"Hindi pa nga kayo sigurado, inisulto niyo agad ang kaibigan ko," malamig kong sabi habang nakatingin sa reflection ni kuya. Nagkatinginan kami doon, pati siya malamig akong tiningnan."Tama naman ang kuya mo Van," sabi naman ni mommy. Mas lalo akong nasaktan sa sinabi ni mommy."Mamaya niyo na yan pag-usapan pagkarating natin sa condo ni Vanessa," awat ni daddy sa amin. Tumahimik ako at tiningnan ang cellphone ko. May pakiramdam akong hindi kami maayos ni kuya ngayon dahil sa magka-ibang opinion. Hindi ko mapigilan mag-alala sa kaibigan ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong tawagan ang manager ko habang paakyat kami. Sinagot niya naman agad ito kaya nagsalita agad ako bago siya makapagsalita."Ate, nandito ako ngayon sa elevator kasama sila mommy," agad kong sabi. Baka sabihin niya ang tungkol sa balita, panindigan kong hindi si Layviel iyun. "[Sinong kasama ni Layviel?]" mahinang tanong niya habang may pag-alala sa kanyang boses."Kaya nga ako tumawag sayo ate baka pwede mong
Nag paalam muna akong mag bihis, ayaw ko ng marinig ang sinasabi nila kay Layviel. Kaibigan ko iyun at nasasaktan ako para sa kanya dahil pamilya ko pa talaga ang nagsabi ng ganito sa kanya. Anong klaseng kaibigan ako?Pamilya ko lang naman ang nagsabi ng ganun pero pamilya ko pa rin sila, nahihiya ako kay Layviel dahil sariling pamilya ko hindi ko kayang mababago ang pananaw nila kay Layviel.Pagkatapos kong mag bihis, bumaba na ako. Hindi ko sila nakita sa sala kaya dumeritso na ako sa kusina ng may marinig akong boses doon. Nag-uusap silang tatlo pagkarating ko doon.Umupo ako sa tabi ni kuya habang nag-uusap pa rin sila. Tahimik lang ako, nakikinig. Nagsimula na kaming kumain pagka-upo ko. Tinanong nila si kuya tungkol sa kanyang girlfriend."Busy siya mom," sagot ni kuya ng tanungin ni mommy kung kailan babalik ang girlfriend niya sa bahay namin."Pag hindi na siya busy, sabihin mong bumisita siya sa bahay, ipagluto ko siya.""Ako naman ang magluto," agad namang sabi ni daddy. S
Masarap sa feeling ang may magmahal. Iyun ang weakness namin ng mga babae, pag may nakita kaming lalaki na grabe yung effort sayo, asahan mo next month hindi mo namalayan na nahulog ka na pala sa lalaki.Walang ibang hinangad kaming mga babae, kundi ang mahalin kami ng mahal namin. Once na maramdaman na naming may something wrong na sa trato ng lalaki, doon na rin magbabago ang feelings namin.Alam kong hindi sa lahat ng pagkakataon lalaki nalang palagi ang umintindi sa mga babae. Dalawa naman ang nasa relasyon kaya hindi pwedeng puro nalang lalaki. Pero lalaki naman ang nanligaw, lalaki naman ang lumapit, lalaki naman ang gumawa ng moves para magustuhan siya ng babae. Sana naman bago sila gumawa ng moves, kilalanin muna nila ang babae at titingnan kung kaya ba nilang tiisin ang ganitong ugali sa babae.Iyun ang mali eh ng karamihan, kaya takot din akong mag mahal. Kahit no boyfriend since birth ako, alam ko iyun dahil napanuod o nabasa ko iyun. Kahit hindi ako ang bida na nasa libron
Hindi ako nakasagot hindi dahil sumangayon ako sa sinabi niya. Tumahimik lang ako dahil inisip ko ang buhay ko na wala si Layviel, hindi siguro ako ganito. Gumaan lang naman ang buhay ko noong dumating si Layviel, wala na masyadong lumapit sa akin para awayin ako o pag tripan kagaya dati.Dahil sa tahimik lang ako dati at hindi nagagalit pag nilapitan para asarin lang kaya malaya nila akong pag tripan lalo na ang mga babae pero noong dumating si Layviel wala na. Hindi ko siya malayuan dahil bukod sa pamilya ko, malaki rin ang tulong ni Layviel para mapagaan ang buhay ko.Ang pamilya ko ang nagpapagaan pagdating sa financial, sa pag-aaral ko at sa mga kinakain ko dati pero ang pamilya hanggang sa bahay lang sila, hindi nila ako masasamahan kahit saan. Sa school at ngayon sa trabaho kaya doon pumasok ang ating kaibigan para samahan tayo sa school o sa trabaho na hindi magawa ng pamilya natin. At naniwala akong si Layviel ang taong yun para sa akin.Naniwala kasi akong lahat ng tao hindi
"Kasi hindi ko sinabi," simpleng sabi ko. Mas lalong kumunot ang noo niya sa akin. "Noong nag-aaral ako kuya maraming mga immature na babae na pillong asarin ako kahit nanahimik lang kaya si Layviel ang naging superhero ko para awayin din ang mga babaeng yun.""Nasaktan niya ang mga babae kuya dahil sa akin kaya nasabihan siya ng masama ang ugali dahil lang din sa akin. Sa trabaho kuya, pag may marinig siyang hindi niya nagustuhan dahil sa akin gagawa talaga siya ng paraan para baguhin iyun, kaya sa huli siya ulit ang masama dahil sa ginawa niya."Sabi kasi nila ako naman ang pinagusapan nila pero si Layviel yung mas galit pa kaya nasabihan siyang toxic pero wala siyang pakialam sa mga sinasabi niya.Tahimik lang si kuya habang nakatitig sa akin, parang malalim ang inisip kaya natawa ako."Wag kang mag-alala kuya, ni minsan hindi siya nagalit sa pamilya ko o sayo kahit pinatay mo na siya sa mura," natatawang sabi ko. Nakatitig pa rin siya sa akin."Blinock niya ako," sabi niya kaya gu
"Ako nga yang nasa picture," nakangising sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at mabilis kinuha ang cellphone ko para sana tawagan siya pero may dinagdag siya. "Wait lang hindi pa ako tapos," natatawang sabi niya.Bumugtong hininga ako. Hindi niya pwedeng sabihin dahil paniguradong masisira ang buhay model niya. Marami ng makikialam sa kanya kapag ganun, ayaw kong mangyayari sa kanya iyun."Ako nga iyan pero iba ang kasama ko sa picture na yan. Hindi niyo ba na isip na marami akong kaaway at kagagawan nila yan para mas marami ang magagalit sa akin. Hindi naman sila nabigo dahil marami nga ang nagalit sa akin pero yang mga galit niyo, useless lang yan, uto-uto kayong lahat. Nag pa-uto pa talaga kayo sa inedit na picture," deritsong sabi niya habang natatawa pa habang inisulto ang mga tao.Kakaiba talaga itong babaeng ito, pero napangiti ako habang nakatingin sa screen. She's strong ang independent, alam kong hindi ito sinabi ni ate na gawin niya. Ang sabi ni ate, bukas na s
"[Hindi iyan ang kailangan ng kaibigan mo,]" seryosong sabi ni ate. "I know, ate.""[Sige, tawagan ko muna siya.]"Nagpaalam si ate ng ilang sandali bago namatay ang tawag. Nahihiya ako dahil walang pinakitang maganda ang pamilya ko sa kanya. Kahit pa sabihin niyang okay lang sa kanya lahat basta hindi naman ganun ang inisip ko sa kanaya, nahihiya pa rin ako.Mabait si Layviel, iyun ang hindi alam ng karamihan.Pumasok muna ako sa cr para maligo at pagkatapos nag blower ng buhok. Pagkatapos ng ginawa ko humiga na ako sa kama para sana matulog na pero narinig kong may nag text sa cellphone ko kaya kinuha ko muna ito para basahin.Nakita kong si Ivan iyun.. I mean si Mr. Wilson.Mr. Wilson: hi miss, tulog ka na?Nakatitig lang ako sa kanyang text. May sa akin na gusto siyang replayan pero may part din na ayaw ko. Hanggat maaga pa iiwasan ko na siya baka matulad ako ni Layviel.Malakas si Layviel alam kong makakayanan lang niya lahat ang binato nila sa kanya pero ako, hindi ko iyun kaya
"Okay ate, sabihin mo lang sa akin kapag may nangyaring hindi maganda sa studio bukas ate.""[I will.]"Pinatay na ni ate ang tawag kaya natulog na ako. Pinigilan kong isipin si Ivan para makatulog agad ako. Nagtagumpay naman ako.Kinabukasan, maaga akong nagising pero hindi ako tumayo. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakahiga at nag-iisip ng kung ano anong bagay.Bigla kong na isip ang mga ginagawa ni Layviel ngayon.Sa isang iglap biglang nag bago ang kaibigan ko. Hindi niya man sabihin sa akin alam kong may naramdaman siya kay Mr. Yanetta kaya na ibigay niya ang kanyang sarili na hindi man lang inisip ang maging consequences sa kanyang ginawa.Alam kong wala siyang pakialam sa mga tao kung galit sila dahil sa paglapit ni Layviel sa isang sikat na Billionaire. Alam ko ring wala siyang pakialam kung ano ang iisipin nila, kahit isipin nilang pera lang ang habol niya wala siyang pakialam. Kilala ko siya, ang mga ginagawa niya ngayon ay hindi para tumigil ang issue.Kilala ko siya,