Chapter 1
HINGAL na hingal si Marina nang tumuntong siya sa building ng PolSci Department, gamit ang panyo niya pinunasan niya ang mga nabasa sa kanya dahil sa biglang pagbagsak ng ulan. Inayos niya ang damit niya at ID na suot. Kailangan niyang magmadali lalo na’t may importanteng tao ang dumating sa auditorium ng PolSci na isang conference na ginanap sa unibersidad nila. Halos lahat ng mga kamag-aral niya iisang direksyon ang pinupuntahan.
Tuwang-tuwa at excited ang lahat. Sino nga bang hindi ma-excite kung makikita mo ang batang representative ng munisipalidad nila---si Filan Sanchez, panganay na anak ng mayor ng kanilang lugar. Maliban sa pagiging matalino at masipag na public servant naroon din nagtapos, kinahuhumalingan ang binata dahil sa angking kakisigan nito.
Wala ata siyang kakilala na hindi nagkaroon ng paghanga sa binata maliban nga lang sa kanya. Nagmadali na siyang naglakad para hanapin ang mga kasamahan niya, isa siyang campus journalist at member ng newspaper organization. Bilang third year Journalism kailangan niyang sumali sa mga ganitong aktibidad kahit ayaw niya.
“Marina!” sigaw ng editor in chief nila nang makita siya mula sa kumpulan ng mga taong nagmamadaling makapasok. “Mabuti dumating ka na, wala si Karen kaya ikaw ang isa sa mag-stand by sa interview sa bisita,” paalala ng binatang si EIC nila na si Hendrix.
Namilog ang mga mata niya sa gulat. “Ano po iyon?” pag-uulit niya dahil baka nabibingi lamang siya.
Inabot na ni Hendrix ang papel at saka niya ito kinuha.
“Wala si Karen, ikaw na ang bahalang pumalit sa kanya,” pag-uulit nito.
“Ano…pero-”
“Wala nang pero-pero, mag-uumpisa na ang conference at kulang tayo sa tao kaya ikaw na lang ang sumalo, huwag kang mag-alala sa ‘yo naman ang credits eh.”
Ito ang kinatatakutan ni Marina, hindi dahil takot siya sa humarap sa mga tao kundi dahil hangga’t maari kailangan niyang umiwas sa mga Sanchez lalo na kay Filan. Mortal na kaaway ng kanilang angkan ang mga Sanchez, dahil hindi mo maaring pagsamahin ang Sanchez at Hidalgo sa iisang lugar na hindi nauuwi sa gulo.
Hindi basta ordinaryong tao si Marina pero pinilit niyang mamuhay ng simple, anak siya ng vice mayor ng probinsya at isang public attorney ang ama niya na nagtatangol sa mga mahihirap, especially sa mga magsasaka. Matagal nang may alitan ang dalawang pamilya noon pang hindi pa siya nabubuhay dahil sa politiko, pero kahit na anong iwas niya’y doon naman dumarating ang challenge.
Wala siyang magagawa kundi kunin ang trabaho na iyon kundi ay mapapagalitan siya. Napakagat labi siya saka sumunod sa mga kasama niya sa puwestong binigay sa kanila sa unahang bahagi, napapalibutan sila ng ingay, may aircon sa loob ngunit pakiramdam ni Marina mainit sa loob dahil sa pangambang nararamdaman niya.
Habang tumatagal mas lalong kumalabog ang dibdib niya at lumalalim ang paghinga niya. Ibinigay na sa kanya ang mic nagagamitin niya, hindi lang siya ang naroon na mag-interview dahil meron ding nakahanda galing sa ibang department, nakahanda ang mga phone camera ng mga estudyante lalo na ang mga kamag-aral niyang babae. Naroon ang ilang small channel sa probinsya at radio anchor na mag-cover sa conference.
Nabigla si Marina nang magtilian ang mga kasama niya sa loob na iyon para bang may artistang dumating, hindi na nagawa pang i-check ang mga itatanong niya kay Filan. Napalunok siya ng ilang beses hanggang mapadaan ang binata sa puwesto nila, saktong napalingon ito sa kanya at magtama ang mga mata nila. Sandali lang iyon dahilan para mas lalong magwala ang puso niya.
Tuluyang nakaakyat si Filan sa stage kasama ang mga kapartido nito at grupo ng party list na humahawak sa mga magsasaka. Narinig ni Marina ang pag-welcome ng emcee ng event na iyon at malakas na palakpakan.
Naroon sila Final para ipagmalaki ang isinabatas nito kasama ang party list na magtatangol sa lupain at maliliit na magsasaka.
“Congratulation sa ating representative Filan Sanchez sa kanyang isinabatas para sa mga magsasaka lalo na’t magagamit ito sa buong probinsya ng Sorsogon dito rin sa ating Castilla Municipality, gusto po naming marinig ang inyong inspiration bakit ninyo naisip ito?” saka binigyan ng sariling mic si Filan.
Tatayo pa lamang si Filan at simpleng pagngiti na dahilan para lumabas ang dimple nito sa kanang pisngi’y nagtitilian na ang kababaihan, si Marina mismo ang nahihiya para sa mga kamag-aral niya.
“Magandang umaga po sa lahat at maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin dito lalo na sa St. Louise State University para rito sa conference lalo na sa mga dumalo,” doon nag-umpisang magpaliwaang si Filan at lahat ng mga naroon ay tutok sa kanya.
Kung hindi politiko ang pinasok ng binata maari na itong pumasang artista o kaya’y modelo sa tindig din nito. Marina smell powerful and rich from Filan habang pinapanood niya ito. Minsan lang niya ito makita at kung maari iiwas siya.
Napansin niya ang mga titig ng ilang small media personnel na nakatingin sa kanya, alam na niya kung anong iniisip ng mga ito lalo na’t nakita na namang magkasama ang dalawang taong galing sa kilalang pamilya sa probinsya. Agad na yumuko si Marina at napansin naman ito ng EIC niya na si Hendrix.
“Hayaan mo lang sila,” bulong nito sa kanya na para bang inaalis ang pag-aalala niya.
Nag-umpisa ring kunan siya ng litrato ng ilang naroon.
Inaalala lang ni Marina na sana’y matapos na ito, napalingon siyang muli sa stage nang matapos ang speech ni Filan saka muling palakpakan mula sa mga kamag-aral niya.
“Hihingi po tayo sa ilang media personnel at mga aspiring journalist para hingan ng tanong para sa ‘yo, Mr. Sanchez, maari po ba?”
“Oo naman, ayos lang, I’m willing to answer all the questions,” ngiting sagot ni Filan.
“Maraming salamat, pwede na po tayong mag-umpisa lalo na’t maikling oras lamang ay aalis na po si Mr. Sanchez.”
Dahan-dahan tumayo si Marina at nanginginig na hawak ang mic. Nakuha niya ang atensyon ni Filan, napakunot-noo ito lalo na nang makilala siya nito. Hindi man lang niya magawang ngumiti.
Tinignan niya ang script na dahil sa kaba’y hindi man lang niya magawang nasilip na. “Magandang umaga po, Mr. Sanchez, ayon po sa sinabi ninyo na nakagawa kayo ng batas para pangalagaan ng magsasaka at lupain nila, pero nitong unang termino ng ama ninyo bilang mayor, anong masasabi ninyo na nagawa nilang agawin ang malalaking hektara ng lupain sa mga kawawang magsasaka ng probinsya?”
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong auditorium, naiwan ding nakatitig si Filan kay Marina. Doon nag-umpisang magbulungan ang mga tao sa loob. Napansin ni Marina na para bang may mali sa script kaya muli niyang binalikan ito, namilog ang mga mata niya nang mapagtanto ang kanyang binatong tanong sa binata.
‘Am I dreaming?’ tanong niya sa kanyang sarili na para bang gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa para maitago lamang ang mukha sa hiyang nagawa niya.
Chapter 2MARINA saw how Filan’s deep brown eyes look at her seriously. Ramdam na ramdam ni Marina ang kabang yumayakap sa kanya. Wala na siyang magagawa lalo na’t nangyari na ang lahat, tahimik pa rin ang paligid at pakiramdam ng dalaga nasa kanya lang ang atensyon ng binata.Naniniwala siya na dapat practice nila ng maayos ang ibabatong tanong sa kahit kanino, they need to stay their integrity and dignity with respect kahit gaano man kasama ang kaharap nila. Be bias sa lahat ng pagkakataon, gusto niyang sisihin ang mga kasama niya, hindi naman siya ang naroon sa sitwasyon na iyon at hindi man lang na-filter ang mga tanong sa interview.Nabigla siya nang ngumiti si Filan sa kanya na para bang wala lang ang tanong na iyon, but she feel something on it na para bang may hindi magandang mangyayari. “Thank you for that question, Ms. Hidalgo,” pagdidiin ni Filan
Chapter 3“Ito para sa ‘yo,” sabay abot ni Alfie kay Marina ng isang Tupperware na lasagne pagkapasok pa lamang ng Grande office---ang pangalan ng organization nila ng mga journalism at writer sa newspaper. “Basta ba ibalik mo sa akin ang Tupperware bago mag-uwian, mahal na mahal yan ni mama kesa sa akin.”Agad namang kinuha ito ni Marina na may pag-aalinlangan at ramdam sa palm niya na bagong luto pa ang lasagne. “Salamat, pero hindi mo naman dapat gawin.”“Hindi pa rin ako makatulog sa nangyari kahapon kaya sorry talaga.”“Its fine, Alfie.”Nilapag ni Marina ang hawak niya sa lamesa saka kinuha ang ilang libro na kailangan niya sa unang klase, hindi naman nagalit ang mga magulang niya sa nangyari at nagpaliwanag din naman siyang wala sa plano ang mga iyon. Pinagsabihan lang siya at kung maari’y umiwas siya sa mga Sanchez na agad naman niyang sinang-ayunan.
Chapter 4FIRST night ng foundation week ng Castilla, alam ni Marina na marami pa siyang gagawin, ihahabol na requirements this week at laking pasalamat na lamang ay binigyan siya ng chance na makahabol pagkatapos ng foundation week. Isa sa perks ng pagiging anak ng isang politika ay mga ganitong pagkakataon, ito rin ang kinaiingitan ng ilan sa mga kakilala niya sa kanya.Minsan pa nga’y makakarinig siya na kaya lang naman siya nakakuha ng full scholarship dahil sa kanyang ina na vice mayor but deep down hindi alam ng nakakarami na she’s doing her best para lang makuha kung anong achievements niya na walang tulong ng mga magulang niya lalo na ang kanyang ina.Ngayon lang naman kukunin ni Marina ang tyansa na iyon dahil gahol na rin siya sa oras, pagkababa pa lamang ng mga magulang niya sa parking lot may mga body guard at ilang tagasuporta ng mga magulang niya lalo na ang ina niya.Samu’t saring bati ang natanggap nila at wala siyang nagawa kundi ang ngumiti sa mga c
Chapter 5NAPASUBSOB si Marina kay Filan itinungkod niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ng binata kaya nagtama ang mga mata nila ni Filan. “Sorry,” sabay alis niya nang hindi niya magawang tumagal sa mga titig nito sa kanya. Agad siyang umiwas at sinara ang pinto ng kotse sa tabi niya.Dahan-dahan naman naupo si Filan sa tabi niya. “Pakikuha ng first aid kit at ice box sa likod,” utos ng binata.Agad na lumuhod si Marina sa upuan saka inabot ang kailangan ni Filan sa likuran at agad na inabot sa binata. Nagtaka siya nang makitang may mga gamit na ganu’n sa likod pati damit ng binata na para bang handa ito sa mangyayari ngayon. Hindi na siya nagtanong pa.Namilog ang mga mata niya nang isa-isa inaalis ni Filan ang butones ng damit kaya napaiwas ng tingin si Marina.“Anong ginagawa mo? Hoy!” mas lalong kinakabahan ang dalaga lalo na’t silang dalawa lamang ang naroon.“I need to do this, paano ko magagamot ang sugat ko,” nanghihinang wika ng binata.Dah
Chapter 6"Okay ka lang ba?"Napasulyap si Marina kay Hendrix nang ibalik nito ang atensyon sa kanya, hindi pa rin alam ng dalaga kung paano siya makakaalis sa sitwasyon na iyon. Hindi rin mawala ang titig ni Hendrix sa suot na jacket ni Marina."Yeah, I'm fine, bakit naman hindi?" naiilang na napatawa si Marina.Napasulyap ang dalawa at sinundan ng tingin si Filan nang maglakad na ito palauo sa kanila na para bang walang nangyari, pero hnd mawala sa isipan ni Marina ang pag-aalala nito kay Filan.Saka naman biglang dumating ang mga magulang ni Marina. Kaya parehas naman humarap sila Hendrix at ang dalaga sa ina nito."Where have you been? Ang tagal mo atang bumalik, kanina ka pa namin hinanap," nag-aalalang wika ng ina ni Marina pero halata ring nainis ito sa matagal na pagkawala."I'm sorry, ma, kinuha ko lang ang phone ko and beside-""Pasensya na po, nakasalubong ko po ang anak ninyo kaya kinumusta ko po sandali medyo napasarap ang usapan namin…"'And now, bakit naman pinagtatakpa
Chapter 7 AYAW nang makita pa ni Marina si Sanchez hangga’t maari iyon na ang huli na nilang pagkikita, pero nang makita niya ang jacket ni Filan sa kanyang kabinet na bagong laba’y muli niyang naalala ang huling pagkikita nila nitong huling linggo lamang. Sino ba namang hindi makakalimot nu’n? Hindi naman inosente si Rina sa mga bagay, pero her first kiss was Filan, at ilang gabi siyang hindi makalimot sa pangyayari iyon, may Filan forget all that happened between us pero sa kanya, hindi. Once in for all gustong matapos na ni Rina ang koneksyon sa kanilang dalawa ng binatang Sanchez na iyon, kinuha niya ang jacket na nakasabit sa closet saka siya bumaba habang nilalagay sa kanyang bag. Pagbaba niya sa dining area napansin niyang wala na ang parents niya. “Na saan na pala sila?” tanong niya sa kanyang bunsong kapatid. “Nauna na sila para sa isang ceremony and papa may importanteng lakad daw sa City, kumain ka na raw bago ka pumasok.” Kinuha na lamang ni Rina ang kanyang sandwich s
Chapter 8NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Rina habang napapalibutan siya ng mga political members ng mga Sanchez at ilang mga bisita galing sa media, yung mga galing sa kalapit na probinsya at ang Ms. Sorsogon. Hawak-hawak niya ang fishing rod at hindi naman niya alam kung anong gagawin. Pakiramdam niya napasubo siya sa isang bagay na hindi naman niya alam ang gagawin, gusto niyang tumakas pero naka-oo na siya kay Mr. Tan.“Ms. Hidalgo, smile!”Napalingon siya sa isang photographer ng tawagin siya kaya ngumiti na lamang siya. ‘This is not my life, sinabi ko na dati pa na ayokong sumali sa politika, ano na lang sasabihin nila mama sa oras na lumabas sa media ang picture ko kasama ang mga Sanchez?’ hindi rin mawala ang pag-aalala niya.Imagine herself na para siyang natatae na iwan, bigla na lang dumating ang Ms. Sorsogon kaya pinagkaguluhan ito ng mga media at ng ilang mga bisita. Nakita na lamang ni Rina na lumapit si Filan at mga kasamahan nito sa bisita. May dala itong kwentas na g
Chapter 9KINAGABIHAN napasulyap si Rina sa labas ng bintana niya nang makarinig siya ng ingay mula sa labas, mahina lang ngunit tama lang para marinig niya. May halong sigawan at para bang pagkalampag sa bakal na bagay. Iniisip na lamang ni Rina na baka tungkol ito sa nangyari kanina sa palaisdaan.Lumapit siya sa bintana nang magulat siya sa malakas na putok ng baril habang nanlalaki ang mga mata at nakahawak ang mga kamay sa bintana, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya na may halong kaba na hindi niya maintindihan.Hindi lang isa dahil may mga sumunod pang magkakahiwalay na putok ng baril, nabigla na lang siya at halos mawala ang kaluluwa niya sa katawan sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at nakita niyang pumasok ang mama niya.Seryoso at may halong pag-aalala sa mga mata nito, umatras siya at saka ibinaba ang bintana para sa kanya. “A-anong nangyayari? Anong kaguluhan ang meron sa village?”“Huwag mo nang isipin yan at matulog ka, may pasok ka pa bukas.”Hindi na nag
Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b
Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr
Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.
Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n
Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n
After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai
Hindi nakaimik si Rina habang nakatitig kay George, sa maamo nitong mukha pero alam nitong sa likod ng inosente nitong maskara ang nagtatago ang totoo nitong pagkatao. Parang gustong maniwala ni Rina ngunit mas may tiwala siya kay Filan.“Kung may gusto kang malaman ako, bakit hindi mo sabihin ngayon?”Magsasalita pa sana si George nang tumunog ang phone nito at itapat sa tenga para sagutin ang tawag. Tumango-tango lamang si George habang pinapakingan ang boses sa kabilang linya at saka niya binaba ang phone para muling itago sa kanyang bulsa.“Well, I’ll be busy today, saka na tayo mag-usap pero kung gusto mo talagang malaman alam mo kung saan ako madaling makita.”Hindi na nagsalita pa si Rina sa pagpapaalam ni George hanggang sa lumabas ito ng gate nang bahay, napahawak si Rina sa kanyang dibdib dahil ramdam na ramdam pa rin niya ang kaba. Muling pumasok si Rina sa loob ng bahay at saka napaupo, hindi rin namalayan ni Rina na halos ilang minuto siyang tulala hanggang sa mahimasmasa
Nasa bahay lang si Filan sa mansyon ni Sanchez nang makita niyang naghihintay sa sala ang kanyang ama, halata sa mukha ng ama na umiinom.Ilang araw niyang iniwasan ang ama mula nang malaman niya ang nangyari at kung ano ang maruming gawain ng ama.Dadaanan lang niya ito at wala siyang balak kausapin at banggitin ang pangalan ni Rina. Naalala niyang kasama ni Rina kanina.Sumama siya sa paghahatid bago umuwi, para masiguradong nasa maayos na kalagayan ang ginang."Alam kong kasama mo si Rina, anong ibig sabihin ng closeness sa kanya, Filan?"Tumingin siya sa kanyang ama na punong-puno ng pagka-blangko sa kanyang mga mata. "Anong ginagawa mo?" "Meron ako, kasi anak kita. Hindi ako natutuwa sa pagiging malapit mo sa Hidalgo na iyon." "Bakit ka ba ganyan kay Rina? Maganda ang pakikitungo sa akin ng tao at ng pamilya niya, pero hindi mo naman magawa." Saglit na napatigil ang kanyang ama, nagtataka at parang may pumasok na ideya sa kanyang isipan nang ito'y bumungad sa kanya. "Is s
Chapter 55Makalipas ng isang oras nang dumating ang pamilya ng Governor, agad naman itong lumapit kila Rina at Filan para batiin sa natapos na proyekto naroon naman si George na nag-iisang lalaking anak nito. Hindi kasama ng governor ang anak nitong babae na na-link noon kay Filan.“Congratulation, to the both of you.”“Thank you po.”“Very well pleasure, sir.”Sabay na pagpapasalamat ng dalawa na hindi nahiwalay sa buong oras ng party.“Hi, kumusta ka na? It’s been a long time,” ngiti ni George sa pagbati nito kay Rina.“Busy lang, mabuti’t nakapunta kayo.”Napansin ni George ang magkahawak na kamay ng dalawa saka binalik ang tingin sa mukha ni Filan na seryosong nakatingin sa kanya.“Can I dance you?” tanong ni George.Mabilis na napatingin si Marina kay Filan.Tumango naman si Filan pabalik at saka humiwalay sa pagkakahawak ng kamay nila, saka ito bumulong kay Rina.“I’ll go but I’ll watch, just call me if something happen.”Tumango naman pabalik si Marina at saka nagpaalam na bab