"Bakit parang napaka komplikado naman yata ng kompetisyon na ito? Nagmamanhid na nga itong puwet ko sa tagal natin na nakaupo," reklamo ni Leila, hindi na siya mapakali, gusto na lang niyang tumayo at lumabas sa silid. Kahit kailan hindi talaga siya mahilig sa mga ganito na nakikinig sa mga panayam o mahabang talumpati, simula noong siya ay bata pa lamang."Sa wakas ay narito na ang sagot sa tanong na pinaka hihintay ng lahat—ano nga ba ang gantimpala para sa mananalo?"Nang tatayo na sana si Leila para magkunwaring pupunta lamang sa banyo, biglang nakuha ng boses ng host ang kaniyang buong atensyon pabalik sa stage."Ang final winner ay makakakuha ng puwesto sa grupo ng chief designer sa Paris Fashion Week, at ang mga gastusin para sa trip patungo sa Paris ay sagot na lahat ng Tala Entertainment at ng ka-partner nito, ang Buevenidez Group."Huminto sa pananalita ang host para mabigyan ito ng mas madramang epekto, hinahayaang lumubog muna ang mga salita bago nagpatuloy.Nang maisiwala
Pagkatapos masaksihan ang panghuling gantimpala ng design program na ito, ang lahat ng mga tao sa silid ay humiging ng may kagalakan.Habang sila ay lumilipat sa isa pang banquet hall sa kabila upang magtipon. Si Dominique, na kanina pa nakikisalamuha sa iba ay iniwan ang karamihan at nagtungo sa tabi ni Leila na mayroong matamis na ngiti na nakapalitada sa kaniyang mukha. Mas magalang siya ngayon kaysa sa dati."Walang silbi para sa iba na ipaglaban pa ito. Dapat si Sunshine ang manalo at makakuha ng brilyante na 'yan," sabi ni Dominuque, ang kaniyamg boses ay umaapaw sa kumpiyansa.Naramdaman ni Leila ang mabigat na tingin mula sa lahat ng direksiyon, ang ilan ay poot, mapanghamak at ang iba pa ay punong-puno ng inggit. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na sinusubukan ni Dominique na sadyain ito upang kainisan siya ng iba.Bagaman ang The Great Designer ay isang programa na naghahangad na ipakita at ipakilala ang mga umuusbong na talento, na mayroon lamang iilang matatag na pangala
Hawak hawak ni Kennneth ang kaniyang telepono, wala sa loob nito na ibinaling ang kaniyang ulo at tinitigan si Zyra."Ano ang sinabi mo? Sino ang nilagay mo na magkasama sa parehong grupo?""Si Miss Sunshine at si Miss Dominique po, Sir!" sagot ni Zyra na nahihiyang kinakamot ang kaniyang ulo. "Hindi po ba at mas lalo pa po itong magpapasikat?"Halos mahulog naman si Kenneth sa kaniyang upuan dahil sa narinig, naramdaman niya bigla na parang nagsi-akyatan lahat ng dugo sa kaniyang ulo.Hindi ito mas lalong magpapasikat; ito na ang tiyak na paraan para mamatay nang mas mabilis!"Sino ang nag-utos sa iyo na mag-isa kang gumawa ng desisyon? Gusto mo na ba talagang mawalan ng trabaho, huh?!"Kinilabutan siya, halos magtindigan ang lahat ng kaniyang mga bahalibo sa katawan."Sige na, sige na. Bilisan mo na r'yan at ipaalam mo sa direktor na babaguhin ang mga patakaran."Pagkatanggap ni Camila ng abiso, agad nabago ang mga patakaran.Pumasok ang mga namumuhunan at sila ay magiging pampublik
Pagkatapos ng bunutan, nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang sariling mga kuwarto. Napasulyap si Camila sa kuwartong nasa tabi ng kanya.Mukha namang walang katao-tao roon.O baka naman may tao kayang darating mamaya at sa kanya ang silid na ito?Tumatakbo ang oras, kaya't wala na siyang panahon pa para isipin ang patungkol dito. Pumasok siya sa silid ni Leila at kaagad na nagsimulang gumuhit ng plano para sa manuskrito base sa pigura ni Dominique. Itong ginagawa niya ay bilang paghahanda para kay Leila kung sakali man na magbago ulit ang mga patakaran sa susunod.Ang pagiging abala niya ay nagtagal hanggang mag-aala una na nang madaling araw."Pagkatapos nito matulog na rin tayo at magpahinga," ani Camila sa kaibigan habang inaayos ang kaniyang mga ginamit at naghahanda na para makaalis.***Nagmamadaling nagtungo si Juancho sa kung saan isinasagawa ang programa. Sa ilalim ng gabay ng kaniyang assistant na si Alvin, pumunta siya sa kuwarto na inayos ni Kenneth para sa kanya.Hum
"Ikinakahiya kita? Bakit naman kita ikakahiya? Huwag mo naman sanang maliitin ang sarili mo. Napakaraming mga bubuyog at mga paru-paro ang nasa labas na sabik na sabik na itapon ang kanilang mga sarili sa'yo. Paanong ikakahiya ka ng kahit sino, e, gayung ikaw ang nag-iisang maliwanag na buwan sa gitna ng napakaraming bituin sa paligid."Kinagat ni Camila ang kaniyang pang-ibabang labi at makahulugang tiningnan ang lalaking nasa kaniyang harapan, nangingiti.Ginastusan niya rin ang programa at tinulungan niya ito sa pag-aasikaso sa kaniyang lola. Hindi na talaga kailangan pa na inisin ang lalaki.Ngunit ang kayabangan ni Dominique sa programa na ito, iyon ang hindi niya kayang tiisin. May mga ilang sarkastikong pangungusap si Juancho, na kung saan bilang asawa, sa tingin niya sumusobra na.Kaswal na hinubad ni Juancho ang kaniyang pantalon sa harap ng babae. "Kung gano'n ay isa ka rin ba sa mga bubuyog at mga paru-paro na iyon?" tanong niya.Hindi nagsalita si Camila.Ikaw ang bubuyog
Iginiya ni Juancho si Dominique patungo sa pintuan. Ilang hakbang pa lamang ang kanilang nagagawa nang bigla na lang napansin ng babae ang isang kulay puti na papel na sumisilip sa ilalim ng kabinet na nasa tabi lamang ng pintuan.Bahagyang bumagal ang kaniyang paglalakad at medyo umatras ng kaunti para sipatin kung ano ang nilalaman ng papel mula sa isang anggulo, at doon natuklasan niya na ang nilalaman ng papel ay isang draft ng disenyo.Kaagad na pumasok sa isipan ni Dominique ang narinig na bulong-bulungan kani-kanina lamang.Ang sabi nila, kung gusto mo raw talagang makakuha ng maraming exposure at screen time sa programa na ito, dapat ay kinakailangan mong makisalamuha at makipaglapit sa mga investors sa kahit anumang paraan.Natatakot siya na baka ang mga taong ito ay maaari ngang sumubok na makipaglapit kay Juancho, kaya naman pagkatapos niyang makumpirma kay Alvin na darating si Juancho ay nagmadali na agad siyang puntahan ito.Mayroon na kayang mas naunang nangahas na pumun
Iniisip pa rin ni Juancho kung gaano nga ba ka totoo ang mga salitang binitawan ng babae.Naglakad si Camila patungo sa pintuan."Mr. Buenvenidez, bakit kaya hindi muna ikaw ang unang lumabas at tingnan mo kung ano na nga ba ang nangyayari ngayon sa labas? Kailangan ko na rin talaga na lumabas maya-maya," magaan na mungkahi ni Camila.Tumabi siya sa gilid para bigyang daan ang lalaki.Nang makita nito ang matatag na saloobin ng babae, wala nang sinabi pa si Juancho. Lumapit siya sa pinto, binuksan ito at sumilip sa labas. Mabilis niyang pinagmasdan ang grupo ng mga tao sa hindi kalayuan.Ang mga taong ito ang tinawag ni Dominique para magbantay sa labas ng kuwarto ni Juancho. Hindi na sila naglakas-loob pa na galitin ang lalaki, agad silang nagsibalikan sa loob ng kanilang mga silid na nakayuko dahil sa kahihiyan na natamo.Sa mga sandaling iyon, lumitaw din si Dominique mula sa likod."J-juancho! Gising ka pa pala... Nagpunta lang ako sa kuwarto nila para makigamit ng banyo," natataw
Hindi ito magawang pasinungalingan ni Camila.Baka ang lalaki nga na ito ang kaniyang nemesis.Nag-angat ng tingin si Leila sa kaibigan at inalo ito."Kapag natapos na natin lahat ng mga orders, pati kapag natapos na tayo sa programa na ito, magpapakalayo layo na tayo sa lalaking 'yon, nang sa gayon ay hindi na tayo malasin, lalong lalo ka na, Camila."Ang magagandang mga mata ni Camila ay nanatiling kalmado, "Wala ng dahilan pa para magpakalayo tayo. Kapag naging legal na sa papel ang paghihiwalay namin, natural na na mag-iiba kami ng mga landas na tatahakin."Sa tuwing napag-uusapan ang paksa patungkol sa divorce, bumibigat ang paghinga ni Leila."Ano sa tingin mo ang ibig niyang sabihin? Cooperate with you to stir up a scandal?" Umismid si Leila, "Sobrang nakakatawa. You and him are husband and wife. Do husband and wife need to stir up a scandal? That bastard!"Hindi talaga mapakali ang buong sistema ni Leila kapag hindi niya napagsasalitaan ng masama si Juancho, lalo na kapag may
Pumasok si Kenneth sa loob ng kuwarto ni Camila at nang makapasok na ay marahan niyang sinarado ang pintuan sa kaniyang likuran. Tinapunan niya ng isang seryosong tingin ang babae gamit ang kaniyang peach blossom na mga mata, isang bibihirang senseridad sa kaniyang palabirong pagkilos.Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Camila," marahan niyang tawag, "galit ka pa rin ba?"Nanatili namang walang malasakit sa ekspresyon ni Camila. Ang kaniyang pustura ay mahinahon ngunit mayroong distansya. Habang ang kaniyang mga mata naman ay mayroong bakas ng pag-aalala, kahit pa ang boses niya ay matatag."Hindi naman ako galit," maayos niyang tugon. "Dismayado lang."Napansin ni Kenneth na parang hindi maganda ang pakiramdam ni Camila kaya't iginiya niya ito patungo sa sofa at tinulungan na umupo."Camila, nag-usap na kami ni Juancho. Pumayag siya na bumalik sa programa si Justin pati na rin ang designer niyang si Helena. Iyon nga lang galit siya kasi kinalaban mo siya para lang kay Justin."Mapai
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawang galitin nang matindi ni Camila si Juancho—at ito ay dahil lamang sa isang lalaki.Biglang pinatay ni Juancho ang tawag at pagkatapos ay marahas niyang hinagis ang kaniyang telepono sa pader, na siyang dahilan upang mawasak ito at bumagsak sa sahig.Nagulantang si Alvin sa biglaang pagsilakbo ng kaniyang amo, ngunit nanatili siyang tahimik sa gilid na nakamasid lamang. Kaagad niyang inutusan ang isa sa kaniyang mga tauhan upang bumili ng bagong telepono bilang kapalit sa telepono ni Juancho na nawasak at ipadala ito sa hotel kung nasaan sila ngayon.Samantala, noong narinig ni Leila mula kay Alvin ang tungkol sa pagkaubos ng pagtitimpi ni Juancho ay dali-dali niyang pinuntahan ang kaniyang kaibigan sa kuwarto nito upang kumustahin."Hindi mo na kailangan pang makipagbangayan kay Juancho nang dahil lang sa sitwasyon ngayon ni Justin. Nabalitaan ko na sobrang galit na galit daw si Juancho at sa sobrang galit niya ay binato niya ang kaniyang telepo
"H-huh? Anong sinasabi mo riyan? Siyempre, kung aalis ang assistant ko tapos ako maiiwan dito, unfair naman iyon sa'kin 'no!"Bumuntonghininga nang malalim si Leila at nagpaliwanag kay Kenneth."I can waive your breach of contract fee if you decide to terminate the agreement," sagot ni Kenneth ng may seryosong ekspresyon. "However, this program also has Mr. Buenvenidez's investment. If you offend him, it will be difficult for you to continue in the design industry."Agresibong gumalaw ang panga ni Leila at tinapunan niya ng masamang tingin si Kenneth."Are you threatening me, Mr. Fortaleza? Sinasabi ko na sa'yo, kung aalis si Camila, aalis din ako!""At anong magandang rason ang maibibigay mo, Miss Lopez?" tanong ni Kenneth, ang kaniyang tingin ay nanunuring mabuti."Ano pa bang rason ang kailangan kong ibigay? Magkagrupo kami ni Camila! Hindi lang 'yon, siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko sa trabaho. Sa tingin mo ba gusto kong manatili dahil lang sa pera?!" angil ni Leila sabay
Tiningnan ni Camila si Leila at tumango nang bahagya. "May punto ka," aniya."Sa tingin ko ay talagang konektado ang taong ito kay Dominique. Oo nga at marami naman siyang ka-apelyido pero iba, e, prang may iba talaga. Halatang-halata na sinadyang ipaalam sa iyo na Castañeda ang may gawa dahil gusto ka nilang galitin at pagbantaan bilang ikaw ang legal na asawa," patuloy ni Leila, ang kaniyang tono ay analitikal.Natahimik si Camila. Nagbaba siya ng tingin at sinimulan na ang pagbuburda.Inabala naman ni Leila ang kaniyang sarili sa tablet, ngunit maya-maya lang ay huminto siya sa ginagawa at saka binaba ang tablet."Sandali nga. Pumunta ka roon sa parmasya kasama si Mrs. Buenvenidez kahapon, 'di ba?" nagmamadaling tanong ni Leila.Tumango si Camila."Oo, dinala niya ako roon. Sabi niya na naghahanap raw siya ng iba't-ibang folk remedies para tulungan akong magbuntis."Nanliliit ang mga matang tiningnan ni Leila si Camila. "Ayokong mambintang pero posible rin na si Dominique nga ang m
"Ano bang problema mo, Camila, huh? Nagpakahirap akong maghanap ng magaling na doktor para sa problema mo sa pagbubuntis. Tapos ngayong nakahanap ako, mag-iinarte ka? Tingnan mo ang ginawa mo, ako ngayon ang sinisisi ni Juancho!"Pagkasagot na pagkasagot ni Camila sa tawag, ang nang sasakdal na tono ng pananalita ng matandang babaeng Buenvenidez ang agad na bumungad sa kaniyang pandinig. Ang boses nito ay punong-puno ng galit.Mariing pumikit si Camila. "Lola, nasaksihan po ni Juancho ang totoong nangyari sa akin kahapon. Kung sa tingin niyo po ay nag-iinarte lang ako o nagpapanggap, puwede niyo po siyang tanungin at sabihan na kausapin mismo ang doktor patungkol dito," mahinahon at magalang niyang tugon."Huwag ka nang magdahilan! Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil mabait ako at naghanap ako ng doktor na tutulong sa'yo para mabuntis. Pero sa halip, siniraan mo pa ako sa sarili kong apo! Alam mo? Kung hindi mo talaga kaya, makipag-divorce ka na lang kay Juancho!" singhal ni Lo
Tahimik na nakaupo ang dalawa sa kama habang kaharap ang isa't-isa.Pinagmasdan ni Juancho ang mga marka ng ngipin ni Camila sa kaniyang palapulsuhan. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.Nakaramdam ng alon ng karaingan si Camila na pumintog sa kaniyang dibdib. Wala siyang ibang mapagkatiwalaan at wala rin siyang ibang masisisi.Bago siya pumayag na pakasalan si Juancho, kailanman ay hindi pumasok sa imahinasyon niya na magiging ganito ang kalalabasan ng pag-aasawa niya—isang arrangement na kung saan walang inaasahang pagmamahal at kapaitan lamang ang tanging lulunukin ng tahimik.Pagkalipas ng ilang minuto ng katahimikan ay walang imik na humiga si Camila sa kama. Umusog siya palayo kay Juancho at saka niya ito tinalikuran.Agresibong gumalaw ang panga ni Juancho dahil sa nagngangalit nitong mga ngipin. Umiling-iling siya at humiga na rin sa kabilang gilid ng kama.Maya-maya pa ay bumaling siya sa banda ni Camila at napansin niyang hindi ito gumagalaw, pero alam niyang gising pa ang
Walang pakialam na nagsalita si Lola Zonya, "Okay, okay. Ang alam ko lang ay Castañeda ang apelyido ng doktor, hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. Tungkol naman sa contact information, siguro ay nakalagay iyon sa pakete ng gamot na pinadala ko kay Camila. Kunin mo iyon at doon mo i-check.""Lola naman! Hinayaan mo si Camila na mag-undergo ng acupuncture nang hindi mo man lang alam maski buong pangalan lang ng doktor?"Ang boses ni Juancho ay punong-puno ng galit. Hindi na niya hinintay pa ang tugon ng kaniyang lola at bigla na lang niyang binaba ang tawag.Bumalik si Juancho sa loob ng silid. Kaagad niyang hinanap ang bag ni Camila at inisa-isang tingnan ang mga laman nito.Wala ang gamot na sinasabi ng kaniyang lola. Ang tanging laman lamang ng bag ay isang tablet, na ginagamit sa trabaho, ID ni Camila at mga susi.Mas lalong naging malamig ang ekspresyon ni Juancho. Umupo siya sa tabi ni Camila at muling tinawagan ang kaniyang lola."Lola, anong pangalan ng parmasya?" mahinaho
Ngumiti si Doctor Castañeda pagkatapos niyang makuhanan ng pulso si Camila at binalingan si Lola Zonya."It seems there’s nothing wrong with her body, Ma'am. Have you been to the hospital for a checkup?" magalang niyang tanong.Tumango si Lola Zonya at sinenyasan niya si Camila na magkuwento.Ngunit tila nasa ibang bagay ang laman ng isipan ni Camila, kinailangan pa siyang sikuhin ng matandang babae upang bumalik ito sa realidad."Ilang beses na po akong nagpatingin sa doktor at nagpa-inject na rin pero hindi gumana," sagot niya sa malumanay na boses."I see. Kung ganoon ay dapat mong subukan ang acupuncture. Reresetahan din kita ng ilang mga gamot para ma-regulate ang iyong katawan," mungkahi ni Dr. Castañeda sa mahinahong kilos."Ganito lang ba talaga ito ka simple, doc?" Ang tono ni Lola Zonya ay tinatraydor ang kaniyang pag-aalinlangan.Pinanatili ni Dr. Castañeda ang kaniyang mahinahon na ekspresyon. "I’ve reviewed the medical records you provided, Ma'am. There doesn’t appear to
Nag-init ang buong mukha ni Camila, pati rin ang kaniyang tainga ay sobrang pula na."Kung ayaw mong isuot, lumabas ka na lang na nakahubad..." sabi niya habang sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili.Lalabas na sana siya sa kuwarto nang bigla na lamang hinawakan ni Juancho ang kaniyang palapulsuhan at hinila palapit sa kanya.At dahil dito ay na out of balance si Camila, sa huli'y bumagsak siya sa mga bisig ni Juancho.Sa sobrang pagkataranta niya, hindi sinasadyang dumapo ang kaniyang kamay sa isang parte ng katawan ng lalaki na hindi niya dapat mahawakan.Mas lalong nag-init ang mukha ni Camila, ang kaniyang puso ay parang sasabog na. Kaagad niyang binawi ang kaniyang kamay na para bang napaso siya."A-anong ginagawa mo?! Tanghaling tapat, Juancho... Magbihis ka na n-nga!""You remember my size quite well," Juancho said as he lowered his eyes, staring at her.He was already in a terrible mood, but when he saw Camila preparing clothes for him at her place, his mood had su