Sumandal si Camila sa talampas, ang kaniyang paa na natalisod ay hindi niya halos maitapak sa lupa habang sinusubukan niyang patatagin ang kaniyang sarili. Ang malamig na pang gabing simoy ng hangin ay humahaplos sa kaniyang balat, ngunit ang sakit na nararamdaman niya mula sa kaniyang bukung-bukong ay nagdulot sa kanya upang mahirapan siyang mag-focus sa anumang bagay.Madilim sa loob, at hindi makakita nang malinaw si Juancho, kaya't kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa bulsa at saka pinindot ang flashlight.Lumuhod siya sa harapan ng babae, ang kaniyang boses ay malumanay at may bahid ng pag-aalala. "Kumusta ang paa mo?"Dahil nahihirapan si Camila na makatayo ng maayos dahil sa injured niyang paa ay hindi niya namalayan na napahawak na pala siya sa balikat ng lalaki. Bahagya niyang iginalaw-galaw ang kaniyang kaliwang paa, at bahagya rin siyang napangiwi nang makaramdam siya ng kirot mula roon."Medyo masakit, pero hindi ako sigurado kung na-sprain ba."Hinawakan ni Juancho a
Nanatiling nakaupo si Camila sa malaking bato sa loob ng madilim na kweba. Pinoproseso pa rin niya ang inis at kabiguan na naramdaman niya mula sa eksena nila ng lalaki kanina. Umasa siya, na kahit sandali man lang sana ay nanatili si Juancho sa kaniyang tabi, na magpapakita ito ng pag-aalala sa nasaktan niyang paa. Na baka naman kahit minsan lang sa buong buhay niya ay makalimutan niya si Dominique at siya naman ang unahin nito. Ngunit, katulad ng palaging nangyayari, bandang huli nabibigo lamang ang binuo niyang pag-asa.Binuklat niya ang nakatuping manuskrito na ibinigay sa kanya ng lalaki kanina, pinagmasdan niya ito ng ilang sandali, ngunit binalik niya rin ulit ito sa pagkakatupi kalaunan, nang hindi naman talaga niya maibuhos ang buong atensyon dito.Maya-maya pa ay tumayo na rin siya. Gamit ang pader na gawa sa bato para suportahan ang kaniyang sarili ay dahan-dahan siyang naglakad palabas sa madilim na kweba na iyon hanggang sa makabalik na siya sa mas maaliwalas na parte ng
Ang elevator ay tumigil sa isang mahinahon na "ding", nagpapahiwatig na nakarating na sila sa palapag kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Camila.Si Justin naman na nag-aalala pa rin sa kalagayan ni Camila, ay akma na sanang tutulungan ito palabas sa elevator, ngunit bago pa man siya makagawa ng isa pang hakbang ay agad na siyang pinutol ng malamig na boses ni Juancho."Magkatabi lang ang mga kuwarto naming dalawa. Ako na ang bahala sa kaniyang maghatid. Puwede ka nang bumaba ngayon."Nakipagpalitan ng tingin si Camila kay Juancho, nagulat siya sa makapangyarihan na tono nito.Naalala ni Justin na nitong mga nakaraang araw ay nagkakalapit nga sina Camila at Juancho, na kinagigiliwan naman ng ilang mga manonood ng programa. Nang mapagtanto niya ang sitwasyon ay kaagad niyang tinanggal ang kaniyang pagkakahawak sa palapulsuhan ni Camila. Ang tensyon sa hangin ay halatang-halata habang magalang siyang tumatango bilang pagsang-ayon."Kung gano'n ay mauuna na ako sa inyong dalawa," paalam
