Kung gusto may paraan, kung ayaw naman, ay siguradong may dahilan. Matapos mahiwalay naglakas-loobsa kaniyang kababata sa loob ng apat na taon, si Shevanee na hanapin ito sa Manila. Ngunit laking gulat niya na parang ibang Ralph Timothy Villanueva ata ang nahahanap niya sapagkat hindi na siya nakikilala nito. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang pansin nito at nagbabakasakaling maalala siya ni Ralph, ngunit may isang lalaki ang humarang sa mga plano niya. Si Gaven Lance Galvez, ang sempatiko na pinsan ni Ralph na namamahala ng isang kompanya. Wala itong ibang ginagawa kundi bantayan ang bawat kilos at hakbang niya dahilan upang mawalan siya ng pag-asa na makilala ulit ng kaniyang kababata. Sa pag-aakala ni Shevanee na makukuha niya muli ang puso ng kaniyang kababata, ay ibang puso pala ang nabingwit niya. Ngunit isa lamang ang dapat niyang piliin. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang mas matimbang para kay Shevanee? Ang minahal niyang kababata o ang lalaking si Gaven na mahal siya?
View MoreLULAN sa sasakyan ng sumundo sa akin patungo sa charity's party, hindi ko maiwasang mamangha sa mga ilaw na galing sa naglalakihang gusali. It gives light in the darkness. Yet sometimes, light can be blinding too. Sa buhay, darating talaga ang panahon kung saan masyado ka nang nasanay sa dilim na hindi mo na makilala ang liwanag. O di kaya'y nasasanay ka na sa liwanag at hindi mo na batid kung ano ang dilim. May mga taong gugustuhin nalang ang manatili sa dilim dahil naging komportable na sila doon. Pero hindi rin naman natin masisi ang ibang tao na nagkukumahig makapunta lang sa liwanag. We don't know what others have been through and don't have the right to judge their choices, but still, we can do something to change their mind. Fresh winds with dust combined from the pollutions of Manila embraced my face as I open the car's window. I let out a heavy sigh when my conversation with Mel yesterday started to replay in my mind. "I—I don't know what to do anymore, She. Masyado na a
"WHAT do you think you're doing back there?" Hindi pa man ako nakakaupo sa aking upuan ay hinaklit na ni Sir Lance ang aking kamay at mahigpit ang naging paghawak niya rito. Napaigik ako nang mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak nang nanatili akong tahimik. "Ano sa tingin mo, Sir?" Pabalik kong tanong sa kaniya. "Secretary lang kita, any time pweding-pwedi kitang sesantihin at palitan. Hindi ka sumusunod sa usapan natin. Akala ko ba malinaw iyon sa 'yo Miss Montecalvo?" Sabi niya pa at dahan-dahang binitawan ang aking kamay. Napahilot ako rito nang makitang namumula ito dulot sa kaniyang mahigpit na paghawak. "I did not violate any rules nor agreement that we had, Sir Lance. At isa pa, hindi naman naapektuhan ang pagiging sekretarya ko sa ginawa ko kanina. Ano bang mali doon? Hindi porket may agreement tayo ay bawal na akong gumawa ng sarili kong desisyon. Tutulungan kong makaalala si Tim. Wala akong pakialam kung may marami mang humadlang. Let it be Trixxie o kahit ikaw
"PSST! Mel, may alam ka ba kung bakit tayo pinatawag rito?" Aligaga kong tanong kay Mel nang mahanap ko siya sa gitna ng maraming co-workers na kasama namin. Trabaho ko dapat ang malaman kung anong rason bakit kami narito ngayon sa maliit na social hall ng kompanya. Samo't-saring mga mukha ang nakikita ko na parehas lamang na bago at hindi kilala ng aking mga mata. It's already Friday, and thank God dahil nakakasurvive naman ako for the past four days bilang isang temporary secretary. "Aba'y ewan ko rin. 'Diba dapat alam mo 'yon? Secretary ka diba, like hello?" Pilosopo niyang sagot sa akin na iwinagayway pa ang kaniyang kamay malapit sa aking mukha. "Ganiyan ba talaga kayong mga buntis, nagiging pilosopo?" I fired back at her. Mabilis naman niya akong nilapitan at halos mapasigaw pa ako nang bigla niya akong kurutin ng pinong-pino sa aking braso. "Tumahimik ka! Ayaw kong maging headline ng chismis bukas, please lang!" Naiiritang sabi niya sa akin. I just rolled my eyes at her. H
"ISA sa mga bagay na pinakaayaw ni Sir Lance ay iyong late comers. He also hate when he sees his employees sleeping while working, or else, getting failed with their responsibilities in their specific field." Napangiwi ako nang tahimik ng marinig ko ang mga sinabi ni Lydia.Gustong-gusto ko kasi ang matulog kapag nasa break ako. Kaya hindi na imposible at hindi narin ako magtataka kung bigla nalang akong masisanti ng wala sa oras dahil lang natutulog ako habang nasa trabaho. Lydia gave me a tour around the company afterwards. She explained to me everything. The rules, my job and the particular things that are under my wings. Masinsinan ko itong pinakinggan at nagtake note pa upang hindi ko ito makalimutan. Hindi naman ako nahirapan na pakisamahan si Lydia dahil hindi naman siya maldita o 'di kaya'y mataray. She's approachable, mabait at magaang kausap. Eksaktong alas onse na kami natapos. She invited me to a lunch which I happily accepted. Habang kumakain kami ay hinayaan ko lang
"ANO ba kasing nangyari sa interview? Bakit mukhang hapong-hapo ka at problemado?" Mel bombarded me with her unending questions nang makauwi ako. Kanina pa siya nag-alala sa akin, pagkabukas ko palang ng pintuan. She gave me a glass of water. Tinanggap ko iyon at inisang lagok na ininom ito. Binalik ko sa kaniya ang baso. "You won't believe it, Mel," tanging nasabi ko habang hawak ang aking ulo. Mel patiently waited for me when to tell her what exactly happened in the interview earlier. I let out a heavy sigh. Hangganga ngayon, ramdam na ramdam ko parin kung paanong nanginig ang aking mga kamay at pagpawisan nang malapot kanina habang kausap ko ang CEO.I closed my eyes and draw a deep breath as I begin to tell Melissa everything that happened. Kusang naglakihan ang aking mga mata nang mapagtanto kong siya nga ang lalaking nabangga ko sa airport noong Sabado. At hindi lang nabangga, ang masaklap pa ay natapunan pa ang kaniyang polo sa ininom kong kape no'ng araw na iyon. "S-sigur
NAALIMPUTAGAN ako sa sikat ng araw na dumadampi sa aking pisngi. Kasabay ng pagbukas ko sa aking mga mata ang walang mailahantulad na sakit ng aking ulo. Parang mahahati sa dalawa ang ulo ko. Napahawak ako rito at napapikit muli dahil sa sakit. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Mel. Nakabusangot siya habang may dala na parang tabletas at isang baso ng tubig. Padabog niyang inilagay sa aking bedside table ang dala niyang gamot. "Oh, inumin mo 'yan," pabalang niya'ng utos. Walang sabi kong ininom ito. Pagkatapos ay ipinikit kong muli ang aking mga mata at hindi na nagtanong pa ng dahilan sa likod ng kaniyang nakabusangot na mukha. "Huwag mo akong idaan sa tulog, She. We need to talk." Seryosong ani ni Mel. Nanatili akong nakapikit. "Ano ba 'yon? Pwedi bang mamaya na lang? Ang sakit ng ulo ko eh," sagot ko sa kaniya nanghihina na boses. "I'm not dumb. Kaya nga kita binigyan ng gamot dahil alam kong may hangover ka." Paglilitanya pa niya. Naramdaman kong hinaw
"GOT any plans for today, She?" Bungad na tanong ni Melissa sa akin nang dumulog ako sa kaniya sa mesa. Ramdam ko parin ang pagod sa buong katawan. Parang gusto ko lang tumihaya buong araw. "Magandang umaga din sa 'yo, Mel," tugon ko naman. She's already having her breakfast dahil may kailangan raw siyang puntahan. "Hindi mo ba ako pweding isama sa lakad mo?" Tanong ko at kumuha ng isang pirasong pandesal na nasa mesa. Mabilis naman siyang umiling-iling. Lumaylay ang balikat ko at sinubsub ang mukha sa mesa. "Bakit?" I whined and pouted in front of her. "Palagi ka nalang busy, kahit weekend. Wala ka ng oras sa akin. Sabi mo pa naman magdi-date tayo ngayon..." I paused and even look at her with a sadder face. "Hay, minsan tuloy gusto ko ng isipin na sagabal lang ako sa buhay mo." Pagdadrama ko pa. Natahimik siya bigla at bumuntong-hininga. Nakokonsensiya tuloy ako."She, anong gagawin mo kung sakaling may nagawa kang isang pagkakamali? Itatago mo lang ba o aaminin mo?" Tanong niy
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Baka mamaya pagsisihan mo 'yan, ha?" Melissa asked me for the ninth time already. I heave a sigh as I took the last bite of my donut. "Mel, siguradong-sigurado na ako at huwag kang mag-alala, dahil hindi ko ito pagsisihan," I answered as I chewed the food in my mouth. Galing pa ako sa kompanya dahil kinuha ko ang natitira pang gamit at tsaka nagpaalam narin ako sa mga naging kaibigan ko habang nagtatrabaho sa TelePerformance. Isang call center company dito sa Cebu.Hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin, ang mga mata'y malalaki. "Really, She? Pupunta ka talaga rito dahil sa kababata mo? Dahil lang gusto mo siyang kumustahin, ganon?" She asked and scoffed afterwards. Hindi niya ako hinayaang makasagot at nagpatuloy muli sa pagsasalita. "Paano kung wala pala siya rito? Paano kung nasa labas pala siya ng Pilipinas? Paano kung may pamilya na pala 'yong tao? Or worse..." She paused while her one hand covered her mouth as if the next word
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Baka mamaya pagsisihan mo 'yan, ha?" Melissa asked me for the ninth time already. I heave a sigh as I took the last bite of my donut. "Mel, siguradong-sigurado na ako at huwag kang mag-alala, dahil hindi ko ito pagsisihan," I answered as I chewed the food in my mouth. Galing pa ako sa kompanya dahil kinuha ko ang natitira pang gamit at tsaka nagpaalam narin ako sa mga naging kaibigan ko habang nagtatrabaho sa TelePerformance. Isang call center company dito sa Cebu.Hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin, ang mga mata'y malalaki. "Really, She? Pupunta ka talaga rito dahil sa kababata mo? Dahil lang gusto mo siyang kumustahin, ganon?" She asked and scoffed afterwards. Hindi niya ako hinayaang makasagot at nagpatuloy muli sa pagsasalita. "Paano kung wala pala siya rito? Paano kung nasa labas pala siya ng Pilipinas? Paano kung may pamilya na pala 'yong tao? Or worse..." She paused while her one hand covered her mouth as if the next word...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments