Chapter 9
KINAGABIHAN napasulyap si Rina sa labas ng bintana niya nang makarinig siya ng ingay mula sa labas, mahina lang ngunit tama lang para marinig niya. May halong sigawan at para bang pagkalampag sa bakal na bagay. Iniisip na lamang ni Rina na baka tungkol ito sa nangyari kanina sa palaisdaan.
Lumapit siya sa bintana nang magulat siya sa malakas na putok ng baril habang nanlalaki ang mga mata at nakahawak ang mga kamay sa bintana, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya na may halong kaba na hindi niya maintindihan.
Hindi lang isa dahil may mga sumunod pang magkakahiwalay na putok ng baril, nabigla na lang siya at halos mawala ang kaluluwa niya sa katawan sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at nakita niyang pumasok ang mama niya.
Seryoso at may halong pag-aalala sa mga mata nito, umatras siya at saka ibinaba ang bintana para sa kanya. “A-anong nangyayari? Anong kaguluhan ang meron sa village?”
“Huwag mo nang isipin yan at matulog ka, may pasok ka pa bukas.”
Hindi na nagsalita pa si Rina at sinundan lang niya ng tingin ang ina sa paglabas ng silid nito saka sinara ang pinto ng silid niya. Humiga na siya sa kama at hinayang nakabukas ang kurtina para may liwanag na pumasok mula sa labas, gusto man lang niya matulog ngunit hindi mawala ang kaba at pag-aalala sa putok ng baril na narinig niya kanina. Maya-maya pa nakarinig na siya ng ambulansya na paparating, kung hindi siya nagkakamali nang galing lahat iyon sa bahay ng mga Sanchez na malapit lang sa kanila.
HINDI alam ni Rina kung anong oras na siya nakatulog ngunit ilang oras lang iyon bago mag-umaga sa hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mga iniisip at gumugulo sa kanya. Wala na rin siyang nagawa nang magising siya ng maaga dahil sa kanyang body clock, kahit antok pa siya ay kailangan na rin niyang bumangon.
‘Kumusta na kaya? Ano kayang nangyari kagabi?’ iyon ang bumungad na tanong sa kanyang sarili habang nag-aasikaso.
Pagkatapos ng kanyang pagpapaligo at pag-aayos sa sarili’y bumaba na siya ng silid niya, nakita na lamang niyang kumakain na roon ang kapatid at ang mga magulang. Bumati na rin siya nang mapansin niyang may bulaklak sa dulo ng lamesa na nakapatong.
“Para kanino yang bulaklak?” curious na tanong ni Marina sa ina nang lingunin niya ng atensyon ito.
“Wala ka bang umagang klase?”
Umiling si Rina bago sumagot. “Wala naman po.”
“Good, samahan mo muna ako pumunta sa hospital, ihahatid yan doon sa mga Sanchez.”
Muli siyang napasulyap sa ina na seryoso pa ring kumakain pero gulat na gulat siya sa kanyang nalaman, nilingon niya ang ama na katulad ng dati’y nagbabasa pa rin dyaryo katulad ng nakasanayan nito tuwing umaga at saka binalik ang atensyon sa ina.
“Ano pong nangyari sa mga Sanchez?”
“Sinugod sila kagabi ng mga magsasaka at mangingisda sa mansyon nila. Nagkagulo at hindi na nakontrol pa ang galit ng mga tao, may nakapagsabi na may mga armas ang mga sumugod dahil sa galit, may mga pulis at may nabaril…”
Napabuntong hininga pa ang ina ni Rina pero kating-kati siyang malaman kung sino lalo na’t mahigpit na ang pagkakahawak niya sa kanyang kubyertos.
“Natamaan ng bala si Mr. Filan kaya kailangan siyang isugod sa hospital kagabi.”
Nagsusumigaw sa isipan ni Rina ang gulat at hindi niya maiwasan mapamura.
“Kaya kailangan makisimpatya sa pamilya Sanchez, gusto ko rin malaman kung okay na ba ang binatang iyon. Kaya sumama ka na sa akin, para maisabay na rin kita sa paghatid sa unibersidad dahil dadaan din ako roon ngayon, kumain ka na.”
