Lumitaw si Camila mula sa banyo pagkatapos mag-shower, tinutuyo niya ang kaniyang basang buhok gamit ang malinis na puting tuwalya. Nang patutuyuin na sana niya ang buhok gamit Ng blow dryer, ang mahinang boses ni Lola Celestina ay tumawag mula sa sala."Camila, gabi na. Bakit hindi pa rin umuuwi si Juancho? Masyado ba siyang maraming nainom sa isang social gathering at hindi na kayang umuwi?"Napatalon sa gulat si Camila. Mabilis niyang isinabit ang hair dryer sa lagayan nito at gumalaw para i-check ang oras sa orasan sa sala. 10:40 na ng gabi.Hindi niya inaasahan na iniisip pa rin pala ng kaniyang lola si Juancho."Lola, bakit hindi pa rin po kayo natutulog? Hindi ba't sinabi ko na po na sobrang abala ni Juancho kamakailan at baka hindi na muna makakauwi rito?" aniya, sinusuportahan ang kaniyang noo gamit ang isang kamay. Kalimitan, maaga pa lamang ay nasa kama na ang matandang ginang para matulog at iyon ang inaasahan ni Camila, pagkatapos niyang maligo, magpapahinga na rin sana s
"I will invest 200 million in the program. You find a reliable industry expert to handle the program's production quality."Nang akala ni Kenneth ay ibinaba na ni Juancho ang tawag, ang malinaw na boses nito ay muling narinig sa kabilang linya.Ang biglaang pagbabago ng pakikitungo ni Juancho ay muntikan nang isipin ni Kenneth na lasing na siya, hanggang sa mabanggit ang dalawang daang milyong piso na investment na nagpakislap ng matalas na liwang sa kaniyang mga mata."Okay, bro, Sisiguraduhin ko na ang lahat ay naayos ng mabuti," sagot niya.Pagkatapos ibaba ang tawag, ang mga kaibigan ni Kenneth ay muli siyang hinila pabalik sa kanilang ginagawang inuman. Alas tres na nang madaling araw noong tuluyang umalis sa grupo si Kenneth, halatang lasing na.Kinaumagahan, ginising ng maingay na tunog ng alarm clock si Kenneth. Nasa ilalim siya ng kumot, nahihilo. At mula roon ay gumalaw siya para pulutin ang kaniyang cellphone na nahulog na pala sa carpet. Mabilis niyang nahanap ang contact
"Sige, kung gano'n kunan mo ng magandang litrato 'tong suot kong damit," sabi ni Leila, nag-pose siya ng may kumpiyansa sa sarili. Inilabas niya ang kaniyang pulbos at dinampi ito sa kaniyang makeup, tinitiyak na hindi niya palalampasin ang anumang pagkakataon na ipakita ang kaniyang napakagandang damit.Ang photographer naman ay halatang iritado na, mayroong tatlong itim na linya na gumuhit sa kaniyang noo ngunit hindi na siya nangahas na magsalita pa. Pagkatapos ng lahat, ang dalawang ito ay mga VIP na espesyal na inutos mismo ng mga prodyuser.Pagkalipas ng kalahating oras, marahang tumigil ang business car sa harap ng isang mountain villa sa labas ng lungsod. Napansin ni Camila ang marami pang ibang mga sasakyan na naka-park na sa harap. Mukhang hindi siya at si Leila ang naunang nakarating dito.Naayos na ng grupo ng programa ang lahat sa lugar na paggaganapan ng film. Ang mga tamang posisyon ng mga camera ay maayos na rin, ang mga props ay nasa tamang lugar na at ang mga staff a
