Share

Kabanata 120

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-04-16 21:55:49

Isang katok mula sa labas ang pumukaw sa abalang isipan ni Drake. Nag-angat siya ng tingin at napadako ang kanyang mga mata sa orasan at napagtanto na tanghali na pala.

"Master Levine, gusto niyo po bang mag-order ng pagkain para sa tanghalian?" Tanong ni Owen.

Wala sa sariling napasimangot si Drake nang maalala ang pagkain na inorder nito kahapon. Akmang tatanggi siya nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang lola. Huminga siya ng malalim bago ito sinagot.

"Grandma?"

"Levine, pagod na pagod ako galing sa pagshoshoping. Pwede mo ba akong puntahan? Sabay na tayong mananghalian. Malapit lang naman ako sa opisina mo. Wag kang magtatagal ha, gutom na gutom na ako. Hihintayin kita."

Dahil sa takot na tanggihan siya ni Drake, sinabi niya agad ang pangalan ng restaurant at mabilis na pinatayan ng tawag ang apo.

Kumunot ang noo ni Drake habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone.

Maganda sa pandinig niya ang sinabi nitong manananghalian sila, but knowing his grandmother, alam niyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Georgina Lee
mamaya po...️
goodnovel comment avatar
Rubylyn Ayson
nice story!update po pls.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 121

    Hindi naman nagmamadali si Graciella. Katunayan, humingi na siya ng isang oras na break bago siya lumabas at may isang oras din siya para sa lunchtime kaya dalawang oras lahat ang pahinga niya. Sapat na iyon para sandaling samahan si Grandma Celestina sa restaurant at makipagkwentuhan sa ginang.Nag-aalala pa siya nang makita niyang mabilis na tumakbo palabas ng restaurant si Grandma Celestina. Baka madapa ito ang masaktan.Sa kabutihang palad, bagaman ang matandang babae ay mabagal sa kanyang mga galaw at halos maaksidente sa truck nang unang magkita sila, napagtanto niyang maliksi parin naman ito.Mula sa labas, nakita ni Graciella na nakikipag-usap ito sa kanyang cellphone mula sa pamamagitan ng salamin na pinto. Bagaman hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng matandang babae pero mukhang masaya ito at nakangiti pa.Ibinaling ni Graciella sang kanyang mga mata sa ibang direksyon at nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa bandang counter ng restaurant."Felip?" Mahina subalit s

    Last Updated : 2025-04-18
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 122

    Hindi naman napansin ni Celestina ang pangyayari sa loob. Masyado siyang nakatuon sa papalapit niyang apo. Sa wakas, nandito na si Levine at matutupad na ang plano niya!"Ikaw talagang bata ka! Ang tagal-tagal mong dumating! Kanina pa ako naghihintay sayo! Ano bang ginagawa mo doon at—"Napatigil sa pagsasalita si Madam Celestina nang mapansin niya kung saan nakatingin si Levine. Sinundan niya ng tingin ang mga mata ng apo at ganun nalang ang gulat niya sa naabutan niyang eksena."Sino ba ang lalaking yan? Tsaka bakit hawak niya ang kamay ni Graciella? Ano bang nangyayari?"Malamig na tingin ang ipinukol ni Drake sa dalawa. Malamang hindi kilala ng lola niya ang lalaki, pero siya, kilang-kilala niya. That man was none-other than Felip Bautista! The man who gave her a necklace! Hindi lang isa kundi pangawalawang beses na niyang nahuli ang mga ito. The first one might be a coincidence but the second one can't be that way too!Akala niya nagkamali siya sa hinala niya kay Graciella but he

    Last Updated : 2025-04-18
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 123

    Dahil nasa kay Felip ang atensyon niya kanina, hindi niya napansin ang biglaang pagsulpot ni Drake. Pero nagpapasamat parin siya sa pagdating nito dahil mabilis siyang nilubayan ni Felip at agad na umalis.Mabuti narin at naroon ang presensya ng lalaki dahil baka kapag hindi siya binitawan ni Felip kanina, natawagan na niya si Kimmy at naisumbong ang ginawa ng boyfriend nito. Kahit na naisip na niyang ipaalam sa kaibigan niya ang tungkol sa natuklasan niya, nagbago ang isip niya at ipagpapaliban na lamang ng dalawang araw ang pagsusumbong niya.Kailangan masiguro niyang stable ang emosyon nito kapag nag-usap na sila lalo pa't galing pa ito sa isang nakamatraumang insidente.Gayunpaman, hindi niya alam kung guni-guni lang niya pero naramdaman niyang parang nagseselos si Drake kanina...Bago paman siya makapag-isip ng maayos, dumating na si Grandma Celestina at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Drake. "Magkakilala kayo?"Medyo naguluhan din si Graciella at nagpalipat-lip

