"[Layviel, ano naman itong pinasok mong problema!?]" Galit pa rin si ate, halata sa boses niya. Pero alam kong nag-alala lang talaga siya kay Layviel. Nag-alala rin ako kay Layviel."Sorry ate.""[Hayst Layviel! wag kang lumabas sa condo mo kung ayaw mong masaktan.]"Narinig ko ang inis na boses ni ate Jemma pero may hali g pag-alala ito."Alam ba nila ate?"Tumingin ako sa mukha ni Layviel na nag-alala rin habang nakatingin sa tv kung saan balita pa rin si Mr. Yanetta."[Hindi pero maraming nag-aabang diyan sa labas, kung saan nila nakita si Mr. Yanetta. May tumawag din sa akin, nagtanong kung ikaw ba yung kasama ni Mr. Yanetta.]"Bukod sa amin dalawa ni ate Jemma alam kong may ibang nakakilala kay Layviel kaya bukas o mamaya kakalat na ang pangalan niya. Ngayon hindi pa dahil walang pag nakakilala sa babaeng nakatalikod."Okay ate.""[Wag ka munang pumasok bukas.]" "Bakit!?"Halata sa mukha ni Layviel ang pag ka disappoint dahil sa sinabi ate Jemma pero alam kong susundin niya pa
"Paano ka makakauwi? baka dumugin ka sa labas?" nag-alalang tanong niya medyo iniwasang magtanong ulit ako sa kanya. "Bukas ka nakang umuwi," mahinahong dagdag niya."Pwede pero nag text si mommy na nasa manila sila at pupunta sila sa condo ko mamaya para doon mag dinner," paliwanag ko. Ayaw ko siyang iwan pero kailangan kong puntahan sila mommy. Babalik nalang ako bukas, alam kong maging mas malala pa ito."Alam na nila tita?" tanong niya.Umiling ako kahit hindi ako sure dahil hindi namin napagusapan."Hindi ka nila na kilala," pagsisinungaling ko. Ayaw kong pati pamilya ko problemehin niya. Ako na bahala sa kanila."Don't worry, alam kong may ginawa na si Mr. Yanetta ngayon," mahinahong sabi ko sa kanya ng makitang nag-alala pa rin siya sa akin.Alam kong sinisisi niya ang sarili niya ngayon pero hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya.Tumawag si mommy kaya agad ko itong sinagot. Nakita kong tumingin si Layviel sa akin habang hinihintay akong ma
"Ihatid niyo siya sa parking lot," mahinahong sabi ni Layviel sa kanyang bodyguard. Tumango naman sila kaya naglakad na ako habang nakasunod sila sa akin.Bumaba na ako deritso sa parking lot gamit ang elevator habang kasama ko sa loob ang bodyguard ni Layviel. Hindi ko nalang sila inisip. Medyo nag-alala ako kay Layviel, wrong timing sila mommy.Nakita kong tumawag ulit si mommy sa akin kaya sinagot ko ito agad."[Na saan ka na?]" bungad niya agad sa akin."Pa uwi na mom.""[Nandito na kami at ang kuya mo, hindi kami makapasok.]""Hintayin niyo ako sa lobby.""[Bilisan mo.]"Pinatay ko na ang tawag at nagmamadaling lumabas sa elevator ng bumukas ito. Ang bilis naman nila nakarating, malapit lang ata sila sa condo ko kanina nang nag text si mommy kaya nakarating agad sila. Pati si kuya ang bilis niya kahit sinabi ni mommy na mag overtime siya ngayon. Hindi ko inexpect na nandoon agad siya.Maraming reporters sa labas, nakakatulong talaga yung bodyguard ni Layviel kaya ako nakapasok ag
"Hindi pa nga kayo sigurado, inisulto niyo agad ang kaibigan ko," malamig kong sabi habang nakatingin sa reflection ni kuya. Nagkatinginan kami doon, pati siya malamig akong tiningnan."Tama naman ang kuya mo Van," sabi naman ni mommy. Mas lalo akong nasaktan sa sinabi ni mommy."Mamaya niyo na yan pag-usapan pagkarating natin sa condo ni Vanessa," awat ni daddy sa amin. Tumahimik ako at tiningnan ang cellphone ko. May pakiramdam akong hindi kami maayos ni kuya ngayon dahil sa magka-ibang opinion. Hindi ko mapigilan mag-alala sa kaibigan ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong tawagan ang manager ko habang paakyat kami. Sinagot niya naman agad ito kaya nagsalita agad ako bago siya makapagsalita."Ate, nandito ako ngayon sa elevator kasama sila mommy," agad kong sabi. Baka sabihin niya ang tungkol sa balita, panindigan kong hindi si Layviel iyun. "[Sinong kasama ni Layviel?]" mahinang tanong niya habang may pag-alala sa kanyang boses."Kaya nga ako tumawag sayo ate baka pwede mong
Nag paalam muna akong mag bihis, ayaw ko ng marinig ang sinasabi nila kay Layviel. Kaibigan ko iyun at nasasaktan ako para sa kanya dahil pamilya ko pa talaga ang nagsabi ng ganito sa kanya. Anong klaseng kaibigan ako?Pamilya ko lang naman ang nagsabi ng ganun pero pamilya ko pa rin sila, nahihiya ako kay Layviel dahil sariling pamilya ko hindi ko kayang mababago ang pananaw nila kay Layviel.Pagkatapos kong mag bihis, bumaba na ako. Hindi ko sila nakita sa sala kaya dumeritso na ako sa kusina ng may marinig akong boses doon. Nag-uusap silang tatlo pagkarating ko doon.Umupo ako sa tabi ni kuya habang nag-uusap pa rin sila. Tahimik lang ako, nakikinig. Nagsimula na kaming kumain pagka-upo ko. Tinanong nila si kuya tungkol sa kanyang girlfriend."Busy siya mom," sagot ni kuya ng tanungin ni mommy kung kailan babalik ang girlfriend niya sa bahay namin."Pag hindi na siya busy, sabihin mong bumisita siya sa bahay, ipagluto ko siya.""Ako naman ang magluto," agad namang sabi ni daddy. S
Masarap sa feeling ang may magmahal. Iyun ang weakness namin ng mga babae, pag may nakita kaming lalaki na grabe yung effort sayo, asahan mo next month hindi mo namalayan na nahulog ka na pala sa lalaki.Walang ibang hinangad kaming mga babae, kundi ang mahalin kami ng mahal namin. Once na maramdaman na naming may something wrong na sa trato ng lalaki, doon na rin magbabago ang feelings namin.Alam kong hindi sa lahat ng pagkakataon lalaki nalang palagi ang umintindi sa mga babae. Dalawa naman ang nasa relasyon kaya hindi pwedeng puro nalang lalaki. Pero lalaki naman ang nanligaw, lalaki naman ang lumapit, lalaki naman ang gumawa ng moves para magustuhan siya ng babae. Sana naman bago sila gumawa ng moves, kilalanin muna nila ang babae at titingnan kung kaya ba nilang tiisin ang ganitong ugali sa babae.Iyun ang mali eh ng karamihan, kaya takot din akong mag mahal. Kahit no boyfriend since birth ako, alam ko iyun dahil napanuod o nabasa ko iyun. Kahit hindi ako ang bida na nasa libron
Hindi ako nakasagot hindi dahil sumangayon ako sa sinabi niya. Tumahimik lang ako dahil inisip ko ang buhay ko na wala si Layviel, hindi siguro ako ganito. Gumaan lang naman ang buhay ko noong dumating si Layviel, wala na masyadong lumapit sa akin para awayin ako o pag tripan kagaya dati.Dahil sa tahimik lang ako dati at hindi nagagalit pag nilapitan para asarin lang kaya malaya nila akong pag tripan lalo na ang mga babae pero noong dumating si Layviel wala na. Hindi ko siya malayuan dahil bukod sa pamilya ko, malaki rin ang tulong ni Layviel para mapagaan ang buhay ko.Ang pamilya ko ang nagpapagaan pagdating sa financial, sa pag-aaral ko at sa mga kinakain ko dati pero ang pamilya hanggang sa bahay lang sila, hindi nila ako masasamahan kahit saan. Sa school at ngayon sa trabaho kaya doon pumasok ang ating kaibigan para samahan tayo sa school o sa trabaho na hindi magawa ng pamilya natin. At naniwala akong si Layviel ang taong yun para sa akin.Naniwala kasi akong lahat ng tao hindi
"Kasi hindi ko sinabi," simpleng sabi ko. Mas lalong kumunot ang noo niya sa akin. "Noong nag-aaral ako kuya maraming mga immature na babae na pillong asarin ako kahit nanahimik lang kaya si Layviel ang naging superhero ko para awayin din ang mga babaeng yun.""Nasaktan niya ang mga babae kuya dahil sa akin kaya nasabihan siya ng masama ang ugali dahil lang din sa akin. Sa trabaho kuya, pag may marinig siyang hindi niya nagustuhan dahil sa akin gagawa talaga siya ng paraan para baguhin iyun, kaya sa huli siya ulit ang masama dahil sa ginawa niya."Sabi kasi nila ako naman ang pinagusapan nila pero si Layviel yung mas galit pa kaya nasabihan siyang toxic pero wala siyang pakialam sa mga sinasabi niya.Tahimik lang si kuya habang nakatitig sa akin, parang malalim ang inisip kaya natawa ako."Wag kang mag-alala kuya, ni minsan hindi siya nagalit sa pamilya ko o sayo kahit pinatay mo na siya sa mura," natatawang sabi ko. Nakatitig pa rin siya sa akin."Blinock niya ako," sabi niya kaya gu