanatili ang orihinal na istraktura habang ginagawa itong hotel na naging dating na nito ngayon.Ang pasukan ng kastilyo ay suportado ng ilang makapal at marilag na mga haligi na mayroong magagandang ukit sa mga ito. Isang hanay ng mga bakod ng mahogany ang nakaunat sa tanawin, at ang matulis na kampanilya na tore ay mataas na nakatayo sa kayumanggi-pulang bubong. Isang berdeng damuhan ang sumalubong sa mga bisita sa pasukan na napapalibutan ng mga rosas at baging, na lumilikha ng isang romantiko ngunit kagila-gilalas at kakaibang kapaligiran."Ang lugar na ito ay malamang
Ding-ling-ling...Kinaumagahan, sina Camila at Leila ay parehong ginising ng mabilis na tugtog na mula sa kanilang mga telepono."Hindi mo s-in-et ang alarm?" inaantok na ungot ni Camila habang inaabot ang kaniyang cellphone. Sa sandaling nakita niya ang oras ay napatalon siya mula sa kama."Hello?"Isa itong hindi pamilyar na numero. Ilang sandaling nagdalawang-isip si Camila ngunit sinagot din ang tawag kalaunan."Hello, good morning, Miss Villarazon. Ako po ang taong in charge para sa iyong pang araw-araw na kaayusan para sa programa. Tayo ay magsisimula na po sa paghahanda para sa trabaho. Hindi pa po ba kayo nakakababa ni Miss Lopez para sa almusal?"Malumanay na boses ng babae ang bumungad mula sa kabilang linya, at ang ingay sa background nito ay nagpapahiwatig ng abalang kapaligiran."Ah... pasensya na, hindi na kami kakain ng almusal. Tutungo na lang kami diretso sa tagpuan ngayon," sagot ni Camila, nakaramdam ng kaunting kahihiyan. Talagang nagawa niya pang magpa-late sa kan
"Bakit parang napaka komplikado naman yata ng kompetisyon na ito? Nagmamanhid na nga itong puwet ko sa tagal natin na nakaupo," reklamo ni Leila, hindi na siya mapakali, gusto na lang niyang tumayo at lumabas sa silid. Kahit kailan hindi talaga siya mahilig sa mga ganito na nakikinig sa mga panayam o mahabang talumpati, simula noong siya ay bata pa lamang."Sa wakas ay narito na ang sagot sa tanong na pinaka hihintay ng lahat—ano nga ba ang gantimpala para sa mananalo?"Nang tatayo na sana si Leila para magkunwaring pupunta lamang sa banyo, biglang nakuha ng boses ng host ang kaniyang buong atensyon pabalik sa stage."Ang final winner ay makakakuha ng puwesto sa grupo ng chief designer sa Paris Fashion Week, at ang mga gastusin para sa trip patungo sa Paris ay sagot na lahat ng Tala Entertainment at ng ka-partner nito, ang Buevenidez Group."Huminto sa pananalita ang host para mabigyan ito ng mas madramang epekto, hinahayaang lumubog muna ang mga salita bago nagpatuloy.Nang maisiwala
Habang nakaupo sa loob ng store si Camila, pinanood niya ang lalaki na lumitaw mula sa lilim ng puno hanggang sa ito ay dahan-dahan nang naglakad palayo roon.Mayroon siyang balak na tumawag ng pulis, kaya naman nagmasid masid pa siya sa buong paligid ng store, pinakiramdaman ang bawat sulok sa isang mahabang sandali upang masiguro kung nakaalis na ba talaga iyong lalaki. At saka lamang siya nakahinga nang maluwag kahit papaano noong sa tingin niya'y wala na nga ito sa paligid.Subalit, kahit ganoon man ay hindi pa rin siya nangahas na mag-isang bumalik sa hotel kung saan siya tutuloy.Kasi paano kung doon pala nag-aabang iyong lalaki sa kanya?Wala siyang ideya kung ano ang mga intensyon nito.Magsasarado na ang embroidery studio, at hindi siya maaaring manatili rito habambuhay.Nilabas niya ang kaniyang cellphone para tumawag na sa pulis. Ni-report niya ang kasalukuyan niyang sitwasyon at pagkatapos ay naghintay siya sa may bandang bukana ng store para sa kanilang pagdating.“Dapat
