Iniisip pa rin ni Juancho kung gaano nga ba ka totoo ang mga salitang binitawan ng babae.Naglakad si Camila patungo sa pintuan."Mr. Buenvenidez, bakit kaya hindi muna ikaw ang unang lumabas at tingnan mo kung ano na nga ba ang nangyayari ngayon sa labas? Kailangan ko na rin talaga na lumabas maya-maya," magaan na mungkahi ni Camila.Tumabi siya sa gilid para bigyang daan ang lalaki.Nang makita nito ang matatag na saloobin ng babae, wala nang sinabi pa si Juancho. Lumapit siya sa pinto, binuksan ito at sumilip sa labas. Mabilis niyang pinagmasdan ang grupo ng mga tao sa hindi kalayuan.Ang mga taong ito ang tinawag ni Dominique para magbantay sa labas ng kuwarto ni Juancho. Hindi na sila naglakas-loob pa na galitin ang lalaki, agad silang nagsibalikan sa loob ng kanilang mga silid na nakayuko dahil sa kahihiyan na natamo.Sa mga sandaling iyon, lumitaw din si Dominique mula sa likod."J-juancho! Gising ka pa pala... Nagpunta lang ako sa kuwarto nila para makigamit ng banyo," natataw
Hindi ito magawang pasinungalingan ni Camila.Baka ang lalaki nga na ito ang kaniyang nemesis.Nag-angat ng tingin si Leila sa kaibigan at inalo ito."Kapag natapos na natin lahat ng mga orders, pati kapag natapos na tayo sa programa na ito, magpapakalayo layo na tayo sa lalaking 'yon, nang sa gayon ay hindi na tayo malasin, lalong lalo ka na, Camila."Ang magagandang mga mata ni Camila ay nanatiling kalmado, "Wala ng dahilan pa para magpakalayo tayo. Kapag naging legal na sa papel ang paghihiwalay namin, natural na na mag-iiba kami ng mga landas na tatahakin."Sa tuwing napag-uusapan ang paksa patungkol sa divorce, bumibigat ang paghinga ni Leila."Ano sa tingin mo ang ibig niyang sabihin? Cooperate with you to stir up a scandal?" Umismid si Leila, "Sobrang nakakatawa. You and him are husband and wife. Do husband and wife need to stir up a scandal? That bastard!"Hindi talaga mapakali ang buong sistema ni Leila kapag hindi niya napagsasalitaan ng masama si Juancho, lalo na kapag may
Ang unang round ay tungkol sa istilo ng mga taga-disenyo.Walang nakatakdang sukat. Kinakailangan ng mga taga-disenyo na maisip ang kanilang mga unang draft batay sa kanilang sariling pag-unawa sa personal na istilo ng modelo.Dahil isa itong live na propesyonal na programa, nagkaroon ng maliit na usapan. Nakalaan ang oras at pokus ng camera para sa mga kalahok. Kinakailangan na isumite ng mga taga-disenyo ang kanilang mga unang draft bago mag alas kuwatro ng hapon mamaya, pagkatapos ay maaari nilang talakayin at pagsamahin ang mga ideya sa grupo.Nangangahulugan ito na ang mga taga-disenyo ay nangangailangan ng mahabang panahon ng walang patid na ispirasyon.Bilang isang assistant, kinakailangan ni Camila na ipaalam ang mga detalye at sukat sa mga modelo upang mapadali ang mga talakayan kapag nagkita na ang mga magkakagrupo. Siya at si Leila ay wala sa parehong eksena, kaya wala na silang oras na gumuhit ng isa pang disenyo.Pagkaalis ng host, ang lobby ng hotel ay mas lalong naging
