Nagpakawala ng isang banayad na ungol si Camila habang iginigiya siya ni Juancho patungo sa isang pribadong pang bisitang silid.Sinundan ng isang live camera ang dalawa hanggang sa pinto ngunit tumigil na sila doon, bilang panggalang sa itinalagang pribadong oras. Ang pinto ay mahinahon na nasarado sa likod nila, nag-iwan ng susunod na limang minuto para sa kanilang dalawa lamang.Ni-lock ni Juancho ang pinto, na siyang lumikha ng mahinang tunog nang pagsarado. Pagkatapos ay lumingon na siya para harapin si Camila. Ang mga pisngi ng babae ay namumula, ang matagal na epekto ng red wine ay halatang-halata sa medyo hindi matatag nitong pagkilos.Sa kaniyang pagkagulat, humakbang paabante ang babae sa kanya at hinawakan ang kaniyang kamay, ang tinig nito ay may bahid ng kabiguan."How can you be so cruel?"Sumulyap si Juancho sa may pinto, nag-iingat sa mga tsismoso, pagkatapos ay marahan niyang iginiya ang babae patungo sa sofa na nasa tabi lamang ng bintana.Pinaupo niya ito at nagtano
Ipinasa ni Juancho si Camila kay Leila. Ang mga kilos niya ay hindi sinasadyang malumanay, walang masusing pag-iisip. Naramdaman ni Leila na talagang lasing si Camila nang maramdaman niya ang bigat nito sa kanya.Sa loob ng kaniyang isipan, ipinagdarasal niya na sana ay hindi ma-offend ni Camila si Juancho habang ganito na lasing siya. Gayunpaman, pinanatili niya ang kaniyang pagiging mahinahon."Thank you, Mr. Buenvenidez, for taking care of my little assistant," magalang na sinabi niya sa lalaki.Sumagot si Juancho nang may banayad na ugong, ang kaniyang tingin ay sandaling nanatili sa mukha ni Camila bago siya bumaling kay Leila at biglang nagtanong, "Kaya mo ba?""Oo," sagot ni Leila, may suot na pormal na ngiti sa labi, upang mapagtakpan ang kaunting pagkamangha.Hindi na niya masyado pang pinagtuunan ng pansin ang tanong ng lalaki, pagkatapos niya itong tanguan ay kaagad na niyang iginiya palayo roon si Camila.Samantala, ang comment section naman ng live broadcast ay patuloy na
Paano niya nagawa ang ganitong bagay? Hindi naman hiniling ni Juancho na halikan siya; sinabi lang niya na sabihin niya sa kanya nang harapan kung mayroon ba siyang nararamdaman sa kanya.Pero siya ang ginawa niya...Iniyuko ni Camila ang kaniyang ulo at ginusot-gusot ang kaniyang buhok dahil sa inis na nararamdaman.Simula ngayon, kung sakali man na makita o makakasalubong niya ulit si Juancho ay kaagad na siyang gagapang patungo sa pinakamalapit na lupa na may hukay at mananatili lang siya doon hanggang sa makalimutan na ng lalaki ang mga nangyari kagabi!Nang sa wakas ay tinapos na ng host ang kaniyang anunsyo, nagpaalam si Camila kay Leila na lalabas muna siya sa hotel dahil kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin.Ang malamig na simoy ng hangin ang siyang nagpakalma sa kumakalabog niyang puso at ang unti-unting nagpababa ng init na tumaas sa kaniyang mga pisngi.Bahagya niyang tinapik-tapik ang kaniyang mukha, upang pilitin ang sarili na bumalik sa karaniwang mahinahon ni
