Pumikit ako ng mariin ng makita ang mga basher ni Layviel nasa comment section. Kasalanan talaga ito sa lalaking yun! Nakita kong may comment na si Layviel sa post ko. Marami kasing nag mention sa kanya kaya siguro nakita niya agad.@Layviel: maganda ang panahon, kasing ganda ko.. pwe! agad sa mga hindi naniwala.Natawa nalang ako sa kanyang comment. Napailing nalang ako at umalis na sa instagram at naghanap nalang ng damit na susuotin mamaya sa bar.Marami akong dress na hindi pa nasuot. Binili ko ang mga to noong nag shopping kami ni Layviel, hindi ito ang gusto ko pero pinabili ako ni Layviel sabi niya hindi ko naman susuotin agad.. incase lang pag kailangan kong mag suot ng ganito sabi niya. Ngumuso ako at tiningnan ang mga sexy na dress sa closet ko, si Layviel ang pumili lahat ng to kaya kahit anong hanap kong hindi revealing wala akong makita.Kinuha ko ang isang fitted black dress with an A-line style. Maganda itong iparis sa chic heels ko na hindi ko rin nasuot. Not bad.. ito
Naiinis talaga ako sa lalaki na hinawakan ang dibdib ng babae kaya noong dumating si Layviel at inasar ako sa suot kong dress hindi ko mapigilan mainis.Alam kong nagulat lang si Layviel sa suot ko at himala dahil hindi pang simbahan yung suot kong dress. Nainis ako dahil inisip ko ang babaeng nakita sa tv. Ganun ang babaeng gusto ng mga lalaki. Pakiramdam ko tuloy wala talaga akong karapatan sa ganitong damit dahil mas nasanay sila sa ganung suot ko.Hindi ko mapigilan sumimangot kay Layviel. Nang tinanong niya akong ano ang nangyari sa akin hindi ako makasagot dahil ang inisip ko ay yung nakita ko sa tv. Yung lalaki na gusto ng ganung babae. I'm also beautiful even though, wala akong masyadong experience sa mga night out, but I'm still beautiful. Ngayon tahimik si Layviel sa sasakyan papuntang bar. Hindi ako sanay dahil madami siyang sinasabi pag kami ang magkasama. Alam kong kasalanan ko dahil kanina ko pa siya binabara. Hindi siya sanay na ganun ako.Habang inisip na nababaguhan
Lumabas ako ng sasakyan at tiningnan si Layviel na seryoso lang ang tingin sa akin."Lay," tawag ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng seryoso. "I'm sorry.""It's okay," mahinahong sabi niya pero seryoso pa rin ang tingin."Hindjmi kita sinisisi dahil ganito lang ako," paliwanag ko."Alam ko," tipid niyang sagot. Ngumuso ako at yumuko."I'm sorry please, hindi na ako papasok doon.""Nakahanda ka na at alam kong gusto mong pumasok," mahinahong sabi niya."Ayaw ko ng pumasok," sabi ko. Tinititigan niya ako bago ako lapitan."Gusto mong ma experience yung mga na experience ko diba? hahayaan kita ngayon. Wag ka lang mag expect na hahayaan kong lapitan ka ng mga lalaki sa loob," mataray niyang sabi sa huling salita na sinabi niya.Ngumiti ako sa sinabi niya. Yan ang hinanap ko!"Let's go," masayang sabi. Tumango siya at sabay na kaming naglakad papasok. Nagulat ako ng malayo palang kinausap na ni Layviel ang guard."Not today," seryosong sabi niya. Ngumisi ang guard at tiningnan ako mula
Pinagmasdan lang ako ni Layviel habang nakangisi sa akin dahil panay iwas ko ng tingin. Tinanong niya pa ako kung gusto kong sumayaw. No thanks.Nag order siya ng juice at pagkatapos niyang mag order may dumating na lalaki at parang kilala ni Layviel. Tinawag niya pa itong fck boy kaya mas lalo kong hindi nagustuhan ang lalaki. Pero pamilyar siya sa akin ng kunti kaya tinititigan ko siya hanggang sa maalala ko ang nakita ko sa tv kanina. Nanlaki ang mata ko pero parang hindi iyun napansin ni Layviel.Siya yung lalaking may hinawakan sa dibdib sa harap ng camera! mas lalong lumaki ang inis ko sa lalaki. He's handsome but no, he's not good for me. Hindi ko napigilan sumabat sa kanilang dalawa."Yeah right, hindi ako nababagay dito dahil nandito ang mga walang respeto sa babae. Walang pakialam kung nakita ba sa tv basta lang makahawak sa dibdib," sabi ko nang sinabihan niya si Layviel kung bakit niya ako dinala dito. Naramdaman kong nagulat si Lay sa akin pati ako nagulat sa sinabi ko. S
"Then, pwede ka ng manahimik."Ngumiti siya ng matamis sa akin at umiling sa akin."Magpakilala lang ako sa magandang dilag sa harap ko. I'm Ivan Frost Wilson. I love kissing, and I also love making love with you," walang prenong sabi niya kaya napanganga ako sa gulat habang siya natutuwa sa reaction ko.Hindi ako nakapagsalita pero narinig ko na ang mura ni Layviel. Narinig ata ang sinabi ng lalaki."What the fck Ivan! tigilan mo nga to si Ven. Tangina mo, talagang isasali mo itong kaibigan ko sa mga babae mo," galit na sabi ni Layviel. Napatayo pa talaga sa galit. Ngumuso ako at hindi siya pinigilan. Baka sa akin siya magagalit kung pipigilan ko pa siya.Humahalakhak si Ivan at nagtaas ng kamay kay Layviel para sumuko sa isang laban."Nagpakilala lang," natatawang sabi ng lalaki."Tangina mo lumayo ka dito," inis niyang sabi kay Ivan pero ngumisi lang siya kay Layviel. Sumulyap siya sa akin at bumaling ulit may Layviel."Depende na yan sa kaibigan mo kung lalayuan niya ako pagkatapo
Ivan POVSiya ang nakita ko kanina sa shooting. Kahit likod lang ang nakita ko alam kong siya yun dahil kasama niya rin si Layviel. Parang close friend niya ito.Iniwan ko muna si Zep para puntahan ang dalawa. Ngumisi na ako sa malayo ng makita na ang inis na mukha ni Layviel habang palapit ako. Protective.Binara agad ako ni Layviel pagkarating ko pero nawala ang attention niya sa akin ng may nakita siya sa banda kung na saan ako galing. Pa simple ko itong tiningnan, nakita kong nakatingin rin sa banda dito si Zep. May hawak na itong cellphone, nakita kong may hawak na ring cellphone si Layviel.Kaya pala binili niya ang studio na yun. Huli ka Yanetta.Kinausap ko si Vanessa, narinig kong tinawag siyang Vanessa ni Layviel kanina. Ginawa ko ang lahat para linisin ang pangalan ko sa kanya pero parang hindi na nagbago ang tingin niya sa akin kaya nagpakilala nalang ako sa kanya at pinakita kong anong klaseng tao ako. Nagalit si Layviel sa akin at umalis silang dalawa. Bago sila nakalab
Tumayo ako at pinagmasdan ang mga frame na nasa malapit sa tv niya. Nakita kong may mga group picture iyun habang ang background ay isang malaking simbahan. Napanguso ako para pigilan ang ngisi. 'Kaya pala protective yun si Layviel sa kanya.'Lumipat ako sa ibang picture at nakita kong may picture silang dalawa ni Layviel, naka uniform. Noong studyante pa ang dalawa, obvious naman sa suot nila at ang bata pa nila tingnan dito pero si Layviel halatang marami ng napaiyak na lalaki. Bumaling ako sa isang frame. Nandun siya kasama ang kanyang parents at isang kapatid niya, maybe kuya niya ito.'Mahihirapan ako nito.'Narinig kong may tumikhim sa likod ko kaya agad akong umayos ng tayo at tumingin sa kanya. "Anong ginawa mo?" tanong niya at tiningnan ang huking tiningnan ko."Tiningnan ko lang yung mga picture," nakangiting sabi ko at bumaling sa picture nilang dalawa ni Layviel."Napaka inosente mo pero bakit mo pa rin to kinaibigan? kita mo kahit studyante pa alam mong wala ng ginawang
Vanessa POVNakaalis na siya sa condo pero yung puso ko sobrang lakas ng tibok. Para itong hinahabol ng kabayo dahil sa lakas ng tambol nito. Napakagat ako sa labi ko at nanghihinang umupo sa sofa.Seriously Vanessa!? pinapasok mo? kilala mo ba yun? Hinawakan ko ang ulo sa inis. Hindi ko man lang na isip na baka may gagawin siya sa akin. Pero pag nandiyan siya wala ako sa sarili ko kaya lahat ng gusto niyang gawin ko sinusunod ko kagaya kanina. Naalala ko naman nakita ko sa tv at ang huling sinabi niya. Right, kailangan ko siyang layuan.Umakyat ako sa itaas at humarap sa salamin para tanggalin ang make up. Pinagmasdan ko muna ang mukha pagkatapos matanggal lahat bago ako umalis doon at humiga na sa kama.Alam kong bumalik si Layviel sa bar dahil hindi naman yun ganito kaaga umuwi pag nag babar. Ivan Frost Wilson, sino siya?Hindi ako makatulog kaya kinuha ko muna ang cellphone ko para tingnan kung ba talaga siya. Kasama niya ang mga bigating tao, isa rin ba siya sa kanila? pero mos