Share

KABANATA 34

"Anong nangyari?" nag-alala kong tanong sa kanya. Nilayo ko siya sa akin para matingnan ko ng maayos ang mukha niyang problemado. Ano bang nangyari sa isang to, jusko naman.

"Kaya ako hindi pumasok kasi may nangyari kagabi," sabi niya ng mabilis pagkatapos pumikit ng mariin sa harap ko. Ayaw niya akong tingnan.

"Ano?" seryosong tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako sa mata parang naiiyak na.

"Kagabi bumalik ako sa bar," nag-iwas ng tingin. Alam ko na iyun.

"Tapos?"

"Nagkita kami ni Zephyrus," bulong nuyang sabi. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Akala ko si Ivan.

"Tapos?"

"Yun ang pangalawang beses naming pagkikita."

"Kailan ang una?"

"Noong nag break kami ng ex kong bugok," sabi niya parang wala lang sa kanya ang pagtawag ng bugok sa ex niya. Susuwayin ko siya kung wala lang akong tinanong sa kanya.

"Nong isang araw pa. Tapos?"

Sasagot na sana siya sa akin ng may na realize ako.

"Paano kayo nagkakilala?" takang tanong ko. Si Zephyrus Bryle Yanetta yun, hindi basta basta.

"Sa bar,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status