Share

Kabanata 4: Sunshine

7.18 Million.

Ang presyong sinambit ni Camila ay maari na ring ikumpara sa presyo ng gawa ng mga international designers. Totoong mas mataas ang binigay nitong presyo kumpara sa totoong halaga ng wedding dress, ngunit pagdating sa disenyo nito ay talaga namang nakakasabay din ito sa mga may malaking pangalan sa larangang iyon.

Tatlong taon na ang trahe de bodang ito mula nang mabuo subalit walang kupas pa rin ang ganda at tingkad nito.

"It's okay, Dom, If you really like it, we will get that one for you." Tinapunan ng tingin ni Juancho si Camila. Walang emosyong mababakas sa mukha nito. Ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa. Ilang sandali pa ay kaswal nitong inabot ang credit card kay Camila, "That has no password, just swipe it."

"Oh my God! Thank you very much, my love! Mahal na mahal kita!" Masayang niyakap ni Dominique ang lalaki. Ang mga braso nito'y agad na pumulupot sa leeg ng lalaki at mas hinigpitan pa ang pagkakalingkis nito.

1.     Ibinaling ni Camila ang tingin sa iba. Hindi nito maipaliwanag ang nararamdamang sakit sa dibdib, tila ba ay parang may matinding pumipiga rito.

Sigurado, ang pitong milyon ay barya lamang para kay Juancho. Basta para kay Dominique handa nitong ibigay ang lahat nang walang pag-aalinlangan.

Tumango si Camila. Binigay nito ang kard sa kaniyang tauhan upang tuluyan nang makuha ang tamang kabayaran.

Balisa ang babaeng tauhan, hindi nito tinananggap ang kard na inaabot sa kanya ni Camila. Ang tingin ay pabalik-balik sa kard at sa kaniyang amo. Naglalaro ang mga tanong sa kaniyang isipan.

Sa tagal nang naninirahan dito sa shop na ito ang trahe de boda na iyon, paanong ngayon ay may bibili na rito?

Personal itong ginawa ni Camila Villarazon para sa sarili niya!

Kasinungalingan kung sasabihin ni Camila na hindi siya nag-atubiling ibigay ito. Ngunit dahil maghihiwalay na rin naman sila ni Juancho at wala nang kasalang magaganap, ano pa bang silbi kung pananatilihin pa nito ito sa kanya?

Humalakhak si Camila, "Ano ba ang palaging sinasabi ni Miss Leila Lopez? Not doing a business is such a foolish move, right?" aniya.

Kung tutuusin ay maliit na konsolasyon lamang ang hinhingi nitong halaga mula kay Juancho. At puwede pa nitong ilaan ang perang makukuha para sa negosyo.

Nag-aatubili pa rin ang assistant na tinanggap ang card at sa huli ay tuluyan na rin nitong sw-in-ipe.

Lumakad si Camila upang kuhanin ang wedding dress sa babasaging kabinet sa itaas gamit ang hagdanan kung saan ito maayos na nakalagay.

Bago pumasok sa silid kung saan sinusukat ang mga damit si Dominique ay tinuro nito si Camila. "Hey! Pumasok ka rito at tulungan mo akong isuot ito. At huwag ka nang magsama pa ng iba."

Hindi namalayan ni Camila na napasulyap na pala siya kay Juancho.

Hinahayaan niya ang asawang hindi pa niya tuluyang nahihiwalayan na tulungan ang kaniyang kasalukuyang kasintahan?

Ano ba itong malaking katangahang ginagawa ni Juancho?

"Thank you for the trouble."

Naputol ang mga iniisip ni Camila nang marinig ang nakakalokong boses ng lalaki.

Juancho is standing under the spotlight. Ang mga kamay nito ay bahagyang nakatago sa kaniyang mga bulsa. Kalahati ng katawan nito ay naiilawan at ang kalahati naman ay nanatili sa dilim na mas lalong nagpatangkad sa kaniya. Ang pagiging matikas nito ay ms lalong nagbigay ng tingkad sa kaniyang pagiging marangal. Juancho has this cool detachment that made him seem unapproachable.

"What trouble are you talking about? There's no trouble at all. Parte lamang ito ng trabaho ko." Camila sneered and smiled meaningfully.

Ang tulungan ang babae sa pagsuot ng wedding dress ay parte ng kaniyang trabaho. Ang ipasa ang posisyon niya bilang asawa ay ibang usapan na.

Tinitigan ni Juancho ang babae gamit ang malamig na tingin. Tila ba nagbibigay babala kay Camila na huwag gumawa ng kahit na anong kalokohan.

Hawak ang wedding dress ay Itinuro nito ang silid kung saan pumasok si Dominique.

"Huwag kang mag-alala aalagaan kong mabuti ang asawa mo," aniya sabay ngiti nito ng propesyonal kahit sa loob nito’y gusto niyang masuka.

***

Malawak ang fitting room sa shop, kaya nitong i-accomodate ang higit pa sa dalawang tao kaya sobra pa sa sapat ang espasyong mayro'n para sa kanilangdalawa ng babae.

Without changing any expression in her beautiful face, Camila went inside the fitting room where Dominique was waiting.

Ang laki ng damit ay isinunod ayon sa sukat ng katawan ni Camila. Kahit pa maganda rin ang body figure ay nahirapan pa rin si Dominique na ipagkasya ito sa kaniyang katawan, lalo na sa bandang baywang. Kahit anong higop nito sa kaniyang hininga ay sadyang hindi pa rin maiangat ni Camila ang zipper sa likod.

Ilang ulit pang sumubok ang dalawa ngunit bigo pa rin. Pinagpapawisan na rin ng bahagya ang mga ito.

Nang mapagtanto ni Camila na wala na itong pag-asa ay kumuha siya ng gunting. Sa likod ni Dominique ay yumuko ito, ang isang tuhod ay bahagyang iniluhod sa sahig.

Tinaggal ni Camila ang ilang mga lock edges sa bandang baywang at sinusubukan pa ring iangat ang zipper nito.

Habang nasa ganooong posisyon ay biglang nakaramdam si Camila ng pagka-ilang sa pagitan nilang dalawa.

"Papapalitan na lang ang sukat nito mamaya."

Pinanuod ni Dominique ang kaniyang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Para sa kanya ay lalong lumabas ang ganda ng wedding dress na ito ngayong nakasuot sa kanya kumpara kaninang nasa display cahinet pa niya lamang ito. Dahil dito ay nagmukha siya lalong maganda at kaakit-akit.

Tinapunan ng tingin ng babae si Camila na abala pa rin sa ginagawa.

"Matagal na kayong magkakilala ng asawa ko?"

Napatigil si Camila, tumayo ito, nag-angat ng kilay at tamad na sumagot, "Hindi, gaya nga ng sinabi niya kanina, nagkamali lang siya."

Tiningnan muli ni Dominique si Camila sa salamin at huminga ng maluwag. "Kung sa bagay...oo nga naman. Masyadong abala ang asawa ko araw-araw. Paano naman siya magkakaroon ng oras na kilalanin pa ang isang katulad mo na tauhan lamang sa shop na ito?"

Tipid na lamang na ngumiti si Camila.

"Mahirap magtrabaho sa ganito 'no? Comission system?" dagdag pa nito.

Isinaayos muna ni Camila ang sinturon nito bago kaswal na sumagot, "Ayos lang naman, hindi ako kumukuha ng komisyon."

"Oh, wow. You are the store manager then?" Kumislap ang mga mata ni Dominique.

Ilang sandaling nag-isip si Camila. "You can say that," anito.

Sa loob at labas ng V&L House of Fashion ay parehong namamahala si Camila at Leila kaya tama lamang na sabihing store manager siya rito.

Sandali lamang ay yumuko si Dominique at may kinuha mula sa loob ng kaniyang bag. Inilahad nito ang kaniyang business card kay Camila at mapang-akit nitong sinabi na, "Gustong-gusto talaga ng asawa ko ang mga disenyo ni Sunshine. Ang totoo niyan plano niya nga na bigyan ako ng long-term subscription. Pero gusto ko talagang magkaroon ng isang damit na para sa akin lang at si Sunshine mismo ang gagawa. Kung posible, matutulungan mo ba akong makausap siya? Presidente ang asawa ko sa Buenvenenidez Corporation kaya walang problema sa pera, at alam mo marami pa akong puwedeng ipakilala sa'yo na maari niyong maging kliyente."

Gustong-gusto ni Juancho ang kaniyang mga disenyo?

Biglang gusto na lamang bumunghalit sa tawa ni Camila nang mapagtanto kung gaano sobrang nakakatawang malaman ang impormasyong iyon.

Kung alam lang ni Juancho, ang designer na gusto niyang ipahanap para kay Dominique ay walang iba kundi ang babaeng tatlong taon niyang nakasama, na ngayon ay ex-wife niya na.

"May kakayahan naman pala ang asawa mo, hindi ba dapat siya ang gumawa ng paraan para makausap si Sunshine? Imbes na ako, bakit kaya hindi na lang kayo ang humanap sa kanya?" sabi nito sa sobrang lamig na boses. Tiningnan lamang ni Camila ang business card ng huli at hindi ito tinanggap.

Ang matamis na ngiti ni Dominique ay mabilis napalitan ng matinding galit. Hindi nito inasahan ang pagtanggi ni Camila. Padabog na binalik nito ang kard sa loob ng bag pagkatapos ay sarkastikong nagsalita.

"Oo nga pala, nakalimutan ko na ang isang mababang uri ng taong katulad mo ay walang kakayahang makalapit man lang sa napakagaling na designer na katulad ni Sunshine."

Tinulak nito si Camila pagkatapos magsalita at padabog na lumabas sa fitting room.

Nang makalabas ay nakasalubong nito si Juancho na saktong papunta na rin sana sa fitting room. Agad na umastang parang kinawawang kuneho at parang batang nagsumbong.

"Puwede bang maghanap na lang tayo ng iba, Juancho? Sobrang sama ng ugali ng babaeng 'yon!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status