Share

Kabanata 125

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-04-19 22:02:14

Napakurap-kurap si Drake sa sinabi ng lola niya. Is she telling him right now that he's having an affair behind Graciella's back? Subalit bago paman siya makapagsalita, naunahan na siya ng lola niya.

"May kinita ka bang babae kamakailan lang?" Naniningkit ang mga mata nitong tanong.

Huminga ng malalim si Drake bago tumango. "Yeah," tipid niyang tugon.

"Sinasabi ko na nga ba—"

"Nagkita kami ni Akira Inoue kahapon."

Umawang ang bibig ng kanyang lola at hindi nakapagsalita. Sandali itong natigilan bago unti-unting bumakas ang nababahalang ekspresyon sa mga mata ng ginang at nag-aalangan pang magsalita.

Napabuntong hininga si Celestina bago muling nagsalita. "Ang mga Inoue na naman."

Hindi naman nagsalita si Graciella at pinili nalang na damputin ang baso na may lamang juice saka iyon tahimik na ininom.

Ayaw ni Celestina na mag-isip ng kung anu-ano si Graciella tungkol sa apo niya kaya hinawakan niya ang isang kamay nito bago marahang pinisil at pilit na ngumiti.

"Pasensya ka na Graciella
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 126

    Naalala pa rin ni Graciella na noong unang lumipat siya sa apartment nila, nagtakda si Drake ng mahigpit na hangganan sa pagitan nila. Hindi siya nito pinahihintulutan na pumasok sa silid ng lalaki o kaya ay makialam sa kanyang mga personal nitong gawain. Tapos ngayon sasabihan siya nitong magsalita at makikinig sa kung ano ang nasa isipan niya.Pero sa sinabi nito sa kanya ngayon, hindi niya mapigilan ang sarili na samantalahin ang alok ng lalaki. Sayang naman kung sakaling magbago ang isip nito."Paano kung sasabihin ko sayo na huwag ka ng makipagkita sa Akira na yun? Gagawin mo ba?" Mapanghamon niyang tanong.Wala naman siyang ibang rason kaya niya natanong ang bagay na yun. Nais niya lang na manatili ang kasal nila hanggang sa kalahating taon para sa kapakanan ng anak niya. Baka kapag dumalas ang pagkikita ng dalawa, maisipan ni Drake na hiwalayan siya nang hindi pa natatapos ang kasunduan nilang dalawa."I don't think I can do it," diretsahang sagot ni Drake.Katunayan iniiwasan

    Last Updated : 2025-04-19
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 127

    Kahit na walang salitang namutawi sa labi ni Drake, masaya parin si Graciella. Ayos na sa kanya na binigyan siya nito ng pera at tirahan pati karapatan sa bahay. Maayos din ang pagsasama nila pero ayaw niyang makasalamuha ang nakasimangot nitong mukha sa loob ng kalahating taon at baka iyon ang mamana ng anak niya."Kailangan ko ng bumalik sa trabaho. See you later."Sumakay na si Graciella sa kanyang scooter at inayos ang helmet niyang suot bago nilingon si Drake at kinawayan saka tuluyang umalis.Kumunot ang noo ni Drake. Kung iisipin hindi naman ganun kaliit ang sweldo ni Graciella para hindi makakuha ng kotse na dapat nitong gamitin kaysa sa medyo luma ng scooter. Pagkatapos ay naisip niya ang tanghalian ng pamilya noong araw na iyon. Mukhang halos lahat ng perang kinita ng babaeng ito sa nakaraang ilang taon ng trabaho ay ginamit niya para bayaran ang kanyang panganay na kapatid, at humingi rin ng malaking halaga ang sarili nitong ina. Tantiya niya, wala na sigurong natitira sa

    Last Updated : 2025-04-19
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 128

    "Kung pumunta ka dito para lang ihatid ang lunch box, natanggap ko na kaya pwede ka nang umalis, Akira." Bumalik sa dati ang composure ni Drake at ibinalik ang tingin sa computer, "Kailangan ko pang magtrabaho."Medyo nagtampo si Akira sa malamig na tono ng lalaki. Pero alam din niya kung gaano ka-workaholic si Levine. Talagang magagalit ang lalaki kung guguluhin niya ito sa pagtatrabaho. Bumuntong hininga si Akira at napilitang dumputin ang kanyang bag saka tumalikod na.Pero nakadalawang hakbang palang siya nang mapatigil siya. Pakiramdam niya may mali. Habang tulala si Levine kanina, halatang-halata na may isang partikular na bagay itong iniisip or could it be a person?Iyon ang unang beses na nakita niya si Levine sa ganung ekspresyon. Tila natutuwa ang lalaki sa naalala nito habang nakatitig sa bag niyang dala. Pero hindi naman niya maaring tanungin si Levine tungkol sa bagay na tumatakbo sa isipan niya.Nagtuloy na siya sa paglalakad nang makasalubong niya si Owen sa labas ng op

    Last Updated : 2025-04-19
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 129

    Ang agad na umiling si Graciella. "May importanteng gagawin si Drake sa trabaho bukas, kaya hindi siya pwedeng sumama. Ako nalang ang pupunta para magbigay ng regalo kay Mama. Pinili niyang magsinungaling at sinasabing abala si Drake dahil alam niyang tiyak na pag-uusapan ulit ng kanyang ina ang tungkol sa perang hiningi nito. Ayaw niyang magdulot ng problema kay Drake.Mukhang nakuha din naman ni Garett ang punto niya dahil hindi na ito nagsalita pa. Binalingan nalang nito si Gavin at matamis na nginitian."Huwag kang maglilikot doon sa bahay ni Tita ha tsaka makinig ng mabuti kay Tito, okay?"Nakangiti namang tumango ang kanyang anak. "Opo, Daddy."Ilang saglit pa'y tuluyan ng umalis si Graciella at Gavin. Sandali niyang pinanood ang dalawa na papalayo. Nang mawala ang mga ito sa paningin niya, ipinagpatuloy na ni Garret ang pag-aayos ng mga prutas sa display.Nakaupo si Cherry sa harapan habang nanonood ng videos sa kanyang cellphone subalit ang kanyang atensyon ay nakatuon sa mag

    Last Updated : 2025-04-21
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 130

    Bago umuwi ng apartment si Graciella, namili muna sila ni Gavin ng gulay sa palengke. Sakto namang pagkauwi nila, sumunod din agad si Drake ng dating.Binati ni Graciella si Drake bago tinawag ang kanyang pamangkin. "Gavin, hulaan mo kung sino ang dumating?" Nakangiti niyang sambit.Mula sa balkonahe, patakbong nagtungo si Gavin sa kinaroroonan nila. Napansin ni Graciella na hawak parin nito ang bag na pang-eskwelahan. Ibinaba iyon ni Gavin at sandaling nagkalkal sa loob ng bag nito. Maya-maya pa'y isang star sticker ang inilabas ni Gavin sa mula sa bag nitong dala."H—hello po Tito. Para po sa inyo," tila nahihiya nitong sambit.Napakurap-kurap naman si Graciella. Hindi niya inaasahan na may itinatago pala si Gavin sa loob ng bag nito. Kaya pala ayaw nitong iwan ang bag kanina nang pagsabihan niya. May inihanda pala itong regalo para sa asawa niya.Hindi niya maiwasang mapangiti. "Wow! Ang galing naman. May star ka palang nakuha sa school, Gavin? Diba mahirap makuha ang award na ito?

    Last Updated : 2025-04-21
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 131

    Matapos na magsalita ang lalaki, nakarinig siya ng komosyon sa labas ng apartment at maya maya lang ay ilang kalalakihan ang pumasok habang tulong-tulong ang mga ito sa pagbitbit ng isang malaking piano. Napatitig si Graciella sa disenyo ng instrumentong dala ng mga delivery man. Mukha na iyong luma o mas tamang sabihin na isang vintage piano ang dala ng mga ito. Kung tutuusin ay mas maganda pa iyon kaysa sa mga bagong piano na makikita mo sa mga shops labas. Ang bahagyang kupas na kulay ay mas nakadagdag lang sa kagandahan nito. Nagliwanag ang mga mata ni Gavin sa nakita nito. Bakas ang excitement sa mga mata ng bata habang pinapanood ang mga lalaking kasalukuyang nagpupwesto sa instrumento. Matapos mailagay ng mga delivery man ang piano sa pwesto nito, agad na lumapit si Gavin doon at sinubukang tumipa ng ilang nota. Tama nga si Drake, mas maganda iyong pakinggan kaysa electronic keyboard na gamit nila kahapon."May angking talento si Gavin. Parang may sarili siyang mundo pagdatin

    Last Updated : 2025-04-21
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 132

    Narinig ni Graciella ang usapan ng dalawa sa salas kahit na nasa loob na siya ng kusina. Namumula ang kanyang mga pisngi at nag-iinit ang kanyang mukha. Napailing nalang siya at hinugasan ang mga gulay para ibaling ang atensyon niya sa ibang bagay.Subalit maya-maya lang ay napatingala siya sa kisame at napapadyak pa ng paa. "Ah, Gavin! Sa dami-dami ng pwedeng hilingin, baby pa talaga ang naisip mo," impit niyang sambit.Mabuti nalang at hindi na ulit binanggit ni Gavin ang tungkol sa baby nang maghapunan na sila. Lihim din niyang inobaerbahan ang ekspresyon ni Drake. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mukhang wala naman itong nahalata sa kanya.Pagkatapos ng kanilang hapunan, nagpractice pa sina Gavin at Drake ng dalawang oras bago niya naisipang ihatid ang pamangkin niya pauwi. Subalit hindi paman sila nakakaalis, tumawag na si Garett at sinabing nasa labas na ito ng apartment nila kaya magkasabay sila ni Drake na bumaba para ihatid si Gavin."Bakit nagpunta ka pa dito, Kuya? P

    Last Updated : 2025-04-21
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 133

    "Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Gavin. Mukhang sayo niya nakuha ang kakulitan niya."Binelatan lang ni Graciella si Drake. Masyadong seryoso sa buhay ang kapatid niya, si Ate Cherry naman ay mataray at hindi palangiti. Kaya mukhang tama nga naman talaga si Drake. Pareho sila ni Gavin na masayahin.Para sa kanya wala namang masama kung laging nakangiti at masayahin araw-araw. Kung tutuusin, sobrang daming problema sa mundo at kung doon mo itutuon ang atensyon mo, mabilis kalang na mapapagod at mawalan ng pag-asa.Lihim niyang hinaplos ang manipis niyang tiyan habang inaalala ang mabibigat na pagsubok na pinagdaanan niya noon. Sisiguraduhin niyang lahat ng iyon ay hindi dadanasin ng anak niya. Di bale ng siya ang masaktan at mahirapan basta huwag lang ang anak niya.Nang makabalik sila sa apartment, naglinis muna siya ng sarili bago inilagay sa washing machine ang mga damit niya. Sa hindi sinasadya ay napasulyap siya sa piano na nasa salas. Hindi niya mapigilan ang sarili niya n

    Last Updated : 2025-04-21

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 170

    "Huh?" Medyo nataranta si Graciella at hinawakan ang kanyang noo bago muling nagsalita. "Okay lang, hindi mainit—"Nang makita ang seryosong mukha ni Drake, unti-unting humina ang boses niya hanggang sa sabihin niya sa lalaki na mayroong isang kahon ng gamot sa kabinet ng TV, at mayroong ding isang electronic thermometer na binili niya noon.Kinuha ni naman agad ni Drake ang electronic thermometer at itinapat sa kanya.Thirty nine degree Celsius ang kanyang noo at forty naman sa kanyang kamay. Kaya pala nasabi niya na hindi siya mainit dahil mas mataas ang temperatura niya sa kamay kaysa sa kanyang noo."May lagnat ka," ani Drake. Nasa harap niya ang mga numero sa thermometer kaya hindi na ito maitatanggi pa ni Graciella. Kaya pala medyo nahihilo siya. Dahil siguro sa sobrang pagod niya ngayong araw. Pinagpapawisan siya habang naglalakad mula sa bar hanggang sa nakarating sila sa kinaroroonan ni Kimmy. "Huwag kang mag-alala, Drake, hindi naman mataas ang lagnat ko. Kailangan ko

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 169

    Iyon ang unang beses na may nagsabi ng ganung klaseng kataga kay Graciella bukod sa kapatid niya kaya hindi niya maiwasang mahiya at pamulahan ng pisngi."Salamat sa pag-aalala mo, Drake pero ayos lang talaga ako," mahina niyang sambit.Pagkatapos ng medyo maikling panahon na nagkakilala sila, napagtanto ni Drake na hindi talaga aamin si Graciella sa kung anuman ang nararamdaman nito kahit anong pilit niya kaya naman ang pinakamabisang paraan ay gagawin ng direkta ang bagay na nais niyang ipagawa sa babae gaya nalang ang pagpapahinga.Sinuutan niya ito ng seatbelt nang mapasulyap siya sa tiyan nito. Huminga siya ng malalim bago iningatan ang kanyang galaw at baka mapano ang baby nila.Hindi naman napansin ni Graciella ang mga tinginan ni Drake sa kanya. Ang inaalala niya ay lumiban siya sa trabaho dahil sa nangyari kay Kimmy at hindi siya nakapagpaalam sa supervisor niya.First day of work palang tapos nag-half day na agad siya! "Wag mo ng masyadong isipin pa yan. Naipagpaalam na k

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 168

    Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Chapter 167

    Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 166

    Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ng kapatid niya at ilang sandali lang ay patakbo na silang lumabas ng bar at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan naroon ang pwesto ng kapatid niya.Naalala ni Graciella na bumili pala ng building si Kimmy malapit lang doon. Nabanggit pa nga nito na nais nitong magpatulong sa kapatid niya para sa iba pang bagay na kakailanganin nito upang mapatayo ang eSports team na gusto nito kaya malamang doon pumunta ang kaibigan niya.Nabanggit din ng kapatid niya na nakatayo na sa gilid ng pinakamataas na palapag si Kimmy. Mukhang plano na nitong tapusin ang sariling buhay. Agad siyang tumawag ng pulis habang nasa daan palang sila."Kuya, baka pwede mo siyang kausapin at pakalmahin hanggang sa makarating kami diyan," puno ng kabang pakiusap ni Graciella.Kasalukuyan pa siyang lulan ng kotse ni Drake habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Oliver. Habang binabaybay nila ang daan papunta sa kinaroroonan ni Kimmy, sinamantala ni Graciella ang pagkak

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 165

    Aroganteng nakatingin si Drake kay Oliver at sinamaan pa ng tingin si lalaki. "Nosy!"Nakaramdam naman ng inis si Oliver sa klase ng pakikipag-usap ni Drake kaya't nakipagsukatan narin siya ng titig sa lalaki. "You're so full of yourself. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Beatrice at Akira sayo!"Kumunot ang noo ni Graciella.Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalang Akira.Isang beses itong binanggit ni Drake noong kasama nilang dalawa ng asawa niya ang lola nito. Kahit pa sinabi ng dalawa sa kanya noon na magkaibigan lang si Drake at Akira at kapatid lang ang turing ng asawa niya sa babae, ngunit bilang intuwisyon ng isang babae, at ang amoy ng perfume na naiwan sa damit ni Drake, pakiramdam niya may gusto si Akira sa asawa niya!'O baka si Drake din!' Sigaw ng isipan niya.Tapos akala niya si Akira lang, paanong ngayon ay may Beatrice na naman? Sino kaya si Beatrice sa buhay ng asawa niya?!Naniningkit ang mga mata ni Drake sa mga pangalang nabanggit ni Olive

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Chapter 164

    Unti-unting kumunot ang noo ni Graciella. Wala siyang naalala na nakita na niya ang lalaki noon lalo pa sa estadong meron ito.Akmang iiling-iling siya bilang tugon nang isang malaking kamay ang bigla nalang pumulupot sa kanyang bewang at inilapit siya sa tagiliran nito, palayo kay Oliver. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mukha ni Drake na may malamig na ekspresyon."Mukhang dapat mo ng palitan yang salamin mo para makakita ka ng maayos at hindi mo mapagkamalan ang kahit na sinuman," seryoso nitong sambit.Inayos ni Oliver ang walang frame niyang salamin bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Levine is showing such a territorial attitude towards him as of the moment. "Why so grumpy? Gusto ko lang naman magpasalamat kay Miss Graciella."Hindi sigurado si Graciella kung ilusyon niya lang ba ang nararamdaman niyang sarkasmo sa boses ng kaharap nila ni Drake subalit ilang saglit pa'y isang magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito "Salamat sa pagtawag sakin dito. Hindi ko aakalain

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 163

    Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 162

    That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status