Kinalas ni Juancho ang pangatlong butones ng kaniyang damit, nakatitig lamang siya sa mga mata ni Camila habang ginagawa iyon hanggang sa tuluyan na niyang makalas ang lahat ng butones tapos ay bigla na lamang niyang hinawakan ang isang kamay ni Camila na nasa kaniyang baywang at saka niya ito dinala sa ibabaw ng kaniyang tiyan.Bigla namang hinila pabalik ni Camila ang kaniyang kamay na para bang napaso siya sa kaniyang nahawakan. Tinitigan niya si Juancho, ang kaniyang mga pisngi ay sobrang pula na tila ba ito ay nagdurugo.Ngunit malakas si Juancho, kaya't hindi niya mabawi ang kaniyang kamay.Pinisil ni Juancho ang kaniyang kamay, at isang marahas na ekspresyon ang lumitaw sa kaniyang malamig na mukha.Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nilang dalawa ng babae na magkahawak."Is it better to touch my waist or here?" sambit ni Juancho gamit ang baritono niyang boses sabay giya sa kamay ni Camila pababa sa kaniyang tiyan."Let me go!" Nagpumiglas si Camila, ang buo niyang mukha ay s
Wala ng iba pang sinabi si Juancho, ngunit minasahe niya pa sa mahabang sandali ang paa ni Camila bago siya tuluyang tumayo at naghanda para umalis.Hindi napansin ni Camila kung gaano kalamig at kalungkot ang pakiramdam sa kuwarto pagkatapos umalis ng lalaki. Sa katunayan, pagkatapos nilang dalawa na magsalo ng maiinit na mga sandali sa isang kama ng hindi mabilang na beses, ang pakiramdam ay palaging ganito, kagaya sa araw na ito—tahimik at walang init.Tahimik na nilisan ni Juancho ang kuwarto ni Camila, marahan niyang sinarado ang pinto nito at pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa sarili niyang kuwarto.Pagkapasok na pagkapasok ng lalaki sa loob ng kaniyang kuwarto, isang pinto naman ang bumukas. Isang babaeng designer na may hawak na garbage bag ang nakatayo sa pintuan, sumusulyap at nakapako ang tingin sa pinto ng kuwarto ni Juancho ng may kislap sa kaniyang mga mata.Hindi gaanong nakatulog si Camila, ngunit pagkatapos ng kaninang panggugulo ni Juancho ay nagawa niyang mak
Ang mga mata ng lahat ay napunta kay Justin de Mesa.Sinulyapan ni Justin si Camila, pagkatapos ay inilipat niya ang kaniyang tingin kay Dominique."If you misunderstood that Mr. Buenvenidez helped her into the room last night, I’m also involved," saad ni Justin, na may bahid ng kalituhan sa kaniyang tono."Anong oras mo nakita na tinulungan siya ni Mr. Buenvenidez papunta sa kaniyang kuwarto?" kaagad na matalas na tanong ni Monica.Binalingan ng tingin ni Justin si Monica at saka nagkibit ng balikat."Mas weird nga na nag-post ka sa instagram ng bandang alas kuwatro ng madaling araw kanina. Tinatanong mo pa talaga sa akin ang oras ngayon? Intensyonal ba 'yan?"Kaagad namang umismid si Monica. "Sinasabi mo ba na nag-post ako sa instragam bandang alas kuwatro ng madaling araw upang sadyain na siraan siya?"Nanatiling walang malasakit si Justin. "Hindi ko alam. Sino ba ang hindi natutulog ng alas kuwatro ng madaling araw? Malamang sa mga oras na iyon ay natutulog pa rin si Mr. Buenvenid
"Malandi? Nang-akit sa lalaki na pag-aari mo? Talaga ba? Sino ka ba sa inaakala mo para akusahan mo ako ng ganyan? Ano ka ba niya?"Sinuklian ni Camila ng kalmadong tingin ang tingin na ipinukol sa kanya ni Dominique.Medyo natakot si Dominique sa nakababahalang presensya ni Camila. Alam nito ang katotohanan na may asawa na si Juancho, at kung lalala pa ang sitwasyon, paniguradong pati siya ay mahihila pababa ng lalaki.Inikot ni Dominique ang kaniyang mga mata at agad na nagpakita ng agrabyadong ekspresyon na tila ba siya pa ang na-misunderstand nila."Assistant Villarazon, ginagawa ko lang naman ito para sa ikabubuti ng reputasyon ni Miss Lopez. Hindi ko nakita mismo si Juancho na lumabas sa kuwarto mo bandang alas kuwatro ng madaling araw, pero dahil may ibang tao na nagsasabi na nakita niya ito, hindi naman siguro siya magsisinungaling 'di ba?""Miss Sales, bakit hindi ka direktang magtanong kay Mr. Buenvenidez? Kung iyan ang sinasabi mo, hindi kita masasagot dahil hindi ko naman
Mabilis na nakumbinsi si Camila sa mungkahi ni Leila, kaya't tumigil na siya sa pag-iisip pa lalo tungkol dito.Kinaumagahan ay tapos na niyang gawin ang pattern at nagpasya siya na dalhin ito kay Dominique. Pagkatapos ng lahat, si Dominique ang opisyal na modelo ng kanilang grupo at kailangan siya ni Camila upang i-tsek ang fit ng pattern.Pagkatapos ng tanghalian, nagtungo si Camila sa kuwarto ni Dominique upang hanapin ito habang dala-dala niya ang pattern.Nang makarating na siya sa kuwarto ni Dominique ay napag-alaman niya na wala roon ang babae. Pagkatapos niyang magtanong-tanong sa mga tao sa paligid ay nalaman niya na nasa hardin pala sa ibaba si Dominique kasama ang grupo ng mga designers at mga modelo.Tinahak ni Camila ang daan patungo sa hardin na bitbit pa rin ang pattern.Pagkakita sa kanya ni Dominique ay agad siyang nginitian nito at binati, "Assistant Villarazon, ano ang ginagawa mo rito? Anong kailangan mo?""Nandito ako ngayon, Miss Castañeda upang kausapin ka dahil
Sa kaniyang pag-aasawa, si Camila lamang ang nagdala ng bigat ng kaduwagan.Sina Juancho at Dominique ay hindi mapaghihiwalay. Ang isang tawag lamang ay sapat na upang mapapunta ni Dominique si Juancho sa kaniyang tabi, samantalang si Camila ay patuloy na naglalakad ng maingat, binabantayan ang kaniyang mga salita at mga ikinikilos sa loob ng programa para lamang sa kapakanan ng lalaki.Namuo ang pagkadismaya sa dibdib ni Camila habang mahigpit niyang ikinukuyom ang kaniyang mga kamay na nasa magkabila niyang gilid. Nang makabalik na siya sa kuwarto ni Leila ay naging malamig ang kaniyang ekspresyon. Tahimik siyang umupo sa harap ng workbench at walang imik na itinuon ang buong atensyon sa kaniyang mga gawain.Si Leila na abala sa pamamahala ng mga affairs sa kanilang shop sa tablet ay napansin ang pagbabago sa kilos ni Camila.Nag-angat siya ng tingin at tinanong ang kaniyang kaibigan, "Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit parang pang biyernes santo ang mukha mo riyan."Naghahanda na si
"Ano ngayon kung ganoon nga?" Ini-adjust ni Camila ang bag ng camera na nakasabit sa kaniyang balikat at nagbaba ng tingin. "At dahil palihim ka naman na nag-oobserba, siguro naman dapat alam mo na ngayon na ang nagdulot sa insidente ay si Dominique."Tahimik na pinagmasdan ni Juancho si Camila, ang kaniyang ekspresyon ay hindi mabasa.Wala ng pagnanais si Camila na pag-usapan pa ang bagay na ito. Ang mga kaganapan na nakapalibot sa loob ng programa ay matagal nang nag-iwan sa kanya ng pagkadismaya at kawalan ng paniniwala."Kahit pa ito ay dahil kay Dominique, hindi isang tao na katulad ng lalaki na iyon ang dapat na mag-provoke sa kanya," magaan na sinabi ni Juancho"Iyon naman pala!" Nagpakawala ng mapanuksong tawa si Camila. "Kung sana noong umpisa pa lang ay nilinaw mo na na ang palabas na ito ay personal na palabas pala ni Dominique, edi sana malamang ay hindi na kami pumayag ni Miss Lopez na makilahok sa programang ito. Naniniwala naman ako na susuportahan siya ng lahat kung sa
Sinabi ng assistant ni Juancho na si Alvin na mag-ingat ang lahat at iwasan na gumawa ng kung anumang kalokohan o maglaro ng mga tricks sa loob ng programa. Nagsilbing babala sa lahat ang mga binitawan niyang salita.Pagkaalis niya ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid."Puwede na ba nating ituloy ang pagsusukat nitong pattern sa iyo?" biglang basag ni Camila sa katahimikan. Nanatili siyang mahinahon, na para bang walang nangyari habang hawak-hawak ang clothing pattern na ipinapakita niya kay Dominique.Gamit ang hindi mabasang ekspresyon ay tinapunan siya ng tingin ni Dominique."Mukha ka talagang hindi apektado 'no?" mariin niyang saad.Ang pagpapakita ni Camila ng walang takot kay Juancho ay ang siyang nagpalito kay Dominique. Habang ang ibang mga tao na nakapaligid sa lalaki ay halos magkumahog na sa takot kapag nakakaharap nila ito, si Camila naman ay hindi man lang nag-aabala na magpakita ng magalang at maayos na pakikitungo rito."Hindi ako nagsinungaling. B
"Hindi nagsisinungaling si Miss Castañeda, Mr. Buenvenidez. Narinig ng lahat ng mga taong nandito ang sinabi ni Justin na ginagamit lang daw ni Miss Castañeda ang pagkakakilala niyo upang i-hype ang kaniyang sarili, at na ang iyong atensyon ay nakatuon lamang daw kay Assistant Villarazon, na wala ka raw pagmamalasakit para kay Miss Castañeda," kaagad na dinagdagan ni Monica ang mga salita ni Juancho.Hindi man lang sinulyapan ni Juancho si Monica kahit isang segundo, ang kaniyang buong atensyon ay na kay Camila lamang."Sumagot ka," aniya kay Camila.Tinitigan ni Camila ang mga mata ng lalaki, ang kaniyang boses ay magalang ngunit mariin."Hindi sinasadya ni Justin ang kaniyang mga naging pahayag. Mahalaga kang personalidad sa programa na ito, Mr. Buenvenidez. Bakit ka pa mababahala sa isang modelo?""Ang mga modelong nagpapakalat ng alitan ay hindi na dapat pang manatiling bahagi ng programa na ito." Ang tono ni Juancho ay magaan, ngunit ang kaniyang mga salita ay matalim.Naglakad s
Hindi namalayan ni Camila na napatingin siya kay Justin, pakiramdam niya ay gumagawa ang lalaki ng isang bundok mula sa isang mowlhil.Mahinahon niyang binawi ang kaniyang braso at magalang na sinabi, "Salamat, pero mukhang hindi naman madulas ang sahig."Kinuha ni Justin ang basket ng prutas mula sa kaniyang kamay ng may nakabakas na ekspresyon na walang magawa sa kaniyang mukha."May tumutulong tubig mula sa basket, ang sahig ay gawa sa marmol at ang iyong paa ay injured. Kung pagsasama-samahin mo silang tatlo, madali lang itong magdulot ng problema. Sige na, kunin mo na lang ang plato at ako na ang magbubuhat nitong basket para sa iyo."Nag-hum si Camila bilang tugon at hindi na tumanggi pa.Si Juancho, na nakatayo sa malapit ay nanliliit ang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa na magkasunod na umalis. Ang kaniyang mukha ay malupit, na para bang anumang oras ay mayroong malaking apoy na sisiklab sa kaniyang katawan.Inilapag ni Justin ang basket ng prutas sa ibabaw ng bakal na