Narinig ni Graciella ang usapan ng dalawa sa salas kahit na nasa loob na siya ng kusina. Namumula ang kanyang mga pisngi at nag-iinit ang kanyang mukha. Napailing nalang siya at hinugasan ang mga gulay para ibaling ang atensyon niya sa ibang bagay.Subalit maya-maya lang ay napatingala siya sa kisame at napapadyak pa ng paa. "Ah, Gavin! Sa dami-dami ng pwedeng hilingin, baby pa talaga ang naisip mo," impit niyang sambit.Mabuti nalang at hindi na ulit binanggit ni Gavin ang tungkol sa baby nang maghapunan na sila. Lihim din niyang inobaerbahan ang ekspresyon ni Drake. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mukhang wala naman itong nahalata sa kanya.Pagkatapos ng kanilang hapunan, nagpractice pa sina Gavin at Drake ng dalawang oras bago niya naisipang ihatid ang pamangkin niya pauwi. Subalit hindi paman sila nakakaalis, tumawag na si Garett at sinabing nasa labas na ito ng apartment nila kaya magkasabay sila ni Drake na bumaba para ihatid si Gavin."Bakit nagpunta ka pa dito, Kuya? P
"Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Gavin. Mukhang sayo niya nakuha ang kakulitan niya."Binelatan lang ni Graciella si Drake. Masyadong seryoso sa buhay ang kapatid niya, si Ate Cherry naman ay mataray at hindi palangiti. Kaya mukhang tama nga naman talaga si Drake. Pareho sila ni Gavin na masayahin.Para sa kanya wala namang masama kung laging nakangiti at masayahin araw-araw. Kung tutuusin, sobrang daming problema sa mundo at kung doon mo itutuon ang atensyon mo, mabilis kalang na mapapagod at mawalan ng pag-asa.Lihim niyang hinaplos ang manipis niyang tiyan habang inaalala ang mabibigat na pagsubok na pinagdaanan niya noon. Sisiguraduhin niyang lahat ng iyon ay hindi dadanasin ng anak niya. Di bale ng siya ang masaktan at mahirapan basta huwag lang ang anak niya.Nang makabalik sila sa apartment, naglinis muna siya ng sarili bago inilagay sa washing machine ang mga damit niya. Sa hindi sinasadya ay napasulyap siya sa piano na nasa salas. Hindi niya mapigilan ang sarili niya n
Iilan sa mga kamag-anak nina Graciella na malapit sa kinaroroonan nila ang nakarinig sa sinabi ni Cherry."Nag-asawa ka na pala, Graciella?" Gulat na tanong ng pinsan ng kanyang ina."Opo," tipid niyang sagot."Talaga? Bakit hindi namin nabalitaan?"Tipid na ngumiti si Graciella. "Kahit na may asawa na po ako, hindi pa naman kami nagpapakasal sa simbahan kaya hindi ko muna ipinaalam. Pipili muna kami ng swerteng araw at buwan. Inimbitahan ko po kayo kapag nagkataon."Mabilis na nawala ang kunot sa noo ng ginang nang marinig ang sagot ni Graciella. "Ganun ba? Sige pupunta ako. Hindi ako liliban sa kasal ng pinakamagandang babae sa buong angkan natin."Nang mapansin ni Cherry na tila walang epekto ang pamamahiya niya kay Graciella, agad siyang nakaisip ng panibagong atake sa babae."Auntie, hindi po ba kayo interesado na malaman kung anong klaseng lalaki ang napangasawa ni Graciella? Isang mahirap na driver lang po na wala ngang natapos. Isang dakilang utusan na parang asong sunod ng su
Hinubad ni Carlito ang suot nitong sunglass at gulat siyang tiningnan. "Oh! May asawa na pala so Graciella?" Sarkastikong napangisi si Cherry. "Oo naman no! Hindi mo lang nabalitaan pero sa kasamaang palad, isang driver lang ang nakatuluyan niya. Mahirap na nga at hindi pa nakapagtapos ng college. May bahay naman silang tinutuluyan pero hindi ko alam kung nakabayad na ba ng renta," natatawa nitong sambit."Talaga? Napakaganda mo para lang mahulog sa isang hamak na driver lang. Nakakalungkot at mukhang nabulag ka yata ng pag-ibig," kunwa'y concern nitong wika pero sa katunayan ay lihim na kinukutya ni Carlito si Graciella.Nang magpakasal sina Garett at Cherry noon, ilang sandali din siyang nanatili sa puder ng mga ito. Nang makilala niya si Graciella, binalak niyang ligawan ang babae. Ngayong nalaman niyang sa isang mahirap na lalaki lang pala ito napunta, hindi niya mapigilan ang galit at panghihinayang niya.Hindi pa siya nito pinapansin noon porket wala siyang natapos dahil palagi
Anim na beses siyang pabalik-balik sa pagtawag bago may sumagot sa kabilang linya."Hello."Isang masiglang boses ang umalingawngaw sa kabilang linya. Sandaling natigilan si Cherry sa pag-aakalang maling number ang natawagan niya."Ito ba ang numero ni Drake? Nasaan ba siya?"Si Owen ang nakasagot ng tawag. Napasulyap siya kay Master Levine na kasalukuyang nasa conference room dahil sa isang meeting. Nang marinig niyang tinawag ng babae sa kabilang linya si Master Levine na Drake, agad siyang napaisip na kamag-anak ni Miss Santiago ang tumawag.At dahil kamag-anak ito ng asawa ng boss niya, hindi niya pwedeng balewalain ang tawag."This is Drake's boss. Busy siya ngayon kaya kung gusto mo siyang makausap, tumawag ka nalang ulit mamaya," pormal na wika ni Owen na para bang isa talaga siyang tunay na boss at empleyado niya si Master Levine para hindi sila mabuko."Wait!" Pigil ni Cherry nang mapagtanto na papatayin na ng nasa kabilang linya ang tawag. Kinakabahan si Cherry. Kapag luma
Sobrang lawak ng mansion ng kanilang pamilya. Kung tutuusin, nagmumukha iyong palasyo. Malawak na bulwagan, magarang mga silid at malawak na hardin. Halos two hundred years na ang mansion na iyon subalit napapanatili parin nila ang kagandahan ng mansion at japanese na design.Hindi mo malilibot ang bahay sa loob lang ng isang araw dahil nasa six hundred square meters iyon at may limang floor unit.Dalawang basement at tatlong pinagsama na mansion...Ang unang palapag mula sa ibaba ay nahahati sa dalawang pangunahing lugar: Garahe para sa magagarang sasakyan habang ang kalahati naman ay mga mamahalin nilang koleksyon at doon siya magtutungo ngayon.Ang ikalawang palapag ng mansion mula sa ibaba ay ang entertainment room kung saan may mga silid para sa chess at baraha, mga silid-awitan, screening rooms, at iba pa, para kapag nagsama-sama ang buong pamilya, may malaking pwesto para makapagbonding silang lahat. Isa sa paboritong gawin ng pamilya nila ay mangolekta ng iba't-ibang mga kaya
Noong una ay halos si Graciella ang topic ng mga kamag-anak nila pero dahil maayos naman ang sagot ni Graciella at napanatiling kalmado ang kanyang sarili kahit pa sa mga panunuya ni Cherry, tuluyan ng nawala ang atensyon sa kanya.Ilang sandali pa'y nakita ni Graciella ang kanyang ama na si Garry na nagmamadaling umalis ng venue. Sandali lang nitong kinausap ang kanilang ina at hindi man lang nag-abala na pansinin silang dalawa ng kapatid niya."Busy ang ama mo sa bago niyang negosyo kaya hindi siya pwedeng magtagal dito. Pumunta lang talaga siya dito para batiin ako sa kaarawan ko," paliwanag ng kanyang ina.Pero alam naman ng halos lahat ng kamag-anak nila na lulong parin sa sugal si Garry hanggang ngayon. Wala din itong pakialam sa kung anumang pagtitipon sa pamilya nila. Halos buong buhay nito ay sa sugalan lang.Sadyang nagyayabang lang si Thelma na may bago itong negosyo. Anong klaseng negosyo nga ba? Pasugalan? Mabuti nalang at kaarawan ng ginang dahil kung hindi, nabara at na
