Lumakas ang tibok ng puso ko sa narinig pero hindi ko yun pinahalata sa kanya. Hindi na ako nagsalita hanggang sa tinawag ulit ako para sa huling shooting ko. Lumabas agad ako dahil para akong ginapos sa loob, hindi ako makahinga ng maayos sa kaba. Hindi ko alam ang kung nangyari sa akin pero hindi ko yun pinansin. Nag pose lang ako sa harap at kinalma ang sarili dahil naramdaman ko talaga ang tingin ng iba sa akin. Alam kong dahil yun sa lalaking pumasok sa dressing room namin.Natapos ako sa huling shoot ko dumeritso agad ako sa dressing pero bago aki nakapasok may narinig akong nag-uusap sa malapit kaya binagalan ko ang lakad ko.'Baka si Layviel ang hinanap,' rinig kong sabi ng isang babae sa kanyang kasamang babae rin.'Wala si Layviel, bakit nandito pa yan?''Possibleng si Vanessa, kilalang playboy yan eh.'Sumimangot akong nagpatuloy sa pag-lakad. Pwede naman siguro mag bago ang isang tao, bakit napaka judgemental nila. Kapag nalaman nilang billionaire iyan, pagsisihan nila an
"Wag mong pilitin ang sarili mong mag bago para sa ibang tao, kung gusto mong magbago isipin mong para iyun sa sarili mo," seryosong sabi niya. Nag-iwas ulit ako ng tingin sa kanya at hindi nakasagot sa sinabi niya. Tama naman ang sinabi niya pero ma out of place ako kung puro style ko lang pinalabas ko."Minsan kailangan mo rin ng opinion ng ibang tao para alam mo kung ano ang babaguhin mo sa sarili mo," seryosong sabi ko. Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanyang mukhang seryoso."Bakit mo pa kailangan ang opinion nila, iba-iba ang pananaw ng mga tao," mahinahong sabi niya at sumandal na rin sa sofa gaya ng ginawa ko. "May mga taong gusto ka at may mga tao ring ayaw sayo, dapat alam mo iyan dahil ang taong kakampi mo lang ay yung sarili mo. Hindi ka magbabago dahil sa opinion nila, maging alipin ka lang sa mga opinion nila dahil parati mo silang sinunod, wala kang kalayaan.""Anong gagawin ko?" bulong ko. Pakiramdam ko kahit anong sabihin niya susundin ko."Be yourself, hin
Tumayo ako at pumunta sa table kung saan kami kumain ni Layviel. Kumain na ako habang si ate tinanong ang lalaking kasama ko kanina."Sir, kumain ka na rin," sabi ni ate kay Ivan. Gusto kong matawa dahil sa pagtawag niya ng 'sir' pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Ayaw kong papunta na naman sa akin ang attention niya."It's okay," sagot ni Ivan. Natahimik sila pero kumain pa rin ako, hindi sila tiningnan. "Van, pakainin mo si sir," biglaag sabi ni ate Jemma sa akin. Tumingin ako sa kanila at sa lalaking nakangisi sa akin ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang isang pagkain na binili ni ate. Alam kong para sa lalaki to, wala naman si Layviel para dalawa ang bibilhin niya."Ito na po 'sir'."Diniinan ko talaga yung 'sir' sabay abot ko sa kanya ng pagkain.Lumapit siya sa akin at umupo talaga sa tabi ko kahit may upuan naman sa harap."Bakit ka diyan umupo?" takang tanong ko sa kanya."Para maka tabi ka," simpleng sagot niya. Narinig kong pekeng umubo si ate Jemma sa narini
May naalala akong itanong sa kanya. Kanina na isip ko ito habang nag-uusap sila ate Jemma at ang make up artist ko."Kilala mo si Zephyrus Bryle Yanetta?" kuryoso kong tanong. Since pareho silang billionaire at nakita ko sila sa parehong event sa tv."Yeah?" patanong niyang sagot parang nagtataka kong bakit ako nagtanong pero hindi ko iyun pinansin."Bakit?" tanong ko. Tumaas ang kilay niya."Bakit din?" tanong niya habang nakataas ang kilay. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy nalang sa pagkain parang wala akong makuhang matinong sagot sa lalaing to."Gusto mo?" tanong niya sa akin. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo at bumaling sa kanya."Nag tanong lang, gusto agad?" kunot noong tanong ko. Nagkibit balikat siya sa akin."Kaibigan ko siya kaya alam kong maraming nagkagusto sa kanyang mga babae," mahinahong sabi niya sa akin."Kaibigan!?" gulat kong tanong, nanlaki pa ang mata. Napanganga siya sa aking reaction kaya tumikhim ako at inayos ko ang aking sarili nang ma realize ang ginaw
Pagkatapos nag paalam na ako kay ate Jemma. Pupuntahan ko si Layviel ngayon sa condo niya pero hindi agad ako makaalis dahil sa isang makulit na lalaki sunod ng sunod sa akin.Pinatinginan kami nang lumabas ako sa dressing room dahil nasa likod talaga siya sa akin panay tawag sa pangalan ko. Nahihiya na ako kaya binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa sasakyan ko."Ihatid na kita."Kanina niya pa ako pinilit sa loob ng dressing room kayansiya sunod ng sunod sa akin. Hinarap ko siya at tinuro ang sasakyan ko."May sasakyan nga ako.""Ipadala ko nalang yan sa bodyguard ko," nakangiting sabi niya parang magandang idea talaga ang na isip. Hayst."Bakit ko pa ipadala kung pwede naman ako?" "Para makasama kita pag-uwi mo," masayang sabi niya. Ito na naman tayo. Hindi talaga nahiya, kanina pa to sa harap ni ate. Halatang hindi na makapasok sa dressing room next time."No thanks."Binuksan ko ang sasakyan ko pero hinawakan niya ito kaya hindi natuloy."Bakit?" pangungulit niy
Nag order agad ako at umupo muna habang nag hihintay. Nakita kong pumasok na rin si Ivan at tumingin sa akin. Kuwari pang nagugutom. Sumimangot lang ako sa kanya."Uy, nandito ka pala," sabi niya sa akin ng makalapit siya sa akin."Bakit ka nandito?" tanong ko agad sa kanya."Ikaw nga tatanungin ko dapat eh, malayo naman condo mo rito," kuryosong sabi niya. Hindi ako sumagot sa kanya at uminom nalang tubig na nasa table. "May kikitain ka ba dito?" kuryosong tanong niya. Nilibot niya ba ang restaurant. May mga taong kumain. Maganda naman ang restaurant na ito pero alam ko talaga hindi ganitong klaseng restaurant ang pinapuntahan niya."Bakit mo ba ako sinusundan?" walang ganang tanong ko."Ha? hindi ha, dito ako madalas kumain," nakangiting pagsisinungaling niyang sabi. Talaga lang ha, tingnan natin kung hindi ka susunod sa akin. Yung pinili kong pagkain yung madali lang lutuin, hindi naman mapili si Layviel.Tumayo ako ng makitang may lumapit sa aking waiter para ibigay sa akin ang t
Hinihintay ko lang siyang mag matapos kumain. Pinagmasdan ko lang siya habang naghihintay, parang gutom na gutom nga talaga. Napatingin rin ako sa kanyangeeg kong na saan yung nakita ko kanina.Maliit lang siya pero mapapansin talaga siya pag nasa malapit. Hay naku Layviel, anong ginawa mo kagabi. Nakita kong patapos na siya sa kanyang kinain, bumalik na rin yung sigla niya pero sabog pa rin siya tingnan. Magulo kasi ang buhok."I'm done!" "So, sabihin mo na sa akin kung anong nangyari sayo bakit hindi ka pumasok kanina," mahinahong sabi ko. Hindi ko magawang magalit sa kanya, ngumuso siya sa akin."Bago yan, may tanong muna ako," sabi niya. Iniwas na naman niya pero hinayaan ko lang siya."Ano?""Kilala mo ba si Zephyrus Bryle Yanetta? parang sikat kasi siy—" "Of course, hindi mo ba yun kilala?" agad kong sabi ng marinig ang pamilyar na pangalan. Sino bang hindi makakilala sa lalaking yan."Hindi," naguguluhan niyang sagot. Ayun, itong babaeng to hindi kilala ang bigating tao na ya
"Anong nangyari?" nag-alala kong tanong sa kanya. Nilayo ko siya sa akin para matingnan ko ng maayos ang mukha niyang problemado. Ano bang nangyari sa isang to, jusko naman."Kaya ako hindi pumasok kasi may nangyari kagabi," sabi niya ng mabilis pagkatapos pumikit ng mariin sa harap ko. Ayaw niya akong tingnan."Ano?" seryosong tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako sa mata parang naiiyak na."Kagabi bumalik ako sa bar," nag-iwas ng tingin. Alam ko na iyun."Tapos?""Nagkita kami ni Zephyrus," bulong nuyang sabi. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Akala ko si Ivan."Tapos?""Yun ang pangalawang beses naming pagkikita.""Kailan ang una?""Noong nag break kami ng ex kong bugok," sabi niya parang wala lang sa kanya ang pagtawag ng bugok sa ex niya. Susuwayin ko siya kung wala lang akong tinanong sa kanya."Nong isang araw pa. Tapos?" Sasagot na sana siya sa akin ng may na realize ako."Paano kayo nagkakilala?" takang tanong ko. Si Zephyrus Bryle Yanetta yun, hindi basta basta."Sa bar,