Vanessa POVNakaalis na siya sa condo pero yung puso ko sobrang lakas ng tibok. Para itong hinahabol ng kabayo dahil sa lakas ng tambol nito. Napakagat ako sa labi ko at nanghihinang umupo sa sofa.Seriously Vanessa!? pinapasok mo? kilala mo ba yun? Hinawakan ko ang ulo sa inis. Hindi ko man lang na isip na baka may gagawin siya sa akin. Pero pag nandiyan siya wala ako sa sarili ko kaya lahat ng gusto niyang gawin ko sinusunod ko kagaya kanina. Naalala ko naman nakita ko sa tv at ang huling sinabi niya. Right, kailangan ko siyang layuan.Umakyat ako sa itaas at humarap sa salamin para tanggalin ang make up. Pinagmasdan ko muna ang mukha pagkatapos matanggal lahat bago ako umalis doon at humiga na sa kama.Alam kong bumalik si Layviel sa bar dahil hindi naman yun ganito kaaga umuwi pag nag babar. Ivan Frost Wilson, sino siya?Hindi ako makatulog kaya kinuha ko muna ang cellphone ko para tingnan kung ba talaga siya. Kasama niya ang mga bigating tao, isa rin ba siya sa kanila? pero mos
Kami kasi palaging magkasama kaya inisip niya muna lahat ang ginawa niya dahil madadamay ako. Ngayong dinala niya ako sa bar, for sure sa kanya mababato ang galit ng kuya ko at ng parents ko. Pero hindi ako nasisi. Wala akong naramdamang pagsisi na dinala ako ni Layviel doon. Hindi ko alam kung nasabi na ba ni Layviel kay kuya na pumunta ako sa bar kagabi pero sana wag na niyang sabihin. Insulto lang ang matatanggap niya.Naghanda ako ng almusal ngayon pero tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko muna ito at tiningnan ang tunawag. Si kuya ang tumawag kaya kinabahan ako. Alam na niya? sinabi na ni Layviel? pero wala pang sinabi si Layviel sa akin."Kuya," normal lang ang boses ko kahit sobrang kinabahan na ako."[Anong ginawa mo kagabi?]" malamig nitong tanong. Hindi ako sumagot sa kanya kaya narinig kong nagmura siya."[Tanginang Layviel!]" galit niyang mura. "Wala siyang kasalanan kuya!" galit ko rung sabi sa kanya."[Nakita kayong magkasama sa bar kagabi! at alam kong siya ang may
Masakit pala talaga kapag hindi ka supportado sa pamilya mo sa ginawa mo. Masakit din kapag tuluyan ka nilang binitawan.Nagpatuloy sa ginawa ko at kumain na ng breakfast. Pagkatapos naligo ako at nagbihis. Hindi ko na nilagyan ng make up ang mukha ko dahil may make up artist naman sa studio. Nang tapos na ako sa ginawa ko, handa na akong umalis. Tuluyan na akong lumabas sa condo at pumunta sa studio. Nang makarating ako nakita ko ang ibang model na maaga rin kagaya ko pero hindi ko nakita si Layviel.Pumunta ako sa dressing room namin pero wala pa siya doon. Naghintay ako ng ilang sandali bago dumating ang make up artist namin kasunod si ate Jemma."Wala pa si Layviel?" tanong ng manager ko. "Wala pa," sagot ko at tiningnan ang cellphone ko kung may text ba siya pero wala kaya nagtaka na ako. Kung ma late siya mag text naman iyun sa akin. May nangyari bang masama sa kanya kagabi?Nagsimula na akong mag-alala pero nawala rin nang makitang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag niya
Natapos ang make up artist sa pag-ayos niya sa mukha ko tsaka rin dumating si ate."Kumusta ate?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako, nawala na yung stress sa mukha niya kanina."Tinawagan na nila ang bagong may-ari, okay na."Tumango ako sa kanya at tiningnan ulit ang mukha sa salamin. Ano kayang nangyari sa babaeng yun? may ginawa na naman yun kagabi? napailing nalang ako."Ate anong susuotin ko?" tanong ko sa kanya. Ang alam ko marami akong shoot ngayon, iba't iba ang susuotin. Hindi pa naman two piece pero mga sexy iyun na damit o dress. Yung mga damit na hindi ako sanay.Hindi pa masyadong tumanggap ulit si ate para sa akin na mga sexy na susuotin gaya ng two piece dahil alam niyang si Layviel ang dahilan kung bakit ako pumayag nun noong una. Gusto niya akong unti untiin muna, wag biglain. Pinalabas na ako ni ate pagkatapos kong magbihis. Ako na pala ang kukunan. Nakita ko naman ang cameraman na kaasaran ni Layviel dati. Tahimik lang ako sa harap habang nag-uusap sila at kinu
"Siya ba ang bagong may-ari?" biglaang tanong ni ate. Hindi pa rin naka get over sa nalaman. "Tinanong siya kanina ng staff narinig ko pero ang sagot niya hindi pero kaibigan niya," sabi ng make up artist. Tapos na siya sa kanyang ginawa kaya nakipag chika na siya kay ate.Wow, pinapaligiran kami ng billionaire.Hindi ko narinig magsalita si ate nang tinawag na ulit ako para sa shoot ko. Nagsimula na naman akong kabahan. Sana wala na siya doon pero nasira lang yun ng marinig ko ang sinabi ng make up artist ko."Nandiyan pa yun teh kaya kailangan mong galingan, parang interestedo sayo," sabi niya at na una ng lumabas sa akin. Hinarap ako ni ate at nginitian."Pag nandito si Layviel, paniguradong paalisin niya yun para hindi ka kabahan," natatawang sabi ni ate. Ngumiti ako sa kanya."Hindi ako kinabahan ate," pagsisinungaling ko. "Ilang taon ko rin kayong nakasama kaya kilala ko na kayo," nakangiting sabi niya at umalis na. Bumugtong hininga ako bago lumabas. Ginawa ko ang lahat para
"Binisita ka?" patanong niyang sagot. "Eh?"Narinig kong humahalakhak siya sa naging sagot ko. Tumunog ang cellphone ko dahil sa text ni Layviel kaya agad ko itong tiningnan.Layviel: kung ano man ang maging desisyon mo ngayon, supportahan kita. Wag ka lang gumawa ng desisyon na alam mong makakasakit sayo. I trust you.Kumunot ang noo ko sa text niya. Anong nangyari sa babaeng to?Me: lasing ka ba?Narinig kong tumikhim ang lalaking kasama ko kaya tumingin ako sa kanya."May boyfriend ka?" kuryoso niyang tanong. Umiling lang ako sa kanya at nag-iwas ng tingin. "Manliligaw?" Umiling ulit ako at bumaling sa kanya."Bakit?" takang tanong ko sa kanya."Akala ko kailangan pa kitang agawin," nakangising sabi niya."Paano ka makasigurong maagaw mo ako?" mahinahong tanong ko sa kanya. Nakita kong lumaki ang ngisi niya sa kanyang labi."hundred percent." "Pag may boyfriend ako, ibig sabihin mahal ko siya kaya hindi ako magpa-agaw," nakangiting sabi ko."Sarap palang maging boyfriend mo," na
"Yung bagong mukha miss," sabi niya at ngumuso sa banda kung saan ang dressing room ko kaya hindi ko mapigilan tumingin doon. Nakita kong nandun siya kaya nag-iwas ako ng tingin agad doon."Hindi," tipid kong sagot."Asus, nahihiya pa siya," pang-aasar ng cameraman habang kinuhanan ako. Hindi ako nag react sa.pang-aasar niya."Wala si Layviel kaya hindi nagkagulo," natatawang sabi naman ng isang staff."Hindi naman siya ang naunang mang gulo," depensa ko sa kaibigan ko. Agad silang tumingin sa akin."Protective masyado ang kaibigan mo sayo, panigurado pag nandito iyun, magk agulo ulit ang studio," nakangiting paliwanag niya. Hindi na ako sumagot sa kanya at nag focus lang sa ginawa.Medyo totoo ang sinabi niya pero dahil sa text niya kanina may pakiramdam akong alam niya ang nangyari ngayon dito kahit wala siya. Pakiramdam kong para doon sa lalaki yung text niya.Kahit hindi niya sabihin, iiwasan ko siya. Ang tanong billionaire ay dapat talagang iwasan, kahit pa mas kilala siyang play
"Meron?" nalilitong tanong niya. Bakit siya nalilito?"Bakit hindj ka sigurado?" tanong ko at bumalik ulit sa upuan ko."Hindi ko alam ang ibig sabihin mo. Kung may work ba ako? o may work ba ako?" tanong niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Anong pinagka iba?" kunot noong tanong ko."Yung isa ibig sabihin kung may trabaho ko para sa future natin," nakangising sabi niya."Ha?" gulat kong wika."Yung isa kung may pasok ba ako sa trabaho ngayon," nakangiting sabi niya."Hindi kita maintindihan," nagtataka kong sabi. Tinanong ko lang naman siya kung may trabaho ba siya ngayon, ang dami na niyang sinabi."Ako kaya kitang intindihin," nakangising niyang sabi. What?Hindi ako nagsalita at hinayaan nalang siya sa sinabi niya."Anong ginawa mo?" takang tanong ko sa kanya."Nanligaw sayo?" agad niyang sagot. Kumunot ang noo ko at bumaling na sa kanya. "Finally, tumingin ka rin," sabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Narinig kong nag 'ay' siya pagkatapos kong mag-iwas ng tingin sa kanya.