Pero imbes na sundin ang sinabi niya ay muli nitong itinago ang laruan sa likuran. "Fúck you! Hindi ko isasauli 'to!Masyadong bastos at walang modo para sa isang walong taong gulang na bata ang inaasta ng anak ni Carlito. Subalit tinatamad na makipagtalo si Graciella kaya naman nilapitan niya ito at hinablot ang laruan mula kay Rex saka ibinalik kay Gavin.Sa ginawa niya ay agad na humikbi si Rex at humilata sa sahig. May ilang mga parte pa ng laruan sa sahig na hinigaan nito kaya't nakaramdam ito ng sakit at pumalahaw ng iyak. Mabilis na nakakuha ng atensyon ni Carlito ang iyak ni Rex at nagmamadaling nilapitan ang anak."Bakit nasa sahig ka anak? Why are you crying? Sino ba ang umaway sayo? Sabihin mo sa Daddy."Sinubukang bawiin ni Cherry ang laruan mula sa mga kamay ni Gavin pero nagmatigas ito at nagtago pa sa likuran ni Graciella. "Ang kulit mo talagang bata ka! Diba sinabi ko na sayo na ipahiram mo ang laruan mo sa pinsan mo! Hindi kita pinalaki para maging madamot, Gavin!" Si
Hindi kaya...Halos mapatalon sa gulat ni Thelma nang ibinagsak ni Mr.Ichiro ang dalawang palad nito sa mesa."My goodness Misis! Ito na ang pinakamagandang jadeite cabbage na nakita ko! Nagmula pa sa Qing Dynasty itong treasure na dala mo at nagkakahalaga ng five hundred million pesos!"Halos lumuwa na sa gulat ang mga mata ni Thelma sa perang nabanggit ni Mr.Ichiro. "F—five hundred million?" Hindi makapaniwala niyang tanong."Yes, Misis. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Nasa five hundred million ang appraisal nitong jadeite cabbage na dala mo!"Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Sinubukan pa niyang kurutin ang kanyang balat para lang masiguro na hindi nga siya nananaginip lang."B—baka nagkakamali lang po kayo Mr.Ichiro," nauutal niyang sambit.Pakiramdam niya mauubusan siya ng hangin. Kahit na pangarap niyang magkaroon ng maraming pera, hindi niya lubos maisip na may darating na malaking halaga sa mga kamay niya! Akala niya ay nasa one hundred
Mabilis na nakakuha ng atensyon ng lahat ang sinabi ni Thelma kaya't agad na nag-usisa ang ibang kasama niya."Anong klaseng kayamanan ang hawak mo Thelma?Hindi na siya nag-abala pang sagutin ang tanong ng mga ito. Nang makita niya ang isang grupo sa itaas, taas noo siyang umakyat para kausapin ang mga ito."Sino ba sa inyo dito ang may pinakamatalas na mga mata pagdating sa mga alahas at kayamanan?" Maawtoridad niyang tanong.Nagkatinginan ang nga crew. Ngayon lang sila nakasalamuha ng ganito kaaroganteng babae. Ilang saglit pa'y isang lalaking nakasuot ng montsuki ang nagsalita."Nasaan ba ang kayamanan mo, Misis?" Agad na nagsalubong ang kilay ni Thelma at sinimangutan pa ang lalaki. "Sino ka ba? Sobrang bata mo pa ah? Ayoko sayo! Mukha ka pang walang alam. Nasaan ba ang head ninyo dito? Siya ang gusto kong makausap at hindi ikaw!"Mas lalo lang na kinabahan ang mga crew sa inaasta ni Thelma. Agad naman itong hinila ng director ng programa para makausap. "Misis, siya po ang head n
"Hello, sino to?" Tamad na sagot ng nasa kabilang linya."Master Levine... Does it ring a bell?"Agad na nataranta ang nasa kabilang linya. Napaayos pa ito ng upo sa swivel chair nito at matamis na ngumiti kahit na hindi naman niya kaharap ang kausap. "M—master Levine. Ikinagagalak ko pong marinig ang boses ninyo. Ano po ang maipaglilingkod ko?" Magalang nitong wika, taliwas sa inaasal nito kanina.Agad na sinabi ni Drake ang gusto niyang ipagawa sa kausap niya. "Magagawa mo ba ang inuutos ko?"Mabilis na napangisi ang kausap ni Drake. "Master Levine, para namang hindi mo kilala ang kakayahan na meron ako. Napakadali lang po ng pinapagawa ninyo. Sisisw lang yan. At dahil kayo ang nag-utos sa akin, sisiguraduhin kong magiging perpekto ang lahat.""Good. It's a deal then."Napatikhim ang kausap ni Drake bago nagsalita. "Pero Master Levine, sinabi mong isang probinsyanang walang masyadong alam ang target natin. At kilala ko po kayo, isa kayo sa pinakaabalang tao sa buong Pilipinas. Bakit
Naniniwala siya sa sarili niya na naibigay na niya sa kanyang ina ang lahat sa abot ng makakaya niya pero sadyang hindi lang talaga ito makuntento. At ang pagpayag nito sa ginawang kabastusan ni Carlito ang huling bagay na pumatid sa natitirang respeto at pagmamahal niya sa kanyang ina.Kaya naman mas mainam pa maghiwalay nalang sila ng landas ng tuluyan para sa ikatatahimik ng buhay niya.Kahit na padalos-dalos ang naging desisyon niya na putulin ang koneksyon nilang dalawa, pakiramdam niya ang mabigat na bagay na pasan niya sa loob ng dalawampung taon ay bigla nalang nawala. Pakiramdam niya nakahinga na siya ng maluwag."Then congratulations," tugon ni Drake.Mahina namang natawa si Graciella habang nakasandal parin kay Drake. Minsan mabuti ring maging isang walang utang na loob na anak dahil nakarinig siya ng mga bagay na hindi niya inaasahan mula sa lalaki.Siguro kung ibang tao pa ang kasama niya ngayon, sasabihan siya nitong walang utang na loob at masamang anak. Pipilitin pa si
Namilog ang mga mata ni Thelma sa sinabi ni Drake. Marahas namang napatayo si Carlito na prenteng nakaupo sa silya."Anong ibig mong sabihin? Na peke rin ang regalo ko kay Auntie Thelma gaya ng sayo?!" Galit na asik ni Carlito.Taas noo namang tumayo sa tabi ni Carlito si Thelma. "Tama nga naman. Hindi kasing hirap gaya mo si Carlito para magbigay ng pekeng regalo! Mahiya ka nga sa sarili mo!"Umangat lang ang sulok labi ni Drake at hindi na nag-abala pang sagutin sina Thelma at Carlito. Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at hinila ito paalis ng venue. Bago tuluyang lumabas si Graciella, hindi niya nakaligtaang pulutin ang gold na bracelet pati na ang jade bracelet na itinapon ni Thelma sa sahig.Panay parin ang mura ni Thelma habang palabas na ang mag-asawa sa venue. Hindi naman matanggap ni Carlito na sinabihan siyang peke ang kanyang regalo kaya't agad siyang naglabas ng resibo at ipinakita pa kay Thelma. Tuwang-tuwa naman ang huli nang makita kung magkano ang presyo ng isang jad
Natigilan si Thelma sa mga salitang lumabas sa bibig ni Graciella. Nang makita niya ang kalmadong ekspresyon nito, hindi niya maiwasang kabahan. Subalit, galit siya kay Graciella at kung pwede lang, sakalin na niya ito hanggang sa mamatay. Kasalanan ng dalawa kung bakit hindi na maganda ang impresyon ni Carlito sa kanya ngayon!Hindi pwedeng magalit si Carlito sa kanila. Kailangan muli niyang makuha ang loob ng lalaki dahil mayaman ito. Kung maaari lang ay luluhuran niya ito at sasambahin.Kaya naman, iwinaksi niya ang takot niya at matapang na sinalubong ang mga mata ni Graciella. "Ikaw na yata ang papatay sa akin kapag nagpatuloy pa ito. Gusto mong putulin ang koneksyon natin? Walang problema. Mula ngayon, hindi na kita anak at hindi mo narin ako magulang! Pero bago mangyari ang bagay na hinihiling mo, bayaran mo ako ng one hundred thousand fifty thousand para sa pagpapalaki ko sa iyo!""Okay. Walang problema sa akin," mahinahon na sagot ni Graciella."Mama, Graciella, maghinay-hina
Namutla sa takot si Thelma sa ginawa ni Drake. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at galit na pinalo ang kamay ng asawa ni Graciella."Baliw na lalaki! Bitawan mo si Carlito!" Singhal niya.Nandidiri at patulak na binitawan ni Drake si Carlito. Mas malamig pa sa yelo ang mga mata niyang nakatitig sa bastos na lalaki.Ilang beses na huminga ng malalim si Carlito para lang mawala ang sakit. Maya-maya pa'y pakiramdam niya nadislocate yata ang braso niya.Sobrang sakit! Tapos napahiya pa siya sa harapan ng madla! Nais niyang gantihan at bugbugin ang asawa ni Graciella pero napakalakas nito. Baka kapag sumugod siya ay baka mapatay pa siya ng lalaki. Kaya imbes na lumaban, pagalit niyang itinulak si Thelma at naglakad paalis.Sandaling natulala si Thelma subalit agad ding nagbalik sa kanyang huwisyo at hinabol si Carlito. "Sandali. Huwag ka munang umalis Carlito. Hindi ba't nangako ka sakin na bibigyan mo ng trabaho si Garett. Tutuparin mo naman yun hindi ba?""Trabaho?" Galit na asik ni Car
Muli na namang natawa si Carlito. "Pinagloloko mo ba kami? Magkano ang bili mo nito sa tiangge? Nasaan ba ang resibo nitong regalo na nabili mo para magkaalaman tayo? Ilabas mo na..."Nakaramdam ng inis si Drake dahil sa nakaririnding boses ng lalaking kaharap niya. Kung nandito lang si Owen, sigurado siyang mahahalata agad ng lalaki na bad mood na siya. At kapag nasa ganung emosyon siya, hindi siya mangingiming parusahan ang sinumang dahilan ng pagkayamot niya. Nang makita ni Carlito na natahimik ang asawa ni Graciella, inaakala niyang nahihiya na ito kaya't hindi niya mapigilan ang sarili na matuwa at dinagdagan pa ang pang-iinsulto niya."Narinig kong isang driver kalang. Well, wala namang masama sa pagiging driver. Paano nalang kaming mga mayayaman kung wala kayo, hindi ba?" Natatawa nitong sambit."But a piece of advice boy, umayos-ayos ka naman at huwag mong pinagloloko ang mga tao dito. Kung wala kang pera, walang masama kung aamin ka. Katunayan, pwede kang lumapit sakin. May
Nauutal si Cherry nang magsalita siya dahil sa matalim na titig ni Drake sa kanya. Pakiramdam niya nanlambot ang tuhod niya sa kaba. Ibinaling ni Drake ang mga mata nito kay Graciella. "Ayos kalang ba?"Marahan namang tumango si Graciella. "Ayos lang ako. Bakit ka nga pala nandito?"Hindi sumagot si Drake bagkus ay nilapitan nito si Gavin na puno ng luha ang mga mata dahil matagumpay na nakuha ang laruan niya mula sa kanya. Malabo ang kanyang mga mata sa kakaiyak kaya hindi niya makitang mabuti kung sino ang tumalungko sa harapan niya."Wala na po akong laruan na iba. Ibinigay ko na sa inyo," basag ang boses nitong sambit.Inilapit ni Drake ang labi nito sa tainga ni Gavin at binulungan ang bata. Maya-maya pa'y kusa na itong tumigil sa pag-iyak at namilog ang mga mata na tumingin kay Drake."Talaga?""Of course," ani Drake at tumayo na bago ginulo ang buhok ni Gavin.Nang makita ni Rex na tumigil na sa pag-iyak si Gavin ay nainis siya kaya't nginisihan niya ito para asarin at mulint