Maliwanag ang mga ilaw sa villa ng grupo ng programa.Pagkatapos ng hapunan, ang mga kalahok na bisita ay pinangunahan ng mga prodyuser patungo sa living area sa likod ng villa.Ayon sa alamat, ito ay orihinal na kastilyo na ipinasa sa mga henerasyon sa loob ng isang pamilya. Gayunpaman, dahil sa mahinang pamamahala at pagbaba ng pamilya, nakuha na ito ng iba. Pagkatapos ay inayos at pinalawak nila ang property, pinapanatili ang orihinal na istraktura habang ginagawa itong hotel na naging dating na nito ngayon.Ang pasukan ng kastilyo ay suportado ng ilang makapal at marilag na mga haligi na mayroong magagandang ukit sa mga ito. Isang hanay ng mga bakod ng mahogany ang nakaunat sa tanawin, at ang matulis na kampanilya na tore ay mataas na nakatayo sa kayumanggi-pulang bubong. Isang berdeng damuhan ang sumalubong sa mga bisita sa pasukan na napapalibutan ng mga rosas at baging, na lumilikha ng isang romantiko ngunit kagila-gilalas at kakaibang kapaligiran."Ang lugar na ito ay malamang
Ding-ling-ling...Kinaumagahan, sina Camila at Leila ay parehong ginising ng mabilis na tugtog na mula sa kanilang mga telepono."Hindi mo s-in-et ang alarm?" inaantok na ungot ni Camila habang inaabot ang kaniyang cellphone. Sa sandaling nakita niya ang oras ay napatalon siya mula sa kama."Hello?"Isa itong hindi pamilyar na numero. Ilang sandaling nagdalawang-isip si Camila ngunit sinagot din ang tawag kalaunan."Hello, good morning, Miss Villarazon. Ako po ang taong in charge para sa iyong pang araw-araw na kaayusan para sa programa. Tayo ay magsisimula na po sa paghahanda para sa trabaho. Hindi pa po ba kayo nakakababa ni Miss Lopez para sa almusal?"Malumanay na boses ng babae ang bumungad mula sa kabilang linya, at ang ingay sa background nito ay nagpapahiwatig ng abalang kapaligiran."Ah... pasensya na, hindi na kami kakain ng almusal. Tutungo na lang kami diretso sa tagpuan ngayon," sagot ni Camila, nakaramdam ng kaunting kahihiyan. Talagang nagawa niya pang magpa-late sa kan
"Bakit parang napaka komplikado naman yata ng kompetisyon na ito? Nagmamanhid na nga itong puwet ko sa tagal natin na nakaupo," reklamo ni Leila, hindi na siya mapakali, gusto na lang niyang tumayo at lumabas sa silid. Kahit kailan hindi talaga siya mahilig sa mga ganito na nakikinig sa mga panayam o mahabang talumpati, simula noong siya ay bata pa lamang."Sa wakas ay narito na ang sagot sa tanong na pinaka hihintay ng lahat—ano nga ba ang gantimpala para sa mananalo?"Nang tatayo na sana si Leila para magkunwaring pupunta lamang sa banyo, biglang nakuha ng boses ng host ang kaniyang buong atensyon pabalik sa stage."Ang final winner ay makakakuha ng puwesto sa grupo ng chief designer sa Paris Fashion Week, at ang mga gastusin para sa trip patungo sa Paris ay sagot na lahat ng Tala Entertainment at ng ka-partner nito, ang Buevenidez Group."Huminto sa pananalita ang host para mabigyan ito ng mas madramang epekto, hinahayaang lumubog muna ang mga salita bago nagpatuloy.Nang maisiwala
Pagkatapos masaksihan ang panghuling gantimpala ng design program na ito, ang lahat ng mga tao sa silid ay humiging ng may kagalakan.Habang sila ay lumilipat sa isa pang banquet hall sa kabila upang magtipon. Si Dominique, na kanina pa nakikisalamuha sa iba ay iniwan ang karamihan at nagtungo sa tabi ni Leila na mayroong matamis na ngiti na nakapalitada sa kaniyang mukha. Mas magalang siya ngayon kaysa sa dati."Walang silbi para sa iba na ipaglaban pa ito. Dapat si Sunshine ang manalo at makakuha ng brilyante na 'yan," sabi ni Dominuque, ang kaniyamg boses ay umaapaw sa kumpiyansa.Naramdaman ni Leila ang mabigat na tingin mula sa lahat ng direksiyon, ang ilan ay poot, mapanghamak at ang iba pa ay punong-puno ng inggit. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na sinusubukan ni Dominique na sadyain ito upang kainisan siya ng iba.Bagaman ang The Great Designer ay isang programa na naghahangad na ipakita at ipakilala ang mga umuusbong na talento, na mayroon lamang iilang matatag na pangala
