Pagkatapos ng bunutan, nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang sariling mga kuwarto. Napasulyap si Camila sa kuwartong nasa tabi ng kanya.Mukha namang walang katao-tao roon.O baka naman may tao kayang darating mamaya at sa kanya ang silid na ito?Tumatakbo ang oras, kaya't wala na siyang panahon pa para isipin ang patungkol dito. Pumasok siya sa silid ni Leila at kaagad na nagsimulang gumuhit ng plano para sa manuskrito base sa pigura ni Dominique. Itong ginagawa niya ay bilang paghahanda para kay Leila kung sakali man na magbago ulit ang mga patakaran sa susunod.Ang pagiging abala niya ay nagtagal hanggang mag-aala una na nang madaling araw."Pagkatapos nito matulog na rin tayo at magpahinga," ani Camila sa kaibigan habang inaayos ang kaniyang mga ginamit at naghahanda na para makaalis.***Nagmamadaling nagtungo si Juancho sa kung saan isinasagawa ang programa. Sa ilalim ng gabay ng kaniyang assistant na si Alvin, pumunta siya sa kuwarto na inayos ni Kenneth para sa kanya.Hum
"Ikinakahiya kita? Bakit naman kita ikakahiya? Huwag mo naman sanang maliitin ang sarili mo. Napakaraming mga bubuyog at mga paru-paro ang nasa labas na sabik na sabik na itapon ang kanilang mga sarili sa'yo. Paanong ikakahiya ka ng kahit sino, e, gayung ikaw ang nag-iisang maliwanag na buwan sa gitna ng napakaraming bituin sa paligid."Kinagat ni Camila ang kaniyang pang-ibabang labi at makahulugang tiningnan ang lalaking nasa kaniyang harapan, nangingiti.Ginastusan niya rin ang programa at tinulungan niya ito sa pag-aasikaso sa kaniyang lola. Hindi na talaga kailangan pa na inisin ang lalaki.Ngunit ang kayabangan ni Dominique sa programa na ito, iyon ang hindi niya kayang tiisin. May mga ilang sarkastikong pangungusap si Juancho, na kung saan bilang asawa, sa tingin niya sumusobra na.Kaswal na hinubad ni Juancho ang kaniyang pantalon sa harap ng babae. "Kung gano'n ay isa ka rin ba sa mga bubuyog at mga paru-paro na iyon?" tanong niya.Hindi nagsalita si Camila.Ikaw ang bubuyog
Iginiya ni Juancho si Dominique patungo sa pintuan. Ilang hakbang pa lamang ang kanilang nagagawa nang bigla na lang napansin ng babae ang isang kulay puti na papel na sumisilip sa ilalim ng kabinet na nasa tabi lamang ng pintuan.Bahagyang bumagal ang kaniyang paglalakad at medyo umatras ng kaunti para sipatin kung ano ang nilalaman ng papel mula sa isang anggulo, at doon natuklasan niya na ang nilalaman ng papel ay isang draft ng disenyo.Kaagad na pumasok sa isipan ni Dominique ang narinig na bulong-bulungan kani-kanina lamang.Ang sabi nila, kung gusto mo raw talagang makakuha ng maraming exposure at screen time sa programa na ito, dapat ay kinakailangan mong makisalamuha at makipaglapit sa mga investors sa kahit anumang paraan.Natatakot siya na baka ang mga taong ito ay maaari ngang sumubok na makipaglapit kay Juancho, kaya naman pagkatapos niyang makumpirma kay Alvin na darating si Juancho ay nagmadali na agad siyang puntahan ito.Mayroon na kayang mas naunang nangahas na pumun
Iniisip pa rin ni Juancho kung gaano nga ba ka totoo ang mga salitang binitawan ng babae.Naglakad si Camila patungo sa pintuan."Mr. Buenvenidez, bakit kaya hindi muna ikaw ang unang lumabas at tingnan mo kung ano na nga ba ang nangyayari ngayon sa labas? Kailangan ko na rin talaga na lumabas maya-maya," magaan na mungkahi ni Camila.Tumabi siya sa gilid para bigyang daan ang lalaki.Nang makita nito ang matatag na saloobin ng babae, wala nang sinabi pa si Juancho. Lumapit siya sa pinto, binuksan ito at sumilip sa labas. Mabilis niyang pinagmasdan ang grupo ng mga tao sa hindi kalayuan.Ang mga taong ito ang tinawag ni Dominique para magbantay sa labas ng kuwarto ni Juancho. Hindi na sila naglakas-loob pa na galitin ang lalaki, agad silang nagsibalikan sa loob ng kanilang mga silid na nakayuko dahil sa kahihiyan na natamo.Sa mga sandaling iyon, lumitaw din si Dominique mula sa likod."J-juancho! Gising ka pa pala... Nagpunta lang ako sa kuwarto nila para makigamit ng banyo," natataw