Ngayon, ang mga bagay pa na ito ang naging dahilan para kay Dominique upang pagtawanan ang kaniyang sarili.Sarkastikong napangiti si Camila. Wala na siyang sinabi pa at mabilis na dinala ang tinimplang kape kay Dominique.Sa wakas ay huminahon na rin si Dominique. Bagaman ito ay nanatiling medyo mailap, nagawa pa rin niyang makuha ang karamihan sa mga sukat nito matapos mahirapan sa proseso. Ngunit maya-maya lamang ay umandar na naman ang katamaran ni Dominique at gustong pumunta sa banyo para mag-shower daw muna.Kinuha naman ni Camila ang pagkakataon na iyon upang pumunta sa gilid at nag-send ng mensahe para sa kaibigan na si Leila.To Leila:How is it going over there?Mabilis namang nag-reply si Leila.From Leila:...... Guess.Kung hihilingin mo kay Leila na magyabang siya, kaya niyang magkuwento nang tatlong araw at tatlong gabi tungkol sa kung paano idinidisenyo ni Camila ang isang proyekto para sa isang kliyente. Kayang-kaya niyang ipagyabang ito nang walang katapusan. Gayunp
Napakahalaga ng draft ng disenyo na iyon para kay Camila.Hindi niya inaasahan na ibabalik ito ni Juancho sa kanya. Ang ginawa nitong aksyon ay tunay na nagligtas sa kanya sa isang mahigpit na kalagayan na kinakaharap niya ngayong araw.Tiningnan niyang muli ang draft ng disenyo at maingat na pinunasan ang maduming mga marka na sumisira sa kalinisan nito. Gayunpaman, napagtanto niya na ang mga marka ay hindi talaga matanggal. Nabigo, mabilis siyang gumalaw at kinopya ang disenyo."Sa susunod mas mag-iingat na ako lalo. Ang pagkakamali na ito ay hindi na mauulit pang muli," aniya.Nakahinga ng maluwag si Leila."Kasalanan ko rin naman kasi. Kung hindi ko lang sana isinuko ang aking propesyon sa mga nagdaang taon, hindi sana kita nahihila pababa ngayon."Bago pa man masabi ni Camila ang kaniyang tugon ay nakarinig na sila ng katok sa pinto mula sa labas. Hula niya'y ito ang team ng programa, papasok sila para magtrabaho kasama si Leila, kaya mabilis siyang tumayo ng tuwid at sinenyasan
Sa kabilang banda ay nagkakagulo rin.Habang wala sa kanila ang atensyon ng mga tao, tahimik na pinadausdos ni Camila ang isa pang bagong guhit sa kamay ni Leila.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Leila, ngunit maingat niya ring ipinasok ang papel sa loob ng kaniyang damit upang matakpan ito gamit ang tela nito.Tahimik na nagbubulungan ang dalawang magkaibigan nang bigla na lamang umalingawngaw ang malakas na boses ni Dominique sa paligid.Hi, Miss Sunshine, nagpunta ako sa iyo ngayon at nakita ko na natapos mo na ang mga draft ng iyong disenyo. Talagang kahanga-hanga ka! Nabalitaan ko na maraming mga designer ang nagpapawis sa pag-iisip upang makasunod sa tema, at baka hindi pa makagawa ng kahit ano sa loob ng isang linggo."Ang pananalita niya ay sinadya niyang lakasan upang marinig ng lahat.Gayunpaman, nang tumingin si Camila kay Dominique, nakita niya na ang ekspresyon nito'y, bagaman walang masamang intensyon, ay tila nagpapakita pa rin ng paghanga.Walang sinumang nagsalita, at
Bumalik si Camila sa sarili niyang silid bitbit ang bag.Ngayon, pati ang bagong draft na ibinigay niya kay Leila ay nawawala na rin, maaring ang nangyari ay aksidente niya itong naisumite.Tiyak niyang binasa ang mga patakaran kanina, nalaman niya na ang mga imbestor ay magkakaroon ng opurtunidad na makita nang mas maaga ang mga manuskrito at mag-conduct ng inisyal na pagsusuri.Sa ibang salita, alam ni Juancho kung naisali ba roon sa mga naisumite ang hindi angkop na draft ng disenyo o hindi.Ikinuyom niya ang kaniyang panga at d-in-ial ang numero ni Juancho.Pagkatapos lamang ng ilang segundo ay sinagot na ni Juancho ang kaniyang tawag."What's the matter?"Ang boses nito ay mababa at walang damdamin na mababakas."Can we meet? I have something to discuss with you." Sinubukan ni Camila na palambutin ang kaniyang tono, nagpagtanto niyang kailangan itong gawin dahil hihingi siya ng tulong."Ngayon?" Nagtaas ng tinig si Juancho, ang kaniyang tono ay tila may ipinapahiwatig na hindi ma