"I will give her the biggest compensation for this matter," sagot ni Juancho.“Juancho, ganito ka ba talagi palagi? Hindi mo nauunawaan 'yong pakiramdam na mapalitan ng ibang bagay na hindi mo naman gusto ang isang bagay na pinakamamahal at iniingatan mo. Sarili mo lang iniisip mo at wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba,” saad ng lalaki, ang boses nito ay nababahiran ng pang-uuyam.“Kung ganoon ibabalik ko rin sa'yo ang parehong tanong, ganito rin ba talaga palagi si Dominique?“ buwelta ni Juancho.“Anong ibig mong sabihin?“ Ang tono ng lalaki ay biglang napuno ng iritasyon.“You know exactly what I mean.“ Kasing lamig na ngayon ng yelo ang boses ni Juancho. “Bakit hanggang ngayon ayaw niya pa ring humingi ng paumanhin para sa gulong idinulot niya sa show noon?““Kasalanan niya ba 'yon?“ tutol ng lalaki. "You knew very well that my sister liked you, yet you still deliberately created hype as a loveteam with another woman in that show. You didn’t ignore her post on hersocial media
"Just say whatever you want to say."Nag-angat ng kilay si Juancho nang tinapunan niya ulit ng tingin si Alvin dahil hindi ito umiimik.Pinagsalikop ni Alvin ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang puson. “Uh, Sir... Hindi po ba't mas maganda nga ito ngayon kaysa noon? Ang ibig ko pong sabihin ay mas mukha na kayong tunay na mag-asawa ni Madame ngayon...“ maingat niyang tugon.Mabilis na naglaho ang galit na nararamdaman ni Juancho dahil sa sinabi ni Alvin. Pinigilan niyang umangat ang sulok ng kaniyang labi at nagtanong, “Why do you think that?““Kasi po nakikipagtalo na siya sa inyo ngayon, hindi po ba?“ maingat na tanong ni Alvin.Bago pa man mahulog si Juancho sa malalim na pag-iisip ay sinenyasan niya ang kaniyang assistant na magpatuloy sa mga sinasabi nito.“Kapag palagi po kasing nagtatalo ang isang magkasintahan o mag-asawa, ibig sabihin no'n ay mayroon silang malalim na relasyon. Uh, noon po kasi ay hindi nakikipagtalo sa inyo ang asawa niyo—marahil iyon ay dahil medyo.
Mula sa set, nagmamadaling umuwi si Dominique sa bahay niya dahil sa frustration, nang nakarating sa kanya ang balita na binawi raw ni Juancho ang wedding dress na dinisenyo ng V&L.“M-ma'am, ang sinabi naman po ni Sir Juancho ay ibibilhan na lang niya kayo ng panibago, na nagkakahalaga ng sampung milyon,” natatarantang paliwanag ng kasambay nang nakita niya ang galit na galit na mukha ng babae.Dumilim ang ekspresyon ni Dominique, ang mga mata nito ay punong-puno ng nag-uumapaw na galit.“Hindi mo man lang ba tinanong kung bakit niya kinuha ang wedding dress?““M-ma'am... si Sir Juancho na po kasi iyon. S-sino lang po ba ako para question-in ang desisyon niya p-po...“Napayuko ang kasambahay sa takot. Maingat siyang umatras ng kaunti.“Boba!“Tinulak pagilid ni Dominique ang kasambahay at saka siya nanggigigil na nagmartsa patungo sa cloakroom.Nang makita niya na ang napakagandang wedding dress ay talagang wala na sa kinalalagyan nito, ay kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil
“I never liked her, Camila,” Juancho emphasize.“Tinanong kita noon kung bakit 7.18 million ang binigay kong presyo sa wedding dress na iyon, pero hindi mo alam. Ni hindi man lang sumagi sa isipan mo ang tungkol sa mga numerong iyon.“ Diretso ang tingin ni Camila sa mga mata ni Juancho, ang ngiti sa kaniyang labi ay lalong pumapait. “Wedding anniversary natin iyon, Juancho. At 'yong wedding dress? That was the wedding dress I told you about. Pero dahil nagustuhan ni Dominique, sinabi mo sa shop na ibenta ito para sa kanya.“Marahas na nanginig ang mga mata ni Juancho.Iniwas ni Camila ang kaniyang tingin. “Sa sandaling nabenta ang wedding dress, isinuko ko na rin ang nakaraan at niyakap ang panibago kong buhay,” patuloy niya pa kahit naninikip na ang kaniyang lalamunan.“Bakit... bakit hindi mo sinabi sa akin?“ Matigas ang boses ni Juancho.Kumurba ang labi ni Camila para sa isang sarkastikong ngiti. "Do you think it would have made a difference? Marriage is a matter between a man and
Mabilis na nahulog sa pagkakatulog si Juancho dahil sa maaliwas na simoy ng sariwang hangin.Lumapit si Lola Celestina sa kinaroroonan niya para sana mangumusta ngunit naabutan niya itong tulog. Nilapitan niya pa ito lalo at maingat na inayos ang unan na medyo nahuhulog na. Malumanay siyang napanbuntonghininga nang pinagmasdan niya ang mukha nito at nakitang tila mayroong nakaukit na kalungkutan sa mga kilay niya.Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Camila.Pagkaraan ng ilan pang sandali ay bumalik siya sa kusina upang hanguin ang nilutong biko. Tapos na rin siyang nagluto ng adobo. Kaya naman nagpasya siyang i-video call ang apo.Kaagad namang komunekta ang tawag sa kabilang linya.“Lola...“Punong-puno ng pagmamahal ang mukha ni Lola Celestina nang tiningnan niya si Camila sa screen.“Kumusta ka na, apo? Kumusta ka sa trabaho mo?“Dahil hindi inaasahan ang tawag, pinaghinalaan ni Camila na ito ay mayroong kinalaman kay Juancho.“
Nanlamig bigla si Camila. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan.Sa isang iglap, naalala niya ang pananakot sa kanya ni Juancho patungkol sa future ni Miko. Palagi na lang palihim kung saan siya nagpupunta sa tuwing nawawala siya, at nakikita rin ng lahat kung paano niya suportahan si Dominique. Kung gusto niya talagang itago ang isang bagay na dapat ay nakatago, ni isa ay walang makakatuklas nito.Para sa insidenteng ito, hindi matukoy ni Camila kung sinadya ba itong gawin ni Juancho.Nakaupo siya ngayon sa loob ng kaniyang opisina, malalim ang kunot sa noo habang nilalapag ang cellphone sa mesa. Ang nararamdamang pagkayamot kay Juancho ay umabot na sa sukdulan.Sa sandaling iyon, tumunog ang kaniyang cellphone para sa isang tawag.Pagkakita sa pangalan ni Juancho sa screen ay malamig niya itong tinitigan subalit wala siyang balak na sagutin ito.Namatay ang tawag. Ngunit hindi nagtagal ay nagsimula na namang umingay ang cellphone. Ilang bese
Mabilis na lumipas ang kalahating buwan, at ang production team ay nakapagsimula na sa kanilang mga paghahanda para sa pinakahuling shoot.Kamakailan naman ay nagkaroon ng medyo maraming libreng oras si Camila.Sumang-ayon si Miko na dalhin si Camila sa tahanan ng kaniyang lola sa loob ng isang linggo pagkatapos ng pinakahuling shoot upang sukatin nito ang size ng matanda.Sa araw na iyon, habang tinatamad na iginugugol ni Camila ang kaniyang oras kasama ang production team ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula kay Leila.“Girl, a big opportunity has come!“ Ang boses ni Leila ay punong-puno ng pananabik.Sandali namang natigilan si Camila, bahagyang nalito.“Huh? Bakit? Did you land a big order?““Kilala mo si Faye Czalanie?“ tanong ni Leila nang may bahid ng ngiti sa kaniyang boses.Siyempre, kilala ito ni Camila. Sino bang hindi nakakakilala sa kanya? Si Faye Czalanie ay isang sikat na artista na lumabas na sa mga films sa Hollywood at nanalo na nga rin ito ng mga awar
Pakiramdam ni Kenneth ay parang pinahihirapan lamang niya ang kaniyang sarili. Isa lang naman kasi siyang hamak na ordinaryong single na lalaki na walang alam sa mga ganitong away mag-asawa.“Paano ba kita matutulungan? Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong gawin ko,” aniya sa kaibigan.Detalyado namang nagpaliwanag si Juancho sa kanya.Kenneth listened intenly, and after a moment, he responded, “It's hard for me to comment on this matter. If I were Camila—”“I know it's my problem,” putol ni Juancho at seryosong tiningnan si Kenneth. “,That's why I'm asking for your advice.““Ang iniisip lang naman kasi ni Camila ay iyong tungkol kay Dominique—na first love mo. Isang tawag niya lang pupuntahan mo agad ng walang pagdadalawang-isip, kahit nasaan pa siyang lupalop ng mundo sa sandaling iyon. Puwede bang tigilan mo nang gawin 'yon, bro?“ prankang saad ni Kenneth.“Mag-isip ka pa ng iba,” turan ni Juancho.Kumunot ang noo ni Kenneth. Kitang-kita na ngayon sa mukha niya ang kalituh