Ang mapanuksong mga salita ay naging malupit sa sandaling binanggit nito ang salitang "anak".Hindi gusto ni Camila na pinag-uusapan ang mga bata, at nang binanggit ito ni Juancho ay nakaramdam siya ng matinding kirot ng kawalan ng katarungan.Kahit kailanman ay hindi siya nagpakita ng interes sa pagkakaroon ng anak noon, pero ngayon nagsabi siya ng isang bagay na nakapanakit sa kanya.Napakunot ang noo ni Camila ng ilang sandali, ngunit maya-maya lang ay huminahon din ang kaniyang itsura."Pinahanap ka sa akin ni Miss Lopez. Hindi ako ang may gusto na makipagkita sa iyo. Nawala ko ang draft ng disenyo, tinulungan mo ako at binalik mo iyon sa silid ko. Dapat natatandaan mo na mayroong mga marka ng kaunting dumi roon."Tumango ng bahagya si Juancho."Sigurado ka gusto mong makipag-usap sa ganitong paraan—sa pamamagitan ng pandaraya?" aniya.Ang kapaligiran ay napakaseryoso, ngunit ang kanilang mga pustura ay napakalabo.Madalas na mag-usap sina Juancho at Camila noon, ngunit hindi kail
Bandang alas tres ng hapon, inanunsyo ng team ng programa na magkakaroon ng oras para sa entertainment, ngunit ito ay mapapanuod ng live.Si Camila naman na kanina pa pinipiga ang kaniyang utak upang makapag-isip ng mga maaaring gamitin na paraan sa kung paano makalalapit muli kay Juancho ay nakaramdam ng kasiyahan nang marinig ang anunsyo. Ang kaniyang mga mata ay nagliwanag ng bagong determinasyon.Sa ilalim ng masugid na pangangasiwa ni Leila, pumili si Camila ng simpleng puti at maluwang na T-shirt at pares ng masikip na kulay puting kupas na maong, na nagbibigay-diin sa mahaba at tuwid na mga binti nito.Kahit pa rin, ang kasuotan na ito ay tila masyadong simpleng suot para sa isang designer na may katulad ng kaniyang katayuan."Ito na 'yon? Akala ko ay gagamitin mo ang lahat ng iyong mga trik upang mabighani mo si Kenneth hanggang siya ay mamatay dahil sa labis na pagmamahal sa iyo!" bulalas ni Leila, ang kaniyang mga mata ay nanlaki dahil sa gulat sa pagpili ng kasuotan ni Cami
Bumalik si Camila sa mesa bitbit ang isang bote ng soda water. Inalis niya ang takip nito at inilapag sa tabi ng inumin ni Juancho.Sa kabilang banda naman ng mesa, pasimpleng ipinakita ni Leila ang kaniyang telopono, ipinapahiwatig na mayroon siyang ipinadalang mensahe sa kanya.Kaagad namang nakuha ni Camila ang pahiwatig ni Leila, kinuha niya ang kaniyang telepono at mabilis itong pasimpleng sinilip sa ilalim ng mesaFrom Leila:Don't just give him soda water-it's cheap stuff. This brand from the program team is clearly the lowest quality, just for show.Bigla namang napagtanto rin ito ni Camila.Ang mga produkto na lumalabas sa live broadcast ng team ng programa ay lahat ay mga soft advertisements o patalastas na hindi direktang nagbebenta.Ginamit ng team ng programa ang patuloy na usap-usapan patungkol kina Juancho at Dominique upang makakuha ng higit pang atensyon. Ang pag-alok kay Juancho ng isang botelya ng mababang kalidad na soda water sa live TV ay nagpalampas sa isang per