Napayuko si Rina sa plato niya, hindi niya magawang galawin ang pagkain niya. ‘Nabaril na naman si Filan, ano naman ang ginawa niya at nabaril siya?’ hindi niya alam na ganito pala lapitin ng malas at disgrasya ang binatang Sanchez.
*
Sa harapan pa lang hospital may mga local media nang nakatambay at nangungulit na makapasok, sarado rin ng mga bantay na pulis at personal body guard ang harapan nito para sa siguridad ng VIP sa loob nito. Pagbaba nila ng kotse napansin agad sila ng media sa kanilang pagdating, agad na tumakbo ang ilan patungo sa kanila para matanong tungkol sa nangyari. Naiilang at nahihirapan silang mag-ina kundi hindi lang sa body guard na umaalalay sa kanila.
“Ano pong masasabi ninyo sa nangyari?”
“May kinalaman po ba kayo tungkol dito?”
“Malalagot po ba ang mga mangingisda na siyang unang local na tinutulungan ninyo sa bayan?”
Yan ang mga tanong na paulit-ulit nilang naririnig hanggang sa tuluyan silang nakapasok sa loob, halos malukot na Rina sa pagkakayakap ng mahigpit ang bulaklak dahil sa pagkukuyog sa kanila ng mga tao sa labas. Agad na sumalubong ang mga personnel ng mayor.
“Magandang umaga, narito kami ng anak ko para bisitahin si Filan, kumusta na siya?”
“Pwede naman po kayo umakyat, naroon po siya at ang pamilya niya.”
Para bang pati si Rina ay nagmamadali na malaman kung dilat na ba si Filan, pero sa pagkakaalam niya ay malakas din ito, nagawa nga niyang tiisin ang tahi niya nu’n. Habang naglalakad sila papalapit sa silid ay mas lalong kumakalabog ang dibdib ni Rina.
Hindi nagtagal nang huminto sila sa pinakadulong silid sa hallway na nilakaran nila. Unang pinapasok ang ina niya dahil sa hiya ay hindi niya nagawang makapasok agad pero narinig na niya ang pagbati ng mga naroon sa ina niya, kunting katahimikan bago niya narinig ang pangalan niya.
“Rina…”
Sa kaba ay agad siyang napapasok sa loob habang yakap pa rin ang bulaklak.
“Sinama ko na rin ang anak ko, mabuti naman at gising na si sir Filan.”
Saka lang natauhan si Rina at agad siyang napalingon sa higaan sa harapan nila. Nabigla pa siya nang makitang nakatingin ang malalamin nitong mga mata sa kanya, hindi niya alam kung ilang segundo siyang nakatitig din pabalik sa binata ngunit agad siyang umiwas sa pagkakayuko para hindi siya mapansin.
Halata sa namumugtong mga mata ng ina ni Filan at sa seryosong mukha ng ama nito na hindi sila okay sa nangyari sa anak nila.
“Maraming salamat sa pagdalaw at sa bulaklak,” wika ng ina ni Filan.
Pero kahit pa paano’y nakahinga ng maluwag si Rina sa kanyang nalaman, hindi niya alam kung bakit sobra siyang mag-alala sa binata na hindi dapat. Alam niyang magkaaway ang pamilya nilang dalawa, pero hindi rin maiiwasang sa ganitong pagkakataon ay tutulong ang mga Hidalgo sa kapwa nila kahit pa kaaway nila ito.
“Walang anuman.”
Pasimpleng sumulyap muli si Rina kay Filan pero nahuli niyang nakatitig pa rin ito, maputla ang mukha at may tusok na dextrose sa pulso nito, may benda ang kaliwang balikat patungo sa sikmura nito habang nakatakip ang puting kumot sa katawan nito, bagsak ang hibla ng buhok.
“Dumaan lang kami pero aalis din kami agad, ihahatid ko pa ang anak ko sa unibersidad.”
Iniwan na ni Rina ang bulaklak sa isang lamesa saka sumunod sa ina, gusto pa sumulyap sa binata pero hindi na niya ginawa, pero ang antok at malalim na mga mata ni Filan ay nasa kanya lang hanggang sa makaalis sila ng kanyang ina na hindi niya alam.
Chapter 10NANG makapasok si Rina sa unibersidad agad siyang dumiretso sa opisina nila ng kanilang organization na kinabibilangan sa loob ng paaralan. Bumungad sa kanya ang hindi maipintang mukha ng mga kasamahan niya roon.“A-ayos lang kayo?” hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi.“Hindi mo pa ba alam ang balita?” tanong ni Alexis sa kanya.Napailing siya. “Hindi, bakit ano bang balita at ano ang nangyari?”“Nabaril si Mr. Sanchez kagabi diba, wala si Hendrix ngayon dahil nasa kulungan ang ama niya.”Namilog ang mga mata ni Rina sa kanyang narinig pero naghihintay siya ng kasunod galing sa kasamahan niya. Sa pagkakaalala niya isa sa mangingisda sa bayan nila ang ama ni Hendrix at sikat na gumagawa ng processed food galing sa isda kaya isa sila sa kilalang pamilya sa bayan, dahil sa pag-aangat ng ilang tagalabas galing sa kanilang produkto galing sa kanila.“Ang ama ni Hendrix ang nakabaril kay sir Filan na ngayo’y nasa kulungan, hindi na pumasok si Hendrix dahil binabantayan
Chapter 11NAIWANG nakatitig si Marina sa mukha ni Filan, bagsak ang buhok nito na nagtatakip sa noo nito. “Seryoso ako, Sir Filan, sigurado ka ba na siya ang bumaril sa iyo?”“Bakit kailangan mong pumunta para rito?” seryosong tanong pabalik ni Filan sa dalaga.“Nakakaawa yung pamilya nong pinakulong mo, hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa papa mo. Alam ninyong sa kanila ang palaisdaan na iyon kukunin ninyo para sa pang sarili ninyong hangarin…”“Hindi ko alam-”Nanatiling nakatitig si Filan kay Marina.“Hindi mo alam o ayaw mong alamin. Nakikita mo ang kamalian ng papa mo pero pinipilit mong magbulag-bulagan, alam mong pang kabuhayan nila iyon, kanila iyon, proyekto iyon ng local office sa kanila, bakit…” hindi natuloy ang sasabihin ni Marina nang umayos ng pagkakahiga ang binata at nagkumot para makaiwasa kanya.“Hindi ako aalis dito.”“Kailangan kong magpahinga, Ms. Hidalgo, kung ang concern mo ay tungkol sa magsasaka, sa mayor ka pumunta. I thought you’re concern about me th
Chapter 12TAHIMIK na kumakain ang pamilya Hidalgo, ayaw ding makagawa ng ingay para makuha ang atensyon ng mga magulang niya si Rina. Hindi niya napansin na ilang beses nang napapasulyap sa kanya ang kanyang ama, sinenyasan ni Mrs. Hidalgo na huwag na muna pansinin ang anak pero hindi ito magpapaawat.Binalik ang atensyon kay Rina. “Hindi ko gustong makikita kang ganyan uli dahil lang sa rally.”Nabigla si Rina at napasulyap sa ama. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. “Sorry po, hindi na po mauulit.”“At dapat lang Marina Hidalgo.”Napapikit si Rina nang banggitin ng ama ang buo niyang pangalan na ibig sabihin lang nito’y seryoso ito sa pagpapaalala sa kanya. “Iwasan mo muna ang pangingilam sa mga Sanchez, kami na ang bahala ng mama mo roon. Pwede kang tumulong sa mga kaibigan mo, pero huwag na huwag mong ipapahiya ang pangalan ng ina mo at papabayaan ang pag-aaral mo.”Tanging pagtango na lamang ang nagawa ni Rina. Halos hindi na rin niya malunok ng maayos ang kanyang kinakain.Hi
Chapter 13PAPASOK sana si Marina sa opisina nila nang marinig niya ang dalawang boses na nag-uusap sa loob kaya napahawak siya sa doorknob, hindi niya makita pero pamilyar sa kanya ang boses na iyon, nakaawang at nakatigil siya sa loob tama lang na marinig niya kung anong pinag-uusapan sa dalawa.“It’s because of this tatapusin mo na ang relasyon natin? Paano naman ako? I’m always here for you, wag naman sa ganito…”“Hindi na tama ‘tong relasyon natin, napapagod na rin ako marami akong inaasikaso at hindi ko na maasikaso ang relasyon natin.”“Maghihintay ako, Hendrix, maghihintay ako pero wag naman sa ganito.”“No, I don’t need you to wait, Catherine, in the first place tama naman ang sabi nila na ginagamit lang kita for fame sa campus. Hindi mo ba nahahalata?”“Hindi ako naniniwala sayo.”“Get out, Catherine, umalis ka na at marami pa akong gagawin.”Almost mag-two years na ang relasyon nila Hendrix at ang kasintahan nitong si Catherine na isang tourism students. Hindi akalain ni Ri
Chapter 14 EVERYTHING is normal na simula nang matapos ang trial sa kaso ng mga Reyes laban sa mga Sanchez, but that’s Marina’s thoughts. Nakakausap na nila ng maayos si Hendrix at balik na sa pag-business ang family nito pero pansin pa rin ni Marina ang lungkot sa mga mata ni Hendrix, sa tuwing nakikita niyang ganu’n ang kaibigan ay naalala niyang nakipag-break na ito sa girlfriend na si Catherine. Wala man lang nakakapansin sa mga kasama nito. That day was busy, ayaw man ni Marina na sumama sa mama niya ay kailangan na may mag-assist dito, invited lamang ang ina niya sa isang kasal bilang ninang. The motif of the wedding is earth color to beige, all of them are wearing filipiana as the dress code of the wedding. As usual kailangan sumunod ni Marina sa tema, simple lang naman ang filipiana niya na may touch of modern style na maigsi ang palda sa harapan habang mahaba sa likod nito na kulay beige and white sandals na may two inches lang ang taas, ayaw niyang mag-suffer siya sa huli
Chapter 15PAKIRAMDAM ni Marina ay mabilis lang ng panahon, araw ng sportfest nila at pagkatapos nu’n mag-end na ang semester sa taon na iyon. Maraming binabalak si Marina at isa na roon ay pag-apply ng internship program sa isang newspaper company, pandagdag experience bago pa man tuluyan siyang maka-graduate sa kurso niya.Ang alam ni Rina ay may balak na mag-out of town ang pamilya para sa summer pero need din niyang maghabol ng mga requirements, abala ang mga tao sa field, may nangyayari ring laban ng soccer games laban sa katabi nilang paaralan na private college na St. Michael University.Nakasabit ang lace ng DSLR camera sa leeg ni Rina habang nakatitig pa rin screen ng laptop niya, ilang beses na niyang ni-refresh ang gmail account niya just to see kung may reply na ba sa naturang in-apply-an niyang newspaper company, sad to say hanggang ngayon makalipas ng dalawang linggo na paghihintay niya’y wala pa rin siyang natatangap.Hindi napansin ni Rina na kakapasok lang ng kasamaha
Chapter 16AS much as possible gustong itago ni Marina ang bukol na nakuha niya kanina sa field nang dahil kay Francis, pero hindi ito naitago ng dalaga lalo na’t unang napansin ng ina niya ang kanyang noo.“What happen to you?” saka nilapitan si Rina habang nagpapaawa ang mukha nito. “Nagamot na ba yan?”“Oo na sa clinic, long story pero hindi naman malala tumama lang naman yung soccer ball sa noo ko,” nahihiya at pakamot-kamot na kwento ni Rina.“Ah siya, kakain na tayo and gamutin uli yan bago ka matulog.”“Opo.”Maglalakad sana sila papasok sa dining area nang lumapit sa kanila ang guard na nagbabantay sa gate ng bahay nila.“Ma’am, may naghahanap po kay ma’am. Marina sa labas…”Nagkatinginan ang mag-ina lalo na si Rina na may naghahanap sa kanya. Agad na lumabas si Rina at hindi niya inaasahan na susunod ang ina niya sa kanya, napakunot-noo ang dalaga lalo na nang may nakita siyang itim na kotse. Hindi gaanong pamilyar kay Marina ang mga kotse pero alam niyang mahal ito, napansin
Chapter 17MARINA feels something off habang nakaupo siya sa harap ng lamesa kasama ang mga Sanchez, pakiramdam niya’y nanliliit siya. They seems happy naman habang nagkwentuhan, mas naririnig ang boses ni Francis habang nagkwento ito sa nangyari sa kanyang araw. Pakiramdam ni Marina ay busog na siya at hindi man lang niya magalaw ang pagkain sa harapan niya kahit alam niyang masarap ang mga ito.Pasimpleng sumilip si Marina sa gawi ni Filan at nabigla pa siya nang makitang nakatingin pala sa kanya si Filan kaya agad siyang bumalik sa kinakain niya.“How about you, iha? Kumusta naman ang schooling?”“A-ako po,” Marina feel like a dumb nang mag-stuttered siya kay Mrs. Sanchez. “I’m fine with my course.”“Good for you.”Pakiramdam ni Marina kinakausap lang siya ng mga ito para hindi siya ma-left out sa kainan. Napasulyap si Rina kay Mr. Sanchez---ang mayor ng municipality nang umubo ito, pati ang mga anak nito’y napasulyap sa lalaki.“Diba affiliated ka sa pamilya Reyes?”Hindi alam ni
Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b
Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr
Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.
Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n
Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n
After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai
Hindi nakaimik si Rina habang nakatitig kay George, sa maamo nitong mukha pero alam nitong sa likod ng inosente nitong maskara ang nagtatago ang totoo nitong pagkatao. Parang gustong maniwala ni Rina ngunit mas may tiwala siya kay Filan.“Kung may gusto kang malaman ako, bakit hindi mo sabihin ngayon?”Magsasalita pa sana si George nang tumunog ang phone nito at itapat sa tenga para sagutin ang tawag. Tumango-tango lamang si George habang pinapakingan ang boses sa kabilang linya at saka niya binaba ang phone para muling itago sa kanyang bulsa.“Well, I’ll be busy today, saka na tayo mag-usap pero kung gusto mo talagang malaman alam mo kung saan ako madaling makita.”Hindi na nagsalita pa si Rina sa pagpapaalam ni George hanggang sa lumabas ito ng gate nang bahay, napahawak si Rina sa kanyang dibdib dahil ramdam na ramdam pa rin niya ang kaba. Muling pumasok si Rina sa loob ng bahay at saka napaupo, hindi rin namalayan ni Rina na halos ilang minuto siyang tulala hanggang sa mahimasmasa
Nasa bahay lang si Filan sa mansyon ni Sanchez nang makita niyang naghihintay sa sala ang kanyang ama, halata sa mukha ng ama na umiinom.Ilang araw niyang iniwasan ang ama mula nang malaman niya ang nangyari at kung ano ang maruming gawain ng ama.Dadaanan lang niya ito at wala siyang balak kausapin at banggitin ang pangalan ni Rina. Naalala niyang kasama ni Rina kanina.Sumama siya sa paghahatid bago umuwi, para masiguradong nasa maayos na kalagayan ang ginang."Alam kong kasama mo si Rina, anong ibig sabihin ng closeness sa kanya, Filan?"Tumingin siya sa kanyang ama na punong-puno ng pagka-blangko sa kanyang mga mata. "Anong ginagawa mo?" "Meron ako, kasi anak kita. Hindi ako natutuwa sa pagiging malapit mo sa Hidalgo na iyon." "Bakit ka ba ganyan kay Rina? Maganda ang pakikitungo sa akin ng tao at ng pamilya niya, pero hindi mo naman magawa." Saglit na napatigil ang kanyang ama, nagtataka at parang may pumasok na ideya sa kanyang isipan nang ito'y bumungad sa kanya. "Is s
Chapter 55Makalipas ng isang oras nang dumating ang pamilya ng Governor, agad naman itong lumapit kila Rina at Filan para batiin sa natapos na proyekto naroon naman si George na nag-iisang lalaking anak nito. Hindi kasama ng governor ang anak nitong babae na na-link noon kay Filan.“Congratulation, to the both of you.”“Thank you po.”“Very well pleasure, sir.”Sabay na pagpapasalamat ng dalawa na hindi nahiwalay sa buong oras ng party.“Hi, kumusta ka na? It’s been a long time,” ngiti ni George sa pagbati nito kay Rina.“Busy lang, mabuti’t nakapunta kayo.”Napansin ni George ang magkahawak na kamay ng dalawa saka binalik ang tingin sa mukha ni Filan na seryosong nakatingin sa kanya.“Can I dance you?” tanong ni George.Mabilis na napatingin si Marina kay Filan.Tumango naman si Filan pabalik at saka humiwalay sa pagkakahawak ng kamay nila, saka ito bumulong kay Rina.“I’ll go but I’ll watch, just call me if something happen.”Tumango naman pabalik si Marina at saka nagpaalam na bab