Share

Kabanata 2: Million

Determinadong ipinukol ni Camila ang mga mata kay Juancho at gamit ang malamig na boses ay binitawan niya ang limang salitang iyon.

Saktong pagkatapos magsalita ni Camila ay parehong naagaw ang atensyon nilang dalawa sa biglaang pag-iingay ng telepono ng lalaki.

Hinugot ni Juancho mula sa bulsa ang kaniyang telepono. Kumunot ang noo nito nang masulyapan kung sino ang tumatawag.

"What's the problem?" aniya pagkatapos sagutin ang tawag.

Hindi naririnig ni Camila kung ano ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya ngunit kung ano man iyon ay mas pinadilim lang nito ang ekspresyong nakapaloob sa mukha ng lalaki.

"Pupunta na agad ako ngayon," dagdag pa nito sa malalim na boses.

Naglakad si Juancho patungo sa pintuan at agad na nilisan ang kanilang silid. Hindi man lamang nito muling tinapunan ng tingin si Camila.

Napairap na lamang ito sa kawalan at wala ng sinabi pa.

Napagdesisyunan niyang huwag nang matulog pa at mukhang hindi na rin naman siya dadalawin ng antok.

Tumayo ito, nag-impake ng mga damit at gumawa ng divorce agreement. Sa taas ng kanyang pangalan ay inilagay niya ang kaniyang lagda at pagkatapos ay inilagay ito sa ibabaw ng coffee table sa kanilang living room. Inilapag din nito ang ilang mga credit cards na galing kay Juanho.

"Seryoso? Iyan lang ang dadalhin mo!?"

Naka-ekis ang mahahabang hita ni Leila habang kaswal na nakahilig sa harap ng kaniyang sasakyan at ito agad ang bungad niya sa kaibigan nang makita ito. Tinutukoy nito ang isang maleta na tanging dala ni Camila nang makalabas sa gusali kung nasaan ang condo unit ni Juancho.

"Hayaan mo na. Those are just external things, hindi importante. Ang mahalaga ngayon ay sa wakas ay malaya na ako, ‘di ba?" kaswal nitong winika.

Tinulungan ni Leila ang kaibigan sa paglalagay ng maleta sa trunk ng sasakyan. Sumakay ito sa passenger seat.

"Eto ha, seryosong tanong. Sigurado ka na ba talaga? Makikipag-divorve ka talaga sa asawa mo?" Bakas sa tono ng boses ni Leila na hindi pa rin ito makapaniwala.

Tamad na umismid si Camila sa tinuran ng kaibigan. "Tigilan mo na nga 'yang kung anong nasa isip mo, Lei. Walang kwenta ang love-love na 'yan. Mabuti pa mamundok ka na lang at magtanim at mag-ani ng gulay."

Napangiwi si Leila sa tinuran ni Camila at hindi na muling nagtanong pa. Pinaandar na lang nito ang sasakyan at tumulak na paalis saka ito muling nagmura.

"Juancho Buenvenidez is so damn rich! Will it hurt his pocket if he'd give you a few hundred million in property?!"

Camila pursed her lips in disdain, "His riches are all pre-marital property, I dare not to covet it."

Hindi naman talaga madamot pagdating sa pera si Juancho, sa katunayan ay mapagbigay pa nga ito.

At kung idadaan sa legal na paraan ang usapan at totoo ngang nahati sa kanilang dalawa ang mga ari-arian nito, malamang ay hindi lamang ilang daang milyon ang maaari niyang makuha mula rito.

Subalit hindi naman pera o ari-arian o kung ano pa mang materyal na bagay ang nais matanggap ni Camila mula kay Juancho sa simula pa lang.

Naramdaman ni Camila na parang tinutusok ng karayom ang kaniyang puso dahil sa biglaang pagkirot nito na agad din naman niyang winaksi kalaunan.

"You know what? Tama na rin pala na makipag-hiwalay ka na sa asawa mo, Camila," pag-iiba ni Leila sa paksa ng kanilang usapan nang mapansin nitong wala ng balak pang magsalita si Camila tungkol sa huling usapin.

"Sumasakit na ang katawan ko sa dami ng trabaho sa studio, halos mabali na nga ang balakang ko sa sobrang dami ng proyektong nakatambak. Tama lang na bumalik ka na at palaging ako na lang ang namamahala sa studio. Kaonti na lang talaga iisipin na ng mga tao na ako lang mag-isa ang nagmamay-ari sa shop nating dalawa!" eksaheradang wika ni Leila.

Nang makapag tapos sa kolehiyo ang magkaibigan ay nagbukas silang dalawa ng kanilang fashion design studio. Pinangalanan nila itong V&L House of Fashion.

Ang V&L ay nagmula sa initials ng kanilang mga apelyido, Villrazon kay Camila at Lopez naman kay Leila.

Kaya naman naging lubhang matagumpay ang negosyo nilang ito nang dahil na rin ang isa sa kanila ay matalino sa paghawak ng negosyo at ang isa naman ay mahusay sa pagdi-disenyo.

Gayunpaman, kahit nasa r***k na ng tagumpay sa kaniyang karera, mas pinili pa ring pakasalan ni Camila si Juancho at maging maybahay nito.

Noon pa man, ang V&L House of Fashion ay pinamamahalaan na ni Leila nang mag-isa. Samantalang si Camila naman ang nagtratrabaho sa likod nito. Ito naman ang punong-abala sa pagguhit ng mga disenyo.

Leila is devoted to what she was doing, and with her oustanding ability in handling a business, it only took her a few years to transform V&L House of Fashion into a high-end private clothing design studio.

Bilang natatanging designer at half owner ng shop ay naging matunog ang pangalan niya bilang ang ace designer ni Leila Lopez na si "Sunshine". Sobrang sikat niya lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad na may malaking pangalan at may matataas na antas na pamumuhay sa lipunan.

Halos wala ng natira sa kaniya matapos niyang makipag-divorce kay Juancho.

Sa katotohanang ito, ang nais na lamang i-konsidera ni Camila ay kung paano siya mabubuhay. Unang naisip nito ay ang bumalik na lamang sa kanilang shop. Nang maalala niya ang sinabi ng kaibigan kanina tungkol sa tambak na proyekto ay hindi na niya napigilang tingnan ito ng seryoso.

"Hindi ba at marami naman akong iniwang designs sa'yo dati? Bakit marami pa ring tambak na orders?"

Biglang sumakit ang ulo ni Leila nang maisip ang problema sa mga ito. Napahilot ito bigla sa kaniyang sentido, "Alam mo na girl, sobrang hirap i-please ang mga mayayaman, dalaga man o may mga asawa na. Dinaig pa ang first lady ng bansa! Hindi puwedeng pareho ng kulay o estilo, kaya naman talagang isang piraso lang ang magagawa kada isang design. Iyong mga designs na iniwan mo sa akin dati ay sapat lamang para mapunan lahat 'yong huli nating tinanggap na appoinents," mahaba nitong paliwanag.

"Anyway, I was a little greedy, so I took a few more appointments..." sambit ni Leila. Ang dulo ng kaniyang hinlalaki at hintuturo ay bahagyang ipinagdidikit habang pinapakita ito kay Camila. "Just a little bit..."

"How much is a little?" tanong ni Camila sa nag-aalalang boses.

"Uh...66 orders lang naman," sabay tawa nito.

"Dresses," dagdag pa nito gamit ang tila mas huminang boses makalipas ang ilang segundo.

Malalim na bumuntonghininga si Camila. Kanina lang ay iniisip nito kung saan siya maaaring manirahan, pero ngayon mas mabuti pa ngang sa shop na lamang muna tumuloy.

Makakapag pahinga pa nga ba kaya siya nang maayos hanggang sa katapusan ng taon? Nag-aalala ito para sa sarili.

Sa animnapu't anim na disenyo, isang piraso kada isang araw sa loob ng dalawang buwan. Kailangan din nitong paghambingin ang mga detalyadong materyales sa bawat isa.

isinandal ni Camila ang likod sa upuan ng sasakyan. Kasabay nito ay napagtanto niyang sa loob ng ilang taon habang siya ay nakatali sa kasal, bukod sa pagguhit at paggawa ng kaunting mga disenyo ay wala na siyang iba pang naging ambag sa binuo nilang negosyo ng kaibigan.

Sinulyapan ni Camila ang kaibigan at nginitian ito ng totoo, "Leila, you have worked hard in the past few years," aniya.

Nanliit ang mga mata ni Leila sa kanya, "Hoy, ano ka?! Pag-uusapan talaga natin 'yan?" tawa nito. "At saka anong sinasabi mong worked hard? E, kung tutuusin kung wala ang mga ginuguhit mo ay wala rin namang silbi ang pagpupursigi ko." Mas lumawak pa lalo ang ngiti ni Camila.

"Hay nako! Huwag nga 'yan ang pag-usapan natin. Alam mo, Camila, balang araw magsasanib pwersa tayo para maghanap ng kapalit doon sa mukhang bangkay na Juancho na 'yon! Akala mo naman kung sinong guwapo. Marami naman diyang mas guwapo at mas bata pa, lalo na sa showbiz industry. Hindi lang guwapo, may silbi pa!"

Sa nabanggit na pangalan ay mas lalong nanggigil si Leila. "Sooner or later, sinasabi ko sa'yo, Camila, sisiguraduhin kong luluhod ang tarantadong lalaking 'yon at magmamakaawa siya sa'yo na balikan mo siya!" Sa kabila ng galit na boses ay halata ring seryoso ang kaibigan sa kaniyang tinuran.

Humalakhak ng malakas si Camila, the only genuine laugh she had since yesterday.

Upon hearing the name, Juancho's face lingered in her mind again.

Bukod sa marahas nitong ugali, wala ng mapupuna pa sa kanya.

Alam ni Camila sa kaniyang puso na si Dominique lamang ang tanging laman ng puso at isip ni Juancho at nag-iisa sa kaniyang mga mata. At alam niyang isa lamang siyang pagkakamali, isang hadlang na inaasam nito na tuluyan nang maitaboy.

Beg for her to go back?

Imposible!

"Can you hope for me?" Sinulyapan ni Camila ang kaibigan.

Ayaw na ni Camila pa na mag krus ang landas nila ni Juancho.

V&L House of Fashion was located around Bonifacio Global City in Taguig City.

The studio has expanded from a storefront at the beginning to a row of connected shops, with more than 400 square meters inside. Camila and Leila has hired seven or eight assistants to work for them.

Nang maihatid ni Leila ang kaibigan sa V&L House of Fashion ay nagmamadali na agad itong makaalis para sa pupuntahang business trip.

"Bago ko pa nga pala makalimutan, baka sa susunod na mga araw ay may darating tayong bisita. Gusto nila ng long-term contract sa V&L House of Fashion para gumawa ng mga damit para sa kanilang mga  artists. Ang totoo niyan ay matagal na silang may appointment sa atin. Mabuti na rin at nandito ka na, I can finally work at ease," tiyak na bilin nito kay Camila.

"Ako na ang bahala sa mga ito simula ngayon, Lei, 'wag kang mag-alala."

Mayroong special lounge na matatagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang estudyo. Doon naisip ni Camila na pansamantala munang manirahan. She went to the room and started moving her things out of her luggage. Nang makuha na nito mula sa kaniyang assistant ang mga impormasyon tungkol sa mga dapat na gawin ay agad din itong nahila ng tuluyan ng pagtratrabaho.

Mukhang maganda na rin ito para kay Camila upang pansamantalang malimutan ang tungkol sa divorce kahit sa sandaling panahon lamang.

Sa loob ng tatlong araw, ginugol lamang ni Camila ang lahat ng oras niya sa mga disenyong ginagawa. Buong araw itong gumuguhit, sa umaga man o gabi. At dahil dito ay natapos na niya ang mga disenyong kailangang magawa sa lalong madaling panahon. Nakapag padala na rin ito para sa proofing ng kaniyang mga designs.

Katok mula sa pinto ang kumuha ng atensyon ni Camila nang sana'y hihiga na ito sa kaniyang kama dahil sa wakas ay natapos na rin ang kaniyang trabaho.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at sumilip dito ang kaniyang assistant.

"Miss Villarazon, pasensya na po sa abala. Mayroon kasing kliyente sa baba at hindi po namin sila kayang kausapin nang kami lang."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status