Secretly Married To A Heartless CEO

Secretly Married To A Heartless CEO

By:  Rhod Selda  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
3Mga Kabanata
136views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Nasanay sa simpleng buhay si Yana at hirap mag-adjust sa marangyang buhay kasama ang bilyonaryo niyang lolo. Wala siyang alam sa negosyo at inaaming mahina ang kan’yang utak. Nagtrabaho siya sa ibang kumpanya subalit hindi naging madali dahil sa ubod ng sungit at mahigpit nilang CEO, si Alexis. Kahit masungit ang binata ay sekreto niya itong hinahangaan, lalo’t pagdating sa kan’ya ay hindi nito magawang magalit, bagay na ipinagtataka niya. Nawindang siya nang malamang si Alexis pala ang lalaking itinakda ng lolo niya na kaniyang pakakasalan. Walang alinlangang tinanggap niya ang sekretong kasal sa binata kahit na susubukin ang kaniyang pasensiya. Ikinahal nga siya rito ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakikisama nito sa kan’ya. Umaasa siyang mapaamo niya ito sa pamamagitan ng paghilom sa sugat ng puso nito, ngunit hindi iyon kasing dali ng inaakala niya. Handa ba siyang magtiis sa one-sided love, o ibabaling ang atensiyon sa taong may pamamahal sa kan'ya?

view more
Secretly Married To A Heartless CEO Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
3 Kabanata

Chapter 1

STRESS ang inabot ni Yana sa unang office work niya sa kumpanya ng kaniyang lolo. Hindi niya kaya ang pressure sa banking industry, lalo’t mahina siya sa numero. Graduate siya ng BS Hotel and Restaurant Management, bagay na malayo sa trabahong gusto ng lolo niya.“You didn’t finish your paperwork, Yana,” sabi ni Orlando nang madatnan siya sa lobby ng mansiyon.“Hindi ko na po kaya, Lolo. Sasabog ang utak ko,” reklamo niya. Nakahiga siya sa couch at pumapapak ng popcorn.Napalakas ang buntonghininga ng ginoo at lumuklok sa sofa sa gawing paanan niya.“Hindi kita pipilitin pero kailangan mong magtrabaho upang masanay ka. Iba na ang buhay mo ngayon. May nakaabang nang malaking responsibilidad sa ‘yo dahil ikaw ang nag-iisa kong apo. Dapat noon pa kita kinuha sa nanay mo, eh. Kung alam ko lang na mesirable ang buhay ninyong mag-ina, sana’y pilit kitang kinuha.”Napaupo siya nang maalala ang kaniyang ina na walang ginawa kundi maglasing at manlalaki. Lumaki siya sa puder ng nanay niya dahi
Magbasa pa

Chapter 2

PAKIRAMDAM ni Yana ay inaapuyan ang kaniyang katawan habang kaharap ang guwapo at batang CEO. Hindi siya nito kinakausap pero binabasa ang CV niya.“Why do you choose to work here?” mayamaya ay tanong ng CEO.“Uhm, to gain more experience,” turan niya.“Based on your skills and course attained, you can only work for some of our food production companies and hotels, but for now, we don’t accept regularity for these companies.”Tumitig siya sa CEO at kabado na baka hindi siya matanggap. “Okay lang po kahit hindi regular. Gusto ko po sa hotel o restaurant, puwede rin sa food production, kung ano ang available na mapapakinabangan ko ang kursong tinapos ko.”“We have a hotel at the back of this main office, but we are currently closed for new applicants. You can still get a job as part-time or on-call staff in the hotel if you want. You can also work for the food production next to this building.”Napangiwi siya. “You mean, I will have two jobs?”“Yes, if you can. And if your performance r
Magbasa pa

Chapter 3

NATULOY ang orientation ni Yana kasama ng bago ring recruit. Nag-enjoy siya sa panonood kung paano pinuproseso ang mga frozen product na ginagamit sa mga fastfood at restaurant. Gusto niya ang ganoong trabaho kaysa maghapong uupo sa opisina at haharap sa papeles.Pagkatapos ng orientation ay tumambay sila sa cafeteria ng main building at nagmeryenda. Mamahalin ang pagkain doon kaya ang ibang kasama niya’y tubig lang ang nabili. Nilibre niya ang mga ito ng spaghetti. Nagkaroon kaagad siya ng mga kaibigan pero mas mabilis niyang nakapalagayan ng loob si Sarina dahil katulad niyang madaldal.“Iyong masungit na lalaki kanina pala ang CEO ng ZT, ano? Ang guwapo pa naman,” sabi ni Salina.Iisang lamesa lang ang inukupa nila na mahaba kaya kasya silang sampu. Dalawa lang sila ni Salina ang babae.“Oo, si Sir Alexis,” sabi niya.“Kilala mo siya?”“Oo naman. Sikat kaya siya.”“Hm, hindi ko siya kilala. Hindi naman ako mahilig sa business news. Puro showbiz news lang ang tinututukan ko.”Napang
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status