Hawak hawak ni Kennneth ang kaniyang telepono, wala sa loob nito na ibinaling ang kaniyang ulo at tinitigan si Zyra."Ano ang sinabi mo? Sino ang nilagay mo na magkasama sa parehong grupo?""Si Miss Sunshine at si Miss Dominique po, Sir!" sagot ni Zyra na nahihiyang kinakamot ang kaniyang ulo. "Hindi po ba at mas lalo pa po itong magpapasikat?"Halos mahulog naman si Kenneth sa kaniyang upuan dahil sa narinig, naramdaman niya bigla na parang nagsi-akyatan lahat ng dugo sa kaniyang ulo.Hindi ito mas lalong magpapasikat; ito na ang tiyak na paraan para mamatay nang mas mabilis!"Sino ang nag-utos sa iyo na mag-isa kang gumawa ng desisyon? Gusto mo na ba talagang mawalan ng trabaho, huh?!"Kinilabutan siya, halos magtindigan ang lahat ng kaniyang mga bahalibo sa katawan."Sige na, sige na. Bilisan mo na r'yan at ipaalam mo sa direktor na babaguhin ang mga patakaran."Pagkatanggap ni Camila ng abiso, agad nabago ang mga patakaran.Pumasok ang mga namumuhunan at sila ay magiging pampublik
Mariing hinawakan ni Juancho ang mga paa ni Camila at nag-angat siya ng tingin sa kanya. “Hindi mo maaaring gamutin ang mga paa mo sa ganitong paraan. Mas sensetibo kasi ang mga ito sa sakit kaysa sa mga kamay. Ako na ang magmamasahe sa mga paa mo,” aniya.Sumimangot si Camila, bahagya siyang nakaramdam ng kiliti. “Bitaw...“ sambit niya sa mahinang boses.Hindi pinansin ni Juancho ang kaniyang pagprotesta. Sa halip ay tumayo siya, pumunta sa sofa at umupo sa tabi nito. Wala namang magawa si Camila kundi umayos ng upo. Sumandal siya sa balikat ng sofa at hinayaang hawakan ni Juancho ang kaniyang mga paa.Minasahe nang marahan ni Juancho ang mapula at namamagang bahagi sa kaniyang mga daliri sa paa.“Makakatulong ang pagmamasahe sa mga ito. Hindi ka ba bumili ng warm shoes mo?“ tanong niya sa malamig na tono.“Wala namang silbi 'yon,” sagot ni Camila.Nagsuot na siya ng snow boots, ngunit pagkatapos niyang tumakbo at maglakad-lakad sa snow buong araw, madalas ay nababasa lamang ang mga
Inilahad ni Camila ang kaniyang mga kamay sa doktor, na siyang sumuri sa kaniyang mga daliri na nababalot sa frostbite."Do you work outside in the cold wind all day? There is heating indoors, so you shouldn't have frostbite like this,” tanong ng doktor na may nag-aalalang mukha.“Uh, yes, I work outside,” tugon ni Camila."Apart from the method she mentioned, is there any other way? If this job must be done outdoors, is there a solution?" biglang tanong ni Juancho sa malamig na boses.Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Camila. “Don't meddle in my affairs!“"He is just concerned about you. Miss, if you must work outside, you have to keep warm. Otherwise, no matter how you treat it, it will be ineffective."Kaagad namang pumagitna ang doktor upang pahupahin ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa."Just tell me if acupuncture can be used," ani Camila, na may bahid ng pag-aalala sa boses. Marami na rin kasi sa mga miyembro ng crew ang nakararanas sa kapareho niyang kondisyon."We
Alam ni Camila ang dahilan.Bali-balita nga na hindi mapigilan ni Andi ang pagkakamot sa kaniyang mga kamay dahil sobrang nangangati raw ito habang isinasagawa nila ang filming, na siya ring naging dahilan ng pagkakamali niya ng ilang ulit. At dahil din dito ay napagalitan siya ng direktor.Ipinaliwanag niya na sobrang lala talaga ng pangangati ng kaniyang mga kamay dahil sa frostbite at hindi na niya kaya pang hindi ito kamutin. Ngunit bandang huli ay naisip ng direktor na magiging mkatotohanan ito kung ipapakita sa camera, kaya't sinabi niya na ipagpatuloy lang muna nito ang pagtitiis sa frostbite para sa authenticity.Ang isang taga-timog na naglalakbay patungo sa napakalamig na hilaga ay tiyak na magkakaroon ng frostbite—ito ay ang pinaka karaniwang physiological reaction.Bilang resulta, ang kondisyon ng mga kamay ni Andi ay malayong mas malala pa kaysa sa kondisyon ng mga kamay ni Camila. Dahil ang mga kamay nito ay nasa bingit na ng pagkaka-crack at pagnanana.Kapag naiisip ni
Nagmaneho si Juancho patungo sa ospital at tumawag kay Alvin upang sabihin na i-check nito ang license plate number ng sasakyan na tumangay kay Camila.Nang makarating si Camila sa hotel malapit sa airport, natapos na ring ayusin ni Leila ang ipinasuyo niya. Ang assistant nila sa V&L ang inutusan ni Leila na maghatid ng maleta kay Camila sa hotel.“Miss Camila, bigla po kasing nagka-emergency si Miss Leila sa isang kliyente kaya ako ang inutusan niya na magdala nitong maleta sa iyo. Okay lang po ba kayo?“ nag-aalalang tanong ng assistant.Nakaramdam ng matinding kahihiyan si Camila.Bagaman karaniwan ay nakabihis siya ng simple, kailanma'y hindi pa naging ganito kagulo ang kaniyang hitsura noon. Wala siyang suot na sapin sa paa, ang kaniyang damit ay gusot-gusot at ang kaniyang buhok ay magulong nakabuhaghag. Mukha siyang basang sisiw.“Okay naman. Nabasa lang ako. Salamat ha. Alam kong marami kayong ginagawa sa shop, kaya puwede ka ng bumalik doon. Babalik na akong China para mag-ass
Dumapo ang tingin ni Lolo Alonzo kay Camila habang dahan-dahan itong naglalakad pababa sa hagdan.Basang-basa si Camila at nag-aalala si Lolo Alonzo na baka magkasakit ito.“Camila anong nangyari sa'yo? Magbihis ka muna...“ malumanay na sinabi ni Lolo Alonzo, halata ang kaniyang pag-aalala.Nagpatuloy pa rin si Camila sa kaniyang paglalakad pababa. Wala siyang suot na anumang sapin sa paa at nag-iiwan ito ng basang bakas sa sahig. Huminto siya sa paglalakad nang makarating na sa harapan ni Lola Zonya. Nag-angat siya ng tingin at matapang na sinalubong ang malamig na tingin ng matandang babae.“Ano po bang masama sa sinabi ko sa inyo? Hindi ko sinabing yaya kayo o anuman, kayo ang kusang nag-isip no'n sa sarili ninyo. Can’t I just not be the perfect, helpless woman you expect? Kung gustong-gusto niyo talagang mamuhay sa mga luma niyong ideya, kayo ang pumili no'n. Bakit kailangan niyo pa akong idamay? Huwag niyo na ulit akong susubukan pa na pilitin sa mga gusto ninyo.“Kahit nanghihin
Tinitigan ni Kenneth ang kaniyang cellphone nang natapos na ang tawag habang lalo namang tumitindi ang pagsakit ng kaniyang ulo.Sinubukan niya ulit na tumawag, ngunit nakapatay pa rin ang cellphone ni Camila. Nag-reach out na rin siya kay Marco, subalit maging ito ay hindi rin daw alam kung nasaan si Camila.“Wala rin daw alam iyong mga napagtanungan ko. Nasaan na kaya siya?“ sambit niya sa mahinang boses. Ang pag-aalalang nararamdaman niya ay palala nang palala.“P-paano kung may... nangyari na palang masama sa kanya?“ puno ng pangamba at pag-aalalang tanong din ni Leila na nasa tabi ni Kenneth.Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad habang ang dalawang kamay ay nakahawak na sa ulo.“Magre-report ako sa pulis! Dapat ginawa ko na 'to noong una pa lang na hindi ko siya mahagilap!“ bulalas niya pagkaraan ng ilang sandali.“Sige, mabuti pa nga,” mabilis na pagsang-ayon ni Kenneth. Kung sakaling mayroon ngang nangyaring masama kay Camila, baka maging huli na ang lahat kapag hindi pa ri
Nasa loob ng banyo si Camila at naliligo nang pumasok si Juancho sa kuwarto. Kumuha siya ng isang libro sa shelf at nagpasyang i-distract na lang muna ang sarili sa pagbabasa. Kakaupo pa lamang niya sa sofa nang bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone dahil sa isang tawag.Gamit ang isang kamay ay kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suit at tiningnan ang screen. Isang unregistered number ang tumatawag ngunit pamilyar ito sa kanya kaya mabilis niyang sinagot.“Hello, why are you calling me?“Hindi kagaya ng dati, ang tono niya ngayon ay hindi gaanong malamig.“Alam mo bang naaksidente si Dominique sa set? At ano? Dahil kay Camila, iniwan at pinabayaan mo na lang siya doon? Inapi-api siya ng mga kasamahan niya sa crew at hinayaan lang nila siya na mahulog mula sa isang mataas na puno! Wala man lang tumulong kaagad sa kanya!“Galit na galit ang taong nasa kabilang linya.Inilapag muna ni Juancho ang libro sa sofa bago siya tumayo at naglakad palabas, palayo mula sa kuwarto. An
Humakbang si Juancho patungo sa tabi ni Camila at hinawakan ang kamay nito. “Dahil ayaw niyo sa kanya, hindi na po ako uuwi rito sa susunod. Kung miss na miss niyo na talaga ako, sa kompanya niyo na lang ako bisitahin,” baling niya sa kaniyang lola.“Juancho... Lola mo ako...“ sambit ni Lola Zonya sa nanginginig na boses. Mabilis niyang nilapitan si Juancho at hinila ang kamay nito.“Hindi ko po sinabing hindi ko kayo Lola, pero lagi na lang po kasi kayong nakikipagtalo ng ganito. Nakakapagod na rin para sa ating lahat. Higit kalahati ng taon siyang hindi umuwi. Ngayon na nga lang siya nakauwi ulit tapos ginagawa ninyong mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya,” mariing saad ni Juancho.“I won't divorce Camila,” dagdag pa niya.Wala na siyang pakialam kahit hindi pa matuloy ang dinner na ito.Umismid si Lolo Alonzo.“Ayaw mong makipag-divorce? Hindi ba't hindi ka naman satisfied sa marriage na ito? Hindi rin gusto ng Lola mo si Camila. Mas mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng i
“Juancho, halika,” tawag ni Lolo Alonzo sa kaniyang apo.Sinenyasan niya ito na lumabas muna silang dalawa sa kusina. Lumapit naman si Juancho ngunit kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan. Nangangamba kasi siya na baka kung iiwan ang dalawang babae sa kusina ay mag-aaway na naman ang mga ito.“Hayaan mo muna sila. Kailangan din nilang mapag-usapan ang tungkol sa mga hindi nila napagkakasunduang bagay. Hindi maganda para sa Lola mo na palaging nagagalit,” ani Lolo Alonzo habang naglalakad sila patungo sa sala.“,Sa bagay...“Walang magawa si Juancho kundi umupo na lang.Sa loob ng kusina, binalingan ni Lola Zonya si Camila. “May mga gulay pang hindi nahugasan. Hugasan mo ng mabuti ang lahat. Kung hindi ka marunong magluto, tuturuan kita,” saad niya“Opo.“Tumayo si Camila at naglakad patungo sa lababo, bitbit ang mga gulay. Binuhay niya ang faucet at dahan-dahang sinimulan ang paghuhugas sa mga ito.“Anong petsa pa tayo matatapos dito kung ganyan ka kabagal kumilos?“ med