Si Camila ay nasa hardin ng hotel, doon siya nagtago upang iguhit ang kaniyang draft ng disenyo, naghintay siya hanggang sa paglubog ng araw bago dahan-dahang bumalik sa kaniyang kuwarto. Sa mga oras na iyon, maraming bagay ang tumakbo sa kaniyang isipan, bagaman hindi niya alam kung tinulungan siya ni Juancho sa pagpapalit ng kaniyang draft ng disenyo na isinumite nila ng kaniyang kaibigan.Ang susunod na hakbang ay kompletuhin ang huling draft, matapos nito ay sisimulan na ang proseso ng paglikha ng mga tunay na kasuotan.Ang tea party, na isinasagawa tuwing tatlong araw, ay dumating na muli. Katatapos lamang ni Camila na maka-recover sa mga epekto ng nakaraang pagtitipon nang malaman niya na ang tea party ngayon ay may bagong tema, ang tema nga na ito ay may kinalaman sa bansang China.Ang grupo ay nagtipon-tipon sa sunroom na nasa pinakataas na palapag ng hotel. Ang pagtitipon sa araw na ito ay naka-focus sa tea art at snacks.Sina Camila at Leila ay maagang dumating. Habang sila
Nagsimula si Kenneth na ipakilala ang kultura ng tsaa sa grupo, kung saan kaswal niyang binanggit ang pangalan ng imbestor, na nagsilbing tahimik na patalastas.Habang sila ay nagluluto ng mga meryenda, tumayo si Kenneth sa tabi ni Camila at direkta itong nagsalita sa harap ng live camera.“These pastries were called fruits in ancient China. Doesn’t that sound interesting?”Ang kaniyang kaakit-akit na hitsura at mga mata na tila mata ng lobo, lalong lalo na kapag siya ay ngumingiti, ay nagdulot ng paghanga mula sa mga manonood.Sumabog ang live broadcast sa mga papuri, kung saan ang mga manonood ay nagbabagsak ng masiglang mga komento tungkol sa kaguwapuhan niya.Nilingon ni Kenneth si Camila at sinabi niya na, "Assistant Villarazon, dapat mong gawin ng maayos ang prutas na ito at ipakita sa lahat."Sa palagay ni Camila ay isa itong task na mula sa imbestor, kaya tumango siya."Sige."Akma na sanang tutulungan ni Kenneth si Camila, nang bigla na lamang sumulpot si Juancho malapit sa k
Ang kilos ni Camila ay nanatiling matibay, kahit na ang tensyon sa kaniyang paligid ay lumalago. Ramdam niya ang bigat ng kaniyang katayuan—ang mga panghuhusga ng mga tao at ang mga gusot na lumulutang sa ibabaw—ngunit hindi siya magiging biktima ng sinuman. Habang nakikipag-ugnayan siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, patuloy niyang pananatilihin ang kaniyang dangal, anuman ang sitwasyon.Pagkarinig ni Leila sa naging komento ng kaniyang kaibigan ay bahagya siyang napangisi."Huwag kang mag-alala," sabi niya, ang kaniyang tono ay matalim at punong-puno ng layunin. "Mayroon na akong mga plano para rito."Dumating na ang oras para kay Dominique upang harapin ang mga kinahinatnan ng kaniyang nagawa. Kung hindi hihingi ng paumanhin sa kanya ang aktres sa harap ng publiko ay sisiguraduhin ni Leila na magbabayad ito.Ang araw ay mabilis na lumipas sa tatlong oras na iginugol sa sining ng tsaa at paggawa ng mga meryenda. Nang matapos na ang ginawa nilang aktibidad ay bumalik si Camila sa
Inalis ni Juancho ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa baba ni Camila, umatras siya ng bahagya at saka niya ito tinapunan ng tingin."Magkita na lang tayo mamayang gabi. Kapag dumating na ang oras, magpadala ka sa akin ng mensahe, at dadalhin ko sa iyo ang manuskrito na hinahanap mo," sabi niya, ang kaniyang boses ay matatag ngunit may distansya.Pagkatapos no'n ay naglakad na siya patungo sa pintuan, binuksan niya ang pinto at saka siya lumabas para umalis na, iniiwan ang silid na naging mas malamig na kaysa noon.Tahimik lamang na nakaupo si Camila sa sofa nang ilang sandali habang dinadama ang pagbabago ang atmospera. Ang init na nagtagal sa pagitan nilang dalawa ay naglaho na at napalitan ng ginaw na dala ng pag-alis ni Juancho. Pagkalipas nang ilang sandali ay tumayo na siya para mag-shower, ang kaniyang isipan ay hindi mapakali habang maingat niyang pinag-iisipan ang sitwasyon.Nang matapos na siyang maligo at magbihis ay lumabas na siya ng kaniyang silid upang hanapin si
Sumandal si Camila sa talampas, ang kaniyang paa na natalisod ay hindi niya halos maitapak sa lupa habang sinusubukan niyang patatagin ang kaniyang sarili. Ang malamig na pang gabing simoy ng hangin ay humahaplos sa kaniyang balat, ngunit ang sakit na nararamdaman niya mula sa kaniyang bukung-bukong ay nagdulot sa kanya upang mahirapan siyang mag-focus sa anumang bagay.Madilim sa loob, at hindi makakita nang malinaw si Juancho, kaya't kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa bulsa at saka pinindot ang flashlight.Lumuhod siya sa harapan ng babae, ang kaniyang boses ay malumanay at may bahid ng pag-aalala. "Kumusta ang paa mo?"Dahil nahihirapan si Camila na makatayo ng maayos dahil sa injured niyang paa ay hindi niya namalayan na napahawak na pala siya sa balikat ng lalaki. Bahagya niyang iginalaw-galaw ang kaniyang kaliwang paa, at bahagya rin siyang napangiwi nang makaramdam siya ng kirot mula roon."Medyo masakit, pero hindi ako sigurado kung na-sprain ba."Hinawakan ni Juancho a
“Cut! Miko, ano bang nangyayari sa'yo ngayon? Aarte ka o hindi? Sinasayang mo lang ang oras ng lahat!“ galit na bulyaw ni Direk Zaldy sa pangatlong pagkakataon dahil sa frustration niya kay Miko, na kanina pa mukhang distracted.Pinasadahan ng tingin ni Miko ang bupng paligid suot ang mukha na humihingi ng tawad.“Pasensya na po, direk. Pasensya na rin po sa lahat. Bigyan niyo lang muna ako ng sampung minuto para magpahinga.“Hindi niya maintindihan kung bakit ibinigay ni Camila kay Andi ang gloves na binili niya para sa kanya.Pinagmasdan ni Direk Zaldy si Miko na tumalikod at nagsimulang maglakad paalis doon pagkatapos humingi ng paumanhin. Sa pag-aalala ay mabilis din siyang tumayo sa puwesto upang sundan ito.“Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?“ tanong niya sa mahinang boses.“Hindi, direk. Basta bigyan niyo lang muna ako ng sampung minuto. Pinapangako ko na aayusin ko ang sarili ko.“ Nanatiling kalmado ang kaniyang boses, ngunit ang bigat sa mood niya ay mahirap ikubli.
“Kahit na! Alam mo namang ang dami-daming artista na narito sa lugar na ito ngayon. Paano kung may palihim palang sumusunod sa kanila o kaya naman ay naglagay sila ng mga hidden camera sa paligid?“Tinapunan ng masamang tingin ni Camila si Juancho.Umismid si Juancho. “Natatakot ka ba na mabunyag ang tunay mong relasyon sa akin?““Gaya ba kung paano mo ako tingnan ng mababa noon at natatakot na malantad ang katotohanang kasal ka sa akin?” banat ni Camila na may kasamang malamig na ngiti.Inayos ni Juancho ang kaniyang tayo at tumitig kay Camila gamit ang mabigat na tingin.“Camila, sabihin mo nga sa akin—naniniwala ka ba talaga na gano'n na lang kadali iwaksi ang damdamin?“Malinaw na malinaw pa niyang natatandaan kung gaano kalalim ang pag-ibig na mayroon ang babae para sa kanya noong pinakasalan siya nito.“Paano kung sabihin kong pinagsisisihan ko na na nagkagusto ako sa'yo? Lalo na ang magpakasal sa'yo?“ saad ni Camila na may mapangwasak na ngiti. “Mula noong sandaling gumamit ang
Mariing hinawakan ni Juancho ang mga paa ni Camila at nag-angat siya ng tingin sa kanya. “Hindi mo maaaring gamutin ang mga paa mo sa ganitong paraan. Mas sensetibo kasi ang mga ito sa sakit kaysa sa mga kamay. Ako na ang magmamasahe sa mga paa mo,” aniya.Sumimangot si Camila, bahagya siyang nakaramdam ng kiliti. “Bitaw...“ sambit niya sa mahinang boses.Hindi pinansin ni Juancho ang kaniyang pagprotesta. Sa halip ay tumayo siya, pumunta sa sofa at umupo sa tabi nito. Wala namang magawa si Camila kundi umayos ng upo. Sumandal siya sa balikat ng sofa at hinayaang hawakan ni Juancho ang kaniyang mga paa.Minasahe nang marahan ni Juancho ang mapula at namamagang bahagi sa kaniyang mga daliri sa paa.“Makakatulong ang pagmamasahe sa mga ito. Hindi ka ba bumili ng warm shoes mo?“ tanong niya sa malamig na tono.“Wala namang silbi 'yon,” sagot ni Camila.Nagsuot na siya ng snow boots, ngunit pagkatapos niyang tumakbo at maglakad-lakad sa snow buong araw, madalas ay nababasa lamang ang mga
Inilahad ni Camila ang kaniyang mga kamay sa doktor, na siyang sumuri sa kaniyang mga daliri na nababalot sa frostbite."Do you work outside in the cold wind all day? There is heating indoors, so you shouldn't have frostbite like this,” tanong ng doktor na may nag-aalalang mukha.“Uh, yes, I work outside,” tugon ni Camila."Apart from the method she mentioned, is there any other way? If this job must be done outdoors, is there a solution?" biglang tanong ni Juancho sa malamig na boses.Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Camila. “Don't meddle in my affairs!“"He is just concerned about you. Miss, if you must work outside, you have to keep warm. Otherwise, no matter how you treat it, it will be ineffective."Kaagad namang pumagitna ang doktor upang pahupahin ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa."Just tell me if acupuncture can be used," ani Camila, na may bahid ng pag-aalala sa boses. Marami na rin kasi sa mga miyembro ng crew ang nakararanas sa kapareho niyang kondisyon."We
Alam ni Camila ang dahilan.Bali-balita nga na hindi mapigilan ni Andi ang pagkakamot sa kaniyang mga kamay dahil sobrang nangangati raw ito habang isinasagawa nila ang filming, na siya ring naging dahilan ng pagkakamali niya ng ilang ulit. At dahil din dito ay napagalitan siya ng direktor.Ipinaliwanag niya na sobrang lala talaga ng pangangati ng kaniyang mga kamay dahil sa frostbite at hindi na niya kaya pang hindi ito kamutin. Ngunit bandang huli ay naisip ng direktor na magiging mkatotohanan ito kung ipapakita sa camera, kaya't sinabi niya na ipagpatuloy lang muna nito ang pagtitiis sa frostbite para sa authenticity.Ang isang taga-timog na naglalakbay patungo sa napakalamig na hilaga ay tiyak na magkakaroon ng frostbite—ito ay ang pinaka karaniwang physiological reaction.Bilang resulta, ang kondisyon ng mga kamay ni Andi ay malayong mas malala pa kaysa sa kondisyon ng mga kamay ni Camila. Dahil ang mga kamay nito ay nasa bingit na ng pagkaka-crack at pagnanana.Kapag naiisip ni
Nagmaneho si Juancho patungo sa ospital at tumawag kay Alvin upang sabihin na i-check nito ang license plate number ng sasakyan na tumangay kay Camila.Nang makarating si Camila sa hotel malapit sa airport, natapos na ring ayusin ni Leila ang ipinasuyo niya. Ang assistant nila sa V&L ang inutusan ni Leila na maghatid ng maleta kay Camila sa hotel.“Miss Camila, bigla po kasing nagka-emergency si Miss Leila sa isang kliyente kaya ako ang inutusan niya na magdala nitong maleta sa iyo. Okay lang po ba kayo?“ nag-aalalang tanong ng assistant.Nakaramdam ng matinding kahihiyan si Camila.Bagaman karaniwan ay nakabihis siya ng simple, kailanma'y hindi pa naging ganito kagulo ang kaniyang hitsura noon. Wala siyang suot na sapin sa paa, ang kaniyang damit ay gusot-gusot at ang kaniyang buhok ay magulong nakabuhaghag. Mukha siyang basang sisiw.“Okay naman. Nabasa lang ako. Salamat ha. Alam kong marami kayong ginagawa sa shop, kaya puwede ka ng bumalik doon. Babalik na akong China para mag-ass
Dumapo ang tingin ni Lolo Alonzo kay Camila habang dahan-dahan itong naglalakad pababa sa hagdan.Basang-basa si Camila at nag-aalala si Lolo Alonzo na baka magkasakit ito.“Camila anong nangyari sa'yo? Magbihis ka muna...“ malumanay na sinabi ni Lolo Alonzo, halata ang kaniyang pag-aalala.Nagpatuloy pa rin si Camila sa kaniyang paglalakad pababa. Wala siyang suot na anumang sapin sa paa at nag-iiwan ito ng basang bakas sa sahig. Huminto siya sa paglalakad nang makarating na sa harapan ni Lola Zonya. Nag-angat siya ng tingin at matapang na sinalubong ang malamig na tingin ng matandang babae.“Ano po bang masama sa sinabi ko sa inyo? Hindi ko sinabing yaya kayo o anuman, kayo ang kusang nag-isip no'n sa sarili ninyo. Can’t I just not be the perfect, helpless woman you expect? Kung gustong-gusto niyo talagang mamuhay sa mga luma niyong ideya, kayo ang pumili no'n. Bakit kailangan niyo pa akong idamay? Huwag niyo na ulit akong susubukan pa na pilitin sa mga gusto ninyo.“Kahit nanghihin
Tinitigan ni Kenneth ang kaniyang cellphone nang natapos na ang tawag habang lalo namang tumitindi ang pagsakit ng kaniyang ulo.Sinubukan niya ulit na tumawag, ngunit nakapatay pa rin ang cellphone ni Camila. Nag-reach out na rin siya kay Marco, subalit maging ito ay hindi rin daw alam kung nasaan si Camila.“Wala rin daw alam iyong mga napagtanungan ko. Nasaan na kaya siya?“ sambit niya sa mahinang boses. Ang pag-aalalang nararamdaman niya ay palala nang palala.“P-paano kung may... nangyari na palang masama sa kanya?“ puno ng pangamba at pag-aalalang tanong din ni Leila na nasa tabi ni Kenneth.Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad habang ang dalawang kamay ay nakahawak na sa ulo.“Magre-report ako sa pulis! Dapat ginawa ko na 'to noong una pa lang na hindi ko siya mahagilap!“ bulalas niya pagkaraan ng ilang sandali.“Sige, mabuti pa nga,” mabilis na pagsang-ayon ni Kenneth. Kung sakaling mayroon ngang nangyaring masama kay Camila, baka maging huli na ang lahat kapag hindi pa ri
Nasa loob ng banyo si Camila at naliligo nang pumasok si Juancho sa kuwarto. Kumuha siya ng isang libro sa shelf at nagpasyang i-distract na lang muna ang sarili sa pagbabasa. Kakaupo pa lamang niya sa sofa nang bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone dahil sa isang tawag.Gamit ang isang kamay ay kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suit at tiningnan ang screen. Isang unregistered number ang tumatawag ngunit pamilyar ito sa kanya kaya mabilis niyang sinagot.“Hello, why are you calling me?“Hindi kagaya ng dati, ang tono niya ngayon ay hindi gaanong malamig.“Alam mo bang naaksidente si Dominique sa set? At ano? Dahil kay Camila, iniwan at pinabayaan mo na lang siya doon? Inapi-api siya ng mga kasamahan niya sa crew at hinayaan lang nila siya na mahulog mula sa isang mataas na puno! Wala man lang tumulong kaagad sa kanya!“Galit na galit ang taong nasa kabilang linya.Inilapag muna ni Juancho ang libro sa sofa bago siya tumayo at naglakad palabas, palayo mula sa kuwarto. An