Hindi ito magawang pasinungalingan ni Camila.Baka ang lalaki nga na ito ang kaniyang nemesis.Nag-angat ng tingin si Leila sa kaibigan at inalo ito."Kapag natapos na natin lahat ng mga orders, pati kapag natapos na tayo sa programa na ito, magpapakalayo layo na tayo sa lalaking 'yon, nang sa gayon ay hindi na tayo malasin, lalong lalo ka na, Camila."Ang magagandang mga mata ni Camila ay nanatiling kalmado, "Wala ng dahilan pa para magpakalayo tayo. Kapag naging legal na sa papel ang paghihiwalay namin, natural na na mag-iiba kami ng mga landas na tatahakin."Sa tuwing napag-uusapan ang paksa patungkol sa divorce, bumibigat ang paghinga ni Leila."Ano sa tingin mo ang ibig niyang sabihin? Cooperate with you to stir up a scandal?" Umismid si Leila, "Sobrang nakakatawa. You and him are husband and wife. Do husband and wife need to stir up a scandal? That bastard!"Hindi talaga mapakali ang buong sistema ni Leila kapag hindi niya napagsasalitaan ng masama si Juancho, lalo na kapag may
Ang unang round ay tungkol sa istilo ng mga taga-disenyo.Walang nakatakdang sukat. Kinakailangan ng mga taga-disenyo na maisip ang kanilang mga unang draft batay sa kanilang sariling pag-unawa sa personal na istilo ng modelo.Dahil isa itong live na propesyonal na programa, nagkaroon ng maliit na usapan. Nakalaan ang oras at pokus ng camera para sa mga kalahok. Kinakailangan na isumite ng mga taga-disenyo ang kanilang mga unang draft bago mag alas kuwatro ng hapon mamaya, pagkatapos ay maaari nilang talakayin at pagsamahin ang mga ideya sa grupo.Nangangahulugan ito na ang mga taga-disenyo ay nangangailangan ng mahabang panahon ng walang patid na ispirasyon.Bilang isang assistant, kinakailangan ni Camila na ipaalam ang mga detalye at sukat sa mga modelo upang mapadali ang mga talakayan kapag nagkita na ang mga magkakagrupo. Siya at si Leila ay wala sa parehong eksena, kaya wala na silang oras na gumuhit ng isa pang disenyo.Pagkaalis ng host, ang lobby ng hotel ay mas lalong naging
Ngayon, ang mga bagay pa na ito ang naging dahilan para kay Dominique upang pagtawanan ang kaniyang sarili.Sarkastikong napangiti si Camila. Wala na siyang sinabi pa at mabilis na dinala ang tinimplang kape kay Dominique.Sa wakas ay huminahon na rin si Dominique. Bagaman ito ay nanatiling medyo mailap, nagawa pa rin niyang makuha ang karamihan sa mga sukat nito matapos mahirapan sa proseso. Ngunit maya-maya lamang ay umandar na naman ang katamaran ni Dominique at gustong pumunta sa banyo para mag-shower daw muna.Kinuha naman ni Camila ang pagkakataon na iyon upang pumunta sa gilid at nag-send ng mensahe para sa kaibigan na si Leila.To Leila:How is it going over there?Mabilis namang nag-reply si Leila.From Leila:...... Guess.Kung hihilingin mo kay Leila na magyabang siya, kaya niyang magkuwento nang tatlong araw at tatlong gabi tungkol sa kung paano idinidisenyo ni Camila ang isang proyekto para sa isang kliyente. Kayang-kaya niyang ipagyabang ito nang walang katapusan. Gayunp
Napakahalaga ng draft ng disenyo na iyon para kay Camila.Hindi niya inaasahan na ibabalik ito ni Juancho sa kanya. Ang ginawa nitong aksyon ay tunay na nagligtas sa kanya sa isang mahigpit na kalagayan na kinakaharap niya ngayong araw.Tiningnan niyang muli ang draft ng disenyo at maingat na pinunasan ang maduming mga marka na sumisira sa kalinisan nito. Gayunpaman, napagtanto niya na ang mga marka ay hindi talaga matanggal. Nabigo, mabilis siyang gumalaw at kinopya ang disenyo."Sa susunod mas mag-iingat na ako lalo. Ang pagkakamali na ito ay hindi na mauulit pang muli," aniya.Nakahinga ng maluwag si Leila."Kasalanan ko rin naman kasi. Kung hindi ko lang sana isinuko ang aking propesyon sa mga nagdaang taon, hindi sana kita nahihila pababa ngayon."Bago pa man masabi ni Camila ang kaniyang tugon ay nakarinig na sila ng katok sa pinto mula sa labas. Hula niya'y ito ang team ng programa, papasok sila para magtrabaho kasama si Leila, kaya mabilis siyang tumayo ng tuwid at sinenyasan
Habang nakaupo sa loob ng store si Camila, pinanood niya ang lalaki na lumitaw mula sa lilim ng puno hanggang sa ito ay dahan-dahan nang naglakad palayo roon.Mayroon siyang balak na tumawag ng pulis, kaya naman nagmasid masid pa siya sa buong paligid ng store, pinakiramdaman ang bawat sulok sa isang mahabang sandali upang masiguro kung nakaalis na ba talaga iyong lalaki. At saka lamang siya nakahinga nang maluwag kahit papaano noong sa tingin niya'y wala na nga ito sa paligid.Subalit, kahit ganoon man ay hindi pa rin siya nangahas na mag-isang bumalik sa hotel kung saan siya tutuloy.Kasi paano kung doon pala nag-aabang iyong lalaki sa kanya?Wala siyang ideya kung ano ang mga intensyon nito.Magsasarado na ang embroidery studio, at hindi siya maaaring manatili rito habambuhay.Nilabas niya ang kaniyang cellphone para tumawag na sa pulis. Ni-report niya ang kasalukuyan niyang sitwasyon at pagkatapos ay naghintay siya sa may bandang bukana ng store para sa kanilang pagdating.“Dapat
"I will give her the biggest compensation for this matter," sagot ni Juancho.“Juancho, ganito ka ba talagi palagi? Hindi mo nauunawaan 'yong pakiramdam na mapalitan ng ibang bagay na hindi mo naman gusto ang isang bagay na pinakamamahal at iniingatan mo. Sarili mo lang iniisip mo at wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba,” saad ng lalaki, ang boses nito ay nababahiran ng pang-uuyam.“Kung ganoon ibabalik ko rin sa'yo ang parehong tanong, ganito rin ba talaga palagi si Dominique?“ buwelta ni Juancho.“Anong ibig mong sabihin?“ Ang tono ng lalaki ay biglang napuno ng iritasyon.“You know exactly what I mean.“ Kasing lamig na ngayon ng yelo ang boses ni Juancho. “Bakit hanggang ngayon ayaw niya pa ring humingi ng paumanhin para sa gulong idinulot niya sa show noon?““Kasalanan niya ba 'yon?“ tutol ng lalaki. "You knew very well that my sister liked you, yet you still deliberately created hype as a loveteam with another woman in that show. You didn’t ignore her post on hersocial media
"Just say whatever you want to say."Nag-angat ng kilay si Juancho nang tinapunan niya ulit ng tingin si Alvin dahil hindi ito umiimik.Pinagsalikop ni Alvin ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang puson. “Uh, Sir... Hindi po ba't mas maganda nga ito ngayon kaysa noon? Ang ibig ko pong sabihin ay mas mukha na kayong tunay na mag-asawa ni Madame ngayon...“ maingat niyang tugon.Mabilis na naglaho ang galit na nararamdaman ni Juancho dahil sa sinabi ni Alvin. Pinigilan niyang umangat ang sulok ng kaniyang labi at nagtanong, “Why do you think that?““Kasi po nakikipagtalo na siya sa inyo ngayon, hindi po ba?“ maingat na tanong ni Alvin.Bago pa man mahulog si Juancho sa malalim na pag-iisip ay sinenyasan niya ang kaniyang assistant na magpatuloy sa mga sinasabi nito.“Kapag palagi po kasing nagtatalo ang isang magkasintahan o mag-asawa, ibig sabihin no'n ay mayroon silang malalim na relasyon. Uh, noon po kasi ay hindi nakikipagtalo sa inyo ang asawa niyo—marahil iyon ay dahil medyo.