Humalakhak si Kenneth, malinaw na nalilibang ito sa tensyon. "Alam na alam mo talaga kung paano magtanong," pagbibiro niya, ang kaniyang boses ay may bahid ng pagka-aliw.Matapos ang pahayag niya, mabilis niyang sinulyapan si Juancho, ang kaniyang ekspresyon ay nagpapakita ng malaking kasiyahan sa kapahamakan ng iba.Bumalik si Juancho sa pagkakasandal niya sa upuan, kaswal ang kaniyang pustura, ngunit ang tingin niya ay nakatuon nang husto kay Camila. Mahirap basahin ang kaniyang ekspresyon—ang kaniyang mga mata ay kalmado, ngunit ang higpit sa panga nito ay nagpapahiwatig ng pigil na emosyon.Ang mga tainga at leeg ni Camila ay nagkulay rosas. Hindi niya inaasahan ang matapang na tanong ni Dominique sa harap ng live audience."Puwede ba nating baguhin ang tanong?" pabulong niyang sinabi pagkatapos ng isang maikling pag-aatubili.Ang mga tao sa buong silid ay napabuntonghininga nang sabay-sabay, ang napahapang tensyon ay pansamantalang nabawasan. Ang ilang mga kalahok ay nagpalitan n
Nagpakawala ng isang banayad na ungol si Camila habang iginigiya siya ni Juancho patungo sa isang pribadong pang bisitang silid.Sinundan ng isang live camera ang dalawa hanggang sa pinto ngunit tumigil na sila doon, bilang panggalang sa itinalagang pribadong oras. Ang pinto ay mahinahon na nasarado sa likod nila, nag-iwan ng susunod na limang minuto para sa kanilang dalawa lamang.Ni-lock ni Juancho ang pinto, na siyang lumikha ng mahinang tunog nang pagsarado. Pagkatapos ay lumingon na siya para harapin si Camila. Ang mga pisngi ng babae ay namumula, ang matagal na epekto ng red wine ay halatang-halata sa medyo hindi matatag nitong pagkilos.Sa kaniyang pagkagulat, humakbang paabante ang babae sa kanya at hinawakan ang kaniyang kamay, ang tinig nito ay may bahid ng kabiguan."How can you be so cruel?"Sumulyap si Juancho sa may pinto, nag-iingat sa mga tsismoso, pagkatapos ay marahan niyang iginiya ang babae patungo sa sofa na nasa tabi lamang ng bintana.Pinaupo niya ito at nagtano
Ipinasa ni Juancho si Camila kay Leila. Ang mga kilos niya ay hindi sinasadyang malumanay, walang masusing pag-iisip. Naramdaman ni Leila na talagang lasing si Camila nang maramdaman niya ang bigat nito sa kanya.Sa loob ng kaniyang isipan, ipinagdarasal niya na sana ay hindi ma-offend ni Camila si Juancho habang ganito na lasing siya. Gayunpaman, pinanatili niya ang kaniyang pagiging mahinahon."Thank you, Mr. Buenvenidez, for taking care of my little assistant," magalang na sinabi niya sa lalaki.Sumagot si Juancho nang may banayad na ugong, ang kaniyang tingin ay sandaling nanatili sa mukha ni Camila bago siya bumaling kay Leila at biglang nagtanong, "Kaya mo ba?""Oo," sagot ni Leila, may suot na pormal na ngiti sa labi, upang mapagtakpan ang kaunting pagkamangha.Hindi na niya masyado pang pinagtuunan ng pansin ang tanong ng lalaki, pagkatapos niya itong tanguan ay kaagad na niyang iginiya palayo roon si Camila.Samantala, ang comment section naman ng live broadcast ay patuloy na
Paano niya nagawa ang ganitong bagay? Hindi naman hiniling ni Juancho na halikan siya; sinabi lang niya na sabihin niya sa kanya nang harapan kung mayroon ba siyang nararamdaman sa kanya.Pero siya ang ginawa niya...Iniyuko ni Camila ang kaniyang ulo at ginusot-gusot ang kaniyang buhok dahil sa inis na nararamdaman.Simula ngayon, kung sakali man na makita o makakasalubong niya ulit si Juancho ay kaagad na siyang gagapang patungo sa pinakamalapit na lupa na may hukay at mananatili lang siya doon hanggang sa makalimutan na ng lalaki ang mga nangyari kagabi!Nang sa wakas ay tinapos na ng host ang kaniyang anunsyo, nagpaalam si Camila kay Leila na lalabas muna siya sa hotel dahil kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin.Ang malamig na simoy ng hangin ang siyang nagpakalma sa kumakalabog niyang puso at ang unti-unting nagpababa ng init na tumaas sa kaniyang mga pisngi.Bahagya niyang tinapik-tapik ang kaniyang mukha, upang pilitin ang sarili na bumalik sa karaniwang mahinahon ni
Si Camila ay nasa hardin ng hotel, doon siya nagtago upang iguhit ang kaniyang draft ng disenyo, naghintay siya hanggang sa paglubog ng araw bago dahan-dahang bumalik sa kaniyang kuwarto. Sa mga oras na iyon, maraming bagay ang tumakbo sa kaniyang isipan, bagaman hindi niya alam kung tinulungan siya ni Juancho sa pagpapalit ng kaniyang draft ng disenyo na isinumite nila ng kaniyang kaibigan.Ang susunod na hakbang ay kompletuhin ang huling draft, matapos nito ay sisimulan na ang proseso ng paglikha ng mga tunay na kasuotan.Ang tea party, na isinasagawa tuwing tatlong araw, ay dumating na muli. Katatapos lamang ni Camila na maka-recover sa mga epekto ng nakaraang pagtitipon nang malaman niya na ang tea party ngayon ay may bagong tema, ang tema nga na ito ay may kinalaman sa bansang China.Ang grupo ay nagtipon-tipon sa sunroom na nasa pinakataas na palapag ng hotel. Ang pagtitipon sa araw na ito ay naka-focus sa tea art at snacks.Sina Camila at Leila ay maagang dumating. Habang sila
Ang saloobin ni Monica kay Dominique ay nagbago.Nilapitan niya si Dominique ng may nakakabigay-puri na tono at sinabing, "Napaka walanghiya ni Camila, umabot pa talaga siya sa puntong aakitin na niya si Mr. Buenvenidez!""What you saw last night must have been something she orchestrated on purpose," akusa ni Dominique gamit ang matalim na tono habang ang kaniyang mga mata ay nanliliit.Sumagot naman si Monica na nangingiti, "Huwag kang mag-alala, Miss Castañeda, tutulungan kita. Ayaw na ayaw ko pa man din sa mga kabit."Ang ngiti sa labi ni Dominique ay saglit na naglaho bago ito muling bumalik sa normal.Pagkatapos niyang maihatid sa may pintuan si Monica ay naging malamig ang kaniyang ekspresyon.Kinasusuklaman niya ang salitang iyon, kabit.Samantala, bumalik na si Monica sa sarili niyang kuwarto, naglakad muna siya ng pabalik-balik ng ilang sandali bago nagpasyang hanapin ang designer ni Justin na si Helena.Nang magsimula na ulit ang paggawa ng mga kasuotan, ang grupo ng program
Sa kaniyang pag-aasawa, si Camila lamang ang nagdala ng bigat ng kaduwagan.Sina Juancho at Dominique ay hindi mapaghihiwalay. Ang isang tawag lamang ay sapat na upang mapapunta ni Dominique si Juancho sa kaniyang tabi, samantalang si Camila ay patuloy na naglalakad ng maingat, binabantayan ang kaniyang mga salita at mga ikinikilos sa loob ng programa para lamang sa kapakanan ng lalaki.Namuo ang pagkadismaya sa dibdib ni Camila habang mahigpit niyang ikinukuyom ang kaniyang mga kamay na nasa magkabila niyang gilid. Nang makabalik na siya sa kuwarto ni Leila ay naging malamig ang kaniyang ekspresyon. Tahimik siyang umupo sa harap ng workbench at walang imik na itinuon ang buong atensyon sa kaniyang mga gawain.Si Leila na abala sa pamamahala ng mga affairs sa kanilang shop sa tablet ay napansin ang pagbabago sa kilos ni Camila.Nag-angat siya ng tingin at tinanong ang kaniyang kaibigan, "Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit parang pang biyernes santo ang mukha mo riyan."Naghahanda na si
"Ano ngayon kung ganoon nga?" Ini-adjust ni Camila ang bag ng camera na nakasabit sa kaniyang balikat at nagbaba ng tingin. "At dahil palihim ka naman na nag-oobserba, siguro naman dapat alam mo na ngayon na ang nagdulot sa insidente ay si Dominique."Tahimik na pinagmasdan ni Juancho si Camila, ang kaniyang ekspresyon ay hindi mabasa.Wala ng pagnanais si Camila na pag-usapan pa ang bagay na ito. Ang mga kaganapan na nakapalibot sa loob ng programa ay matagal nang nag-iwan sa kanya ng pagkadismaya at kawalan ng paniniwala."Kahit pa ito ay dahil kay Dominique, hindi isang tao na katulad ng lalaki na iyon ang dapat na mag-provoke sa kanya," magaan na sinabi ni Juancho"Iyon naman pala!" Nagpakawala ng mapanuksong tawa si Camila. "Kung sana noong umpisa pa lang ay nilinaw mo na na ang palabas na ito ay personal na palabas pala ni Dominique, edi sana malamang ay hindi na kami pumayag ni Miss Lopez na makilahok sa programang ito. Naniniwala naman ako na susuportahan siya ng lahat kung sa
Sinabi ng assistant ni Juancho na si Alvin na mag-ingat ang lahat at iwasan na gumawa ng kung anumang kalokohan o maglaro ng mga tricks sa loob ng programa. Nagsilbing babala sa lahat ang mga binitawan niyang salita.Pagkaalis niya ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid."Puwede na ba nating ituloy ang pagsusukat nitong pattern sa iyo?" biglang basag ni Camila sa katahimikan. Nanatili siyang mahinahon, na para bang walang nangyari habang hawak-hawak ang clothing pattern na ipinapakita niya kay Dominique.Gamit ang hindi mabasang ekspresyon ay tinapunan siya ng tingin ni Dominique."Mukha ka talagang hindi apektado 'no?" mariin niyang saad.Ang pagpapakita ni Camila ng walang takot kay Juancho ay ang siyang nagpalito kay Dominique. Habang ang ibang mga tao na nakapaligid sa lalaki ay halos magkumahog na sa takot kapag nakakaharap nila ito, si Camila naman ay hindi man lang nag-aabala na magpakita ng magalang at maayos na pakikitungo rito."Hindi ako nagsinungaling. B
"Hindi nagsisinungaling si Miss Castañeda, Mr. Buenvenidez. Narinig ng lahat ng mga taong nandito ang sinabi ni Justin na ginagamit lang daw ni Miss Castañeda ang pagkakakilala niyo upang i-hype ang kaniyang sarili, at na ang iyong atensyon ay nakatuon lamang daw kay Assistant Villarazon, na wala ka raw pagmamalasakit para kay Miss Castañeda," kaagad na dinagdagan ni Monica ang mga salita ni Juancho.Hindi man lang sinulyapan ni Juancho si Monica kahit isang segundo, ang kaniyang buong atensyon ay na kay Camila lamang."Sumagot ka," aniya kay Camila.Tinitigan ni Camila ang mga mata ng lalaki, ang kaniyang boses ay magalang ngunit mariin."Hindi sinasadya ni Justin ang kaniyang mga naging pahayag. Mahalaga kang personalidad sa programa na ito, Mr. Buenvenidez. Bakit ka pa mababahala sa isang modelo?""Ang mga modelong nagpapakalat ng alitan ay hindi na dapat pang manatiling bahagi ng programa na ito." Ang tono ni Juancho ay magaan, ngunit ang kaniyang mga salita ay matalim.Naglakad s
Hindi namalayan ni Camila na napatingin siya kay Justin, pakiramdam niya ay gumagawa ang lalaki ng isang bundok mula sa isang mowlhil.Mahinahon niyang binawi ang kaniyang braso at magalang na sinabi, "Salamat, pero mukhang hindi naman madulas ang sahig."Kinuha ni Justin ang basket ng prutas mula sa kaniyang kamay ng may nakabakas na ekspresyon na walang magawa sa kaniyang mukha."May tumutulong tubig mula sa basket, ang sahig ay gawa sa marmol at ang iyong paa ay injured. Kung pagsasama-samahin mo silang tatlo, madali lang itong magdulot ng problema. Sige na, kunin mo na lang ang plato at ako na ang magbubuhat nitong basket para sa iyo."Nag-hum si Camila bilang tugon at hindi na tumanggi pa.Si Juancho, na nakatayo sa malapit ay nanliliit ang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa na magkasunod na umalis. Ang kaniyang mukha ay malupit, na para bang anumang oras ay mayroong malaking apoy na sisiklab sa kaniyang katawan.Inilapag ni Justin ang basket ng prutas sa ibabaw ng bakal na
Mabilis na nakumbinsi si Camila sa mungkahi ni Leila, kaya't tumigil na siya sa pag-iisip pa lalo tungkol dito.Kinaumagahan ay tapos na niyang gawin ang pattern at nagpasya siya na dalhin ito kay Dominique. Pagkatapos ng lahat, si Dominique ang opisyal na modelo ng kanilang grupo at kailangan siya ni Camila upang i-tsek ang fit ng pattern.Pagkatapos ng tanghalian, nagtungo si Camila sa kuwarto ni Dominique upang hanapin ito habang dala-dala niya ang pattern.Nang makarating na siya sa kuwarto ni Dominique ay napag-alaman niya na wala roon ang babae. Pagkatapos niyang magtanong-tanong sa mga tao sa paligid ay nalaman niya na nasa hardin pala sa ibaba si Dominique kasama ang grupo ng mga designers at mga modelo.Tinahak ni Camila ang daan patungo sa hardin na bitbit pa rin ang pattern.Pagkakita sa kanya ni Dominique ay agad siyang nginitian nito at binati, "Assistant Villarazon, ano ang ginagawa mo rito? Anong kailangan mo?""Nandito ako ngayon, Miss Castañeda upang kausapin ka dahil
"Malandi? Nang-akit sa lalaki na pag-aari mo? Talaga ba? Sino ka ba sa inaakala mo para akusahan mo ako ng ganyan? Ano ka ba niya?"Sinuklian ni Camila ng kalmadong tingin ang tingin na ipinukol sa kanya ni Dominique.Medyo natakot si Dominique sa nakababahalang presensya ni Camila. Alam nito ang katotohanan na may asawa na si Juancho, at kung lalala pa ang sitwasyon, paniguradong pati siya ay mahihila pababa ng lalaki.Inikot ni Dominique ang kaniyang mga mata at agad na nagpakita ng agrabyadong ekspresyon na tila ba siya pa ang na-misunderstand nila."Assistant Villarazon, ginagawa ko lang naman ito para sa ikabubuti ng reputasyon ni Miss Lopez. Hindi ko nakita mismo si Juancho na lumabas sa kuwarto mo bandang alas kuwatro ng madaling araw, pero dahil may ibang tao na nagsasabi na nakita niya ito, hindi naman siguro siya magsisinungaling 'di ba?""Miss Sales, bakit hindi ka direktang magtanong kay Mr. Buenvenidez? Kung iyan ang sinasabi mo, hindi kita masasagot dahil hindi ko naman
Ang mga mata ng lahat ay napunta kay Justin de Mesa.Sinulyapan ni Justin si Camila, pagkatapos ay inilipat niya ang kaniyang tingin kay Dominique."If you misunderstood that Mr. Buenvenidez helped her into the room last night, I’m also involved," saad ni Justin, na may bahid ng kalituhan sa kaniyang tono."Anong oras mo nakita na tinulungan siya ni Mr. Buenvenidez papunta sa kaniyang kuwarto?" kaagad na matalas na tanong ni Monica.Binalingan ng tingin ni Justin si Monica at saka nagkibit ng balikat."Mas weird nga na nag-post ka sa instagram ng bandang alas kuwatro ng madaling araw kanina. Tinatanong mo pa talaga sa akin ang oras ngayon? Intensyonal ba 'yan?"Kaagad namang umismid si Monica. "Sinasabi mo ba na nag-post ako sa instragam bandang alas kuwatro ng madaling araw upang sadyain na siraan siya?"Nanatiling walang malasakit si Justin. "Hindi ko alam. Sino ba ang hindi natutulog ng alas kuwatro ng madaling araw? Malamang sa mga oras na iyon ay natutulog pa rin si Mr. Buenvenid