Ang mapanuksong mga salita ay naging malupit sa sandaling binanggit nito ang salitang "anak".Hindi gusto ni Camila na pinag-uusapan ang mga bata, at nang binanggit ito ni Juancho ay nakaramdam siya ng matinding kirot ng kawalan ng katarungan.Kahit kailanman ay hindi siya nagpakita ng interes sa pagkakaroon ng anak noon, pero ngayon nagsabi siya ng isang bagay na nakapanakit sa kanya.Napakunot ang noo ni Camila ng ilang sandali, ngunit maya-maya lang ay huminahon din ang kaniyang itsura."Pinahanap ka sa akin ni Miss Lopez. Hindi ako ang may gusto na makipagkita sa iyo. Nawala ko ang draft ng disenyo, tinulungan mo ako at binalik mo iyon sa silid ko. Dapat natatandaan mo na mayroong mga marka ng kaunting dumi roon."Tumango ng bahagya si Juancho."Sigurado ka gusto mong makipag-usap sa ganitong paraan—sa pamamagitan ng pandaraya?" aniya.Ang kapaligiran ay napakaseryoso, ngunit ang kanilang mga pustura ay napakalabo.Madalas na mag-usap sina Juancho at Camila noon, ngunit hindi kail
“Kahit na! Alam mo namang ang dami-daming artista na narito sa lugar na ito ngayon. Paano kung may palihim palang sumusunod sa kanila o kaya naman ay naglagay sila ng mga hidden camera sa paligid?“Tinapunan ng masamang tingin ni Camila si Juancho.Umismid si Juancho. “Natatakot ka ba na mabunyag ang tunay mong relasyon sa akin?““Gaya ba kung paano mo ako tingnan ng mababa noon at natatakot na malantad ang katotohanang kasal ka sa akin?” banat ni Camila na may kasamang malamig na ngiti.Inayos ni Juancho ang kaniyang tayo at tumitig kay Camila gamit ang mabigat na tingin.“Camila, sabihin mo nga sa akin—naniniwala ka ba talaga na gano'n na lang kadali iwaksi ang damdamin?“Malinaw na malinaw pa niyang natatandaan kung gaano kalalim ang pag-ibig na mayroon ang babae para sa kanya noong pinakasalan siya nito.“Paano kung sabihin kong pinagsisisihan ko na na nagkagusto ako sa'yo? Lalo na ang magpakasal sa'yo?“ saad ni Camila na may mapangwasak na ngiti. “Mula noong sandaling gumamit ang
Mariing hinawakan ni Juancho ang mga paa ni Camila at nag-angat siya ng tingin sa kanya. “Hindi mo maaaring gamutin ang mga paa mo sa ganitong paraan. Mas sensetibo kasi ang mga ito sa sakit kaysa sa mga kamay. Ako na ang magmamasahe sa mga paa mo,” aniya.Sumimangot si Camila, bahagya siyang nakaramdam ng kiliti. “Bitaw...“ sambit niya sa mahinang boses.Hindi pinansin ni Juancho ang kaniyang pagprotesta. Sa halip ay tumayo siya, pumunta sa sofa at umupo sa tabi nito. Wala namang magawa si Camila kundi umayos ng upo. Sumandal siya sa balikat ng sofa at hinayaang hawakan ni Juancho ang kaniyang mga paa.Minasahe nang marahan ni Juancho ang mapula at namamagang bahagi sa kaniyang mga daliri sa paa.“Makakatulong ang pagmamasahe sa mga ito. Hindi ka ba bumili ng warm shoes mo?“ tanong niya sa malamig na tono.“Wala namang silbi 'yon,” sagot ni Camila.Nagsuot na siya ng snow boots, ngunit pagkatapos niyang tumakbo at maglakad-lakad sa snow buong araw, madalas ay nababasa lamang ang mga
Inilahad ni Camila ang kaniyang mga kamay sa doktor, na siyang sumuri sa kaniyang mga daliri na nababalot sa frostbite."Do you work outside in the cold wind all day? There is heating indoors, so you shouldn't have frostbite like this,” tanong ng doktor na may nag-aalalang mukha.“Uh, yes, I work outside,” tugon ni Camila."Apart from the method she mentioned, is there any other way? If this job must be done outdoors, is there a solution?" biglang tanong ni Juancho sa malamig na boses.Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Camila. “Don't meddle in my affairs!“"He is just concerned about you. Miss, if you must work outside, you have to keep warm. Otherwise, no matter how you treat it, it will be ineffective."Kaagad namang pumagitna ang doktor upang pahupahin ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa."Just tell me if acupuncture can be used," ani Camila, na may bahid ng pag-aalala sa boses. Marami na rin kasi sa mga miyembro ng crew ang nakararanas sa kapareho niyang kondisyon."We
Alam ni Camila ang dahilan.Bali-balita nga na hindi mapigilan ni Andi ang pagkakamot sa kaniyang mga kamay dahil sobrang nangangati raw ito habang isinasagawa nila ang filming, na siya ring naging dahilan ng pagkakamali niya ng ilang ulit. At dahil din dito ay napagalitan siya ng direktor.Ipinaliwanag niya na sobrang lala talaga ng pangangati ng kaniyang mga kamay dahil sa frostbite at hindi na niya kaya pang hindi ito kamutin. Ngunit bandang huli ay naisip ng direktor na magiging mkatotohanan ito kung ipapakita sa camera, kaya't sinabi niya na ipagpatuloy lang muna nito ang pagtitiis sa frostbite para sa authenticity.Ang isang taga-timog na naglalakbay patungo sa napakalamig na hilaga ay tiyak na magkakaroon ng frostbite—ito ay ang pinaka karaniwang physiological reaction.Bilang resulta, ang kondisyon ng mga kamay ni Andi ay malayong mas malala pa kaysa sa kondisyon ng mga kamay ni Camila. Dahil ang mga kamay nito ay nasa bingit na ng pagkaka-crack at pagnanana.Kapag naiisip ni
Nagmaneho si Juancho patungo sa ospital at tumawag kay Alvin upang sabihin na i-check nito ang license plate number ng sasakyan na tumangay kay Camila.Nang makarating si Camila sa hotel malapit sa airport, natapos na ring ayusin ni Leila ang ipinasuyo niya. Ang assistant nila sa V&L ang inutusan ni Leila na maghatid ng maleta kay Camila sa hotel.“Miss Camila, bigla po kasing nagka-emergency si Miss Leila sa isang kliyente kaya ako ang inutusan niya na magdala nitong maleta sa iyo. Okay lang po ba kayo?“ nag-aalalang tanong ng assistant.Nakaramdam ng matinding kahihiyan si Camila.Bagaman karaniwan ay nakabihis siya ng simple, kailanma'y hindi pa naging ganito kagulo ang kaniyang hitsura noon. Wala siyang suot na sapin sa paa, ang kaniyang damit ay gusot-gusot at ang kaniyang buhok ay magulong nakabuhaghag. Mukha siyang basang sisiw.“Okay naman. Nabasa lang ako. Salamat ha. Alam kong marami kayong ginagawa sa shop, kaya puwede ka ng bumalik doon. Babalik na akong China para mag-ass
Dumapo ang tingin ni Lolo Alonzo kay Camila habang dahan-dahan itong naglalakad pababa sa hagdan.Basang-basa si Camila at nag-aalala si Lolo Alonzo na baka magkasakit ito.“Camila anong nangyari sa'yo? Magbihis ka muna...“ malumanay na sinabi ni Lolo Alonzo, halata ang kaniyang pag-aalala.Nagpatuloy pa rin si Camila sa kaniyang paglalakad pababa. Wala siyang suot na anumang sapin sa paa at nag-iiwan ito ng basang bakas sa sahig. Huminto siya sa paglalakad nang makarating na sa harapan ni Lola Zonya. Nag-angat siya ng tingin at matapang na sinalubong ang malamig na tingin ng matandang babae.“Ano po bang masama sa sinabi ko sa inyo? Hindi ko sinabing yaya kayo o anuman, kayo ang kusang nag-isip no'n sa sarili ninyo. Can’t I just not be the perfect, helpless woman you expect? Kung gustong-gusto niyo talagang mamuhay sa mga luma niyong ideya, kayo ang pumili no'n. Bakit kailangan niyo pa akong idamay? Huwag niyo na ulit akong susubukan pa na pilitin sa mga gusto ninyo.“Kahit nanghihin
Tinitigan ni Kenneth ang kaniyang cellphone nang natapos na ang tawag habang lalo namang tumitindi ang pagsakit ng kaniyang ulo.Sinubukan niya ulit na tumawag, ngunit nakapatay pa rin ang cellphone ni Camila. Nag-reach out na rin siya kay Marco, subalit maging ito ay hindi rin daw alam kung nasaan si Camila.“Wala rin daw alam iyong mga napagtanungan ko. Nasaan na kaya siya?“ sambit niya sa mahinang boses. Ang pag-aalalang nararamdaman niya ay palala nang palala.“P-paano kung may... nangyari na palang masama sa kanya?“ puno ng pangamba at pag-aalalang tanong din ni Leila na nasa tabi ni Kenneth.Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad habang ang dalawang kamay ay nakahawak na sa ulo.“Magre-report ako sa pulis! Dapat ginawa ko na 'to noong una pa lang na hindi ko siya mahagilap!“ bulalas niya pagkaraan ng ilang sandali.“Sige, mabuti pa nga,” mabilis na pagsang-ayon ni Kenneth. Kung sakaling mayroon ngang nangyaring masama kay Camila, baka maging huli na ang lahat kapag hindi pa ri
Nasa loob ng banyo si Camila at naliligo nang pumasok si Juancho sa kuwarto. Kumuha siya ng isang libro sa shelf at nagpasyang i-distract na lang muna ang sarili sa pagbabasa. Kakaupo pa lamang niya sa sofa nang bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone dahil sa isang tawag.Gamit ang isang kamay ay kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suit at tiningnan ang screen. Isang unregistered number ang tumatawag ngunit pamilyar ito sa kanya kaya mabilis niyang sinagot.“Hello, why are you calling me?“Hindi kagaya ng dati, ang tono niya ngayon ay hindi gaanong malamig.“Alam mo bang naaksidente si Dominique sa set? At ano? Dahil kay Camila, iniwan at pinabayaan mo na lang siya doon? Inapi-api siya ng mga kasamahan niya sa crew at hinayaan lang nila siya na mahulog mula sa isang mataas na puno! Wala man lang tumulong kaagad sa kanya!“Galit na galit ang taong nasa kabilang linya.Inilapag muna ni Juancho ang libro sa sofa bago siya tumayo at naglakad palabas, palayo mula sa kuwarto. An
Humakbang si Juancho patungo sa tabi ni Camila at hinawakan ang kamay nito. “Dahil ayaw niyo sa kanya, hindi na po ako uuwi rito sa susunod. Kung miss na miss niyo na talaga ako, sa kompanya niyo na lang ako bisitahin,” baling niya sa kaniyang lola.“Juancho... Lola mo ako...“ sambit ni Lola Zonya sa nanginginig na boses. Mabilis niyang nilapitan si Juancho at hinila ang kamay nito.“Hindi ko po sinabing hindi ko kayo Lola, pero lagi na lang po kasi kayong nakikipagtalo ng ganito. Nakakapagod na rin para sa ating lahat. Higit kalahati ng taon siyang hindi umuwi. Ngayon na nga lang siya nakauwi ulit tapos ginagawa ninyong mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya,” mariing saad ni Juancho.“I won't divorce Camila,” dagdag pa niya.Wala na siyang pakialam kahit hindi pa matuloy ang dinner na ito.Umismid si Lolo Alonzo.“Ayaw mong makipag-divorce? Hindi ba't hindi ka naman satisfied sa marriage na ito? Hindi rin gusto ng Lola mo si Camila. Mas mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng i