Share

CHAPTER 1

Author: Moonlighty_Jaaa
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 1

Helliry POINT OF VIEW

“Tabi! Tabi! Manang ito na po 'yong mga gulay!”

“Kalahating kilong carrots nga mare.”

“Ang dami mong bibilhin ngayon ah.”

“Oo mare, birthday kasi ng anak kong bunso. Pabili na rin ako ng repolyo.”

Maaga palang at marami na ang tao rito sa palengke. Magkabilaan ang ingay at pag-uuna sa pagbili ng mga fresh na gulay. Maaga nga rin akong pumasok sa trabaho ko upang magtinda ng mga gulay dahil Biyernes ngayon at siguradong marami ang tao.

Hindi nga ako nagkakamali dahil kanina pa ako palipat lipat sa bumibili at pagkikilo. Hindi ko naman mapigilang matuwa dahil siguradong mataas ang sahod ko ngayon.

“Helliry! Kamusta ang araw?” Napangiti ako kay Kiro na papunta rito, kaibigan ko at madalas kong kasama sa pagtitinda ng kakanin.

“Mukha ba akong araw, Kiro? Tanungin mo kaya siya,” sagot ko dahil totoo naman 'di ba? Hindi naman ako araw, puntahan niya nalang tutal siya naman may tanong.

Nawala ang ngiti niya at napakamot sa ulo. “Ibig kong sabihin kamusta ang pagtitinda— ay basta 'wag na nga lang mukhang masaya ka naman eh.” Napatawa nalang ulit siya. Minsan talaga kahit sino sino ang kinakamusta niya tapos sa akin niya tatanungin. Ang weird lang.

“Oo masaya ako kasi maraming bumili ng gulay ngayon, ikaw naubos ba paninda mong isda?” Nginisian niya ako at tumango.

“Oo naman, isang bagsakan lang iyon.”

“Bakit mo naman ibinagsak 'yong isda?” Napahawak ako sa bewang ko habang nakatingin sa kaniya na napanguso.

“Ewan ko sa 'yo Helliry.”

Pagdating ng alas tres ng hapon ay uwian ko na. Ibinigay kaagad sa akin ang sahod ko ngayong araw. Napangiti ako dahil medyo malaki nga ang sinahod ko ngayon. Wala akong pasok sa Sabado at Linggo kaya iniisip ko na kung anong pagkakakitaan ko bukas.

“Ang sipag mo talaga iha. O siya sige, mag-iingat ka sa pag-uwi mo.” Nagpasalamat na ako sa ale na kinuha akong tagatinda sa mga gulay niya.

Nag-lakad na ako paalis at napaisip kung lalakarin ko nalang ba ang pagpunta ko sa bahay o hindi na. 30 minutes kasi ang kailangan ko kapag naglakad ako. Pero kapag sumakay ako sa tricycle ay mapapadali pero mahal naman ang pamasahe. Alas tres palang naman ng hapon pero alas kuwatro ang pagpapakain ko sa mga aso ng kapitbahay. Dagdag kita na iyon, at baka tanggalin pa ako sa trabaho ko.

“Anong iniisip mo?” Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Kiro sa harapan ko. Napatingin ako sa motor na sakay niya.

“Wow, nakabili ka na ng motor mo?” Tumawa siya at napailing.

“Sa Tito ko 'to, pinahiram lang. Sakay ka na.”

Masaya akong nakarating sa bahay dahil dumaan muna kami ni Kiro sa park at maraming nagtitinda ng street food. Pagkaalis ni Kiro ay muli ko nanamang kaharap ang tahimik na bahay at tanging ako lang ang nakatira. Bawat pag-uwi ko sa bahay ay ganito ang bumubungad sa akin, malamig na hangin at alaala nalang ang natira.

Napabuntong hininga nalang ako. “Hay! Malaki ang sahod ko ngayon. Medyo malaki na ang naipon ko at puwede na akong umalis para makapaghanap ng mas magandang trabaho sa mga city.” Pagkatapos kong magsalita ay katahimikan lang ang sumagot sa akin. Dumeretso ako sa kuwarto ko at pinagmasdan ang litrato ng magulang ko na tanging naiwan sa akin.

“Habang patagal ng patagal mas lalong tumatahimik itong bahay. Dalawang taon na pero parang 'di ako nasasanay eh. Kung may kapatid siguro ako hindi ako mag-iisa rito sa bahay kahit iiwan niyo kami.”

Dalawang taon na akong naninirahan mag-isa matapos maghiwalay ang magulang ko at iwan nila ang nag-iisa nilang anak. Parehong magkaiba ang tinahak nilang landas pero kahit isa man lang sa kanila ay walang nagbalak na kunin ako. Siguro sa ngayon ay masaya na sila sa bago nilang pamilya.

Tumigil ako sa pag-aaral, natapos ko lang ay first year college. Dalawang taon na rin akong nakatigil, ibig sabihin no'n ay nasa forth year college na sana ako. May naiwang utang ang magulang ko na ako ang nagbayad kaya hindi ko na natuloy ang pag-aaral na kakayanin ko sana kung wala akong ibang iniisip.

Walang araw na hindi ako mag-isa sa buhay ko. Napakatahimik. Kung gaano kaingay sa palengke ay gano'n katahimik kapag nakarating na ako sa bahay. Hindi ko rin inaakala na ang simpleng away ng magulang ko ay biglang lumaki na naging dahilan para maghiwalay sila.

“Hanggang ngayon iniisip ko kung may balak pa kayong umuwi. Kung wala na ititinda ko nalang ang bahay at lupa na ito at maghanap ng bagong pagtitirhan.” Tumayo ako at tinaggal ang jacket na suot.

“Hindi naman ako magagalit kung maiisipan niyong umuwi. Hindi ko rin naman kasi inaasahang binaon niyo sa limot na may anak kayo.” Pagkausap ko sa litrato na akala mo'y sasagutin ako nito.

Napabuga ako ng hangin upang mawala ang bigat sa loob ko. “Wala naman akong magagawa kahit paulit ulit kong kausapin ang litrato lang. Oras na para magpakain ng alagang hayop.”

Pagkalabas ko palang sa bakuran namin ay ramdam ko kaagad ang kaingayan sa paligid. Paglingon ko sa kapitbahay ay naroon ang sampong anak ng kapitbahay namin na nagbabangayan man ay kumpleto sila at masaya. Mahirap man ang buhay nila pero kumpleto sila. Mas hihilingin ko nalang ang ganiyang buhay kaysa, may kaya ka nga sa buhay pero hindi naman kompleto.

Sa totoo lang ay may kaya ang pamilya ko noon dahil mag-isa ko lang naman na anak. Pero nawala rin lahat matapos silang umalis, sa huli ay naghihirap akong magkayod dahil pinambayad ko ng utang at pagbuhay ko sa sarili ko. Sabagay ay nasa tamang edad na ako at kaya ko ng mamuhay ng mag-isa.

Ngayon ay wala na 'yong utang kaya nakakapag-ipon na ako. Binabalak ko talagang pumunta sa siyodad para sa mas magandang trabaho at para makaalis ako sa buhay na mag-isa at tahimik.

“Helliry iha! Kamusta?” Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay ng mga asong pakakainin ko.

“Ayos lang po. May alam po ba kayong lugar na maraming puwedeng pasukang trabaho?” tanong ko kay ante Martha na may ari ng 20 na aso at subrang laki ng bahay nila. Mayaman ang pamilya nila. Nasa ibang bansa ang ilan nilang anak na nagtatrabaho.

“Bakit? Aalis ka na sa lugar natin?”

“Pinag-iisipan ko palang po.” Binigay niya sa akin ang mga pagkain ng aso.

“Sasabihin ko mamaya pagkatapos mong magpakain ng aso. At kung kailangan mo ng tulong sa pag-aapply mo ng trabaho ay lumapit ka lang sa akin iha.” Napangiti ako dahil sa kabaitan ni ante Martha. Sa isang taon kong nagtatrabaho sa kaniya ay subrang bait niya. Lagi niya akong tinatrato ng maganda.

Pagkatapos ko ngang pakainin at painumin ng vitamins ang mga aso ay naisipan kong linisan din ang kanilang pagkainan at bahay. Baka biglang magbago ang isip ko at bukas na agad ako babiyahe. O kaya sa linggo.

Pagkatapos ko nga ay inaya muna ako ni ante Martha na kumain ng hapunan. Hindi naman ako makatanggi dahil hinila niya na ako at mag-aalas syete na rin ng matapos ako.

“Ito sahod mo iha.” Binigay niya sa akin ang subre at napasilip dito dahil medyo makapal. Nagulat ako ng makita na marami ito.

“A-Ante masiyado yatang marami ito.” Tumawa siya at binalik sa akin ang ang subre.

“Sige na kunin mo na iyan. Nang malaman ko na magtatrabaho ka sa ibang lugar naisipan ko na bigyan kita ng ganiyang halaga. Para 'yan sa pagiging masipag mo at sa mga utang na iniwan sa 'yo.” Napakamot ako sa ulo dahil sa pagkahiya.

“At isa pa, hindi gano'n kadali sa siyodad, malaki ang ginagastos doon hindi kagaya rito sa probinsiya. Ayaw ko rin naman na wala kang ibang choice kung hindi ang magpa ampon sa kamag-anak mo na pahihirapan ka lang.” Bulong niya sa akin.

Sabay kaming napatawa. Matapos niyon ay umalis na ako at nagpasalamat ng subra sa kaniya. Nasabi niya na rin sa akin ang lugar na maraming naghahanap ng workers. Siguro sa linggo nalang ako babiyahe.

Pangit kasi ang ugali ng kamag-anak ko. Gusto nila akong ampunin pero alam ko naman na magiging katulong lang ako sa bahay nila. Lalo na ang mga anak niya na akala mo ay subrang yaman. Baka mapag-utusan lang ako roon at mawalan ng karapatang mamuhay ng masaya dahil nakikitira lang ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan ng bahay. Panay rin ang pagsigaw sa pangalan ko kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumayo kahit inaantok pa.

“Nagising ba kita sa pagtulog mo Helliry? Pasensiya ka na.” Si Kiro pala ang kumakatok ng subrang aga.

“Mukha bang hindi ako nagising Kiro? Bakit ka nga pala nandito ang aga-aga?” Napatingin ako sa kaniya nang mapayuko siya.

“Sinabi sa akin ni ante Martha na aalis ka na rito sa lugar natin. Totoo ba?” Napa 'O' ang bibig ko at tumango sa kaniya.

“Ibig sabihin iiwan mo na ako—I mean ang lugar natin?” Napatawa ako sa sinabi niya.

“Siyempre oo, kaya nga aalis ako rito kaya maiiwan ko eh.” Pagbibiro ko sa kaniya na kinanguso niya.

“Helliry naman.”

“Biro lang.”

“Kailan ka pa nag biro ng ganiyan? Sigurado ay malapit na ang alis mo. Paano kung lumabas tayo bago ka aalis?” Napa-isip ako sa sinabi niya. Tutal ay aalis naman ako ay bakit hindi ako gagala.

“Bukas ang alis ko. Sige, ihahanda ko lang ang sarili ko. Kakagising ko eh.” Napatakip ako sa bunganga ko ng mapahikab ako.

“Napaka-manhid mo naman kasi.” Bumulong siya habang hindi nakatingin sa akin. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya napakamot ako sa ulo.

“May nakikita ka bang hindi ko nakikita? Bumubulong ka riyan eh.” Mas lalo siyang napangiwi, matapos niyon ay nagpaalam na siya at ihahanda na rin daw ang sarili.

Si Kiro ay kababata ko. Halos magkasing-taon lang ako. Gaya ko ay hindi niya na rin natapos ang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Nangingisda siya at may alagang mga isda na puwede niyang itinda kapag malalaki na. Si Kiro ang panganay sa kanilang magkakapatid. Ngunit kahit mahirap man ay kumpleto sila. Tipong masaya sila lagi at sama sama sa pagsubok sa buhay. Masaya sila sa kung ano ang mayro'n sa kanila na siyang hinahangad ko.

Maya maya pa'y umalis na kami upang mamasiyal. Nabatukan ko ba siya habang nagmamaneho dahil sa bilis niyang magpatakbo. Para kasing uulan at nagmamadali siya.

“Kung balak mong magpākāmatāy 'wag mo akong idamay, ang dami ko pang pangarap.” Napatawa si Kiro at dinahan dahan na ang pagmamaneho.

“Maabutan tayo ng ulan. Baka magkasakit pa tayo.”

“'Di bali ng lagnatin at sipunin dahil sa ulan, kaysa naman madisgraya ka na magiging dahilan para mamātāy ka. Minsan talaga hindi ka nag-iisip.” Napa 'ha' nalang siya sa sinabi ko kaya hindi ko na inulit.

“Napakabingi mo pa.”

Nakarating kami sa park na halos puro bata lang naman ang laman. Paano ako makakaenjoy nito.

“Puro bata naman Kiro.”

“Malamang children's park 'to. Eh bakit kasi rito mo gustong pumunta may pang adult naman na park.” Napakamot ako sa ulo.

“May palaruan dito eh. Pero sige na nga kakain muna tayo.”

Hindi ko namalayan na magtatanghali na ng mapagod kami kakapasiyal dito sa park. Hindi ko rin kasi alam kung kailan ulit ako makakabalik dito sa probinsiya. Ang pangit naman kasi kung magmukmok lang ako roon sa bahay ko na subrang tahimik.

“Helliry.” Banggit sa akin ni Kiro. Tinignan ko siya pero hindi naman sumagot. Nababal!w na ba siya?

“Kung may umamin ba sa 'yo na gusto ka niya tatanggapin mo ba? Mapipigilan ka ba no'n para hindi umalis?” Napatingin ako sa kaniya at napa-isip. Sa ngayon kasi ay ang hirap pang sagutin ang tanong niya.

“Siguro matatanggap ko naman, kasi baka magustuhan ko rin pabalik 'yong tao. Pero hindi ako mapipigilang umalis. Gusto kong makabangon Kiro. At gusto ko ring matuto sa iba't ibang klase ng pamumuhay. 'Yong ako lang,” sabi ko sa kaniya at tumingin sa mga nakaupo sa damuhan na pamilya at nagpi-picnic.

“Kung gano'n kahit umamin ako ay wala pa ring saysay.” Napalingon ako sa kaniya at napataas ang kilay dahil hindi ko nanaman narinig ang sinabi niya.

“Ano ulit 'yon?”

“A-Ah wala. Ibig kong sabihin, nagugutom na ako baka gusto mong kumain muna tayo sa isang restaurant? Libre ko, para masiguro ko na babalik ka pa rito.” Natawa ako sa sinabi niya at sumakay sa motor.

“Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Babalik pa rin naman talaga ako. 'Yon nga lang minsan nalang.”

Masaya kaming nagsalo sa pagkain na pinamili namin. Hindi naman puwedeng siya lang ang mag libre kaya bumili ako ng pang himagas. Pagkatapos niyon ay nagpahinga kami saglit at tuloy ang pamamasiyal.

“Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko sa siyodad, pero hinihiling ko na sana maayos ang magiging buhay ko roon.” Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon habang hila ang motor. Sakto kasi habang nasa daan ay nawalan kami ng gasolina.

“Kung sakaling maligaw man ako ng daan Kiro, itutuwid mo ba 'yon?” Napatingin siya sa akin namamangha.

“Mukhang malalim talaga ang iniisip mo. Ngayon lang kita narinig mag-salita ng ganiyan. Oo naman, itutuwid kita.” Napakamot ako sa ulo.

“Iyon naman talaga ibig kong sabihin. Tingin ko hindi na tuwid dinadaanan natin. Feeling ko nga naliligaw tayo. Baka puwede mong ituwid?” Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa paligid at napahilamos sa mukha.

“Bakit ngayon mo lang sinabi? Muntik na talaga tayong naligaw kung makakalayo pa tayo.”

Bumalik nga kami sa pinagdaanan namin. Wala kaming gaanong alam dito dahil ibang barangay ito at dulo pa. Minsan lang namin mpuntahan dahil hindi naman na kami dumadan dito pag pupunta sa bayan.

Napadaan nga kami sa nagpapagasolina at buti nalang may extra akong pera na nadala. Pagkatapos no'n ay umuwi na kami. Naging masaya ang naging araw ko sa totoo lang. Nasulit ko rin kahit papaano. At sigurado na ako sa pag-alis ko. Hindi naman puwedeng mabulok ako sa bahay at trabaho ko. Kailangan ko ng mas maayos na trabaho saka ko ipagpapatuloy ang pangarap kong makapagtapos sa kolehiyo.

Kinabukasan ay may ngiti ako sa labing kumaway kay Kiro at ante Martha na hinatid pa talaga ako sa terminal ng bus. Limang oras ang magiging biyahe ko.

Pagkatapos nito sisimulan ko na ang bagong buhay na ako lang mag-isa.

Related chapters

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Helliry POINT OF VIEW“5 thousands sa isang buwan dito Ineng, kaya ba?” Napangiwi ako at napahawak sa batok.“Pag-iisipan ko nalang po. Babalik po ako maya-maya.” Umalis na kaagad ako roon. Sampong libo lang ang natira kong pera at ipagkakasiya ko 'yon sa isang buwan hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Kanina pa ako lumilibot dito para maghanap ng apartment pero mahal lahat. Kung hindi 4 thousands ay umaabot ng 6. Parang hindi kakayanin ng pera ko. Hindi naman ako namomroblema pagdating sa sabon at gamit ko sa paglinis sa katawan dahil nagdala ako. Ang iisipin ko ay pang tatlong araw ko lang na bigas at uulamin ang dala ko. Kung wala akong makikitang mura na apartment at maayos na trabaho hanggang sa susunod na linggo ay siguradong mangangayayat ako.“Ang hirap naman pala maghanap ng apartment. Akala ko ay trabaho lang mahirap hanapin.” Habang naghahanap nga ako ng apartment ay nagtatanong na rin ako ng available na trabaho. Karamihan nga lang na sagot nila ay kasambahay.

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Helliry POINT OF VIEW“Hintayin mo nalang ang tawag namin.” Napatango nalang ako at pinigilan ang pagbuntong hininga bago umalis sa harapan ng boss na papasukan ko sanang trabaho.Wala namang pinagbago dahil nakailang restaurant, cafe, grocery store at iba pa ay walang ibang sinabi sa akin kung hindi ang maghintay ng tawag nila. Pero iyong mga nakaraang araw pa na sinabi sa akin iyon ay hanggang ngayon wala pa rin.Napasipa sipa nalang ako sa mga bato na nadadaanan ko dahil hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.Hindi pala talaga kagaya sa probinsiya na sila pa aalok sa 'yo na magtrabaho ka sa kanila. Mapili talaga ang karamihan dito at gusto nila iyong nakapagtapos na sa kolehiyo. Hindi ko naman kasi masabing simple lang lahat ng nandito dahil kahit 'yong restaurant ay subrang laki. Maraming foreigners sa daan. Mga kotse na kaliwa't kanan ang dumadaan at maraming tao araw araw. Halos mag-iisang linggo na ako rito pero wala pa rin akong trabaho.“A-Ate palimos po.

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 4

    CHAPTER 4—Pagsisimula ng lahat.Helliry Point of View —“'Wag mo nga akong hawakan! Lumayo ka sa akin. Dahil kahit anong nangyayari hindi tayo magkakabalik.”“Mommy! Daddy! Tumigil na kayo!”“Isa ka pang bata ka! Nang dahil sa 'yo sa murang edad ko nabuntis ako!”ISANG malakas na alarm clock ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakabangungot. Napaupo ako saka napayakap sa tuhod. Hindi nabanggit sa akin ng mga magulang ko ang dahilan ng pag-aaway nila. Basta isang araw ay bigla nalang silang nagkalabuan. Napatayo ako at nag-unat ng sarili.“Bakit ko ba iniisip ang panaginip lang. Hahanap nanaman ako ng trabaho.”Napatakbo ako ng mabilis sa banyo ng makitang natanghalian ako nagising. Nakalimutan ko pang palitan ang alarm clock ko kaya pala.—“Siguraduhin mong tama ang mga contact number mong nilagay mo rito.” Tanong sa akin ng nag-iinterview para sa trabaho.“Opo. Sigurado po ako.”“Sige, tatawagan ka nalang namin kapag makakapasok ka na sa trabaho. Puwede ka ng umalis.” Matamlay ako

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Helliry POINT OF VIEW—Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan. Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address. Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod k

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 6

    CHAPTER 6Helliry POINT OF VIEW—ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam. Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod.Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon.“Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina.“Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko.“Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto.“Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot.Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging des

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 7

    CHAPTER 7Helliry POINT OF VIEW—“Ashray. What are you doing?” Napatigil ako mula sa pagkakatitig at para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ng tensiyon. Napatingin ako kay Lolo Henry dahil niligtas niya ang buhay ko.“I'm just welcoming her, Lolo.” Tinignan lang ni Lolo ang nagngangalang Ashray. Napaupo naman ako ng umalis na siya sa harapan ko. Kahit simpleng pagtingin niya lang ay para na akong matatakot. Pero Sino ba siya para katakutan ko.“Pasensiya ka na. Hindi na bago iyon lagi kasi siyang ganiyan kapag may bagong magta-trabaho rito. Lalo na sa mga babae, hindi ko alam kung bakit gano'n siya.” Tinignan ko ang nagngangalang Nicka na kasambahay rin dito. Halos makalimutan ko na rin na nandito siya.Lumingon ako ulit sa likod at buti nalang malayo na sila ni Lolo.“Ayos lang. Hindi naman ako magpapatalo roon, nagulat lang ako. Ashray pala ang pangalan niya?” Pagtatanong ko sa kaniya na tinabihan ako sa pag-upo.“Oo, ang buo niyang pangalan ay Demonic Ashray Silveria.” Napa 'O

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 8

    CHAPTER 8Helliry POINT OF VIEW—ITO ang pangalawang araw ko bilang isang katukoy pero feeling ko ay isang taon na ako rito dahil sa rami kaagad ng ginawa ko kahapon. Napatingin ako sa orasan habang nakahiga sa kama. Ang mga braso ko ay naka wide open lang, ang sakit kasi ng katawan ko. Nagising nalang akong ganito at hirap igalaw ang buo kong katawan.Alas singko palang naman ng umaga. Buti naman at hindi ako inutusan ng bakuraw na si Ashray. Ang sabi ni Lolo Henry ay wala akong ibang susundin kung hindi siya lang. Gawin ko raw ang makakaya ko para matuto siya sa pinaggagawa niya.Paano ko ba gagawin 'yon eh ang laki niya. Baka nga hindi ko pa siya mabatukan dahil sa height niya.Sinubukan kong gumalaw upang umupo pero halos manlumo lang ako dahil sa sakit. Napaiyak ako ng walang luha dahil bugbog ang katawan ko. Para akong nilalagnat na gusto ko nalang matulog buong araw.Dumating nga ang alas sais at hindi pa rin ako nakakabangon. Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ko. “B-Buk

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Helliry POINT OF VIEW—BAGONG umaga nanaman nga ang bumungad sa akin sa pagmulat ko palang ng mata ko. Medyo inaantok pa ako dahil sa pag-iyak ko kahapon. Nakalimutan ko pa ngang hindi pa naghapunan si Ashray ang ending nga ay kailangan kong tumayo para hatiran siya ng makakain. Binigyan ko nalang siya ng nakayuko at walang imik sabay alis para hindi halata na umiyak tayo.Kung bakit naman kasi hindi ko napigilan ang emosiyon ko. Sinabi ko na nga sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa iisang dahilan lang. Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Ashray.Napabuga ako ng hangin at tumayo na. Maliligo na muna ako para gumaan ang pakiramdam ko. Infairness wala pa akong isang linggo rito pero feeling ko nakakapagod na. Pero mas okay na ito kaysa naman araw araw akong umaalis tapos walang makuhang trabaho.Pagdating ko sa kusina ay halos wala pang tao. Pagtingin ko sa orasan ay alas kuwatro palang naman pala. Kumuha ako ng baso para uminom muna.“Timplahan mo a

Latest chapter

  • His Slow-witted Maid   EPILOGUE

    EPILOGUE— 4 years later“Say! Mommy!”“Dada!”“Hindi puwede. Dapat mommy 'yan. Ash ano nanamang pinainom mong gatas sa mga ito! Bakit puro ikaw ang binabanggit!” Napanguso ako habang nakatingin kay Ashray.“I didn't, hindi ko pa nga sila pinapainom ng kahit ano.” Gusto kong magpapadyak pero 'wag nalang baka ma apply pa nila.Pagkatapos kong makapag aral sa kolehiyo ay gusto kaagad ni Ashray na ikasal kami. Excited nga masiyado at hindi na ako pinayagang magtrabaho ulit. Oo hindi na rin siya naghintay ng ilang years, ilang buwan lang ay kasal agad. At ito ang naging results. Kambal na babae at lalaki.Nanligaw siya sa akin ng halos 2 years. Mga 1 year and half yata bago ko sinagot. Hindi ko siya sinagot kaagad dahil nga nag-aaral pa ako, pero sinagot ko rin noong gusto ko na. Gano'n lang kasimple. Gaya ng sinabi niya ay babawi siya sa akin. Pero binigyan naman ako ng dalawang inire. Grabe ang sakit kaya.“Naks! Tama 'yan maglaba ka, magluto ka rin pagkatapos dito kakain ang pinakamaga

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 50

    CHAPTER 50— FinaleHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MATAGAL na panahon na rin yata simula noong umiyak ako ng tudo kasama ang sakit, kabog sa dibdib, kaguluhan sa isip, pag-aalala at halo halo na. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tipong para na akong namamanhid dahil sa nakikita ko.Noong bata ako ay takot na talaga ako sa dugo, pero hindi gano'n kalala. Kapag kaunting dugo ay hindi naman ako natatakot. Natatakot ako hindi dahil sa parang trauma, natatakot ako rito dahil noong nasugat ako ng malaki ay nagdugo ito at subrang sakit sa pakiramdam. Iniisip ko noon na paano na kaya ang malaking sugat? Baka subrang sakit na. Pero 'yong ganitong nakikita ko ngayon, na halos panligo na ang dugo ay hindi ko kayang tignan.Napasigaw ako at agad na lumapit sa kinaruruunan ni Ashray. Panay ang kalabog ng puso ko at pagtulo ng luha. Ako na mismo ang naghila sa mga first aid kit at pinaalis ang mga paharang harang na nanunuod lang. Hindi ko mapigilang nagalit dahil

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 49

    CHAPTER 49Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nasa loob ng classroom. Wala namang ginagawa na gaano pero hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Ashray. Ngayon lang yata ako hindi sinipon kapag nagpapaulan.“Ano bang ginawa mo kagabi bakit para antok na antok?” Tanong sa akin ni Claies.“W-Wala naman hindi lang talaga ako makatulog kasi hindi pa naman ako inaantok.” Alas dose na nga 'yon pero wala pa akong tulog kaya naisipan ko nalang mag midnight snack, may stock akong mga pagkain at ilang buwan nalang ay mag e-expired na kaya kinain ko nalang.May stock din ako ng mga gatas at kape para kung sakaling matakam ako sa mga ito ay hindi na ako maghahanap kahit saan. Lalo na kapag gabi ay malamig at minsan talaga tinatamad din ako.“Malapit na rin uwian, inaantok din ako. Hindi siguro tayo makakapag bili ng mga street food ngayon. Gusto kong magpahinga, napagod ako kahapon.” Nag unat siya at sinandal ang ulo sa likod ng upuan. Kararating niya

  • His Slow-witted Maid   SPECIAL CHAPTER

    SPECIAL CHAPTER Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW—“Demonic Ashray Silveria.” Napatingin ako sa nagtawag sa akin ng buo kong pangalan. Nagsampalan naman si Stellan at Zyrine hanggang sa makarating sila sa akin.“What?”“Laugh first.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zyrine.“Are you crazy?”“Duhh, we are 'cousin' how dare you to tell me that.” Tinignan ko lang siya at bumalik sa pagkakatingin sa labas ng window glass.“Ah gano'n pala ah. Stell, don't tell him where is Helliry located.” Napatingin ako ng nanlalaki ang mata. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Inirapan ko si Zyrine dahil sa kahit ano anong pinaggagawa niya.“She's here. Pero medyo malayo rito. Sa apartment na malapit sa school ang tinutuluyan niya ngayon. Five to ten minutes ang lakad papunta sa school.” Paninimula ni Stellan.“She told us na 'yon ang unang apartment niya noong naghahanap palang siya ng apartment.” I thought they are are not telling the truth.“Really, is she safe there?” Tanong ko sa kani

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 48

    CHAPTER 48Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW— Continuation of Chapter 42“Itigil mo 'yan Ashray, gusto mo bang masira ang katawan mo dahil sa alak? Akala ko ba nakapag usap na tayo kahapon.” Napatingin ako kay Stellan at inagaw ang bote ng alak na hawak ko.“Baka gusto mo nanamang masapak. Drinking alcohol won't help you to move, hindi ka rin matulungan niyan na maging ayos.” Napatitig ako sa baso.“Okay fine, just give me that last bottle it's too expensive para hindi maubos.” He look at me with a weird look.“You're drunk. You're too wealthy to say that. Hindi mo ako mabibiro sa ganiyan, stop drinking, get up and move your butt tutulungan kita. Be a man bro and know your wrongs.” Sa lahat yata ng nakilala ko ito ang hindi ko mapilit basta. Wala rin naman akong magagawa dahil wala akong gana sa lahat ng bagay susunod nalang ako sa kaniya.“Maligo ka, amoy alak ka,” sabi niya sa akin at tinulak ako.“Kakaligo ko lang.” Tinignan niya ako at napataas ang kilay.“O really? Glad you

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 47

    CHAPTER 47Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—ILANG araw na ang nakalipas at hindi talaga tumigil si Ashray sa paghintay sa akin. At sa mga araw na nagdaan ay kahit isa sa amin ay walang nagsalita. Parang pareho nga kaming gustong magsalita pero wala talagang nag lakas ng loob.Kaduwagan ang tawag doon. Kung siya balak niyang makipag ayos sa akin ay bakit tinititigan niya lang ako at walang salita na kahit ano. Wala akong balak mag first move dahil una sa lahat siya ang may gusto nito. Pinaalis niya ako at gusto ko lang gawin ang sinabi niya sa akin. Ito na sinusunod ko na, siya ang nagsabi kaya siya rin ang bumawi nang sinabi niya kung gusto niya.Napahilata ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Mabuti nalang talaga at tapos na ang exam kung hindi ang dami ko sanang iisipin. Ang Ashray talaga na 'yon walang ibang ginawa sa akin kung hindi pag-isipin ako mabuti.Tumayo na ako at kinuha ang sling bag ko. Tinawag kasi ako nang dalawa. Si Zyrine at si Stellan, gusto raw nil

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 46

    CHAPTER 46Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—KAILAN na nga ba ulit ako nakaramdam ng kakaibang pagtibok ng puso ko, tipong subrang lakas at hinaluan pa ng kaba at panlalamig ng kamay. At sa iisang tao lang ito nangyayari. Sa iisang tao ko lang ito nararamdaman.Ngayon ay may halong kirot at saya sa puso ko, hindi ko maintindihan kung ano ng mararamdaman ko ngayon habang kaharap siya. Halo halong emosiyon na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito. Ang daming tanong na hindi ko naman masabi dahil hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.Napaiwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy maglakad. Baka naman may iba siyang hinihintay rito. Tapos makikisawsaw ako ang sama ko naman tignan kapag gano'n. Nilampasan ko nalang siya dahil wala rin naman siyang sinasabi.“Get in.” Mahina pero narinig ko ang buses niya. Feeling ko tuloy may gusto siyang sabihin pero hindi niya natuloy tuloy.Napatigil ako saglit pero pinagpatuloy k

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 45

    CHAPTER 45—Nalalapit na pagtataposHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nakatutok sa reviewer ko. 10 o'clock na ng gabi at nandito pa rin ako sa reviewer ko. Hindi kasi ako magpupuyat at alas nuwebe palang minsan ay tulog na ako. At madali talaga akong antukin kapag reviewer na ang kaharap ko. Hindi naman siguro masiyadong mahirap 'yong exam dahil nag a-advance ako minsan sa pagbabasa at nakikinig ako sa mga lectures, ang ginagawa ko nalang ngayon ay sinusubukang ibalin sa iba ang attention ko.Ilang araw na pero hindi pa rin nagpapakita sa akin si Ashray. Sigurado kaya 'yong dalawa sa pinagsasabi nila tungkol kay Ashray na halatang ako ang iniisip. Baka naman hindi eh. Kung gusto niyang mag sorry ay dapat ilang araw na siyang nagpapakita.Ang kapal ko naman magsabi ng ganito samantalang kapag nag sorry siya sa akin hindi ko pa alam kung patatawarin ko ba kaagad. Isa pa ay hindi ako sigurado kung mag so-sorry talaga siya. Pero ano kayang ginagawa ni

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 44

    CHAPTER 44Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—“Okay got it Helliry? Basta 'wag ka lang mahiya, kaya mo 'yan mataas ang sahod sa modeling at bagay na bagay ka rin talaga.” Napahawak ako sa tenga ko dahil sa sinabi ni Zyrine. Nakakahiya.Tinuturuan niya nga ako ng mga poses kapag mag momodel na. Model din pala siya kaya pala 'yon ang offer niya sa akin. Tinuturuan niya ako ng mga alam niyang pose bago kami umalis dito. Oo sasama na nga ako sa pagbalik nila. Kailangan ko na ring pumasok sayang naman ang ilang buwan kung drop out ako. 'Tsaka patapos ko na itong second year, ayaw ko nang masayang.“Kayong dalawa, tara na.” Napatingin kami kay Stellan na tinawag kami, naayos niya na pala ang mga gamit namin.Alas nuwebe na nga kami nakaalis dahil naghanap din sila ng maiuuwi nila na sa probinsiya lang madalas makita o mabili. Isa pa ay rush talaga sila, kararating lang kaya nila kahapon tapos kinabukasan uwi ulit. Wala silang reklamo dahil sanay naman na raw sila sa biyahe, mas malala pa

DMCA.com Protection Status