Hinihintay ko lang siyang mag matapos kumain. Pinagmasdan ko lang siya habang naghihintay, parang gutom na gutom nga talaga. Napatingin rin ako sa kanyangeeg kong na saan yung nakita ko kanina.Maliit lang siya pero mapapansin talaga siya pag nasa malapit. Hay naku Layviel, anong ginawa mo kagabi. Nakita kong patapos na siya sa kanyang kinain, bumalik na rin yung sigla niya pero sabog pa rin siya tingnan. Magulo kasi ang buhok."I'm done!" "So, sabihin mo na sa akin kung anong nangyari sayo bakit hindi ka pumasok kanina," mahinahong sabi ko. Hindi ko magawang magalit sa kanya, ngumuso siya sa akin."Bago yan, may tanong muna ako," sabi niya. Iniwas na naman niya pero hinayaan ko lang siya."Ano?""Kilala mo ba si Zephyrus Bryle Yanetta? parang sikat kasi siy—" "Of course, hindi mo ba yun kilala?" agad kong sabi ng marinig ang pamilyar na pangalan. Sino bang hindi makakilala sa lalaking yan."Hindi," naguguluhan niyang sagot. Ayun, itong babaeng to hindi kilala ang bigating tao na ya
"Anong nangyari?" nag-alala kong tanong sa kanya. Nilayo ko siya sa akin para matingnan ko ng maayos ang mukha niyang problemado. Ano bang nangyari sa isang to, jusko naman."Kaya ako hindi pumasok kasi may nangyari kagabi," sabi niya ng mabilis pagkatapos pumikit ng mariin sa harap ko. Ayaw niya akong tingnan."Ano?" seryosong tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako sa mata parang naiiyak na."Kagabi bumalik ako sa bar," nag-iwas ng tingin. Alam ko na iyun."Tapos?""Nagkita kami ni Zephyrus," bulong nuyang sabi. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Akala ko si Ivan."Tapos?""Yun ang pangalawang beses naming pagkikita.""Kailan ang una?""Noong nag break kami ng ex kong bugok," sabi niya parang wala lang sa kanya ang pagtawag ng bugok sa ex niya. Susuwayin ko siya kung wala lang akong tinanong sa kanya."Nong isang araw pa. Tapos?" Sasagot na sana siya sa akin ng may na realize ako."Paano kayo nagkakilala?" takang tanong ko. Si Zephyrus Bryle Yanetta yun, hindi basta basta."Sa bar,
"Ayaw ko ng pumunta sa bar," sabi niya na nagpapangiti sa akin pero nawala rin agad ng dinagdagan ang sinabi. "Sa ibang bar nalang siguro."Mahina ko siyang hinampas sa balikat niya. Siraulo.Natahimik kaming dalawa, parehong malalim ang inisip naming dalawa. Inisip ko kung anong meron sa lalaking yun bakit bumigay agad si Layviel kahit kakilala niya palang sa lalaki. Kung pagusapan naman ang pagiging billionaire, hindi naman alam ni Layviel. Baka kung alam niya iniwasan na niya agad ito."Sht!" biglaang mura. Dahil sa gulat natigil ako sa pag-iisip."Ano na naman nangyari sayo?" "Umayghad Ven! may nasabi ako kanina!" sigaw niya habang nakahawak pa sa bibig."Ano?" tanong ko agad sa kanya. Galing mambitin isang to."Sinabihan ko siya ng manyak." Napatingin agad ako sa kanya dahil nagulat sa kanyang sinabi. "You mean si Zephyrus Bryle Yanetta? isang billionaire, sinabihan mo ng manyak?" hindi makaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango siya kaya napakurap-kurap ako habang napatingin sa
"Kinausap ako," mahinahong sagot ko. Hindi ko na kailangan sabihin sa kanya ang pinagusapan namin. Basta alam niyang kinausap ako ni Ivan, yun na yun."Anong gagawin mo ngayon sa kanya?" balik niyang tanong sa akin. Tinanong ko siya ng ganito kanina, ngayon ako naman ang tinanong niya."Iiwasan ko rin siya," sagot ko. Pero habang sinabi ko ito sa kanya parang mahihirapan ako lalo na't sunod ng sunod si Ivan sa akin."Anong ngiti na yan?" tanong niya. "Kung gusto mong makausap siya, edi kausapin mo. Wag mo akong gayahin, hindi purket iiwas ako, iiwas ka rin."Umiling ako sa kanya at iniwas nalang ang usapan doon. Ngayon naalala ko si kuya, sasabihin ko sa kanya ang napagusapan namin. Hindi naman ito bago sa akin."Nagkasagutan kami ni kuya kanina," malungkot kong sabi. Kahit minsan naramdaman kong controlado ako ni kuya, nalulungkot pa rin ako sa huling pinagusapan namin."Anong nangyari?" nag-alala niyang tanong. Hindi talaga kami umabot ni kuya sa ganito, ngayon lang. Siguro nagsasaw
