PROLOGUE
Isang malamig na hangin sa gabi ang dumampi sa balat ko habang nakatayo sa gilid ng bintana ng malaking bahay. Hindi ko inaakala na tatagal ako ng ganito sa mansion na ito, na kahit mali ang pagtrato sa akin ni Ashray ay okay lang. Ano bang magagawa ko kung tuluyan na akong nalamon ng nararamdaman ko sa kaniya. “Iha, hindi ka pa ba babalik sa kuwarto mo? Gabing gabi na.” Tumingin ako kay manang na matagal na rin dito nagtatrabaho. “Hindi pa po. May hinihintay po kasi ako eh.” Ngumiti ako sa kaniya at muling tumingin sa labas upang pagmasdan ang buwan. “Sigurado ka ba iha sa gagawin mo? Nag-aalala lang ako sa 'yo kasi alam mo naman noong malaman niyang may gusto ka sa kaniya, mas gumaspang ang ugali niya.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at pekeng napatawa. Handa na akong harapin kung ano ang sasabihin niya at mananatili pa rin akong umaasa na magugustuhan niya rin ako kahit alam kong malabo. Sa pag-sabi pa nga lang sa kaniya na nagugustuhan ko siya ay lumala lang ang galit niya sa akin. Paano pa kaya kung sabihin kong minamahal ko na siya? “Tatanggapin ko po ang rejection. Saka ako magde-desisiyon kung ititigil ko ba o hindi, kung ano ang makikita ko.” Wala nang nagawa si Manang kung hindi ang tumango nalang sa akin. “Sige, bahala ka iha. Pero sa tingin ko iha ay lalambot din ang puso niya.” Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon. “Bakit? Matigas ba ang puso? Si manang talaga mas nag-oover think pa kaysa sa akin.” Makalipas ang ilang oras ay sa wakas nakita ko na ang sasakyan niya. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko dahil sa wakas ay masasabi ko na rin na minamahal ko na siya. Alam kong wala akong kasiguraduhan kung tatanggapin niya ba ang pag-amin ko. Ang mahalaga ay masabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Ngunit tila nabagsakan ako ng mabigat na bagay sa nasaksihan ko at makita ko na may kasama siyang babae. Kahit kinakabahan at halos mamawis na ako sa lamig ay bigla itong napalitan ng sakit sa puso ko, kahit madilim ang paligid dahil tanging lamp lang ang nakabukas sa bawat sulok ng mansion ay malinaw sa paningin ko na harap harapan kung nakikita kung paano niya halikan ang isang babaeng kasama niya. Nabitawan ko ang hawak kong capcake na ginawa ko na balak ko pa sanang ibigay sa kaniya. Nanginig ang buong katawan ko habang pinipigilan ang luhang gustong tumulo. Nakita ko ang pag-tingin niya sa akin ngunit sa halip ay pinagpatuloy niya ang paghalik sa babae. Napatulala na lamang ako habang pinagmamasdan silang umukyat sa taas at pumunta sa isang kuwarto, tila sinampal ako ng katutuhanan na kahit anong gawin ko ay hanggang dito nalang ako. Napayuko nalang ako at dumeretso sa kuwarto ko habang hawak ang dibdib. “H-Hindi ako i-iiyak.” Dala ng sakit sa puso ko at pag-iisip ay halos isang oras lang ang naitulog ko. Pinilit kong hindi pakawalan ang luhang gustong tumulo. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Maaga palang at halos papasikat palang ang araw ngunit gusto ko na kaagad siyang kausapin tungkol sa nakita ko kagabi kahit malinaw na sa akin kung ano talaga ang nangyari. Humarap ako sa salamin at pilit na ngumiti. “Huling pagpapakatāngā na 'to, Helliry.” Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kuwarto ni Ashray ay hindi ko mapigilang mangilid ang luha at kabahan. “Ba-Bakit ba kasi ang sakit. Huli na talaga ito. Pagkatapos nito ititigil ko na.” Nang makatapat ako sa kuwarto niya ay bahagya akong nagulat nang kusa na itong bumukas. Pagkabungad palang ay tumama kaagad sa akin ang malamig niyang tingin. “What are you doing here.” Hindi kaagad ako nakapagsalita sa malalim niyang buses na tila pagalit. Ang dating sa akin ay hindi ito tanong, ayaw niya na nandito ako. “M-Maaga akong m-maglilinis sa kuwarto mo.” Halos magkanda piyok na ako sa pagdadahilan. Gustong gusto ko nang tanungin kung anong ginawa nila ng babae kagabi at bakit sila magkasama. Pumasok ako sa kuwarto niya ng hindi siya magsalita at kunwarint abala sa pamumulot ng nagkalat na basura sa kuwarto niya. Hindi ko alam kung bakit lagi nang makalat ang kuwarto niya. Maya maya pa'y bahagya akong napasinghap nang makita ko ang gamit ng babae na nakatakip sa kumot niya. Napabuga ako ng hangin ng maisip ko na sa babaeng kasama niya kagabi ang gamit niyang ito. Ngunit tila nabuhusan nanaman ako ng malamig na tubig ng makita ko ang underwear ng isang babae. Napahigpit ako ng kapit dito at nilagay sa basket. Tumayo ako at humarap sa kaniya. Siguro, sapat na ang nakita ko. “P-Puwede ba kitang tanungin Ashray.” Minabuti kong tatagan ang loob ko kahit nanghihina na ang tuhod ko. Tinignan niya lang ako ng walang emosiyon. “Anong ginawa niyo ng b-babae kagab—” “Why do you care?” Hindi ko kaagad napatapos ang sasabihin ko dahil sa malamig na pagsabat niya. “G-Gusto ko lang malaman, kasi 'di ba sinabi ni manang na bawal kang magdala ng ba—” “Can you please shut your mouth? Wala kang karapatang maramdaman 'yan dahil katulong ka lang.” Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya sa akin, kaya hindi ko namalayang nailabas ang emosiyon ko. “B-Bakit mo ba ako tinatrato ng ganito Ashray? At anong alam mo sa nararamdaman ko!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa harapan niya habang pinipigilan ang luhang gustong tumulo. “Hindi kita magugustuhan Helliry, malinaw na ba sa 'yo? How many times do I have to tell you na katulong ka lang.” Napatigil ako sa sinabi niya. “You need money, right? Ito, lunukin mo na ang perang ito at tantanan mo ako. Pumunta ka na rin sa kaibigan kong si Stellan dahil malandi ka—” Kusang gumalaw ang kamay ko upang isampal sa mukha niya dahil sa masasakit na salitang binitawan niya sa akin. Napatigil siya habang ako ay nagsisimula ng maiyak sa sakit ng sinabi niya. “O-Oo na tatantanan na kita Ashray. Pero kailangan bang sabihin mo sa akin 'yan? Oo na mahal na mahal kita Ashray, pero pinilit ko ba na maramdaman ito! T-Tanggap ko naman kung hindi mo ako magugustuhan, pero kailangan bang gāgøhin mo ako?” Wala akong ibang nagawa kung hindi ang isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko habang umiiyak. “Ganito ako Ashray, pero may pakiramdam pa rin ako. Sige ikaw na ang tama. Mukha nga akong pera, malandi nga ako, sabihin mo na lahat ng gusto m-mong sabihin Ashray. Pero ito ang tatandaan mo, hindi ka na makakaulit pa at pagsisisihan mo lahat ng ito.” Bago pa siya makapagsalita ay umalis na ako sa harapan niya habang pilot pinapahid ang mga luha kong patuloy sa pag-agos. Nag-impake kaagad ako ng mga gamit ko at tanging kay Lolo at kay manang lang ako nagpaalam. Hindi na muli akong umiyak pa hanggang sa makarating ako sa probinsiya at dumeretso sa bahay ng Lola ko na matagal ng walang nakatira. Matamlay akong napaupo sa isang upuan at ipinatong sa mesa ang cake na binili ko. Napabuntong hininga ako at sinindihan ang kandila. Bago ko pa man mahipan ang kandila ay kusa ng napatulo ang luha ko at mapatitig sa tahimik na bahay habang binati ang sarili. “M-Mas masaya pa rin talaga kapag mag-isa ka sa buhay. M-Maligayang kaarawan, Helliry.” — Author's Note: Hello everyone! If you have time to read my note, kindly read it ^^. First of all I just want to thank those people na nagbasa at nag support sa first story ko rito na The Billionaire's Wife. Dahil diyan mas pagbubutihin ko pa ang pagsusulat. Also about this prologue, may iba pa talagang scenarios sa mga chapters na 'yan hindi ko na talaga sinama at 'yong pasilip nalang talaga siya. You can read the whole scenario at lahat ng sasabihin ni Helliry sa magiging chapters. Pasilip lang talaga siya. I will appreciate your support. Thank you so much!CHAPTER 1Helliry POINT OF VIEW“Tabi! Tabi! Manang ito na po 'yong mga gulay!”“Kalahating kilong carrots nga mare.”“Ang dami mong bibilhin ngayon ah.”“Oo mare, birthday kasi ng anak kong bunso. Pabili na rin ako ng repolyo.”Maaga palang at marami na ang tao rito sa palengke. Magkabilaan ang ingay at pag-uuna sa pagbili ng mga fresh na gulay. Maaga nga rin akong pumasok sa trabaho ko upang magtinda ng mga gulay dahil Biyernes ngayon at siguradong marami ang tao.Hindi nga ako nagkakamali dahil kanina pa ako palipat lipat sa bumibili at pagkikilo. Hindi ko naman mapigilang matuwa dahil siguradong mataas ang sahod ko ngayon.“Helliry! Kamusta ang araw?” Napangiti ako kay Kiro na papunta rito, kaibigan ko at madalas kong kasama sa pagtitinda ng kakanin.“Mukha ba akong araw, Kiro? Tanungin mo kaya siya,” sagot ko dahil totoo naman 'di ba? Hindi naman ako araw, puntahan niya nalang tutal siya naman may tanong. Nawala ang ngiti niya at napakamot sa ulo. “Ibig kong sabihin kamusta ang
CHAPTER 2Helliry POINT OF VIEW“5 thousands sa isang buwan dito Ineng, kaya ba?” Napangiwi ako at napahawak sa batok.“Pag-iisipan ko nalang po. Babalik po ako maya-maya.” Umalis na kaagad ako roon. Sampong libo lang ang natira kong pera at ipagkakasiya ko 'yon sa isang buwan hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Kanina pa ako lumilibot dito para maghanap ng apartment pero mahal lahat. Kung hindi 4 thousands ay umaabot ng 6. Parang hindi kakayanin ng pera ko. Hindi naman ako namomroblema pagdating sa sabon at gamit ko sa paglinis sa katawan dahil nagdala ako. Ang iisipin ko ay pang tatlong araw ko lang na bigas at uulamin ang dala ko. Kung wala akong makikitang mura na apartment at maayos na trabaho hanggang sa susunod na linggo ay siguradong mangangayayat ako.“Ang hirap naman pala maghanap ng apartment. Akala ko ay trabaho lang mahirap hanapin.” Habang naghahanap nga ako ng apartment ay nagtatanong na rin ako ng available na trabaho. Karamihan nga lang na sagot nila ay kasambahay.
CHAPTER 3Helliry POINT OF VIEW“Hintayin mo nalang ang tawag namin.” Napatango nalang ako at pinigilan ang pagbuntong hininga bago umalis sa harapan ng boss na papasukan ko sanang trabaho.Wala namang pinagbago dahil nakailang restaurant, cafe, grocery store at iba pa ay walang ibang sinabi sa akin kung hindi ang maghintay ng tawag nila. Pero iyong mga nakaraang araw pa na sinabi sa akin iyon ay hanggang ngayon wala pa rin.Napasipa sipa nalang ako sa mga bato na nadadaanan ko dahil hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.Hindi pala talaga kagaya sa probinsiya na sila pa aalok sa 'yo na magtrabaho ka sa kanila. Mapili talaga ang karamihan dito at gusto nila iyong nakapagtapos na sa kolehiyo. Hindi ko naman kasi masabing simple lang lahat ng nandito dahil kahit 'yong restaurant ay subrang laki. Maraming foreigners sa daan. Mga kotse na kaliwa't kanan ang dumadaan at maraming tao araw araw. Halos mag-iisang linggo na ako rito pero wala pa rin akong trabaho.“A-Ate palimos po.
CHAPTER 4—Pagsisimula ng lahat.Helliry Point of View —“'Wag mo nga akong hawakan! Lumayo ka sa akin. Dahil kahit anong nangyayari hindi tayo magkakabalik.”“Mommy! Daddy! Tumigil na kayo!”“Isa ka pang bata ka! Nang dahil sa 'yo sa murang edad ko nabuntis ako!”ISANG malakas na alarm clock ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakabangungot. Napaupo ako saka napayakap sa tuhod. Hindi nabanggit sa akin ng mga magulang ko ang dahilan ng pag-aaway nila. Basta isang araw ay bigla nalang silang nagkalabuan. Napatayo ako at nag-unat ng sarili.“Bakit ko ba iniisip ang panaginip lang. Hahanap nanaman ako ng trabaho.”Napatakbo ako ng mabilis sa banyo ng makitang natanghalian ako nagising. Nakalimutan ko pang palitan ang alarm clock ko kaya pala.—“Siguraduhin mong tama ang mga contact number mong nilagay mo rito.” Tanong sa akin ng nag-iinterview para sa trabaho.“Opo. Sigurado po ako.”“Sige, tatawagan ka nalang namin kapag makakapasok ka na sa trabaho. Puwede ka ng umalis.” Matamlay ako
CHAPTER 5Helliry POINT OF VIEW—Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan. Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address. Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod k
CHAPTER 6Helliry POINT OF VIEW—ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam. Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod.Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon.“Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina.“Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko.“Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto.“Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot.Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging des
CHAPTER 7Helliry POINT OF VIEW—“Ashray. What are you doing?” Napatigil ako mula sa pagkakatitig at para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ng tensiyon. Napatingin ako kay Lolo Henry dahil niligtas niya ang buhay ko.“I'm just welcoming her, Lolo.” Tinignan lang ni Lolo ang nagngangalang Ashray. Napaupo naman ako ng umalis na siya sa harapan ko. Kahit simpleng pagtingin niya lang ay para na akong matatakot. Pero Sino ba siya para katakutan ko.“Pasensiya ka na. Hindi na bago iyon lagi kasi siyang ganiyan kapag may bagong magta-trabaho rito. Lalo na sa mga babae, hindi ko alam kung bakit gano'n siya.” Tinignan ko ang nagngangalang Nicka na kasambahay rin dito. Halos makalimutan ko na rin na nandito siya.Lumingon ako ulit sa likod at buti nalang malayo na sila ni Lolo.“Ayos lang. Hindi naman ako magpapatalo roon, nagulat lang ako. Ashray pala ang pangalan niya?” Pagtatanong ko sa kaniya na tinabihan ako sa pag-upo.“Oo, ang buo niyang pangalan ay Demonic Ashray Silveria.” Napa 'O