Share

KABANATA 4

"Ma'am, sir.. bumalik na kayo sa pwesto niyo," magalang na sabi ng staff.

"Naniwala kayo sa babaeng yan? mukhang angel pero demonyo kagaya ng kaibigan niya!" galit nitong sabi habang tinuro ako. Opss.

"What!?" galit na tanong ni Layviel at nilapitan ang babae. Walang nagawa ang staff para pigilan si Layviel. Kahit ako hindi ko yan mapigilan pag galit. Hinawakan niya ang mukha ng babae pero alam kong mahina lang ito. Maraming napatayo sa ginawa niya pero natigilan rin ng magsalita siya.

"Tingnan mo nga kung saan kami nakatayo, diba pwesto namin to?" sabi niya at tinuro kung saan ako nakatayo habang hawak niya ang mukha ang babae. "Tingnan mo rin yung pwesto niyo, sobrang layo rito," turo niya rin kung saan ang pwesto ng dalawa. "Ang tanong bakit ka nandito? ngayon sabihin mong nagsinungaling ang kaibigan ko." galit nitong sabi.

"Ma'am pigilan niyo po ang kaibigan niyo," kinabahang sabi ng isang staff. Marami ng staff ang nandito. Ang gulo na ng studio kaya lumapit na ako.

"Layviel, tama na," mahinahong awat ko. Nilingon niya ako at binitawan ang mukha ng babae parang kinabahan sa ginawa ni Layviel. Siguro naman hihinto na siya sa pang-iinis kay Layviel.

"Itong demonyong to ang dapat mong labanan. Wag mong isali ang hindi kasali sa kabaliwan mo. Buti nga pinaliwanag niya lang ang nangyari, hindi niya sinabi kong gaano ka kabaliw to the point na kailangan mong dalhin sa mental hospital," huling sinabi ni Layviel na may inis at tumalikod na sa kanila at deritsong naglakad papunta sa dressing room.

Sumunod ako sa kanya noong pumasok na siya sa dressing room. Bago ako pumasok, tiningnan ko muna ang nangyari, umiyak ang babae pero walang lumapit sa kanya, yung boyfriend niya lang na nagulat sa nangyari at sumulyap kung saan pumasok si Layviel.

May narinig rin akong bulungan kaya nakinig ako sa kanila.

'Ayan kasi, kinalaban si Layviel.. alam naman niyang hindi iyun magpapatalo.'

'Wag mong insultuhin si Layviel kung ayaw mong mainsulto pabalik hahah.'

'Times three ang sakit basta Layviel.'

'Hindi niya naman gagawin yan kung hindi siya inunahan.'

'Mabait yun, yung paligid lang niya ang sobrang sama ang tingin sa kanya.'

Hindi na ako nakinig at pumasok na ng tuluyan sa dressing room. Nakita kong nag retouch siya na parang walang nangyari sa labas.

"Umiyak siya," balita ko sa kanya. Nilingon niya ako at nagkibit balikat lang pagkatapos.

"Deserve." Ngumuso ako at tiningnan siya sa ginawa niya sa kanyang mukha.

"Ayaw mong mag sorry?" mahinahong tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"You know me, Ven," sabi niya habang nasa salamin lang ang tingin. "Nasira tuloy ang make up ko sa pabidang yun," inis na reklamo ni Layviel. Tiningnan ko ang mukha niya.

"Hindi naman ha," sabi ko ng makitang wala namang nasira.

"Baka nahawaan ako sa pangitan ng babaeng yun," sabi niya at nagpatuloy sa paglagay ng kung ano sa mukha. Ngumiti lang ako at napailing sa kanyang sinabi.

"Wag ka ng magsalita kung may ganun na mangyayari, yan tuloy nasabihan ka ng masama. Okay aka lang ba?" seryosong tanong niya at tumingin sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Wala lang yun sa akin," pagsasabi ko ng totoo. Minsan lang naman yun mangyari sa akin, ano pa kaya siya? parating nakarinig ng masakit na salita.

"Tss," yun lang ang sinabi niya bago siya nagpatuloy sa ginawa. Pinagmasdan ko ang kaibigan ko.

Mabait naman siya at alam iyun ng ibang tao but most of them is kilala siyang playgirl at masakit na magsalita. Sa tagal naming magkaibigan, nakilala ko na siya. Masakit lang naman siya magsalita kung uunahan siya. Mabait naman siya kung mabait rin sila sa kanya. Ipaglaban ka pa niya kung nakita niyang walang ginawa ang taong yun sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status