Pagkatapos bitawan ang mga katagang iyon, nakita ni Kenneth kung paano sumiklab ang apoy sa mga mata ni Juancho. Kasing talim ng kutsilyo ang ipinukol nitong titig sa kanya. Dahil sa nakitang ekspresyon ng kaibigan, mabilis niyang inilapag ang isang invitation card at nagmadaling naghanda para makaalis na sa opisina.Bago tuluyang umalis, muli siyang humarap sa kaibigan. "By the way, I already closed the deal with Sunshine. Nakapag-sign na kami ng kontrata. 'Di ba gustong-gusto mong um-order ng mga designs niya? Dapat pumunta ka!" aniya sabay turo sa iniwang invitation card.Hindi na siya makapaghintay pa na makita kung ano ang magiging reaksiyon ni Juancho kapag natuklasan na nito ang katotohanang si Sunshine ay walang iba kundi ang asawa niyang si Camila."Get lost, brother," Juancho said coldly."Okay!" Mabilis na lumabas si Kenneth sa opisina ng kaibigan. Samantalang si Juancho naman, pinagpatuloy nito ang pagbabasa sa mga kontrata. Ngunit hindi niya mapigilan ang mga matang sulyap
Ayaw nang pag-usapan pa ni Camila ang tungkol sa nangyari kagabi, kaya mabilis niyang pinutol ang pagtatanong ng lalaki."It has nothing to do with you."Bago pa man makapagsalita si Juancho, natigilan na ito dahil sa binitawang sagot ng babae, biglang naramdaman niya ang pagkirot ng dibdib sa parang kutsilyo na mga salita ni Camila na walang pasabing tumama sa puso niya.Wala akong kinalaman sa kung anong nangyayari sa kanya?Bahagyang napalitan ng lamig ang kaniyang ekspresyon."Then who does it have to do with? Si Kenneth ba?" Natigilan si Camila.Ano daw? Ano naman ang kinalaman ni Kenneth dito at bigla bigla na lang siyang binabanggit ng lalaking 'to?Sa nakikitang katahimikan ng babae, mas lalong naging sarkastiko ang tono sa boses ni Juancho, "Ang galing mo rin naman talaga, Camila. 'Yong kagabi... nagawa mo pa rin akong akitin kahit na kakasabi mo pa lang noong mga nakaraang araw na gusto mong mag-divorce na tayo. Tapos ngayon naman, nakikipaglandian ka na kaagad kay Kenneth? A
"Okay. Stop talking about these nonsense things. Mayroon na lamang ilang araw na natitira bago ang party. Bilisan na natin ang pagtratrabaho. Walang higit na mas mabuti pa sa paggawa ng pera."Iniyakap ni Camila ang suot na coat sa kaniyang katawan at masiglang umupo sa mesa.Sinulyapan ni Leila ang workaholic niyang kaibigan at huminga ng malalim."Oo nga, ang dami nating trinabaho nitong mga nakaraang linggo. The dresses still haven't been delivered to your "gods", and after that, there'll be revisions. Hindi na talaga tayo dapat pang magsayang ng oras."Katulad ng inaasahan ni Leila, maingay at abala ang lahat sa V&L House of Fashion para sa nalalapit na party. Hindi na muling nagparamdam pa si Juancho, at masyado namang abala si Camila para pagtuunan pa ito ng pansin.It wasn’t until the two of them stood at the entrance of the Tala manor, where the fashion dinner was to be held, that they finally felt a sense of relief.Ang dalawampung milyon ay sadya nga naman talagang napakahira
Napatigagal ang babae sa narinig na binigay na presyo ni Dominique.Totoo naman talagang mahal ang mga damit na tinatahi mismo ni Sunshine. Pero hindi inaasahan ng babae na ganito kataas ang presyo! Mabilis na namula ang buong mukha nito sa kahihiyan.Hindi ugali ni Camila ang makisali o pumagitna sa usapan ng ibang tao, pero kung may kinalaman sa reputasyon ni Sunshine, hindi niya na mapigilan ang hindi tumayo mula sa kaniyang upuan at maglakad patungo sa dalawang babaeng nagtatalo."Miss Castañeda, sobrang daming tao ngayon dito sa party na maaaring makakita ng mantsa sa dress mo. Bakit hindi mo muna tanggapin ang alok niya at magbihis bago kayo mag-usap ng masinsinan?"Wala siyang naaalala na lumikha siya ng disenyo para lang kay Dominique, ngunit nakilala niya ang suot na dress ng isang babae bilang isa sa mga nilikha niya. Naglaan siya ng maraming oras at pagod para sa detalyeng paruparo sa bandang skirt nito, subalit naibenta lamang niya ito sa halagang three hundred thousand.At
Hinawakan ng security guard ang braso ni Camila at akmang hihilain na ito palabas. Pagkatapos hindi maniwala sa sinabi ng babae, mas lalo itong nakumbinsi na nag gate-crash lamang talaga ito.Ang babaeng nakatapon naman ng wine sa dress ni Dominique ay bahagyang naging balisa."Guard, Sir, sandali lang po! Hindi naman dapat siya kasali dito..." pigil ng niya sa guard."Miss Castañeda, magbabayad ako! Babayaran ko ang dress mong nasira ko, 'wag mo lang idamay ang ibang tao, please!"Nataranta ang babae. Halos mangiyak na ito sa pagmamakaawa kay Dominique na prenteng nakatayo lamang at nakataas ang kilay, mukhang nasisiyahan sa nangyayari.Binalingan nito si Camila at ang guard na napahinto rin sa paglalakad dahil sa biglaang pagmamakaawa ng babae kay Dominique para hindi siya mapalabas.Bahagya niyang hinila ang braso ni Camila, inilapit ang mukha malapit sa tainga nito at mahinang bumulong, "You don’t need to get kicked out because of this. I worked hard for this opportunity, and if I
Ang boses ng babaeng nakasuot ng velvet dress ay sobrang malumanay, na kaya nitong pakalmahin agad ang mga taong makaririnig sa kanya. Naramdaman ni Camila ang kabutihan ng kaniyang puso kaya't bahagya siyang napangiti."Don't mention it, you look really very beautiful tonight," puri ni Camila sa kanya.Namula naman ang mukha ng babae at nahihiyang nagpasalamat kay Camila. Pagkatapos noon ay nauna na muli siyang naglakad at iginiya ang iba pang mga kasamang babae sa kung nasaan ang kaniyang dressing room. Kahit na mabilis ang kaniyang lakad suot ang mahabang skirt, ang kilos nito ay marangal pa ring tingnan.Nang makarating na sa dressing room ang mga babae ay tahimik silang pumasok, samantalang ang babaeng nakatapon naman ng wine ay mabilis na inilabas at inilapag sa kaniyang sofa ang bago at malinis na dress na sinasabi niya kanina. Pinasadahan ng tingin ni Camila ang dress na nasa ibabaw ng malaking sofa, at nadiskubre niyang ito ay isa sa mga dress na siya mismo ang nag-design."It
Nang pumasok ang dalawang babae sa hall ay saktong magsisimula na rin ang sayawan.Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Leila ang kaibigan na magtamad tamaran at agad na itong hinila patungo sa dancefloor kung saan nandoon na rin ang maraming tao na masayang sinasabayan ang tunog ng musika.Habang binabago ang disenyo ng dress ni Dominique kanina, ang mga balahibong disenyo sa skirt ni Camila ay halos natanggal lahat ni Leila, na siyang dahilan para makita ang masalimuot na itim na patterns sa ilalim nito, na mas lalong nagpa misteriyoso sa hitsura ng babae.She was originally beautiful and had a curvy figure, especially her thin and boneless waist, which no one could match.Nang makatapak na sa dancefloor, nakuha agad nito ang atensyon ng halos lahat ng taong nandoon."Hi, Miss, may I have this dance?" Isang lalaki na may western accent ang masuyong lumapit kay Camila, at magalang itong inayang sumayaw."Uh... I'm sorry, but no," tanggi naman nito agad, ngunit nang masulyapan ang ma
Sobrang nakakaakit ang alok ni Kenneth. Subalit hindi mapigilan ni Camila ang sariling natural na mag-alangan sa lalaki.Siguro dahil iniisip niya na matalik na kaibigan ng lalaki si Juancho, na pakiramdam niya palagi ay nasa iisang bangka lamang ang dalawa.Bahagyang inihilig ni Camila ang kaniyang ulo sa gilid at malalim na tiningnan si Kenneth, "Juancho and I are getting divorced, alam mo ba 'yon?"Halatang natigilan si Kenneth nang ilang sandali, pagkatapos ay kalmadong ibinuka ang mga kamay sa magkabilang gilid, "Well, napag-alaman ko ang tungkol diyan nito lang mga nakaraang araw. Pero 'wag kang mag-alala, lagi naman akong propesyonal pagdating sa pambubliko at pribadong mga usapin, at hindi ko dadalhin ang tungkol sa mga bagay na 'to sa trabaho. Hindi lang din naman ako ang mag-isang nagdesisyon sa pag-imbita kay Miss Sunshine, desisyon ito ng buong design team. Iyon nga lang sa nabalitaan ko na... kamamatay lang ng asawa niya. Ayoko naman na bigla na lang siyang abalahin ng te
Ngumiti si Doctor Castañeda pagkatapos niyang makuhanan ng pulso si Camila at binalingan si Lola Zonya."It seems there’s nothing wrong with her body, Ma'am. Have you been to the hospital for a checkup?" magalang niyang tanong.Tumango si Lola Zonya at sinenyasan niya si Camila na magkuwento.Ngunit tila nasa ibang bagay ang laman ng isipan ni Camila, kinailangan pa siyang sikuhin ng matandang babae upang bumalik ito sa realidad."Ilang beses na po akong nagpatingin sa doktor at nagpa-inject na rin pero hindi gumana," sagot niya sa malumanay na boses."I see. Kung ganoon ay dapat mong subukan ang acupuncture. Reresetahan din kita ng ilang mga gamot para ma-regulate ang iyong katawan," mungkahi ni Dr. Castañeda sa mahinahong kilos."Ganito lang ba talaga ito ka simple, doc?" Ang tono ni Lola Zonya ay tinatraydor ang kaniyang pag-aalinlangan.Pinanatili ni Dr. Castañeda ang kaniyang mahinahon na ekspresyon. "I’ve reviewed the medical records you provided, Ma'am. There doesn’t appear to
Nag-init ang buong mukha ni Camila, pati rin ang kaniyang tainga ay sobrang pula na."Kung ayaw mong isuot, lumabas ka na lang na nakahubad..." sabi niya habang sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili.Lalabas na sana siya sa kuwarto nang bigla na lamang hinawakan ni Juancho ang kaniyang palapulsuhan at hinila palapit sa kanya.At dahil dito ay na out of balance si Camila, sa huli'y bumagsak siya sa mga bisig ni Juancho.Sa sobrang pagkataranta niya, hindi sinasadyang dumapo ang kaniyang kamay sa isang parte ng katawan ng lalaki na hindi niya dapat mahawakan.Mas lalong nag-init ang mukha ni Camila, ang kaniyang puso ay parang sasabog na. Kaagad niyang binawi ang kaniyang kamay na para bang napaso siya."A-anong ginagawa mo?! Tanghaling tapat, Juancho... Magbihis ka na n-nga!""You remember my size quite well," Juancho said as he lowered his eyes, staring at her.He was already in a terrible mood, but when he saw Camila preparing clothes for him at her place, his mood had su
Kahit na gaano pa kalakas ang mga kamay ni Juancho ay hindi pa rin niya magawang mahawakan ng maayos ang kaserola. At dahil sa ginawa ni Camila na pagbuhos ng tubig na may kasama pang bigas, mas lalo pa tuloy bumigat ang laman ng kaserola kaya mas lalo ring nahirapan si Juancho na kontrolin ang paghawak dito. Hanggang sa nabitawan niya ito nang tuluyan. Ang tubig, bigas, mga tulya at mga gulay ay tumapon sa gas stove.Namatay ang apoy, ngunit ang shirt, suit pants at ang mamahaling leather shoes ni Juancho ay namantsahan na rin ng tubig na may halong bagoong at mantika.Ang ibang mga sahog na tulya at ibang mga gulay ay gumulong sa counter at ang iba'y gumulong pagbagsak sa sahig, na siyang gumawa ng malakas na ingay sa buong paligid.Si Camila naman na hawak-hawak pa rin ang kaldero ay hinaplos ang batok at umatras, mayroong pinaghalo-halong inosente, kaba at takot na nakabakas sa kaniyang magandang mukha. Subalit sa mga sandaling iyon ay gustong-gusto na siyang lapitan ni Juancho pa
Pakiramdam ni Camila, hindi na siya kailangan.Samantala, lumawak ang ngiti ni Lola Celestina dahil sa nakikita niyang maayos na pagsasama ng dalawang mas batang magkasintahan. Sobrang nasisiyahan siya na makita ang apo na hindi pinahihirapan ng kaniyang asawa. Nakaramdam siya ng ginhawa."Sobrang busy ninyong dalawa. Tumatanda na rin kayong pareho. Kailan niyo ba balak na magkaroon ng anak?" biglang tanong ng matandang babae. Tiningnan niya pareho sina Juancho at Camila habang sila'y kumakain.Bahagyang natigilan si Camila. Alam niya kasi na hindi gusto ni Juancho na pini-pressure siya ng mga matatanda patungkol sa pagkakaroon nila ng anak at nag-aalala siya na baka ma-misunderstand nito ang sinabi ng kaniyang lola kaya't mabilis siyang tumugon sa matanda, "Pinag-iisipan ko pa po ang tungkol sa bagay na ito, Lola. Maaari pong hindi ganoon kaganda ang lagay ng kalusugan ko ngayon kaya hindi pa rin ako nabubuntis. Huwag po kayong mag-alala gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."Walang s
"Sagutin mo," turan ni Juancho sa mababang boses.Bumuntonghininga siya pagkatapos magsalita. Ang kaniyang bawat paghinga ay medyo mabibigat, halatang iritado sa kung sinuman ang bigla-bigla na lang tumatawag sa oras na 'yon.Kaagad na kinuha ni Camila ang telepono na nasa ibabaw ng kaniyang tiyan at nang makita niyang pangalan ni Dominique ang nasa screen ay nag-alinlangan siya nang ilang sandali bago nagsalita, "Si Dominique ang tumatawag," malamig niyang sinambit.Mabilis na iminulat ni Juancho ang kaniyang mga mata at agad na kinuha mula sa kamay ni Camila ang telepono."Dom, bakit? May problema ba?" tanong niya pagkatapos pindutin ang answer button."Ang lakas ng ulan, Juancho. Kumukulog at kumikidlat pa. Sobrang natatakot ako..."Ang boses ni Dominique na humahagulgol sa iyak at tunog kaawa-awa ang bumungad mula sa kabilang linya.Sinulyapan ni Camila si Juancho."Wala ako sa hotel ngayon," sagot ni Juancho sa mababang boses. Kumpara kanina ay mukhang hindi na siya naiinip ngayo
Sa unang pagkakataon ay nagkumahog si Camila na tumakbo patungo sa kuwarto ni Juancho nang walang pakialam sa kahit anuman.Pagkarating niya sa kuwarto nito ay kaagad niyang binuksan ang pinto at pumasok. Ang kaniyang mga mata ay puno ng mga nagbabadyang luha.Nakuha niya agad ang atensyon ni Juancho, na kanina pa hindi natutuwa dahil sa problema tungkol kay Justin.Ngunit bago pa man makapagsalita si Camila ay malamig na siyang tinuya ni Juancho, "Sobrang natakot ka ba na paaalisin ko ang lalaking modelo mo, kaya't nagpunta ka rito at umiiyak sa'kin ngayon?""Si Lola Celestina, nahulog siya! Gusto ko lang humingi ng emergency leave para makauwi ako sa amin at makita ang kalagayan niya ngayon."Inignora ni Camila ang panunuya ng lalaki dahil ayaw na niyang makipagtalo pa. Ang tanging inaalala niya ngayon ay ang kondisyon ng kaniyang lola.Mabilis na naglaho ang sarkastikong ekspresyon sa mukha ni Juancho at kaagad siyang tumayo."Mauna ka na sa labas, susunod din ako," aniya sa seryos
"Magmula ba noong tinulungan ka niyang makakuha ng gamot na gusto mo hanggang sa ibibigay mo na sa akin ang gamot, nahiwalay na ba sa katawan mo ang cellphone mo?"Magsasalita pa lang sana si Kenneth nang maunahan siya ni Camila.Tahimik na nag-isip si Justin."Noong panahong sinusukatan ako ni Miss Helena, binigyan niya ako ng isang baso ng tubig. Pagkatapos kong inumin iyon, nakipagkuwentuhan siya sa akin hanggang sa makatulog ako nang ilang minuto..." biglang sinabi ni Justin pagkaraan ng ilang sandali.Pinasadahan ng dila ni Kenneth ang kaniyang labi bago nagsalita nang malalim. "Sino bang may alam kung ano talaga ang ginagawa mo sa loob ng kuwarto? Paniguradong hindi aaminin ng iyong designer na ginamit niya ang cellphone mo upang mag-send ng message para i-frame up ka pagkatapos mong mainom ang tubig na inalok niya."Huminto muna siya sandali sa pananalita bago muling nagtanong, "Pero ano nga bang benepisyo ang makukuha ni Helena sa pag-frame up sa'yo? Wala naman 'di ba?"Nag-ta
Tumango-tango si Leila."Tama ka, dapat nga siyang protektahan. Tutal mas better naman siya kaysa sa walang kwenta mong asawa, na saka lang magaling kapag nakikipag-sex sa'yo!" nababanas na turan niya.Muling uminit ang mga pisngi ni Camila dahil sa huling sinabi ng kaniyang kaibigan."Huwag na nga natin pag-usapan 'yan. Hindi pa naman ako sobrang inaantok kaya magbuburda na lang muna ako ng ilang kasuotan.""Sige, kung 'yan ang sabi mo," sagot ni Leila.Samantala, sa halip na bumalik si Kenneth sa sarili niyang kuwarto ay sa kuwarto siya ni Juancho nagtungo."Can't the problem be solved?" tanong ni Juancho sa malamig na tono habang umuupo siya sa harap ng mesa.Naglakad si Kenneth patungo sa harapan niya at padarag na ibinagsak ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Kadalasan ay hindi siya makikitang seryoso, ngunit sa unang pagkakataon ay naging seryoso siya."Katatapos lang namin mag-usap ng asawa mo at nakipagkasundo na ako sa kanya. Ayon kasi sa kanya, sa tingin niya'y wala namang inte
Umupo nang maayos si Justin sa sofa, na parang nagi-guilty."Mr. Fortaleza, nagtanong po ako sa team, kaso ang sabi nila naubos na raw 'yong uri ng gamot na nais kong ibigay kay Miss Villarazon. Nasubukan ko na kasi ang gamot na iyon noong nagka-injury ako sa paa at sobrang epektibo. Kaya nang nalaman ko po na wala rito sa loob ang gamot na iyon ay nagpabili na ako sa labas."Kinuha ni Leila ang gamot na sinasabi ni Justin na nasa ibabaw ng mesa at nag-search ng tungkol dito sa kaniyang telepono. Natuklasan niyang napaka mahal nito at mabibili lamang sa mga malalaking parmasya sa siyudad."Halika rito, Camila, subukan natin itong i-apply sa paa mo," sabi ni Leila habang nilalapag ang telepono sa mesa at tumingin kay Camila.Tinapunan muna ng tingin ni Camila si Justin bago siya dahan-dahang naglakad patungo sa sofa at umupo sa tabi ng lalaki."Justin, kung gusto mo pa talagang manatili sa programa na ito ay kailangan mong magsabi ng katotohanan, dahil kung hindi at lumabas sa imbestig