Gusto ko rin naman ang maging mabait sa ibang tao pero hindi ito ang gusto kong paraan. Ito ang paraan nila kaya sinunod ko ng ilang taon."Ven, hindi purket magpakatotoo ka sa sarili mo ay hayaan mo na ring malayo ang pamilya mo sayo," mahinahong sabi niya. Natigilan ako at bumaling sa kanya. Inisip ko talaga na pag malayo ako sa pamilya ko, magagawa ko na ang gusto ko. "Wag mo akong gayahin Ven," natatawang sabi niya kahit wala namang nakakatawa. Parang may na-isip siya."Pero, hindi ba dahil nagpakatotoo ka kaya ka tinaboy ng pamilya mo dahil hindi mo sinunod ang gusto nila? parang ganun din ang mangyayari sa akin."Umiling siya sa akin."Wag mong hayaan na mangyayari yun sayo Ven. Mahal ka ng pamilya mo, iyan ang palagi mong tandaan." Nakatingin lang ako kay Layviel na ngayon parang maging emotional na sa pinagusapan namin pero hindi ko magawang magtanong sa kanya. Kung gusto niyang sabihin sa akin, sasabihin niya naman ito ng kusa.Minsan kailangan rin natin itago sa iba ang to
"Okay, I'll try," sagot ko lang sa kanya. Niyakap niya ako at ganun din ako sa kanya. Siya lang talaga ang nagpapagaan ng damdamin ko kung hindi ang pamilya ko. Siya kasi palagi kong kasama maya hindi ko ma iwan kahit anong sabihin nila.May bigla akong naalala kaya humiwalay ako sa kanya."Bakit hindi mo rin gawin sa pamilya mo?" tanong ko. Pinagmasdan ko ang nagulat niyang reaction at kung paano siya nabalisa dahil sa sinabi ko."Layviel?" tawag ko sa kanya pero parang wala siya sa kanyang sarili kaya hindi niya narinig."Layviel?" "Layviel?" pangatlong tawag ko at doon bumalik siya sa kanyang ulirat."Tinaboy na nila ako eh," natatawang sabi niya. Medyo nagtaka pa ako dahil wala namang nakakatawa. Tiningnan ko lang siyang ngumuso at tumango sa akin. Magtanong pa sana ako tungkol sa pamilya niya pero mawala siya sa kanyang sarili kong pinagusapan ang kanyang pamilya kaya hindi ko na tinuloy.Tumayo siya kaya nagtaka akong tumingin sa kanya."Saan ka pupunta?" tanong ko."Kukuha ako
"[Layviel, ano naman itong pinasok mong problema!?]" Galit pa rin si ate, halata sa boses niya. Pero alam kong nag-alala lang talaga siya kay Layviel. Nag-alala rin ako kay Layviel."Sorry ate.""[Hayst Layviel! wag kang lumabas sa condo mo kung ayaw mong masaktan.]"Narinig ko ang inis na boses ni ate Jemma pero may hali g pag-alala ito."Alam ba nila ate?"Tumingin ako sa mukha ni Layviel na nag-alala rin habang nakatingin sa tv kung saan balita pa rin si Mr. Yanetta."[Hindi pero maraming nag-aabang diyan sa labas, kung saan nila nakita si Mr. Yanetta. May tumawag din sa akin, nagtanong kung ikaw ba yung kasama ni Mr. Yanetta.]"Bukod sa amin dalawa ni ate Jemma alam kong may ibang nakakilala kay Layviel kaya bukas o mamaya kakalat na ang pangalan niya. Ngayon hindi pa dahil walang pag nakakilala sa babaeng nakatalikod."Okay ate.""[Wag ka munang pumasok bukas.]" "Bakit!?"Halata sa mukha ni Layviel ang pag ka disappoint dahil sa sinabi ate Jemma pero alam kong susundin niya pa
"Paano ka makakauwi? baka dumugin ka sa labas?" nag-alalang tanong niya medyo iniwasang magtanong ulit ako sa kanya. "Bukas ka nakang umuwi," mahinahong dagdag niya."Pwede pero nag text si mommy na nasa manila sila at pupunta sila sa condo ko mamaya para doon mag dinner," paliwanag ko. Ayaw ko siyang iwan pero kailangan kong puntahan sila mommy. Babalik nalang ako bukas, alam kong maging mas malala pa ito."Alam na nila tita?" tanong niya.Umiling ako kahit hindi ako sure dahil hindi namin napagusapan."Hindi ka nila na kilala," pagsisinungaling ko. Ayaw kong pati pamilya ko problemehin niya. Ako na bahala sa kanila."Don't worry, alam kong may ginawa na si Mr. Yanetta ngayon," mahinahong sabi ko sa kanya ng makitang nag-alala pa rin siya sa akin.Alam kong sinisisi niya ang sarili niya ngayon pero hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya.Tumawag si mommy kaya agad ko itong sinagot. Nakita kong tumingin si Layviel sa akin habang hinihintay akong ma