Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
View MoreChapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b
Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr
Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.
Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n
Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n
After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai
Hindi nakaimik si Rina habang nakatitig kay George, sa maamo nitong mukha pero alam nitong sa likod ng inosente nitong maskara ang nagtatago ang totoo nitong pagkatao. Parang gustong maniwala ni Rina ngunit mas may tiwala siya kay Filan.“Kung may gusto kang malaman ako, bakit hindi mo sabihin ngayon?”Magsasalita pa sana si George nang tumunog ang phone nito at itapat sa tenga para sagutin ang tawag. Tumango-tango lamang si George habang pinapakingan ang boses sa kabilang linya at saka niya binaba ang phone para muling itago sa kanyang bulsa.“Well, I’ll be busy today, saka na tayo mag-usap pero kung gusto mo talagang malaman alam mo kung saan ako madaling makita.”Hindi na nagsalita pa si Rina sa pagpapaalam ni George hanggang sa lumabas ito ng gate nang bahay, napahawak si Rina sa kanyang dibdib dahil ramdam na ramdam pa rin niya ang kaba. Muling pumasok si Rina sa loob ng bahay at saka napaupo, hindi rin namalayan ni Rina na halos ilang minuto siyang tulala hanggang sa mahimasmasa
Nasa bahay lang si Filan sa mansyon ni Sanchez nang makita niyang naghihintay sa sala ang kanyang ama, halata sa mukha ng ama na umiinom.Ilang araw niyang iniwasan ang ama mula nang malaman niya ang nangyari at kung ano ang maruming gawain ng ama.Dadaanan lang niya ito at wala siyang balak kausapin at banggitin ang pangalan ni Rina. Naalala niyang kasama ni Rina kanina.Sumama siya sa paghahatid bago umuwi, para masiguradong nasa maayos na kalagayan ang ginang."Alam kong kasama mo si Rina, anong ibig sabihin ng closeness sa kanya, Filan?"Tumingin siya sa kanyang ama na punong-puno ng pagka-blangko sa kanyang mga mata. "Anong ginagawa mo?" "Meron ako, kasi anak kita. Hindi ako natutuwa sa pagiging malapit mo sa Hidalgo na iyon." "Bakit ka ba ganyan kay Rina? Maganda ang pakikitungo sa akin ng tao at ng pamilya niya, pero hindi mo naman magawa." Saglit na napatigil ang kanyang ama, nagtataka at parang may pumasok na ideya sa kanyang isipan nang ito'y bumungad sa kanya. "Is s
Chapter 55Makalipas ng isang oras nang dumating ang pamilya ng Governor, agad naman itong lumapit kila Rina at Filan para batiin sa natapos na proyekto naroon naman si George na nag-iisang lalaking anak nito. Hindi kasama ng governor ang anak nitong babae na na-link noon kay Filan.“Congratulation, to the both of you.”“Thank you po.”“Very well pleasure, sir.”Sabay na pagpapasalamat ng dalawa na hindi nahiwalay sa buong oras ng party.“Hi, kumusta ka na? It’s been a long time,” ngiti ni George sa pagbati nito kay Rina.“Busy lang, mabuti’t nakapunta kayo.”Napansin ni George ang magkahawak na kamay ng dalawa saka binalik ang tingin sa mukha ni Filan na seryosong nakatingin sa kanya.“Can I dance you?” tanong ni George.Mabilis na napatingin si Marina kay Filan.Tumango naman si Filan pabalik at saka humiwalay sa pagkakahawak ng kamay nila, saka ito bumulong kay Rina.“I’ll go but I’ll watch, just call me if something happen.”Tumango naman pabalik si Marina at saka nagpaalam na bab
Chapter 1HINGAL na hingal si Marina nang tumuntong siya sa building ng PolSci Department, gamit ang panyo niya pinunasan niya ang mga nabasa sa kanya dahil sa biglang pagbagsak ng ulan. Inayos niya ang damit niya at ID na suot. Kailangan niyang magmadali lalo na’t may importanteng tao ang dumating sa auditorium ng PolSci na isang conference na ginanap sa unibersidad nila. Halos lahat ng mga kamag-aral niya iisang direksyon ang pinupuntahan.Tuwang-tuwa at excited ang lahat. Sino nga bang hindi ma-excite kung makikita mo ang batang representative ng munisipalidad nila---si Filan Sanchez, panganay na anak ng mayor ng kanilang lugar. Maliban sa pagiging matalino at masipag na public servant naroon din nagtapos, kinahuhumalingan ang binata dahil sa angking kakisigan nito.Wala ata siyang kakilala na hindi nagkaroon ng paghanga sa binata maliban nga lang sa kanya. Nagmadali na siyang naglakad para hanapin ang mga kasamahan niy...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments