CHAPTER 2
Helliry POINT OF VIEW “5 thousands sa isang buwan dito Ineng, kaya ba?” Napangiwi ako at napahawak sa batok. “Pag-iisipan ko nalang po. Babalik po ako maya-maya.” Umalis na kaagad ako roon. Sampong libo lang ang natira kong pera at ipagkakasiya ko 'yon sa isang buwan hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Kanina pa ako lumilibot dito para maghanap ng apartment pero mahal lahat. Kung hindi 4 thousands ay umaabot ng 6. Parang hindi kakayanin ng pera ko. Hindi naman ako namomroblema pagdating sa sabon at gamit ko sa paglinis sa katawan dahil nagdala ako. Ang iisipin ko ay pang tatlong araw ko lang na bigas at uulamin ang dala ko. Kung wala akong makikitang mura na apartment at maayos na trabaho hanggang sa susunod na linggo ay siguradong mangangayayat ako. “Ang hirap naman pala maghanap ng apartment. Akala ko ay trabaho lang mahirap hanapin.” Habang naghahanap nga ako ng apartment ay nagtatanong na rin ako ng available na trabaho. Karamihan nga lang na sagot nila ay kasambahay. “Hindi ko pinangarap maging kasambahay. Pero kung 'yon ang itinadhana sa akin tanggapin ko nalang,” sabi ko sa sarili habang napapapikit. “Kasambahay ang madalas na hinahanap dito dahil mayayaman ang mga tao pero iilan lang ang nakatira sa malalaking bahay kaya kailangan nila ng kasambahay.” Nagulat akong napatingin sa isang ale na nakakasabay ko sa paglalakad. May dala siyang bag na may lamang gulay, tingin ko ay katatapos niyang namili. “Mataas din ang sahod sa pagiging kasambahay. Pero minsan ka lang magkakaroon ng matinong amo.” Nagpatuloy siya sa pagsalita habang nakikinig ako. “Galing ka siguro sa probinsiya iha?” tanong niya sa akin. “Opo, paano niyo po nalaman?” “Sa paraan palang ng paglalakad mo ay masisiguro ko na na lumaki ka sa probinsiya. Iha, kapag nasa siyodad ka lalo't ganito karami ang tao sa paligid ay kailangang maingat ka sa mga gamit mo. Iharap mo ang dala mong bag at kailangan lahat ng mahahalagang bagay ay nasa ilalim.” Napa 'O' ako sa sinabi niya at ginawa ito. “Maraming salamat po. Nakalimutan ko po kasi ang bagay na iyon.” “Maraming nagpapalit ng anyo sa lugar na ito kaya mag-iingat ka. Ang kinagandahan lang dito ay sagana. Ano palang hinahanap mo ngayon?” Tatanungin ko pa sana kung anong klase ang pagpapalit anyo ng mga tao rito. Nagiging hayop ba sila o puno? “Naghahanap po ako ng murang apartment, puro mahal ang nakikita ko.” “May alam akong maliit na apartment siguro ay ayos na iyon para sa iyo. Sa siyodad ay mas magandang mag-isa mo lang sa apartment. Kapag may kasama ka kasi ay hindi mo alam kung anong ugali nila.” Napayuko ako sa katutuhanang kahit nasa siyodad pala ako ay kailangan ko pa ring mag-isa. Sinamahan niya nga ako hanggang sa makatapat kami sa isang maliit na apartment. Kakilala niya pala ang may ari nito at saktong kaaalis lang ng dating nakatira. Napangiti ako dahil mura nga ang apartment. May kuwarto, kusina at banyo. Hindi kumpleto ang hindi kumpleto ang appliance pero libre naman ang kuryente. Pagkatapos kong makipag-usap ay nagpasalamat kaagad ako sa ale na tumulong sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at sandaling napapikit bago humarap sa akin at ngumiti. “Magkakaroon ng bagay na mangyayari sa 'yo na pagdidesisiyonan mo. Isang araw ay iisipin mo kung pag-ibig ba o ang kalayaan. Kung kailangan mo ng tulong ay lumapit ka sa akin, Helliry.” Napatulala ako hanggang sa makalayo siya. Napapapikit pikit pa ako dahil hindi ako makapaniwala na alam niya ang pangalan ko kahit hindi ko pa sinasabi. “Isa siyang magaling na manghuhula. Nasa sa iyo na kung maniniwala ka o hindi. Pero tandaan mo isa iyong babala para sa 'yo,” sabi ng may ari ng apartment. “Kailangan ko ng ibigay sa 'yo ang susi, at may ipapapirma ako sa iyo. Ano ulit ang pangalan mo?” — “Ha! Malambot din pala ang kama.” Napatingin ako sa kisame mula sa hinihigaan ko. “Isang araw ay iisipin mo kung pag-ibig ba o ang kalayaan.” Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ng ale. Pag-ibig ba o kalayaan? Ako iibig? Parang hindi ko pa naman nasubukang umibig. “Bahala na nga, kailangan ko pa palang ihanda mga gagamitin kong papeles sa pag-aapply sa trabaho.” Aalis na sana ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag na si Kiro pala. [“Ano nakahanap ka na ba ng trabaho mo?”] tanong niya kaagad sa akin. “Hindi pa, kakahanap ko lang ng apartment ko, papunta palang ako magpaprint ng mga papeles ko.” [“Ano? Gabi na ah, bukas ka nalang magpa-print baka mapano ka pa riyan sa daan nasa siyodad ka.”] Gulat akong tumakbo papunta sa bintana at binuksan ito. “Hindi ko namalayan na gabi na pala. Kaya pala nagugutom ako.” Napatawa siya sa kabilang linya. [“Sige kumain ka muna.”] Pagkatapos naming magpaalam ay bumaba na ako para magluto ng makakain ko. Naabutan ko pa roon ang may ari ng apartment. Ibig palang sabihin ay rito rin siya tumitira. “Mag-oorder ka ba ng pagkain mo iha?” Nagtaka ako sa sinabi niya. “Nao-order po ang pagkain?” Napakamot ako sa ulo ng maalala kong puwede pala ang gano'n sa Jollibee. Wala kasing gano'n sa probinsiya namin. “Oo iha. Sa food panda. Magpapasabay ka ba?” Dala ng kuryusidad ay nagpa-order na rin ako ng ulam. Nagluto nalang ako ng kanin. May kamahalan pala kaya hindi na mauulit. Kinabukasan ay natanghalian ako ng gising dahil yata sa pagod sa pagbiyahe pagkatapos ay naghanap pa ako ng apartment. “Saan ang punta mo ngayon iha?” tanong sa akin ng may ari. “Maghahanap po ako ng trabaho ko.” “Sige, mag-ingat ka sa daan maraming mabibilis ang sasakyan diyan.” Natutuwa ako dahil kahit papaano ay may nagpapaalala sa akin. Naglakad nalang ako para malibot ko ang lahat. “Pa-xerox po ako ng resume.” Pang-apat na beses ko na yata itong ginawa dahil sa mga pinasahan ko ng resume ko. Pagkalabas ko ay halos masunog ang balat ko sa init. Umaapaw ang init ng semento at dami ng tao rito. Habang naghihintay ako na maging kulay pula ang traffic light ay sinubukan kong kontakin si Kiro. Siguro ay abala 'to sa pangingisda. Nang mag-pula ay dadaan na sana ako nang may mabilis na sasakyan ang dumaan sa harapan namin. Ang mga tao ay ramdam ko ang pagkainis. “Sino ba kasi ang nagda-drive no'n ang yabang naman.” Bulong ko sa sarili at nagsimula ng makisabay sa mga naglalakad papunta sa kabilang kalsada. Ang ipinagtataka ko lang ay alam na nga nilang may dumadaan bakit may dumadaan pa ring sasakyan. Dito ko nalaman na hindi pa rin talaga nadadala ang ibang tao, at kahit disiplina sa pagmamaneho ay wala. Buti pa ang iba ay naghihintay naman. Napadaan ako sa isang mataas na building. Nakakalula siya at kahit ano ano ang naiisip kong pangyayari na baka matumba nalang bigla. Nagtanong ako sa guard para tanungin kung ano mayro'n diyan. “Isa itong kumpanya iha.” “Hiring po ba sila ng workers?” Nakatingin siya sa akin, at parang nanghuhusga. Ganito ba talaga ang mga tao rito? “Patingin ako ng papeles mo.” Ibinigay ko ito sa kaniya at may binasa siya pero pagktapos niyon ay bumalik niya na sa akin. “Pasensiya ka na hindi tumatanggap ang kumpanyang ito ng hindi nakapagtapos sa kolehiyo.” Hindi ko alam pero sa tuno palang ng pananalita niya ay hindi ko na nagustuhan. Umalis nalang ako roon at naghanap ng panibago. Kabaligtaran ang pag-uugali ng isang kompanya pa na napuntahan ko. Ang guardiya ay napakabait. 'Yon nga lang ay parehong hindi tumatanggap ng walang diploma sa kolehiyo. “Pasensiya ka na iha, karamihan kasi talaga sa mga malaking kumpanya hindi tumatanggap ng walang diploma sa kolehiyo. Nabanggit mo na hindi mo napagpatuloy ang pag-aaral. Ipagpatuloy mo, saka ka babalik dito.” Napangiti nalang ako rito. Siguro nga ay hindi para sa akin ang malaking kumpanya. Alas dos na ng hapon bago ko maisipang tumigil muna sa paglalakad, hindi ko pa man nalilibot ang lahat at bukas ko nalang ipagpatuloy. “Nakakapagod pala talaga. Kung nasa probinsiya ako baka nagtitinda ako ng gulay ngayon sa palengke.” Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa park para magpahinga. Ngunit napatigil ako nang may makita akong nagkukumpulang tao sa kalsada. Mukhang may nag-aaway at naaabala ang mga iba pang dadaan. Dala ng kuryusodad ay nakisingit ako rito para kung makita. Pagtingin ko ay isang matanda kasama ang kaniyang maliit na apo na nabunggo yata ng sasakyan dahil nakaupo sila sa semento. Walang nagbalak na lumapit dahil may isang lalaking nakatayo sa harapan nila na sa tingin ko ay nakabunggo. Naktalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Lalapit sana ako rito ngunit pinigilan ako ng katabi kong babae. “'Wag mong susubukang masangkot. Sa katulad nating mahirap, wala tayong laban.” Napayuko nalang ako at tinignan sila. “I don't see any wounds, baka hindi kayo nabunggo at pinagpipilitan niyo lang.” Napatingin ako sa lalaking nagsalita, halata namang nagkasugat ang bata at hindi niya lang makita, namimilipit na siguro ito dahil sa pag-iyak niya. “Ano bang sinasabi mo? Ang gusto ko lang naman ay panagutan mo ang pagbunggo mo sa amin. Kahit ihatid mo nalang kami sa hospital—” “Kailangan mo ng pera?” Napasinghap kaming mga nanunuod dahil sa pagbato niya ng pera sa matanda. Napakuyom ang kamao ko dahil ganito na ba ang pagtrato ng mga tao rito sa mga mas mababa sa kanila? “You can go in your own.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumakay na kaagad siya sa sasakyan niya. Gusto ko pa sana siyang sabunutan dahil sa inis ngunit nakaalis na siya. Doon ko rin lang nakita na naka mask pala siya. Kung hindi siguro ay bunyag na ang kasamaan ng ugali. Kinunan ko nga ng litrato ang plate number ng sasakyan niya bago pa siya tuluyang makaalis. Parang pamilyar sa akin ang sasakyan at parang iyon ang mabilis na dumaan kanina. Pagkatapos ng lahat ay isa isa ng nagsisi alis ang mga tao sa paligid. Napatitig ako rito kaya naisipan kong tulungan nalang ang matanda. May iba rin tumulong dito at ang iba ay bumalik na sa kaniya kaniyang paglalakad. Hindi ko mapigilang manggigil lalo na ng mamilipit sa sakit ang bata at kahit ang matanda ay napilayan din. “Lolo, dapat lang na kunin niyo itong pera. Sumakay na po kayo sa sasakyan ko. Ako na maghahatid sa inyo sa pagamutan.” Buti nalang at may mabait pa rin para tumulong. Binigay niya lahat kay Lolo ang pera at tinulungan ko silang alalayan si Lolo. “I-Iha 'wag kang umiyak. Sa mundong ito, kung mababa ka ay patuloy kang pabababain ng ibang tao. Magtrabaho ka ng marangal, at 'wag mong tatalikuran kung ano ka noon.” Napapahid ako sa pisnge ko na hindi ko manlang namalayang napaiyak na pala ako. “Pasensiya na po nadala lang.” Nang maisakay na namin sila sa kotse ay umalis na sila. Napabuntong hininga ako at dumeretso sa apartment. Nadatnan ko roon ang may ari na nagtatahi. “Mukhang malungkot ka. Wala ka bang nahanap na trabaho?” tanong niya sa akin kaya tumango ako. “Ipagpatuloy ko nalang po paghahanap ko bukas. Susubukan ko sa mga restaurant o kaya'y karinderya.” Dumeretso ako sa kusina upang magluto na ng makakain ko. Gaya ng inaasahan ay nag-order siya ng kakainin niya sa hapunan. “Tandaan mo na nasa unang pagsubok ka palang sa lugar na 'to. Sagana nga at maraming pagkukunan ng trabaho. Pero madalas nilang kinukuha ang may potensiyal at yaman. Magiingat kang mapunta sa isang pamilyang may anak na ubod ng gaspang ng ugali.” Tumingin ako sa kaniya at napataas ang kilay. “Nahahawakan po ba ang ugali? Paano niyo po nalaman na magaspang?” Tila nagulat siya sa sinabi ko. “Seryuso ka sa tanong mo? Ah, naintindihan ko na. Ibig kong sabihin ay masama ang ugali. Karamihan 'yon dito sa lugar na ito.” Napakamot nalang ako sa batok dahil sa rami na ng babala na natanggap ko, hindi ko nga alam kung tama ba ang address na binigay ni ante Martha baka kasi namali lang siya ng bigay, o 'di kaya mali lang napuntahan ko. Pagkatapos kumain ay dumeretso ako sa terrace para lumanghap ng hangin. Pinagmasdan ko ang buwan. “Mauuwi pa yata ako sa pagiging isang katulong.”CHAPTER 3Helliry POINT OF VIEW“Hintayin mo nalang ang tawag namin.” Napatango nalang ako at pinigilan ang pagbuntong hininga bago umalis sa harapan ng boss na papasukan ko sanang trabaho.Wala namang pinagbago dahil nakailang restaurant, cafe, grocery store at iba pa ay walang ibang sinabi sa akin kung hindi ang maghintay ng tawag nila. Pero iyong mga nakaraang araw pa na sinabi sa akin iyon ay hanggang ngayon wala pa rin.Napasipa sipa nalang ako sa mga bato na nadadaanan ko dahil hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.Hindi pala talaga kagaya sa probinsiya na sila pa aalok sa 'yo na magtrabaho ka sa kanila. Mapili talaga ang karamihan dito at gusto nila iyong nakapagtapos na sa kolehiyo. Hindi ko naman kasi masabing simple lang lahat ng nandito dahil kahit 'yong restaurant ay subrang laki. Maraming foreigners sa daan. Mga kotse na kaliwa't kanan ang dumadaan at maraming tao araw araw. Halos mag-iisang linggo na ako rito pero wala pa rin akong trabaho.“A-Ate palimos po.
CHAPTER 4—Pagsisimula ng lahat.Helliry Point of View —“'Wag mo nga akong hawakan! Lumayo ka sa akin. Dahil kahit anong nangyayari hindi tayo magkakabalik.”“Mommy! Daddy! Tumigil na kayo!”“Isa ka pang bata ka! Nang dahil sa 'yo sa murang edad ko nabuntis ako!”ISANG malakas na alarm clock ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakabangungot. Napaupo ako saka napayakap sa tuhod. Hindi nabanggit sa akin ng mga magulang ko ang dahilan ng pag-aaway nila. Basta isang araw ay bigla nalang silang nagkalabuan. Napatayo ako at nag-unat ng sarili.“Bakit ko ba iniisip ang panaginip lang. Hahanap nanaman ako ng trabaho.”Napatakbo ako ng mabilis sa banyo ng makitang natanghalian ako nagising. Nakalimutan ko pang palitan ang alarm clock ko kaya pala.—“Siguraduhin mong tama ang mga contact number mong nilagay mo rito.” Tanong sa akin ng nag-iinterview para sa trabaho.“Opo. Sigurado po ako.”“Sige, tatawagan ka nalang namin kapag makakapasok ka na sa trabaho. Puwede ka ng umalis.” Matamlay ako
CHAPTER 5Helliry POINT OF VIEW—Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan. Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address. Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod k
CHAPTER 6Helliry POINT OF VIEW—ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam. Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod.Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon.“Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina.“Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko.“Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto.“Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot.Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging des
CHAPTER 7Helliry POINT OF VIEW—“Ashray. What are you doing?” Napatigil ako mula sa pagkakatitig at para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ng tensiyon. Napatingin ako kay Lolo Henry dahil niligtas niya ang buhay ko.“I'm just welcoming her, Lolo.” Tinignan lang ni Lolo ang nagngangalang Ashray. Napaupo naman ako ng umalis na siya sa harapan ko. Kahit simpleng pagtingin niya lang ay para na akong matatakot. Pero Sino ba siya para katakutan ko.“Pasensiya ka na. Hindi na bago iyon lagi kasi siyang ganiyan kapag may bagong magta-trabaho rito. Lalo na sa mga babae, hindi ko alam kung bakit gano'n siya.” Tinignan ko ang nagngangalang Nicka na kasambahay rin dito. Halos makalimutan ko na rin na nandito siya.Lumingon ako ulit sa likod at buti nalang malayo na sila ni Lolo.“Ayos lang. Hindi naman ako magpapatalo roon, nagulat lang ako. Ashray pala ang pangalan niya?” Pagtatanong ko sa kaniya na tinabihan ako sa pag-upo.“Oo, ang buo niyang pangalan ay Demonic Ashray Silveria.” Napa 'O
PROLOGUEIsang malamig na hangin sa gabi ang dumampi sa balat ko habang nakatayo sa gilid ng bintana ng malaking bahay. Hindi ko inaakala na tatagal ako ng ganito sa mansion na ito, na kahit mali ang pagtrato sa akin ni Ashray ay okay lang. Ano bang magagawa ko kung tuluyan na akong nalamon ng nararamdaman ko sa kaniya.“Iha, hindi ka pa ba babalik sa kuwarto mo? Gabing gabi na.” Tumingin ako kay manang na matagal na rin dito nagtatrabaho.“Hindi pa po. May hinihintay po kasi ako eh.” Ngumiti ako sa kaniya at muling tumingin sa labas upang pagmasdan ang buwan. “Sigurado ka ba iha sa gagawin mo? Nag-aalala lang ako sa 'yo kasi alam mo naman noong malaman niyang may gusto ka sa kaniya, mas gumaspang ang ugali niya.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at pekeng napatawa. Handa na akong harapin kung ano ang sasabihin niya at mananatili pa rin akong umaasa na magugustuhan niya rin ako kahit alam kong malabo. Sa pag-sabi pa nga lang sa kaniya na nagugustuhan ko siya ay lumala lang ang
CHAPTER 1Helliry POINT OF VIEW“Tabi! Tabi! Manang ito na po 'yong mga gulay!”“Kalahating kilong carrots nga mare.”“Ang dami mong bibilhin ngayon ah.”“Oo mare, birthday kasi ng anak kong bunso. Pabili na rin ako ng repolyo.”Maaga palang at marami na ang tao rito sa palengke. Magkabilaan ang ingay at pag-uuna sa pagbili ng mga fresh na gulay. Maaga nga rin akong pumasok sa trabaho ko upang magtinda ng mga gulay dahil Biyernes ngayon at siguradong marami ang tao.Hindi nga ako nagkakamali dahil kanina pa ako palipat lipat sa bumibili at pagkikilo. Hindi ko naman mapigilang matuwa dahil siguradong mataas ang sahod ko ngayon.“Helliry! Kamusta ang araw?” Napangiti ako kay Kiro na papunta rito, kaibigan ko at madalas kong kasama sa pagtitinda ng kakanin.“Mukha ba akong araw, Kiro? Tanungin mo kaya siya,” sagot ko dahil totoo naman 'di ba? Hindi naman ako araw, puntahan niya nalang tutal siya naman may tanong. Nawala ang ngiti niya at napakamot sa ulo. “Ibig kong sabihin kamusta ang