Mula sa set, nagmamadaling umuwi si Dominique sa bahay niya dahil sa frustration, nang nakarating sa kanya ang balita na binawi raw ni Juancho ang wedding dress na dinisenyo ng V&L.“M-ma'am, ang sinabi naman po ni Sir Juancho ay ibibilhan na lang niya kayo ng panibago, na nagkakahalaga ng sampung milyon,” natatarantang paliwanag ng kasambay nang nakita niya ang galit na galit na mukha ng babae.Dumilim ang ekspresyon ni Dominique, ang mga mata nito ay punong-puno ng nag-uumapaw na galit.“Hindi mo man lang ba tinanong kung bakit niya kinuha ang wedding dress?““M-ma'am... si Sir Juancho na po kasi iyon. S-sino lang po ba ako para question-in ang desisyon niya p-po...“Napayuko ang kasambahay sa takot. Maingat siyang umatras ng kaunti.“Boba!“Tinulak pagilid ni Dominique ang kasambahay at saka siya nanggigigil na nagmartsa patungo sa cloakroom.Nang makita niya na ang napakagandang wedding dress ay talagang wala na sa kinalalagyan nito, ay kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil
“I never liked her, Camila,” Juancho emphasize.“Tinanong kita noon kung bakit 7.18 million ang binigay kong presyo sa wedding dress na iyon, pero hindi mo alam. Ni hindi man lang sumagi sa isipan mo ang tungkol sa mga numerong iyon.“ Diretso ang tingin ni Camila sa mga mata ni Juancho, ang ngiti sa kaniyang labi ay lalong pumapait. “Wedding anniversary natin iyon, Juancho. At 'yong wedding dress? That was the wedding dress I told you about. Pero dahil nagustuhan ni Dominique, sinabi mo sa shop na ibenta ito para sa kanya.“Marahas na nanginig ang mga mata ni Juancho.Iniwas ni Camila ang kaniyang tingin. “Sa sandaling nabenta ang wedding dress, isinuko ko na rin ang nakaraan at niyakap ang panibago kong buhay,” patuloy niya pa kahit naninikip na ang kaniyang lalamunan.“Bakit... bakit hindi mo sinabi sa akin?“ Matigas ang boses ni Juancho.Kumurba ang labi ni Camila para sa isang sarkastikong ngiti. "Do you think it would have made a difference? Marriage is a matter between a man and
Mabilis na nahulog sa pagkakatulog si Juancho dahil sa maaliwas na simoy ng sariwang hangin.Lumapit si Lola Celestina sa kinaroroonan niya para sana mangumusta ngunit naabutan niya itong tulog. Nilapitan niya pa ito lalo at maingat na inayos ang unan na medyo nahuhulog na. Malumanay siyang napanbuntonghininga nang pinagmasdan niya ang mukha nito at nakitang tila mayroong nakaukit na kalungkutan sa mga kilay niya.Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Camila.Pagkaraan ng ilan pang sandali ay bumalik siya sa kusina upang hanguin ang nilutong biko. Tapos na rin siyang nagluto ng adobo. Kaya naman nagpasya siyang i-video call ang apo.Kaagad namang komunekta ang tawag sa kabilang linya.“Lola...“Punong-puno ng pagmamahal ang mukha ni Lola Celestina nang tiningnan niya si Camila sa screen.“Kumusta ka na, apo? Kumusta ka sa trabaho mo?“Dahil hindi inaasahan ang tawag, pinaghinalaan ni Camila na ito ay mayroong kinalaman kay Juancho.“
Nanlamig bigla si Camila. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan.Sa isang iglap, naalala niya ang pananakot sa kanya ni Juancho patungkol sa future ni Miko. Palagi na lang palihim kung saan siya nagpupunta sa tuwing nawawala siya, at nakikita rin ng lahat kung paano niya suportahan si Dominique. Kung gusto niya talagang itago ang isang bagay na dapat ay nakatago, ni isa ay walang makakatuklas nito.Para sa insidenteng ito, hindi matukoy ni Camila kung sinadya ba itong gawin ni Juancho.Nakaupo siya ngayon sa loob ng kaniyang opisina, malalim ang kunot sa noo habang nilalapag ang cellphone sa mesa. Ang nararamdamang pagkayamot kay Juancho ay umabot na sa sukdulan.Sa sandaling iyon, tumunog ang kaniyang cellphone para sa isang tawag.Pagkakita sa pangalan ni Juancho sa screen ay malamig niya itong tinitigan subalit wala siyang balak na sagutin ito.Namatay ang tawag. Ngunit hindi nagtagal ay nagsimula na namang umingay ang cellphone. Ilang bese
Mabilis na lumipas ang kalahating buwan, at ang production team ay nakapagsimula na sa kanilang mga paghahanda para sa pinakahuling shoot.Kamakailan naman ay nagkaroon ng medyo maraming libreng oras si Camila.Sumang-ayon si Miko na dalhin si Camila sa tahanan ng kaniyang lola sa loob ng isang linggo pagkatapos ng pinakahuling shoot upang sukatin nito ang size ng matanda.Sa araw na iyon, habang tinatamad na iginugugol ni Camila ang kaniyang oras kasama ang production team ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula kay Leila.“Girl, a big opportunity has come!“ Ang boses ni Leila ay punong-puno ng pananabik.Sandali namang natigilan si Camila, bahagyang nalito.“Huh? Bakit? Did you land a big order?““Kilala mo si Faye Czalanie?“ tanong ni Leila nang may bahid ng ngiti sa kaniyang boses.Siyempre, kilala ito ni Camila. Sino bang hindi nakakakilala sa kanya? Si Faye Czalanie ay isang sikat na artista na lumabas na sa mga films sa Hollywood at nanalo na nga rin ito ng mga awar
Pakiramdam ni Kenneth ay parang pinahihirapan lamang niya ang kaniyang sarili. Isa lang naman kasi siyang hamak na ordinaryong single na lalaki na walang alam sa mga ganitong away mag-asawa.“Paano ba kita matutulungan? Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong gawin ko,” aniya sa kaibigan.Detalyado namang nagpaliwanag si Juancho sa kanya.Kenneth listened intenly, and after a moment, he responded, “It's hard for me to comment on this matter. If I were Camila—”“I know it's my problem,” putol ni Juancho at seryosong tiningnan si Kenneth. “,That's why I'm asking for your advice.““Ang iniisip lang naman kasi ni Camila ay iyong tungkol kay Dominique—na first love mo. Isang tawag niya lang pupuntahan mo agad ng walang pagdadalawang-isip, kahit nasaan pa siyang lupalop ng mundo sa sandaling iyon. Puwede bang tigilan mo nang gawin 'yon, bro?“ prankang saad ni Kenneth.“Mag-isip ka pa ng iba,” turan ni Juancho.Kumunot ang noo ni Kenneth. Kitang-kita na ngayon sa mukha niya ang kalituh