    Last Updated : 2025-04-18
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 124

    "Panahon lang ang makakapagsabi kung karapat-dapat ba talaga siya sa pamilya natin Grandma and for now, it's too early for us to say that," ani Drake sa malalim na boses.Nagkibit balikat naman si Celestina. "Nagmatigas kalang ngayon pero kapag nahuli ka ni Graciella, ewan ko nalang sayo. Sigurado akong lalambot ka rin."Kahit na matanda na siya, malakas parin ang pakiramdam niya. Nang hawakan ni Levine si Graciella kanina at binawi sa lalaking bigla nalang dumating, nakita niya ang isang ekspresyon na kahit kailanman hindi pa niya nakikita sa apo niya magmula ng alagaan niya ito. Marahil hindi pa napapansin ni Levine mismo ang bagay na iyon but who knows sooner or later, aamin din ito.Kumunot ang noo ni Drake. Pakiramdam niya may malalim na ibig sabihin ang sinabi ng kanyang lola. Hindi palang niya lubos na mawari kung ano. Bagama't mabuting tao si Graciella, hindi maganda ang pamilyang pinanggalingan ng babae. At ayaw niyang madamay ang lola niya sa gulo na maaring hatid ng ina ng

    Last Updated : 2025-04-19
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 125

    Napakurap-kurap si Drake sa sinabi ng lola niya. Is she telling him right now that he's having an affair behind Graciella's back? Subalit bago paman siya makapagsalita, naunahan na siya ng lola niya."May kinita ka bang babae kamakailan lang?" Naniningkit ang mga mata nitong tanong.Huminga ng malalim si Drake bago tumango. "Yeah," tipid niyang tugon."Sinasabi ko na nga ba—""Nagkita kami ni Akira Inoue kahapon."Umawang ang bibig ng kanyang lola at hindi nakapagsalita. Sandali itong natigilan bago unti-unting bumakas ang nababahalang ekspresyon sa mga mata ng ginang at nag-aalangan pang magsalita.Napabuntong hininga si Celestina bago muling nagsalita. "Ang mga Inoue na naman."Hindi naman nagsalita si Graciella at pinili nalang na damputin ang baso na may lamang juice saka iyon tahimik na ininom.Ayaw ni Celestina na mag-isip ng kung anu-ano si Graciella tungkol sa apo niya kaya hinawakan niya ang isang kamay nito bago marahang pinisil at pilit na ngumiti."Pasensya ka na Graciella

    Last Updated : 2025-04-19
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 126

    Naalala pa rin ni Graciella na noong unang lumipat siya sa apartment nila, nagtakda si Drake ng mahigpit na hangganan sa pagitan nila. Hindi siya nito pinahihintulutan na pumasok sa silid ng lalaki o kaya ay makialam sa kanyang mga personal nitong gawain. Tapos ngayon sasabihan siya nitong magsalita at makikinig sa kung ano ang nasa isipan niya.Pero sa sinabi nito sa kanya ngayon, hindi niya mapigilan ang sarili na samantalahin ang alok ng lalaki. Sayang naman kung sakaling magbago ang isip nito."Paano kung sasabihin ko sayo na huwag ka ng makipagkita sa Akira na yun? Gagawin mo ba?" Mapanghamon niyang tanong.Wala naman siyang ibang rason kaya niya natanong ang bagay na yun. Nais niya lang na manatili ang kasal nila hanggang sa kalahating taon para sa kapakanan ng anak niya. Baka kapag dumalas ang pagkikita ng dalawa, maisipan ni Drake na hiwalayan siya nang hindi pa natatapos ang kasunduan nilang dalawa."I don't think I can do it," diretsahang sagot ni Drake.Katunayan iniiwasan

    Last Updated : 2025-04-19
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 127

    Kahit na walang salitang namutawi sa labi ni Drake, masaya parin si Graciella. Ayos na sa kanya na binigyan siya nito ng pera at tirahan pati karapatan sa bahay. Maayos din ang pagsasama nila pero ayaw niyang makasalamuha ang nakasimangot nitong mukha sa loob ng kalahating taon at baka iyon ang mamana ng anak niya."Kailangan ko ng bumalik sa trabaho. See you later."Sumakay na si Graciella sa kanyang scooter at inayos ang helmet niyang suot bago nilingon si Drake at kinawayan saka tuluyang umalis.Kumunot ang noo ni Drake. Kung iisipin hindi naman ganun kaliit ang sweldo ni Graciella para hindi makakuha ng kotse na dapat nitong gamitin kaysa sa medyo luma ng scooter. Pagkatapos ay naisip niya ang tanghalian ng pamilya noong araw na iyon. Mukhang halos lahat ng perang kinita ng babaeng ito sa nakaraang ilang taon ng trabaho ay ginamit niya para bayaran ang kanyang panganay na kapatid, at humingi rin ng malaking halaga ang sarili nitong ina. Tantiya niya, wala na sigurong natitira sa

    Last Updated : 2025-04-19
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 128

    "Kung pumunta ka dito para lang ihatid ang lunch box, natanggap ko na kaya pwede ka nang umalis, Akira." Bumalik sa dati ang composure ni Drake at ibinalik ang tingin sa computer, "Kailangan ko pang magtrabaho."Medyo nagtampo si Akira sa malamig na tono ng lalaki. Pero alam din niya kung gaano ka-workaholic si Levine. Talagang magagalit ang lalaki kung guguluhin niya ito sa pagtatrabaho. Bumuntong hininga si Akira at napilitang dumputin ang kanyang bag saka tumalikod na.Pero nakadalawang hakbang palang siya nang mapatigil siya. Pakiramdam niya may mali. Habang tulala si Levine kanina, halatang-halata na may isang partikular na bagay itong iniisip or could it be a person?Iyon ang unang beses na nakita niya si Levine sa ganung ekspresyon. Tila natutuwa ang lalaki sa naalala nito habang nakatitig sa bag niyang dala. Pero hindi naman niya maaring tanungin si Levine tungkol sa bagay na tumatakbo sa isipan niya.Nagtuloy na siya sa paglalakad nang makasalubong niya si Owen sa labas ng op

    Last Updated : 2025-04-19

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 155

    Nanatiling kalmado ang mukha ni Drake kahit pa sa naging tanong ng lola niya. "Why do you say so?""Bakit naman hindi ko masasabi? Malakas ang pakiramdam ko na may baby na sa tiyan ng granddaughter in-law ko!""Baby?"Nanigas si Drake sa kanyang kinauupuan. Ngayon lang nagsync in sa utak niya ang sinabi ng kanyang lola. "What made you say that, Grandma?" Kinakabahan niyang tanong."Malakas nga ang pakiramdam ko," proud pa nitong sagot. "Matagal na akong nabubuhay sa mundong ito, Levine. Kahit na flat pa ang tiyan ni Graciella, kakaiba parin ang glow ng kanyang mukha kaysa sa mga pangkaraniwan lang na babaeng makikita mo sa paligid. Sigurado ako, buntis talaga ang asawa mo!"Muli na naman siyang natigilan sa narinig. Para bang nahihirapan siyang iabsorb ang mga sinabi ng kanyang lola dahil wala naman iyon sa isipan niya.Nang hindi siya nagsalita ay napasinghap ang ginang. "Oh my! Wag mong sabihin na mali ako? Wala pa bang—""Magpahinga ka na Grandma," putol niya sa sasabihin sana nito

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 154

    Habang kumakain sila, amg tungkol sa team ni Felip ang topic ni Kimmy. Nakahanap na pala ito ng pwesto kung saan ipapatayo ang gaming studio ng esports team na bubuuin nito kasama si Felip."Talaga? Malapit lang pala iyon sa fruits stand ng Kuya Garett ko." "Wow! Ipakilala mo ako sa kapatid mo. Siguradong pamilyar siya sa lugar. Magpapatulong sana ako sa kanya," excited na wika ni Kimmy.Tumango naman si Graciella. Wala namang problema kung ipapakilala niya si Kimmy sa kapatid niya pero ang malaking problema ay ang tungkol sa boyfriend nito."Kimmy, may importante akong sasabihin sayo," seryosong ani Graciella.Malaki ang plano ni Kimmy para kay Felip pero hindi naman pwede na hayaan niya lang ang kaibigan niya sa binata pagkatapos niyang masaksihan ang ginawa nito. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang tila pag-iwas ni Kimmy sa sinabi niya at itinuon sa mga ulam na niluto niya."Alam mo, magaling din magluto ang Kuya ko. May marami siyang restaurant na negosyo dito sa Pilipinas. Kung

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 153

    Kumulimlim ang ekspresyon ni Drake kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata. Mahina namang natawa si Graciella. "Tumigil ka nga Kimmy. Mabait na tao si Drake. At habang kasal ako sa kanya o kahit na maghiwalay na kami, wala akong balak na magpapasok ng ibang lalaki sa buhay ko. Alam mo na kung gaano kahirap tanggapin ang sitwasyon ko."Nang marinig niya ang sagot ni Graciella ay bahagya siyang kumalma pero agad na nakakuha ng kanyang atensyon ang huling pangungusap na sinabi nito. Ano bang sitwasyon ang tinutukoy ng babae? Wala naman siyang ibang nakikita pwera nalang sa nanay nito.At hindi naman ganun kahirap kung ang ina lang nito ang pag-uusapan. He's sure both of them can handle her well like what he did earlier.Mukhang wala yatang malawak na kaalaman si Graciella pagdating sa lalaki. May iilan mang lalaki ang hindi matatanggap na may nanay siyang kagaya ni Thelma, mas marami parin ang porsyento ng kalalakihan na tatanggapin ang kagaya niya. Lalo pa't walang nag-alaga at nagm

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 152

    Pakiramdam ni Graciella tinakasan na siya ng dugo sa mukha kasabay ng kanyang panlalamig.Anong gagawin niya?Bakit ba kasi nagpang-abot pa sila?Paano nalang kung magtatanong si Drake kung bakit siya bumili ng damit pambata. Anong isasagot niya?Akala niya ay matalino siyang tao at laging handa sa kahit na anumang panahon pero sa pagkakataong iyon, tila nablangko ang isipan niya at nanatili lang siyang nakatayo sa harapan nito na parang tanga."Bakit may dala kang damit para sa newborn baby—""Magaan lang naman to Graciella. Hindi mo na ako kailangan pang tulungan. Ako na ang magdadala nitong pinamili ko," putol ni Kimmy kay Drake sabay kuha ng mga baby set mula sa kanya at payakap na binitbit ng dalaga.Pinagdiinan pa talaga nito ang katagang 'pinamili ko'Alam ni Kimmy na inililihim ni Graciella ang pagbubuntis nito kay Drake kaya naman naging maagap siya para mawala ang pagdududa ng lalaki.Napasulyap sa kanya ang asawa ni Graciella at hindi na nagtanong pa.Pinukol ni Graciella n

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 151

    "Nakakainggit ka naman, Graciella! Yung iba halos ayaw ng kumain kapag buntis sila dahil takot silang tumaba. Pati nga doctor sinasabihan sila na magdiet tapos ikaw kahit anong kain mo, hindi parin nagbabago ang katawan mo. Tapos advice pa ng doctor na kumain ka ng marami para madagdagan ang timbang mo," nagmamaktol na sambit ni Kimmy habang naglalakad sila palabas ng ospital.Hindi alam ni Graciella kung matatawa ba siya o hindi. Sa katunayan ay nag-aalala nga siya ngayon sa katawan niya. Malnourished siya noong bata pa siya at habang lumalaki na siya, hindi siya tumataba kahit na anong kain niya. Pero dahil payo ng doctor na magdagdag siya ng timbang, pagsisikapan niya kahit pa mahirap.Pagkaalis nila ng ospital, dumiretso si Graciella sa palengke at bumili ng isang malaking isda, dalawang kilo ng ribs, isang kilo ng manok ay iba't-ibang klase ng prutas at gulay. Magluluto siya ng marami dahil inimbitahan niya si Kimmy na doon maghapunan.Kasalukuyan siyang namimili ng kamatis nang

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 150

    "Master Levine, may bisita po kayo," anunsyo ng secretary.Ilang sandali pa'y pumasok na si Ichiro sa loob ng opisina niya at detalyadong ikinuwento ang nangyari sa studio."Sigurado po ba kayo na hindi na ninyo gusto na ituloy ko ang demanda ko laban sa kanya?"Marahan namang umiling si Drake. "No need," aniya at inilapag na sa mesa ang isang puting sobre. "Won't you count it?"Nakangising umiling si Ichiro. "No need. Malaki ang tiwala ko sayo Master Levine. Isa pa ay kahit na hindi mo na ako bayaran, ayos lang sa akin. Isang karangalan na ang paglapit mo sa akin," aniya para mas mapalapit pa ang loob ni Master Levine sa kanya."Oo nga pala Master Levine, may naalala ako. Bakit nga pala galit kayo kay Mrs.Santiago at umabot pa talaga sa lihim ninyong pagganti?" Pag-iiba niya ng usapan.Tumapang ang ekspresyon sa mukha ni Drake nang maalala niya ang mukha ni Thelma. Madami ng atraso sa kanya ang ginang. All his life, wala pang naglakas loob na murahin at pagalitan siya. Wala pang tao

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 149

    Sandaling natigilan si Thelma bago dahan-dahang hinarap si Ichiro. "N—niloloko? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong."Tingin mo ba makakapasa sakin yang maang-maangan na drama mo? Nasaan ang tunay na jade cabbage Misis Thelma."Hilaw na natawa si Thelma. "Baka naman nagkakamali lang kayo Mr.Ichiro. Tunay yan. Yang jade cabbage na nasa mesa ang ipinakita ko sayo kanina bago ako umalis."Umangat ang sulok ng labi ni Ichiro bago pinukol ng isang malamig na titig si Thelma. "Tama ka. Tunay ang jade na ipinakita mo sa akin kanina pero sigurado akong hindi na ito yun. Nagdeposit na ako ng twenty million dahil may tiwala ako sayo pero hindi ko aakalain na habang kumukuha ako ng tseke para sa karagdagang bayad, papalitan mo ang treasure para lokohin ako."Tuluyan ng nanlamig si Thelma. Hindi siya makakapayag na maiisahan siya ng lalaki kaya naman nagsimula na siyang magwala para makatas.Mabuti nalang at malapit lang sa kinaroroonan nila ang mga crew kaya't naharangan nito ang

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 148

    Hindi kaya...Halos mapatalon sa gulat ni Thelma nang ibinagsak ni Mr.Ichiro ang dalawang palad nito sa mesa."My goodness Misis! Ito na ang pinakamagandang jadeite cabbage na nakita ko! Nagmula pa sa Qing Dynasty itong treasure na dala mo at nagkakahalaga ng five hundred million pesos!"Halos lumuwa na sa gulat ang mga mata ni Thelma sa perang nabanggit ni Mr.Ichiro. "F—five hundred million?" Hindi makapaniwala niyang tanong."Yes, Misis. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Nasa five hundred million ang appraisal nitong jadeite cabbage na dala mo!"Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Sinubukan pa niyang kurutin ang kanyang balat para lang masiguro na hindi nga siya nananaginip lang."B—baka nagkakamali lang po kayo Mr.Ichiro," nauutal niyang sambit.Pakiramdam niya mauubusan siya ng hangin. Kahit na pangarap niyang magkaroon ng maraming pera, hindi niya lubos maisip na may darating na malaking halaga sa mga kamay niya! Akala niya ay nasa one hundred

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 147

    Mabilis na nakakuha ng atensyon ng lahat ang sinabi ni Thelma kaya't agad na nag-usisa ang ibang kasama niya."Anong klaseng kayamanan ang hawak mo Thelma?Hindi na siya nag-abala pang sagutin ang tanong ng mga ito. Nang makita niya ang isang grupo sa itaas, taas noo siyang umakyat para kausapin ang mga ito."Sino ba sa inyo dito ang may pinakamatalas na mga mata pagdating sa mga alahas at kayamanan?" Maawtoridad niyang tanong.Nagkatinginan ang nga crew. Ngayon lang sila nakasalamuha ng ganito kaaroganteng babae. Ilang saglit pa'y isang lalaking nakasuot ng montsuki ang nagsalita."Nasaan ba ang kayamanan mo, Misis?" Agad na nagsalubong ang kilay ni Thelma at sinimangutan pa ang lalaki. "Sino ka ba? Sobrang bata mo pa ah? Ayoko sayo! Mukha ka pang walang alam. Nasaan ba ang head ninyo dito? Siya ang gusto kong makausap at hindi ikaw!"Mas lalo lang na kinabahan ang mga crew sa inaasta ni Thelma. Agad naman itong hinila ng director ng programa para makausap. "Misis, siya po ang head n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status