Sino siya? Will, siya lang naman ang lalaking nagpabaliw sa akin ng ganito. Kilala nila ako bilang isang inosenteng babae and that's true. Ayaw kong makarinig ng mga malalaswang bagay galing sa kahit sino.. kahit sa best friend ko na kilalang playgirl. Pero noong nakilala ko siya, doon ko natutunan lahat ang natutunan ng best friend ko. Halos lahat ng bagay binigyan ko ng meaning. Naging dirty minded ako dahil sa kanya. Pero iyun ang gusto ko, iyung ang ginusto ko, doon ko siya nakilala so bakit ako mag pabebe? Mahal ko siya at hindi ako mag rereklamo kong ano man ang nagawa niya sa akin. Masaya ako dahil sa kanya ko natutunan lahat. I don't care what they say. I don't care if magagalit ang best friend ko. Pero hindi siya nagalit sa akin kundi sa lalaking mahal ko. Super protective and that's fine with me. Until everyone's know. I'm a model and he's a billionaire. They say, hindi ako nababagay sa kanya. They say, hihilain ko lang siya pababa. Hindi ako kagaya ng best friend ko na palaban. I'm sensitive so after hearing those words from his supporters, it's hurt a lot and I left him. Yes, I left him for my peace of mind. I don't deserve him. Ang bilis ko lang siyang iwan. Deserve niya ang babaeng hindi siya iiwan para sa sarili niya, gaya ng ginawa ko. But can I stay? Why? Cause I love him.
View MoreGinawa nila iyun dahil sa akin dahil inisip nilang masyado akong pa importante, kami ni Layviel pero dahil ako ang nasa harap dati, sa akin napunta ang isulto nila at hindi rin nila magawang insultohin si Layviel kasi simula palang magaling na siya kahit noong baguhan palang siya.Nakatingin parin kami sa model na parang iiyak na kaya hindi na talaga maayos ang kanyang naging pose."Naranasan naman iyan ng mga model kapag nagsimula palang," sabi ni ate. Nakikinig lang ako sa kanila."Depende na sa kanila kung magpatuloy ba sila o hindi na," seryosong sabi ng kausap ni ate.Kung dati hindi pinalakas ni Layviel ang loob ko, kung sinusukuan niya ako o si ate, wala ako ngayon dito. Nasaktan ako sa mga insulto nila sa akin, nasaktan ako kaya inisip ko na hindi na ako babalik."Si Vanessa naranasan na rin iyan, mag malala nga yung sa kanya," sabi ni ate at sumulyap sa akin. Tumingin din sa akin ang kausap niya."Paanong malala?" takang tanong niya at bumaling kay ate."Pinagalitan na may ka
Ngayon kaming tatlo na ang nakatingin sa model na napagalitan ulit."Kanina pa iyan ha?" takang sabi ni ate at tumingin sa mga staff."Baguhan iyan, kanina ko pa siya hinintay matapos," sabi ng bading. Pareho kaming tumingin sa kanya."Bakit?" tanong ni ate."Kanina pa iyan napagalitan, kaya kakausapin ko. For sure iiyak iyan pag-alis niya iyan sa gitna at baka maisipan pang huminto," seryosong sabi niya.Napatingin naman ako sa bagong model at naalala noong panahon na nag sisimula rin ako.FLASHBACKOne week na akong pumasok kung saan nag momodel si Layviel pero hindi parin ako sanay sa harap ng camera pero wala silang sinabi sa akin kahit natagalan kami. Ngayon hindi nakapasok si Layviel dahil naka lagnat siya. Pumunta rin yun sa bar kagabi kaya siguro ang kahapon na masama ang pakiramdam naging lagnat na ngayon."NEXT!" sigaw ng isang staff pagkatapos ng isang model. Papalit na iyun ng damit, sobrang bilis niya lang natapos at ngayon ako na ang haharap doon.Wala si ate ngayon dahi
Sobrang pula ang mukha ko ng lumabas ako sa dressing room dahil sa pang-aasar nilang dalawa sa akin, hindi ko na ata kailangan ng blush on."You look so beautiful and sexy Vanessa," sabi ng isang bading na make up artist ata sa ibang model pero kilala ako at syempre kilala ko rin siya dahil kay ate.Tiningnan niya pa ang kabuohan ko. Ngumiti ako sa kanya."Thank you, you're beautiful too," nakangiting sabi ko. Maganda naman talaga siya, hindi halatang bading, lara siyang babae."Parang blooming ka ngayon ha," nakangiting sabi niya halatang nang-asar. Argh, alam pala nila ang tungkol kay Ivan. Ito kasing Ivan walang bukang bibig kundi ako kapag pumunta rito."Sa make up lang," nahihiyang sabi ko. Tagal naman matapos yung naunang model. Feeling kong baguhan lang kaya nakita kong hindi pa siya comfortable sa harap ng camera at palaging pinapagalitan kaya natagalan. Ganitong oras dapat ako na yung nandoon sa harap."Asus, talagang maganda ka kahit walang make up, lalo na siguro ngayon pa
"Hindi," agad niyang sagot."Anong dahilan mo bakit ka nagtanong sa akin ngayon?" tanong ko sa kanya."Gusto kong ipalaam sayo kahit sabihin mong 'ayaw mo sa akin' hindi kita titigilan," seryosong sabi niya. Lumakas ulit ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita."Useless lahat ng pag ignore mo sa akin dahil pupuntahan kita, kaya kung ako sayo subukan mo nalang akong kilalanin at doon ka mag desisyon na iwasan ako," sabi niya. Tumaas ang kilay ko."Iyan ba ang pinunta mo dito?" kunot noong tanong ko."Oo, mamimiss kasi kita sa gabi kasi hindi kita maka usap kaya please mag reply ka na," parang batang sabi niya. Wow? kaya ba niya sinabi ito lahat dahil gusto niya akong mag reply sa kanya dahil namiss niya ako? ibang klaseng lalaki."Subukan ko," simpleng sabi ko lang, pero alam kong mag reply talaga ako sa kanya. Inisip ko lang, paano niya patunayan ang sarili niya kung palagi ko siyang iiwasan.Natahimik kaming dalawa.Halos mapatalon ako sa gulat ng may naramdaman ako sa aking ba
"Ngayon lang naman iyan inasar," sabi naman ni ate. "Ngayon lang din naman iyan na in love," dagdag niya. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. In love?"Pinagsasabi mo ate," agad kong sabi. Tumawa lang siya at inayos na ang mga damit ko. Kahit kailan tong si ate.Patapos na akong make up ng may narinig kaming kumatok sa pintuan kaya kaming tatlo ang napatingin doon habang ako sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Parang alam na niya kung sino ang kumatok ha.Binuksan ni ate iyun at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ng makita ang lalaking kanina pa nila inasar sa akin."Magandang umaga Mr. Wilson," bati agad ni ate at tumingin sa akin na nakangisi na. Umirap ako sa kanya at humarap sa salamin. Pinagpatuloy naman ng make up artist ang ginawa niya.Ano bang ginawa niya dito?Napatingin ako sa bag na binili niya kahapon. Umay, nakakahiya! bakit kasi iyan ang dinala ko. Argh! bahala na siya, binigay niya naman eh."Good morning," bati niya pabalik kay ate peto ramdam ko ang tingin
Ginawa ko ang lahat wag lang ulit isipin ang salitang 'girlfriend' sa utak ko. Medyo nahihibang na ako, iniiwasan ko tapos inisip na maging girlfriend niya. Baliw lang.Natapos ako sa paghahanda ko, bumaba na ako at dumeritso sa sasakyan ko. May nakita pa akong nakatingin sa akin pero hindi ko na iyun pinansin, wala namang kumuha ng picture sa akin at walang lumapit kaya hindi ko na ginawang big deal iyun.'Ano kaya ang mangyayari ngayon?'Sumakay na ako sa sasakyan at pinatakbo agad iyun. Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag kaya binagalan ko ang takbo ko at sinagot iyun."[Vanessa,]" bungad ni ate sa akin."Good morning ate.""[Good morning,]" bati niya pabalik sa akin."Bakit ka napatawag?" tanong ko. Wala bang pasok sa trabaho ngayon? wag na nilang ipostponed nasa daan na ako papunta sa studio."[Gusto ko lang ipaalala na may pasok ka ngayon,]" mahinahong sabi niya sa akin. Napangisi ako sa narinig, inisip niya atang hindi ako papasok."Tinamad ako pumasok ate,
Pumunta muna ako sa sala para doon nalang makipagchikahan sa kanya."[Oo naman,]" confident niyang sagot. Aba! hindi.man lang nahiya, parang may boyfriend ha? sila na ba ni Mr. Yanetta? alam kong hindi."Confident ka pa talaga, wala ka namang boyfriend," natatawang sabi ko sa kanya. Narinig iong suminghap siya sa sinabi ko kaya napangiti ako."[Kaya nga sasabihin ko na sayo na naghanap ako ng makakain ngayon pero hindi ko trip yung mga pagkain kasi gusto ko Jollibee,]" mabilis niyang sabi kaya tumawa ako ng malakas. "[Marunong ka na talagang gumanyan ha,]" sabi niya sa kabilang linya habang tumawa ako. Tumingil ako sa pagtawa at ngumiti nalang bago nagsalita."Hayaan mo ma'am may uutusan akong bumili ng Jollibee para sayo, total wala ka namang boyfriend na gagawa niyan sayo kaya mag volunteer nalang ako," pang-aasar ko sa kanya at hindi na pinansin ang huling sinabi niya. Narinig kong suminghap siya kaya at ngumisi lalo."[Mang-asar ka pa, tingnan natin kung makakatawa ka kapag ako a
Natigil lang ako sa pag scroll sa kanyang Instagram ng makitang naluto na ang fried rice ko. Bago ako umalis doon sa profile niya finollow ko muna siya at nakangiting kumain na.Madaling araw pa naman pero parang yung energy ko mataas na dahil lang sa nakita ko. Napatitig ako sa pagkain ko habang kumain at inisip si Ivan.Kung mapatunayan niya ang kanyang sarili, hindi ko na siya iiwasan at pagbigyan ang sarili ko. Hindi ko iyan sabihin sa kanya pero sana ma isip niyang patunayan ang sarili niya na seryoso siya sa akin. Ayaw kong paglaruan lang dahil ayaw kong masaktan. Ayaw ko ng hindi seryoso dahil ayaw kong lulukohin lang. Kung mapatunayan ni Ivan na iba ako sa mga babae niya, hindi ako magdalawang isip na buksan ang puso ko para sa kanya.Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan ang ginamit kong plato at umakyat na sa kwarto. Umupo ako ng ilang minuto bago humiga sa kama. Tiningnan ko ang oras, 3:30 am kaya pumikit muna ako para makatulog muna. Medyo maaga pa naman para maghanda
Mas mabuti na rin siguro kapag masama ka sa tingin ng ibang tao sayo para hindi ka ma take advantage parati. Hindi naman importante ang inisip nila, ang importante kung ano ang inisip mo sa sarili mo.Kung sabihin niyong kasalanan ko kasi hindi ako marunong mag 'hindi' sa mga gusto nila na minsan ayaw ko. Marunong ako pero hindi lang sila nakikinig dahil inisip nilang okay lang sa akin lahat kahit sinabi ko ng hindi. Bingi sila sa mga 'hindi' ko.Ang hirap maging mabait, kaya ngayon para akong nakalaya."[Pwede naman iyun kung gustuhin mo,]" mahinahong sagot niya sa tanong ko. "Pero ayaw ko," agad kong sagot. Ayaw ko na wala akong alam sa lahat. "Ayaw kong maging clueless nalang parati," dagdag niyang sabi. Gusto ko ito, hindi ito pinilit ni Layviel, hindi ito masama dahil ito ang kagustuhan ko para sa sarili ko.Gusto ko rin naman gumaya sa ibang babae, para kasing hindi na ako makakasabay dahil hindi ako updated sa mga trend ngayon. Masama man tingnan sa iba, lalo na sa mga matata
Ivan Frost WilsonWarning."Hi Ivan."May dalawang babae ang lumapit sa akin habang palabas kami ni Zep sa bar. Ngumiti agad ako sa kanila at tiningnan si Zep napailing na sa akin. Parang alam na niya ang mangyayari kaya nauna na itong lumabas."Sino yun?" tanong ng isang babae sa akin."hmm.. kaibigan ko, bakit mas gusto mo pa siya kaysa sa akin?" sabi ko habang tiningnan siyang nakakaakit. Buti nalang pala umalis si Zep. Hindi yun pwedeng makita ng mga tao. Okay lang ako, hindi naman nila alam.Kung may buhay ako kagaya kay Zep, mamatay ako sa boredom. Ito ang gusto ko yung may babaeng lumapit sa akin. Dalawa pa, sulit ang gabing pagpunta ko rito.Inakay ako sa dalawang babae sa table na walang tao at sila mismo ang nagpaupo sa akin. Nagkibit balikat ako at sinunod ang gusto nila. Will, hindi pa naman kami nagsimula. Nag order sila ng maiinom. Alam nilang hindi namin sisimulan hanggat hindi ako makainom. Kilalang kilala na ako ng mga babaeng to. Inabutan nila ako ng mainom kaya tin...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments